Kabanata 37

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 37

Relationship


Pinakamataas na building sa Altagracia ang building kung nasaan ang salon at spa na pinuntahan ko. I'm trying hard to relax but my mind just keeps on wandering about Alonzo. Ano ang ginagawa niya ngayon? Busy ba siya? For sure, he is.

I was inside the spa for almost three hours for the sauna, massage, and body scrub. Hapon na nang nasa salon ako. Laking gulat ko nang nakita si Ella na nakaupo na sa isa sa mga upuan sa harap ng salamin. What are the chances that we'd see each other here? Kung sa bagay, eto lang yata ang maayos na salon sa buong Altagracia.

"Si Miss Sancha, unahin mo!" utos ng nasa counter sa bading na nasa likod ni Ella.

Nilingon ako ni Ella, may galit sa itsura dahil sa utos. It was unjust, after all. I know our family is famous and rich but that doesn't mean I get a special treatment.

Naupo ako sa waiting area kahit pa lumapit na ang bading sa akin.

"Anong sa'yo, Miss Sancha?"

"Ah, unahin n'yo po muna siya."

"Hair treatment?" tanong nito, inignora ang nauna kong sinabi.

I gritted my teeth and realized I should do the treatment later. Para lang mauna si Ella sa akin.

"Manicure and pedicure lang po muna."

"Oh!" aniya sabay tingin sa isang babaeng ganoon yata ang trabaho.

"Hair treatment, Miss Sancha?"

"Mamaya na po ako magdedesisyon. Unahin ko na lang po ang manicure and pedicure," sabi ko para bumalik na nga siya kay Ella.

"Sige, Miss Sancha."

Mabuti na lang at nauna namang inayusan si Ella. I heard their conversation and I felt bad.

"Akala ko ba hair treatment?"

"Hindi na. Trim na lang at nawalan ako ng gana," aniya.

Hindi na ulit lumipad ang iniisip ko. Hindi na natanggal ang sinabi ni Ella. Inisip ko rin ang nangyari nitong nakaraang weekend. I can't stay near here and say nothing. I feel like words were always at the tip of my tongue. Kaya naman pagkatapos niyang magbasa ng buhok, hindi ko na napigilan. Nagsimula na ang pag-aayos sa kuko ko.

"Ella, I'm sorry about what happened at Almira's birthday party."

Nagulat siya sa pagsasalita ko. Para bang hindi niya inasahan na kakausapin ko pa siya.

"Ba't ka nagso-sorry? Dahil ikaw naman talaga ang may kasalanan pero ako ang nasisi?"

Maagap akong umiling. "No, I had my sweets tested and they're all negative. I-I just feel bad for what happened-"

"Stop it, Sancha. Itigil mo na ang bait-baitan mo."

I stopped and I realized that whatever I'll do, Ella just wouldn't understand anything. Her anger for me seems deep-rooted. Wala kaming ibang alitan kundi ang nangyari kay Alonzo ilang taon na ang nakalipas. Hindi ako sa Altagracia nagkolehiyo kaya bukod doon, wala na kaming ibang puwedeng interaksyon o pag-awayan. Maybe it affected her so much, the way it affected me. Maybe she just would never forgive me for what happened.

"You always act so kind even though I know you have other things and motives in mind. Kaya iniisip ko tuloy kung ano naman ang motibo mo sa pagpunta mo rito at pakikipag-usap sa akin."

"Hindi ko alam na nandito ka. I am just resting after a week of stress for the opening of my business."

"And you think I would believe that? Sancha, you're a scheming bitch and nobody notices that but me."

Napasulyap ako sa nag-aayos sa buhok ni Ella. Napaangat din ng tingin ang nagpe-pedicure sa akin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging usapan, hindi na sana ako nagsalita pa.

"I don't know how you fool people. Siguro dahil mayaman ka at bait baitan kaya lahat naloloko mo, pero ako..."

"Hindi ko alam kung paano mo nasasabi 'yan, Ella. I know I'm not that kind. I have my own negative traits but never did I once try to fool anyone with it. Alam kong galit ka sa akin simula noong nangyari kay Alonzo at kung hindi mo ako mapapatawad sa nangyari, hindi kita masisi dahil ilang taon ko ring sinisi ang sarili ko tungkol doon."

"Buti naman at may konsensiya ka, Sancha. I'm sure Alonzo will eventually notice what I'm talking about. You always play innocent when the truth is you're not. Gaya sa nangyari noon. Kunwari ka pang si Alonzo ang dapat sisihin, e, kitang kita sa video na ikaw ang nag initiate ng halikan! Ang landi mo, si Alonzo ang sumalo sa kalandian mo. At ngayon, nilalandi mo na naman siya dahil gusto mo siya!"

Kitang-kita ko ang gulat sa itsura noong bading. Ginugupitan niya na si Ella at napatigil siya para lang sumulyap sa akin. Tumikhim ang nasa counter na para bang pinipigilan kami na mag-away. I want it to stop, too, but I think opportunities like these don't always come.

"Nasisiguro kong kita rin ni Tita Laura at Tito David iyon! Nakakahiya ka, Sancha."

"Yes, initiated that kiss. I explained myself so many times with the counselor and the school but it's done. Alonzo was gone. I tried hard to take the blame but maybe it's all too late. Malandi na ako, gaya ng sinasabi mo. At sige, scheming bitch at bait-baitan, Ella. I do hope Alonzo notices that, I'll tell him, or maybe you tell him your side of it or whatever your opinion of me. Para maaga pa lang kami sa relasyon namin, iwan niya na ako at hindi na kami mahirapan pa."

Namilog ang mga mata ni Ella at biglaang napatayo. Tinanggal niya ang nakatapis sa kanyang leeg at ibinagsak.

"Kayo na?"

Hindi ako nagsalita. She laughed a bit and shook her head.

"Kita mo na? Ang bilis mo rin, 'no? Kaya ang tapang mong humamon sa akin?"

She walked out of the salon. Tahimik ang mga tao roon buong pagpapaayos at treatment ko. I saw Alonzo's text for me earlier that day. May minor procedure daw siyang gagawin at magtext lang ako kung nasaan ako at kung matagalan siya susunduin niya na lang ako sa cafe.

Almira:

Nandito si Ella, hinahanap si Alonzo. Anong mayroon?

Paulit-ulit kong binura ang mga tinipa ko. Hindi malaman ano ang sasabihin kay Almira tungkol diyan. I might have been too carried away by our argument. Dapat ba hindi ko na sinabi iyon. Pakiramdam kasi ni Ella, nanloloko ako sa lahat. Kung iyon ang tingin niya, hindi ko siya pipigilan na ilantad ako kung gusto niya.

Ako:

May kaunting hindi pagkakaunawaan lang. Baka mag-uusap lang sila ni Alonzo.

Almira:

Huh? Bakit? At hinayaan mo? May ginagawa pa si Alonzo.

Ako:

Ayos lang naman, Almira.

Nasa kalahati na ako ng hair treatment ko. Sinulyapan ko ang cellphone para sa mensahe ni Almira. Kalalapit naman ng hairstylist para mang usisa.

Almira:

Anong ayos lang? Ayos lang si Alonzo at si Ella?

"Siguro inggit lang 'yon sa'yo, Miss Sancha. At totoo naman na sa kanya galing 'yong food poison, e," sa wakas ay nagsalita simula ng umalis si Ella.

Bahagya akong nahiya na narinig pa nila ang alitan namin ni Ella. Umiling ako.

"Hindi naman 'yon napatunayan. At... may punto naman ang dahilan ng galit niya sa akin."

Natahimik ang hairstylist, medyo nahiya dahil sa sinabi ko. He changed the topic and we talked until the end of my treatment.

Patapos na ako sa treatment ko nang nakita ang iilang message galing kay Almira at may mga tawag pa. Palapit ako sa sasakyan ko nang nabasa ang mga mensahe ni Almira.

Almira:

May LQ kayo ni Alonzo?

Almira:

Pupunta pa naman kayo mamaya, hindi ba? Sa bahay?

Almira:

Reply ka naman diyan! Hindi ako makapagtanong kay Lonzo kasi hindi pa siya tapos! Baka mamaya dahil sa bruhang si Ella nag-aaway na kayo???

Almira:

Puntahan kita sa cafe mo.

Ako:

Papunta pa lang ako sa cafe. Sorry sa late na reply.

Nagmadali ako papuntang cafe. Iniisip ko ang mga mensahe ni Almira. She's worried about us. There's just nothing to worry about.

Nakita ko siyang lumabas sa cafe. Kasama niya si Axel, na nanatili sa loob. Naka uniform pa si Almira, except sa blusa. Pagkalabas ko sa sasakyan, agad niya akong sinalubong. She looked worried.

"Anong problema n'yo ni Lonzo?" her first words.

Napakurap-kurap ako bago umiling. "Wala naman, Almira."

"Bakit sinabi mong okay lang na nandoon si Ella? Pinagkakanulo mo na si Ella sa kaibigan ko? Ito talagang si Lonzo, napakabagal! Kailangan pa ng tulong ko! Nag-aalala ako na baka hindi mo maintindihan ang kabagalan no'n!" she said worriedly.

Tumikhim ako at sinarado muna ang sasakyan bago muling hinarap si Almira.

"Anong pinag-awayan n'yo ng bruhang 'yon? Anong mga sinabi sa'yo?"

"Ah, tungkol lang sa nangyari nitong nakaraan. At iyong... sa eskandalo rin noon. Kakausapin daw niya si Alonzo dahil..." I'm not sure if I should tell her, though. I don't remember trusting anyone for a long time.

Nag-angat ako ng tingin kay Almira. Halatang naghihintay siya sa sasabihin ko. Napansin niya rin ang pagpipigil ko. Nagbuntong-hininga siya at humalukipkip.

"Alam mo, Sancha, ayaw kong manghimasok sa inyo ni Alonzo. Pero ilang taon na rin ang lumipas at sa lahat ng tao rito sa Altagracia, ako na siguro ang nakakaalam sa nararamdaman niya para sa'yo."

Kinagat ko ang labi ko, hindi pa rin makapagdesisyon kung sasabihin ko ba kay Almira ang buong nangyari.

"Look, I'm one of his oldest friends. I liked him when we were in highschool, I admit it. He's one of my few crushes."

Namilog ang mga mata ko. She smiled.

"Why are you shocked? He's handsome and a gentleman. Ang problema, mabilis mambasted. Ilang confession na rin ang nasaksihan ko na agaran niyang tinatanggihan."

She sighed again and continued.

"Senior high nang nalaman ko na gusto ka niya. At noong nagcollege, pabiro ko 'yang sinabihan na gusto ko siya pero biniro lang ako pabalik. Alam mo kung anong sinabi niya sa akin?"

Umiling ako, hindi malaman kung bakit nangingiti.

"Magkaibigan lang tayo, Almira. Alam mo naman na si Sancha ang gusto ko," she echoed. "We told him many times how he's not compatible with you because you're rich, and he's not!"

"H-Hindi naman problema 'yon."

Almira chuckled. "He said... crush ka lang naman daw at bata ka pa kaya marami pa siyang panahon para patunayan ang sarili... and that in time, he will deserve you."

Umawang ang labi ko at yumuko. Bahagyang naantig sa kuwento ni Almira tungkol kay Alonzo.

"Everyone probably thought he doesn't mean it but I know Lonzo. I was the only one who noticed how serious he is... with this. Even when he'd always say... 'crush lang naman'." Umiling siya. "Gusto ko lang sabihin sa'yo 'to ngayon kasi nakikita kong ang bagal niya. And with Ella around, I don't know what will run on your mind."

Hindi ko alam kung kailan naalis ang nakadagang pagdududa sa aking puso para sa kanya o para sa ibang tao pero nang inangat ko ang tingin ko sa kanya, naramdaman ko na handa na ako... na magtiwala ulit.

"Gusto lang naman kausapin ni Ella si Lonzo kasi... tingin niya minamanipula ko ang sitwasyon at... niloloko ko si Alonzo at ang mga tao sa paligid ko. And... she has every reason to think ill of me because I left a bad impression on her years ago. When Alonzo took all the blame when the truth is... I initiated that kiss."

Ngumuso si Almira, nakikinig ng mabuti sa akin.

"I initiated the confession because I like him. And the kiss, too. He's just too polite to push me away."

"Okay, let me get this straight. You're right. You were at fault, too, for that but you were young. Steffi was too blame for the video and for framing you up, and Alonzo for... well... not pushing you away. Ano man ang sabihin ni Ella ngayon, wala na 'yon. Ang tagal na no'n! Alam ni Alonzo ang nangyari at hindi ka niya sinisi kaya bakit si Ella, na wala naman dapat bilang, nagkakaroon ng karapatang masisi ka? My goodness, I'll step up my game if you reject my best friend just because of that stupid irrelevant girl!"

"Uh... k-kami na ni Alonzo."

Natigilan si Almira. Unti-unting namilog ang mga mata niya at lumipad ang kamay sa labi. She laughed a bit bago siya sumimangot.

"Wait. Hindi mo naman siya hihiwalayan dahil kay Ella."

"B-Bakit? Gusto niya ba si Ella?" I asked a bit curious.

"No! Of course not! Did you hear my story about him?" umirap siya. "Seryoso ka? Tuloy kayo mamaya, ah?"

"Oo naman. Dito na kami magkikita ni Alonzo bago tumulak sa inyo."

Pagkatapos kong sabihin iyon, nakita ko ang sasakyan ni Alonzo na lumiko patungo sa station. Tumawa ulit si Almira.

"My goodness, natakot ako roon, ah! Nagpunta pa talaga ako rito para ilakad 'tong kaibigan ko! Akala ko nagbabagal! Iyon naman pala may sariling diskarte! Buti na lang! Pero walang kuwenta pala ang mga sinabi ko!" ani Almira habang tinatanaw ang sasakyan ni Alonzo na nagpa-parking.

Hinawakan ko ang kamay ni Almira. She's right, though. There's just no need to panic. I told Ella she can go and talk to Alonzo. Hindi ko rin naman alam ano ang magiging reaksiyon ni Alonzo pero hindi magbabago ang nararamdaman ko dahil lang doon.

"Hindi walang kuwenta, Almira." I said, taking all her words today as the reason why... I trusted someone again. "Thank you... sa pagpunta at pagsasabi sa akin."

She smiled. "You're welcome. This is for him. And maybe for you... because you... love him."

Lumabas si Alonzo, seryoso ang mga mata habang lumalapit sa amin ni Almira. Bagong ligo at iba na ulit ang damit.

"Ayan na ang boyfriend mo! Anong sinabi noong Ella na 'yon sa'yo? Baka nanira 'yon kay Sancha, ah! At naniwala ka naman?!" si Almira na ngayon si Alonzo naman yata ang kukulitin.

"Almira..." kunot-noong baling ni Alonzo.

She laughed and looked at me. "Alis na kami para makapaghanda sa bahay! Doon na kayo mag dinner, ah! Nag expect na kami!"

Walang pag-aalinlangan siyang umalis. Bago 'yon tinampal niya muna ang braso ni Alonzo.

"Umayos ka. Ang laki ng pusta ko sa'yo. Uuwi na si Levi, hindi puwedeng manalo si Axel!" ani Almira. "Bye, Sancha! See you later!"

Napatingin kami ni Alonzo kay Almira na sinalubong ni Axel sa labas ng cafe. Kumakaway ito habang papasok sa sasakyan nila. Sumisigaw-sigaw pa nang paalis na ang sasakyan.

"Ayusin mo, Doc!"

Umiling si Alonzo bago bumaling sa akin. I cleared my throat.

"Uh, pumasok muna tayo sa cafe. Ihahanda ko lang 'yong mga dadalhin mamaya. Katatapos ko lang kasi sa spa at..."

"Sorry, I'm late. May tinapos lang akong procedure. At... nandoon si Ella pagkalabas ko. May problema ba?"

Umiling ako. "Nagkita kami sa salon at medyo nagkasagutan lang."

Tumango siya, halatang kuryoso sa sasabihin ko. "Inaway ka niya?"

"Inaway..." I chuckled a bit because that term feels strange. "Hindi naman. Hindi lang kami nagkakaintindihan tungkol sa nangyari sa nakaraan at... marami siyang iniisip na masama tungkol sa akin."

"You sent her to my office to talk to me about it?"

Kinagat ko ang labi ko. "Oo. Ayos lang naman, e. Baka rin naman tama siya sa iniisip niya."

"Tama siyang... ano? Na minamanipula mo ako at nagkukunwari kang mabait?" ang iritasyon sa boses ni Alonzo nang sinabi niya iyon ay nagpatahimik sa akin.

Hindi na ako nagsalita. He shifted his weight.

"I don't like it when anyone talks stupid things about you, Sancha. Why did you send her to my office? I hope you didn't think I'd believe her."

Naghanap ako ng sasabihin pero talagang wala akong maisip.

"Pinaalis ko kanina sa galit ko. Please, don't tell me you think I'd believe her."

"Ayos lang 'yon. Hindi naman kasi talaga lahat ng tao magugustuhan ang kilos ko. Kung tingin niya ganoon ako... at iisipin mong ganoon... wala akong magagawa."

"I'd never think-"

"Well, I just think it's okay if you hear her side. She's right... anyway... when she said... I'm a flirt... I initiated our kiss years ago because of it... and now-"

"That's not true!"

Nag-angat ako ng tingin kay Alonzo. "Ako naman talaga ang humalik sa'yo no'n. At... ayos lang kasi aminado naman ako. I flirted with you because I like you."

Natahimik si Alonzo.

"Sabi niya... malandi raw ako. Totoo naman din-"

"That's enough! I don't want to hear it. It doesn't matter to me. You're my girlfriend now. Who cares if you flirt with me?" he said as he closed the small distance between us.

"Ang i-ibig kong sabihin... noon... bago naging tayo."

"Wala rin akong pakialam. It's normal. You like me so..." his last words were spoken softly.

I licked my lower lip and felt a fluttering feeling on my stomach. Matinding init din ang naramdaman ko sa aking pisngi.

"Ano ngayon? Nobody has the right to question what we do in our relationship. This is ours. Kaya tayong dalawa lang, Sancha."

Unti-unti akong tumango.

"Don't worry. I told Ella to leave us alone."

My mouth dropped open and looked at Alonzo. Seryosong seryoso siyang nakadungaw sa akin, halatang medyo pangit ang huling parte ng hapon niya. Badtrip.

"Hindi naman kailangan, Alonzo."

Kumunot lalo ang noo niya, dinadagdagan ko pa yata ang sama ng timpla niya.

"I mean..." I closed my eyes a bit. "Tara na muna sa cafe. Mag gagabi na, hindi ko pa naaayos ang pasalubong ko sa Mommy ni Almira."

Matagal bago siya tumango.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#jonaxx