Kabanata 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 22

Not Allowed

The wedding was pretty amazing. Napakagandang tanawin ang binigay ng papalubog na araw at kalmadong dagat. It was magical! I'm so happy for Brandon and Avon. Nakakapag-init ng puso na makitang may mga pangarap pala talagang nagkakatotoo. Something in that day made me want to paint again. Gusto kong ipinta ang alon ng dagat, ang kahel na mga langit, at ang sayang naramdaman ko para sa kay Brandon at Avon.

Sa shore ang kainan. Bumaba kami sa cliff, para maupo sa mga nakahandang bilugang mesa para sa mga guests. May maliit na programme na naganap. Nagkaroon ng tsansang magsalita si Madame Diana Rockwell sa harap para sabihin kung gaano siya kasaya sa nangyayari sa dalawa.

Avon's Mom and Dad also made their speeches. Napaiyak pa nga si Guillermo Pascual, isang sikat na abogado. Hindi siya makapaniwalang kinasal na nga ang kanyang anak.

After the speeches was the usual rituals of a wedding. Nagsimula na ring ilagay sa aming mga mesa ang mga pagkain. Nasa tabi ko si Logan. Sa harap namin ay si Sunny, Rage, Mia, at Kid.

Naka akbay si Logan sa akin habang natatawa sa dalawang nasa harap. Pagkatapos ng lahat ng ritwal ay pormal nang sinimulan ang kainan. May ilang guest din na nagsasayawan na sa dancefloor na ginawa doon.

Umiinom na ako ng wine nang nakitang nagsayaw na rin si Kid at Mia sa harap. Sa aking likod ay ramdam ko na ang kamay ni Logan. Paikot-ikot ang haplos ng kanyang daliri sa aking likod. It sent shivers down my spine. Ayaw ko man ay binibigay niya na naman sa akin ang pamilyar na pakiramdam na iyon.

Bumaling ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at ngumiti.

"Wanna dance?"

Tumango ako at ngumiti pabalik.

Hinila niya ako patungo sa dancefloor. Naroon ang ibang mga pares, mapabata man o matanda, nag eenjoy sa sayawan. Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang batok. Ang kanyang mga kamay naman ay nasa aking baywang.

"This is very different," sabay ngiti ko.

Sumilay din ang ngiti sa kanyang labi.

"We always dance in a bar. Iba ang music doon. Loud and wild..." sabi ko.

Ang musikang sinasayawan namin ay malumanay at galing sa gitara. Malumanay din ang tinig ng kumakanta.

Inikot niya ako. Sumunod ako sa galaw ng kanyang kamay at mabilis na hinawakan ulit ang aking baywang.

"Do you like this dance better, then?" he asked.

Tumango ako. Inikot niyang muli ako at sinalo muli sa baywang. Tumawa ako sa ginawa niya. Then he kissed me once on my cheek. Uminit ang aking pisngi sa ginawa niya.

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Inubos yata namin lahat ng slow dance. 'Tsaka lang kami nagdesisyon na bumalik sa upuan nang unti unti nang naging rock ang tunog. Nakangiti sina Sunny at Rage sa amin pagkaupo.

Enjoy ang kabuuan ng wedding. Entertained si Logan dahil nag-usap silang dalawa ni Rage sa business. Naisip ko tuloy iyong tungkol sa negosyo ng kanyang ama. Talaga bang pababagsakin niya iyon?

Dalawang araw akong nag absent sa trabaho. Kung hindi siguro dahil sa trabaho ni Logan ay hindi na muna kami umuwi. Jade and Tessa were already worried. Akala pa nga nila, kami ni Logan ang sekretong nagpakasal.

"We aren't in love like what you two are thinking..." sabay iling ko.

Nanliit ang mga mata ni Tessa sa akin. Sa tingin ko ay hinuhusgahan niya na ako sa aking mga sagot at kilos.

"Portia, you look so freaking blooming. Unusual na mapupula ang pisngi mo at mas maganda ang bawat tikwas ng buhok mo simula nang nakilala mo si Logan. At mas lalo na ngayon. When a woman is inspired, she usually gives off that kind of feel."

Ngumiwi ako. "I have a new cheek tint. Mas madalas din ako sa salon, kaya don't fret."

"Anyway Tessa, bakit ka mangangamba? The way I look at it, Logan's unusually sweet for a fuck buddy too." Tumawa si Jade.

Patuloy nilang kinikwestyun ang tunay na estado namin ni Logan. Sa aking utak at sigurado akong maging kay Logan, nasa loob parin kami ng aming arrangement. Nothing more.

"What if he's just like that to every fuck buddy he ever had? Edi kawawa si Portia!" iritadong sambit ni Tessa.

Hinayaan ko silang mag-usap tungkol doon. Wala rin itong patutunguhan. In the end, Tessa insisted to track down Logan's past affairs. Marami siyang galamay na pinagtanungan. She's obsessing about it. Si Jade naman ay iniilingan lamang ang aming kaibigan.

Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho. Jade's abnormally energatic for work. Hinayaan ko na lang iyon, at least mas productive siya.

"We actually have a college friend na nagkaroon ng short affair with Logan..." ani Tessa nang dumaan siya sa aking mesa.

I don't want to shut her off so I listened.

"Sino?" tanong ko.

"Si Toni Abrenica. Pero ang sinabi niya..." humilig si Tessa sa aking mesa at tiningnan ang kanyang cellphone. "It's just a night. Hindi na siya kinontak ulit ni Logan after that. Iyong bestfriend din niya na si Zafiyah, isang gabi lang daw. According to them, ganoon daw si Logan. He's known for being like that."

Tumango ako. Kumalabog ang puso ko. Alam kong may kaonting init akong nararamdaman doon. Init na dapat ay kalimutan ko na lang. "What do you want me to think, Tessa? Na seryoso si Logan sa akin? That's so hard."

"I'm not saying na seryoso siya sa'yo. I'm just saying na iyon ang mga narinig ko galing sa mga kilala natin so far. We'll see if I can get more opinion."

Bago ko pa siya mapigilan ay iniwan niya na ako sa aking mesa. Hinilot ko ang aking sentido. I should stop overthinking! My friends should stop too. Ngunit alam kong hindi ko mapipigilan si Tessa, concerned lamang siya sa akin.

Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni mommy. Mabilis ko itong sinagot. Kagabi ay tinext ko na sila ni daddy na nasa Manila na ulit ako. Hindi nagreply si daddy at ngayon ay tumatawag na si mommy. Siguro ay tulog na sila nang nagtext ako kagabi!

"Portia..." ani mommy.

"Mommy... You called!" sabi ko.

"Yes, darling. Nasa Manila ka na, hindi ba?" tanong niya.

"Yup... I'm at work."

"Okay. Actually, Katelyn's so glad na maraming bumili sa kanyang works. Kaya nagpapasalamat ako ng marami sa iyo."

"No problem, mom..." humina ang boses ko sa narinig. I don't know why I'm expecting to hear something else.

"By the way, naalala mo ba iyong unang painting na nabili sa'yo?"

I recalled that huge painting of the orange sky. Papalubog ang araw sa painting na iyon at may tatlong puno ng niyog. Sa likod ng puno ng niyog ay isang napakalaking moon. Fifteen ako nang pininta ko iyon at nabili din kaagad iyon. Simula nang nag college ako, gusto ko ulit makuha ulit iyon. Bibilhin ko sana ngunit masyado iyong mahal. Pag-aari na iyon ng isang pamilya ng dating presidente ng Pilipinas. I wonder if mom will buy it for me for my birthday? Alam niyang gustong gusto ko ang painting na iyon!

"Yup! Bakit, mom?" tanong ko.

"Ano nga ulit ang itsura noon?"

A part of me was disappointed that she forgot about it, ngunit may parte paring excited dahil nagtatanong siya tungkol doon!

"It's... the sunset at may malaking moon." I sounded so hopeful.

"What's the name of that painting again?"

"Satellite."

Awkward na tumawa si mommy... "Eh kasi, darling... Since we can't locate that painting anymore-"

"Nasa pamilya po ng mga-"

"Katelyn's painting something like that. Is it okay if we name it Satellite too? Gusto niya kasi iyon. May concept siyang naiisip na ganoon and the only thing that's keeping her from painting it is your painting. Since hindi ka naman rin nagpipinta na, siguro naman ay ayos lang sa iyo."

Hindi ako makapagsalita sa narinig ko. Nakaawang ang bibig ko at gustong gustong tumulo ng mga luha ko. Hindi kapani paniwala ang biglaang pagbabago ng mood ko sa ilang minuto lamang. Kanina ay masaya at excited ako, ngayon ay para akong binagsakan ng maraming bato.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Porsh? Are you there? Are you busy?" tanong ni mommy.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"You're busy? I can call later if you want."

Tumikhim ako at pumikit ng mariin. Inisip kong kung ano iyong painting ko, akin parin naman iyon. Whoever will steal the concept or the name of it, hindi parin niya nakokopya ang pakiramdam ko noong ginawa ko iyon. That's the thing about artists, you can't really completely call yourself original. "Can I see the painting?"

Narinig ko ang pagkakagulat ni mommy sa tanong ko. "Uh... It's not yet done but, of course, darling! We'll let you see it!"

Binaba kaagad ni mommy ang tawag. Pinasadahan ko ang aking buhok ng aking mga daliri.

Ang kagustuhan kong magpinta ulit ay mas lalong lumakas. I want to paint again. I want to give my feelings a chance again... to be heard by the canvas, or the paints, or the colors.

"Are you done?" Isang malamig na tinig ang narinig ko sa likod.

Napatalon ako sa gulat. Nilingon ko kaagad ang pamilyar na lalaki sa aking likod. Madilim ang ekspresyon ni Clyde sa aking likod. May kaonting gusot sa kanyang puting longsleeve. Medyo magulo din ang kanyang buhok. Nagulat ako sa pagbisita niya sa aking trabaho.

Halos mapamura pa nga ako! Hindi ko dinala ang aking sasakyan dahil sinundo ako ni Logan kanina sa condo. Malapit lang kasi ang condo ko sa kanya. Parehong nasa BGC lang kami. And he told me that he's going to cook for me later sa condo ko! Susunduin niya ako ngayon pag-uwi!

"C-Clyde! You're here?" sabi ko.

"Yes, I'm here. Narito din ako noong Lunes at kahapon. Wala ka dito? Ang sabi ng daddy mo ay nasa Cebu ka raw." Umikot siya para maharap ako.

Unti unti akong nagligpit ng gamit. I want to text Logan right away. Mamaya ay umakyat pa iyon dito at magpang abot pa sila ni Clyde.

"Bakit ka naman nandito kahapon? Anong hangin ang nagdala sa iyo dito?"

Mas lalong nagdilim ang ekspresyon ni Clyde. "I'm here to check on you sana."

"Kahapon ng gabi lang ako nakarating galing Cebu-"

"Sino ang kinasal sa Cebu at bakit ilang araw kang nawala? Four days, Portia? For a wedding? That wedding must've been grand!"

Tumikhim ako. "Yes, it is grand. Sinamantala ko na lang ang panahong iyon para magbakasyon. It's the wedding day of Avon at Brandon."

"Brandon Rockwell? Bakit naman kayo magkaibigan?"

Crap! Nangapa ako ng kasagutan. Nag-iwas ako ng tingin kay Clyde. Pakiramdam ko ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa akin.

"Kilala ko si Avon. Si Brandon naman ay pinsan ni Mr. del Fierro. Kilala ko si Madame Diana Rockwell. I designed the interior sa isang project nila."

Tumango si Clyde. Mukha namang tinanggap niya ang aking paliwanag. Kumunot ang noo ko. "Why are you asking? I'm busy, Clyde."

"Patapos ka na hindi ba? 'Tsaka, bakit wala na naman ang sasakyan mo sa usual parking nito? You didn't bring your car again, huh?"

Umirap ako. "Sasabay ako kay Tessa at Lloyd. Mag di-dinner sana kami." Kailan pa ako naging major in lies?

Narinig kong tumunog ang aking cellphone. That was Logan, for sure!

"And why are you here again? Do you have a fling na ka officemate ko?" Luminga linga ako.

Sumimangot siya at nagtaas ng kilay sa akin. "Stop doing that. If you're done then we can have dinner. Ako na rin mismo ang maghahatid sa'yo..." ani Clyde.

"Wow! I told you I have dinner with Tessa and Lloyd. Pwede ba? Kung gusto mong makipagdinner sa akin, at least give me a beep. Hindi iyong bigla ka na lang susulpot?"

"Bakit? Anong problema sa biglaang pagsulpot? Unless you're hiding something, Porsh."

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "My schedule will be ruined, Clyde. Kaya pwedeng umuwi ka na ngayon and just stay away from me..."

Kumalabog ang mesa ko nang hinampas niya iyon gamit ang kanyang palad. Napatingin sa amin halos lahat ng kasama ko. Namataan ko pa ngang napatayo si Tessa dahil doon.

"I have a tiny hint, Porsh. I know what you are hiding. Konting ebidensya na lang. And I do hope I'm really wrong about this..."

Uminit ang pisngi ko. Gusto ko siyang sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want my colleagues to see my sudden outburst! "And when you're right, huh, Clyde? You have no right to tell me that! Ilang beses kitang nahuling nangaliwa noon at dininig mo ba ang aking reklamo, hindi ba hindi?"

Nanliit ang mata niya. "If you wanna play, Portia, sana ay ikaw iyong naglalaro, hindi iyong ikaw ang ginagawang laruan."

"What do you mean by that?" mariin kong sambit.

"Excuse me, Ms. Ignacio..." anang lalaking sekretarya ni Mr. del Fierro.

"Yes?" bumaling ako sa sekretarya. Matigas parin ang boses ko dahil sa nangyari sa aming sagutan ni Clyde.

"Pinapatawag ka ni Mr. del Fierro. Urgent project daw. Nasa 40th floor siya, naghihintay kasama ang mga ka meeting."

Bumaling ako kay Clyde. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako ka busy. If I leave now, kahit magtanong pa siya kay Tessa at Jade, paniguradong pagtatakpan ako ng dalawa. So I'm confident... At mabuking niya man ako, wala na rin siya doon. Sino siya para diktahan ako?

"Go home, Clyde. O di kaya ay tulungan mo si tito sa trabaho. Hindi iyong nagsusuot ka kung saan. Maybe to find another girl to hook up with. I'm busy, can't you see. Now, if you don't mind..." sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Nahuli niya ang aking braso. Hinigit niya ako at napaharap ako sa kanya.

"When I told you I want to fix us, I was serious, Portia. I mean it!"

Nagkatitigan kaming dalawa. I have never seen him so desperate. Ngunit hindi ako nagpatalo. "So I should be happy? Finally, Clyde's faithful with me? Too late, Clyde! Nagising na ako sa pagpapakatanga!" angil ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking braso. Nasasaktan na ako!

"Are you falling for the man you're playing with, Portia?" mariin niyang tanong.

Nanlaki ang mata ko. Bakit ko siya sasagutin? Sino siya para sagutin ko? "Bitiwan mo ako, Clyde!" may pagbabanta sa aking boses.

"Portia, ginagamit ka lang niya. If I'm right about this," umiling siya. "you're going to be-"

"Ang sabi ko, bitiwan mo ako!" I spat.

Pumikit siya ng marahan at unti unti akong pinakawalan. Mabilis pa ang pintig ng puso ko nang nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko mahabol ang hininga ko kahit noong nasa elevator na ako.

Alam na ba ni Clyde ang lahat? Ginagamit? Ginagamit ako ni Logan sa kanyang pagnanasa. We're two consenting adults here. I did agree with him on this. Bakit ako magpapaapekto sa mga sinasabi ni Clyde? Ganito rin naman ang gawain niya. Kahit noong mahal na mahal ko pa siya! And now he's telling me that we should fix our relationship? For what? I'm done with him.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit ng mariin. I know Logan's not serious with me either. Lahat ng tao sa aking paligid ay gusto lamang ako dahil may kailangan sila sa akin.

Tumunog ang lift hudyat na nasa tamang floor na ako. Ni hindi ko naisip kung bakit ako pinatawag ni Rage.

Pagkalabas ko sa lift ay nakita ko kaagad ang kanyang opisina. Sa mesa ay si Rage na nakapangalumbaba at sa harap ay si Logan na nakatingin na sa akin.

Halos hindi ako makahinga. Pinatawag ako ni Rage o ni Logan?

Pumasok ako sa loob ng opisina ni Rage. Sinalubong ako ni Logan. Mabilis ang lakad niya patungo sa akin at inangat niya ako para mahalikan agad ng malalim. Mabilis ang takbo ng aking puso at pinalupot ko ang aking braso sa kanyang batok.

"P-Pinatawag mo ako?" tanong ko nang tumigil siya sa halik.

Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "Uh-huh... You're not allowed to be with your ex... No..." Marahan niyang sinabi.

Para akong unti unting nahihilo at natutunaw sa kanyang boses at sa kanyang sinabi. Dammit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro