Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 25

Kill Them

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Ayaw kong maniwala. Why would Logan do that? He hated my father? He hated Clyde? If he wanted revenge, why did he offer me the arrangement? Why not a real relationship?

Maraming mga tanong ang nasa aking utak. And I am determined to look for their answers.

Bago kami nagkita sa isang restaurant ay nangalap ako ng mga impormasyon sa internet with the help of Tessa and Jade.

"Logan is the youngest among the del Fierro cousins. He's twenty three when the ambush happened. He's 26 right now. Alam mo na kung ano ang business niya."

"Wala ba siyang ibang affiliates aside from the del Fierros and the Trion?" tanong ko.

I should've done this a long time ago...

"That's all. His father is a retired General so probably the government? AFP, Porsh? You think may kinalaman ang AFP dito? I mean the ambush three years ago?" ani Tessa.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang mga sagot sa katanungan ni Tessa. Ayaw ko ring tanungin si Logan tungkol dito. I don't want him to find out na alam ko na ang mga nangyayari. I want to end this one his way.

"Good evening..." his gorgeous smile made me forget my ideas for a moment.

Hinalikan niya ako sa aking pisngi. Pinili kong sa isang restaurant kami magkita imbes na sa mga condo namin. May isang paper bag siyang dala at nilagay niya sa ibabaw ng mesa.

"Kanina ka pa?" Tiningnan niya ang kanyang relo.

Umiling ako kahit na totoong kanina pa ako. He's not late. In fact, he's five minutes early. Iyon nga lang, mas maaga akong dumating doon ng labing limang minuto.

"Shall we order?" tanong niya, naka kunot na ang noo.

Tumango ako at tinanggap ang menu galing sa waiter.

Alam kong nakatitig parin siya sa akin. Kumakalabog ang puso ko sa kanyang titig pero nanatili akong nakatingin sa menu.

"I'll have White Truffle Risotto," sabay bigay ko ulit ng menu sa waiter.

Nang binalingan ko si Logan ay nakatingin na siya sa akin. Sinabi niya sa waiter ang karagdagang order bago binalik ang titig sa akin. Nang umalis na ang waiter para sa order namin ay buong atensyon niya na ang nasa akin.

"Are you okay?" tanong niya.

Ngumiti ako. "I'm fine... How's your trip?" Nag iwas ako ng tingin.

"Well, it's fine. Abala ako sa upcoming project. We'll build three towers of condominium around Taguig. Pinagpaplanuhan pa lang but this project is going to be big. How about you? You went to Valkyrie last night? You didn't reply after my last text."

"Yup. Umuwi rin ako at natulog. I got tired so..." Hindi parin ako makatingin ng diretso.

"Are you okay, Portia? Did something happen while I'm away na hindi mo sinabi sa akin?" marahan ang boses niya, humahaplos sa bawat sulok ng aking puso.

I hated that I trusted him. Pero mas galit ako sa sarili ko kasi alam ko kung ano ang gusto niya sa akin ngunit nagawa ko paring magtiwala.

"I'm just hungry..." sabi ko. "Walang ibang nangyari. Just the usual..."

"Okay... We'll eat when the food is served. I missed you..." aniya sa mas malambing na boses.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "I missed you too." Dammit!

Ngumiti siya. His smile is genuine. Magaling siyang umarte.

"Your birthday's next week? What's your plan?" tanong niya.

"The usual..."

"The usual? What do you usually do on your birthday?"

"Hmm... Bar with Tessa and Jade with some of our friends? Iyon lang."

"Family dinner, no?" Nagtaas siya ng kilay.

Napatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko, lahat ng tanong niya tungkol sa aking pamilya ay kaduda duda. "No. I don't do that."

Although I want a dinner with my dad and mom alam ko namang hindi nila ako pauunlakan sa gusto ko.

Humugot ng malalim na hininga si Logan. Napatingin ako sa kanya. I am not sure of his expression. Madilim ang kanyang mga mata.

"Can I go with you on your birthday?" tanong niya. "Susunod ako..."

Sasagot na sana ako ngunit dumating ang pagkain. Nilapag ng waiter ang pagkain sa aming harapan. Nakatingin pa si Logan sa akin para sa sagot ko ngunit hindi ko siya pinagbigyan.

"Let's eat?" sabi ko.

Tumango siya at tumingin sa pagkain.

Kumain kaming dalawa sa mga nakahanda. Tahimik habang kumakain. Hindi ako sanay. We usually have a topic everytime. Alam kong ramdam niya rin iyon dahil napapansin ko ang madalas na pagsulyap niya sa akin.

Nagpunas ako ng labi nang natapos ako sa pagkain. Ganoon din ang ginawa niya.

"Are you okay?" tanong niya sa akin.

"Yup." I lied again.

"Portia, you're not okay."

Naiinis ako dahil alam niya talaga kung kailan ako maayos at hindi. Naiinis ako dahil kilala niya na ako. Naiinis ako dahil sa maiksing panahon na nagkasama kami, pakiramdam ko ay alam niya na ang mga galaw ko kumpara sa mga magulang kong ilang taon ko nang kasama pero kahit kaonting detalye sa akin ay hindi alam. I bet they don't even remember my fucking birthday!

"Logan, I want out of this arrangement."

Hindi siya agad nagsalita. Sumimsim siya sa kanyang wine at pagkalapag nito ay 'tsaka lamang siya tumingin sa akin.

"For what reason?" kalmado niyang sinabi.

Kinabahan ako. No. Sumasakit ang aking puso. Para itong dinudurog at hindi ko maintindihan kung bakit.

"I am tired of it," pormal kong sinabi.

"You are tired of it? We didn't meet for four days and now you're tired?" Dinig ko ang magkahalong sakit at gulat sa kanyang boses.

"Hindi ba pwedeng ganoon? Hindi ba sa simula ng arrangement na ito, malinaw na nagkasundo tayo na kapag ayaw na ay kakalas na tayo?"

"I want a better excuse from you. Why do you want to be out of this arrangement, Portia?"

Nagtiim bagang ako. "Why are you asking a personal question anyway? Kung sinabi kong ayaw ko na, ayaw ko na! Isn't that the rule in each hook up? Kung ayaw ng isa, huwag nang ipilit. Besides, you can choose other girls, why me?"

Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"We both decide on this. Ayaw ko! Ayaw ko kaya hindi tayo kakalas dito!" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Aren't you tired of me, Logan? Ilang buwan na tayong nasa arrangement na ito ah? You are known for being a man who don't recycle woman! You should be tired of me now! Pero bakit hindi ka pa tapos hanggang ngayon?" Tumaas na rin ang tono ng boses ko.

"Portia, please don't drag my past here..." marahan niyang sinabi.

Naiinis ako dahil kayang kaya niyang haplusin ang aking puso sa pamamagitan lamang ng kanyang boses.

"Drag your past? I am not! I'm just stating a fact! Anyway, please respect my decision Logan. Ayaw ko na. I want out. Let me go..." mahinahon kong sinabi.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang aking kalamnan. Gusto kong umiyak. Ramdam na ramdam ko ang unti unting pagkakadurog ng aking puso. Fuck! Am I falling for him? No! No! No, Portia!

"I guess you're right... We should end this arrangement," ani Logan sa kalmadong boses.

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko mahihirapan akong makawala. Matalim ang tingin niya sa akin nang sabihin iyon.

"We should stop this," aniya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makahinga. Nanatiling normal ang aking ekspresyon. I will never let him see what I'm feeling.

"We should stop this arrangement, this stupid hook up, Portia..." Pumungay ang mga mata niya. "Let's not kid ourselves. You and I both know what we really are. Sa simula pa lang nito, alam mong wala na ito sa arrangement."

Nanginig ang aking labi. Alam ko kung saan patungo ito at natatakot ako.

"Don't ask personal questions my ass but you've asked me a lot of that. Ganoon din ako sa'yo... sa simula pa lang, walang hook up na naganap," aniya.

Umiling ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin at natatakot ako dahil gusto ko iyon. Gusto ko iyon pero alam ko ring hindi ko papayagang mangyari iyon. He's just using me! He's only using me! Alam niya ang kahinaan ko! Alam niyang pumayag akong pumasok siya sa aking buhay. He made himself an important part of me. At ngayon ay takot akong isa siya sa mga taong pinagbibigyan lamang ako dahil sa pakinabang ko. He's one of those people I love dearly... na ang tanging gusto lamang sa akin ay ang magagawa ko para sa kanila.

"Portia, you're right, we should end our stupid arrangement. I want a real relationship with you. I want to be the one who'll pick you up every after work. I want to be there on your birthday. I want you to spend your weekends with me. I want a vacation with you. I want your paintings on my condo. I want your scent on my sheets. I want you on me, Portia."

Nag init ang gilid ng aking mga mata. I can't believe what he just said! But that's all a lie right? Just to get to me! Or to get to my father! Or to get to whatever he wants, right?

Umiling ako. "I don't want that. I want out. I want out of this. I want out of you..."

Nalaglag ang panga ni Logan. Sumimsim siya sa wine sa kanyang wine glass. Hindi siya nagsalita ng ilang sandali.

Pinagmamasdan ko siya. Hindi na siya makatingin sa akin ngayon. Uminom ako ng tubig, bakasakaling umatras ang nagbabanta kong luha.

"I... I am not happy with this. I want out of this relationship, Logan."

Tumango siya at huminga ng malalim bago tumama ang paningin sa akin. His stare was as cold as ice. Hindi ko iyon inurungan. Baka sakaling maging yelo din ang luha kong nagbabadya.

"I understand," aniya. "Do you want to go home? I'll send you home."

"No. I can go home alone. Dala ko ang kotse ko."

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya. "Are you with Clyde? Are you back with him?"

Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang aking bag at nilagay sa aking balikat. Hindi siya tumingin sa akin ng tumayo ako.

"Goodbye, Logan."

Mabilis akong naglakad paalis ng restaurant. I left him sitting alone on our table. Nang nakalabas ako ay 'tsaka pa lang bumuhos ang maiinit na luha ko. Fuck, i do love him! Ang akala ko talaga totoo siya! Ang akala ko talaga...

Pinaandar ko ang sasakyan ko. Hindi ko na halos makita ang dadaanan ko dahil sa mga luhang barado sa aking mga mata.

Tumunog ang aking cellphone. Tumigil ako nang na traffic. Pinindot ko ang loudspeaker para sagutin ang tawag. It's from daddy!

"Dad..." salubong ko.

Nanginginig ang aking boses ngunit alam kong di rin naman niya iyon mapapansin.

"Where are you?" tanong niya.

"I'm driving. Nasa Edsa-"

"Pumunta ka dito sa bahay nina Clyde. We're here-"

"Dad, I can't. I need to go home. i'm tired-"

"I need you to come here right now!" Mariin ang boses ni daddy at alam kong ang utos niyang iyon ay hindi mababali.

"Dad, I am sick and I just want to go home..." Paiyak kong sinabi.

"Are you sick or are you with Torrealba?" Malamig niyang tanong. "Portia, masunurin kang anak, alam ko iyan... So please come here and we'll talk!"

Pinutol niya ang linya. Nanlaki ang mata ko at hinampas ang aking manibela. Sinabi ni Clyde ang tungkol sa amin ni Logan? Mas sasaya pa ba ang araw na ito?

Ayaw kong sundin si daddy. For once I want to do things my way but I have to see him to. I need to see him. I want answers! At siya lamang ang makakasagot sa mga tanong ko!

Dumiretso ako sa bahay nina Clyde sa Quezon City. Sa labas pa lang ay kitang kita ko na siya sa hagdanan, nakapamulsa at naghihintay sa akin. Hininto ko lang ang sasakyan sa tapat ng kanilang hagdanan at hindi na pinark ng maayos.

"How dare you tell dad!" sabi ko.

"Kahit hindi ko na sabihin sa kanya ay malalaman na rin naman nila! You two have lost your minds! You're going public, Portia!"

Nilagpasan ko si Clyde at dumiretso ako sa loob ng kanilang bahay. Sa sala ay naroon si Kier at Maja na nag-uusap. Nagulat sila sa pagdating ko kaya sabay silang napatayo.

"Portia!" tawag ni Kier sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.

Dumiretso ako sa dining area nina Clyde at nakita ko doong kumpleto silang lahat. Ang mommy at daddy ni Clyde, ang isang tito niyang kasosyo nila, si daddy, si Tita Irene, ang mommy ni Maja at Kier... naroon silang lahat at nakatingin na sa akin.

"Portia, sit down, hija..." salubong ng mommy ni Clyde sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hinila ako ni Clyde patungo sa isang upuan pero ayaw kong maupo. Tiningnan ko silang lahat. Galit na galit ko at kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mata.

"What is it, Dad?" tanong ko nang sipatin ko si daddy.

Umigting ang panga ni daddy habang tinititigan ako. "Is it true? You're dating Logan Torrealba? Hindi ba ay kayo dapat ni Clyde?"

Tumawa si tita Irene. "Leoncio, matigas ang ulo ng batang iyan, alam mo na iyon noon pa."

Umigting ang bagang ko. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng masama dahil lamang sa galit ko. I want answers to my questions and I need it now!

"I am disappointed, Portia. I really thought you and Clyde are perfect for each other," anang mommy ni Clyde.

I want to laugh. Perfect for each other? How can we be perfect? He's a cheat and a liar! But then maybe I am a cheat and a liar too? Kaya tamang perfect lang kaming dalawa!

"Sit down, Portia!" Utos ni daddy.

Hindi ko parin siya sinunod. Ito ang unang pagkakataong hindi ko siya sinunod. Maliit na utos lamang iyon pero malaking bagay na iyon sa akin.

"So what if I'm dating Logan Torrealba?"

"Have you lost your mind? Why are you dating our enemy?" Hinampas ni daddy ang lamesa.

Katahimikan ang bumalot sa mga taong naroon. Pumikit lamang ang mommy ni Clyde at si tito naman ay umiling.

"Enemy? Paano mo siya naging kaaway, sige nga? Hindi ba nakipag deal sila? Hindi ba may deal kayo sa mga armas?" tanong ko.

"Portia, we closed that deal because we need the numbers they offered. Pabagsak na ang Trion and they made that deal to find an evidence to a crime three years ago," ani Kier na ngayon ay nakahalukipkip sa gilid ni daddy.

"A crime three years ago? Of course! That... That crime! Iyong ambush ng asawa ni Senator Fuentes with Mrs. Thalia Torrealba in that van too right? Iyong kinamatay ng dalawa? They want evidence because of that crime! Why is your company involved?" Sigaw ko.

Nanahimik silang lahat. I can't believe it! I can't believe this! Is this true?

"Dad..." Umiyak ako habang tinitingnan ang aking ama. I have a very high respect for him. I wanted his approval and I craved for his attention. "May kinalaman ba kayo sa pagkamatay nila?"

Hindi sila sumagot. Nakatitig si daddy sa akin. Para bang gusto niya lamang tingnan kung paano ako madurog ng ganito.

"Did you kill them?" Diretsahan kong tanong.

Hindi sila sumagot. Humugot ng malalim na hininga si daddy.

"DID YOU KILL THEM?" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay.

Fuck! They can't answer me!

"Portia... please..."

"Did you kill them, dad? Please answer me..." Humagulhol ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro