Kabanata 35

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 35

Tranquil

Pumunta kami sa booth ni Architect Philip Constantino. Sinamahan ako ng dalawa at naabutan naming abala na siya sa pakikipag usap sa dalawang may edad na businessmen. Nahagip kami ng tingin niya at natigilan.

Ngumiti ako. Lumapit si Jade at Tessa sa kanya. Sumunod naman ako, nginingitian na rin ang dalawang matandang lalaking kausap.

"Portia, long time no see!" ani Architect.

"Yes, Architect. Thanks for this opportunity..." sabay ngiti ko at tingin ulit sa mga businessmen.

Wala kaming panahon para magkamustahan dahil mukhang malalim ang pinag uusapan nila ng matatandang naroon.

"By the way, Mr. Hernandez and Mr. Thomas, this is Portia Cecilia Ignacio, the one who designed some of your favorites."

Nakipagkamayan ako sa mga businessmen. It's a good way to divert my attention. May isang malaking kumpanyang magtatayo ng tatlong towers na condominium sa Taguig at gusto nila akong kunin.

"I like your works. Can we discuss some of the terms right now?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na may balak sila sa mga gawa ko. Nilingon ko muna si Architect at ngumisi lamang siya sa akin. Is this okay?

Naubos ang tatlumpong minuto sa pakikipag negotiate nila sa akin tungkol sa terms at sa mga deadlines. Hindi ako makapaniwala na ang nakuha ko kaagad sa exhibit na ito ay isang malaking project.

"We're rushing this. It's been three years since we planned this," anila at pinaintindi sa akin na agaran ang gusto nila.

"I can handle it." I'm sure I would. Marami nang tumatakbo sa utak ko para doon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang naging abala na rin si Jade at Tessa sa sarili nilang career. Natapos ang usapan namin ng mga businessmen ng pirmahan ng kontrata on the spot.

"Thank you so much, Architect. I owe this to you..." nahihiya kong sinabi kay Architect Constantino.

"No problem, Portia. You have the talent. Kamusta nga pala ang paintings mo? Did you check them?"

"Oh!" Nilingon ko ang mga kaibigan kong parehong abala sa kani kanilang gawain. "Iche-check ko pa lang..." sabi ko.

Wala sa sarili akong tumulak sa kung nasaan ang mga painting exhibit. Malawak ang venue kaya pinilig ko na lang ang ulo ko. I should stop worrying.

Nang nasa linya na ako ng mga paintings kung nasaan iyong akin ay dumiretso na ako doon. May iilang mga nakatingin sa paintings ko pero hula ko ay sinusuri lamang nila ang lahat ng naroon.

Tumayo ako sa tabi ng mga paintings ko. Nginingitian ko ang bawat dumadaan.

"Portia, hija! You're back?" anang isang kakilala ni mommy.

"Yes, tita..." Nagbeso pa kami bilang pagbati. Nanatili ang mga mata niya sa aking gawa.

"You really have such nice paintings..."

"Thank you, Tita..." Ngumiti ako.

Nanatili siyang nakatitig sa painting kong Tranquil, iyong kulay abelyanang mata na may handprint na hindi masyadong kita.

"Hindi ba ay nandito rin ang kapatid mo? Is your mom here?" tanong ni Tita.

"I'm not sure po. But Katelyn's here... Hindi pa nga lang kami nagkikita."

"Ganoon ba? Hinahanap ko nga iyong kapatid mo, e," ani Tita at napalingon sa kanang bahagi ng linya namin.

Nilingon ko rin iyong tinatanaw niya. Pitong businessmen ang papalapit. Halos lahat ay nasa mid-thirties at ang nasa gitna sa kanila ay si Logan. Nanginig ang tuhod ko. Bumaling ulit ako kay tita, ngayon nanlalaki na ang mga mata.

"Armando..." ani Tita sa palapit.

Kulang na lang ay tumalikod ako at magwalk out pero hindi ko gagawin iyon. Over my dead body, hindi ko ipapakitang naaapektuhan ako.

"Minerva..." bati ng daddy ni Logan sa aking tita.

Nagtiim bagang ako. Ang mga alaala noon ay bumalik sa akin. Ang palitan ng bala. Ang sakit na naramdaman ko sa aking likod. Naghilom ang sugat at hindi na kita ang peklat pero sa utak ko ay sariwa pa ang mga ito.

Ginapangan ako ng kaba. Are they going to kill me here? Tumikhim ako at hindi pinahalata ang pagpapanic dahil doon. Napatingin ako kay Logan na ngayon ay ilang metro na lamang ang lapit sa akin. Nakita kong nakatingin na siya sa akin.

Kinontrol ko ang buong sistema ko. Ilang beses ko na itong ni rehearse sa utak ko ngunit ibang iba parin talaga kapag nangyayari na!

"And you're here for?" Bakas sa tinig ng kaibigan ni mommy ang pagdududa.

"I'm here for a Carlzon Rockwell project and a painting for our house, Minerva. Hindi para sa aking negosyo..."

Bumaling si retired General Armando Torrealba sa akin. Ganunpaman ay nanatili akong nakatayo lamang doon. I know Logan's eyes are still watching me. Dammit! Hindi na ako gagalaw. Pakiramdam ko ay nag ugat na ang aking mga paa sa sahig na ito.

"This is a nice painting, Tranquil..." ani retired General Torrealba.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. In front of me is the man who tried to kill my dad... And beside him is his son who... probably did also try to kill my dad but missed! Kung mamatay man ako sa kinatatayuan ko dito ngayon ay hindi na ako magugulat. These are the people who wished our family dead...

"Thank you..." Nagawa kong sabihin kahit halos nanuyo na ang aking lalamunan.

Lumipat ang tingin ko kay Logan. Nag iwas siya ng tingin at nakapamulsa na ngayon. He looked so intense and serious. My presence didn't affect him at all. Pero iyon na rin naman din ang inaasahan ko.

"Gusto ko ito. You're Portia Cecilia Ignacio?" tanong ni retired Gen. Torrealba.

Gumapang ulit ang kaba sa akin. Not... Not Tranquil! It's my son's first painting with me! Pero bakit ko nga ba naisipang isali ito sa exhibit?

"Yes..." Nanginig ang boses ko.

Tumitig si Retired General Torrealba sa akin. "You're the one who got shot, three years ago right?"

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko parin ang matatalim na titig ni Logan sa akin. Tumuwid ako sa pagkakatayo.

"I bet your father told you about what happened? We're sorry, hija."

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya ngunit hindi ito ang panahon para magpakitang wala akong alam. My dad thinks it's safer for me to forget and move on. I think it's the best for me too. I was pregnant and I didn't need anymore stress.

"I'm not exactly informed of what happened but I trust the justice system of the Philippines. Innocent until proven guilty," mariin kong sinabi.

Pumungay ang mga mata ni Ret. Gen. Torrealba at tumawa ng bahagya. "Clever girl, you are. My men got involved because of treachery from the higher ranks. Senator Fuentes had that plan and we were too blind that time. I'm sorry again, hija. Leoncio and I talked about this a few years ago bago niya inurong ang kaso laban kay Logan."

Pinamulahan ako ng mukha. Crap! My dad filed a case against Logan? Oh my God! Of course he did! Sinabi niyang magfa-file siya ng case but I didn't know it's for Logan!

Napatingin ako kay Logan na nag-iwas ulit ng tingin sa akin ngayon. Tiningnan niya ang aking painting na Tranquil bago bumaling sa katabing businessman.

"Logan, is your decision final? One painting kahit marami namang magagandang paintings sa exhibit na ito?" tanong ni Ret. Gen. Torrealba.

Parang kinukurot ang puso ko at hindi ko alam kung bakit.

Tumango si Logan bago nagpasyang umalis sa kinatatayuan.

"I'm done for today. I'm getting Katelyn Cayetano's Satellite..."

Nalaglag ang panga ko. Sumunod kay Logan ang mga businessman na kasama. Naiwan si Ret. Gen. Torrealba sa aking gilid. Hindi ako makahinga habang tinitingnan silang palayo.

"I like your works, hija. I might drop by here later. Titingnan ko kung ano ang babagay sa bahay." Ngumiti ang matanda sa akin. His eyes twinkled behind his eye glasses.

Tumango ako at ngumiti pabalik kahit na naninikip na ng husto ang aking dibdib. Can I just get all my three paintings and return them at home? Parang ayaw ko nang sumali sa exhibit.

"Thank you..." Nabasag ang boses ko.

Tumulak na si Ret. Gen. Torrealba kasama ang aking Tita. Nag usap sila tungkol sa business at nanatili akong nakatayo doon, tulala.

Nilingon ko ang mga paintings na ginawa ko. Nag ingit ang gilid ng aking mga mata. I want to remove all of them and pack them up right now...

"Portia..." Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Nilingon ko ang kapatid kong naka nude skin tight long dress. Pilit kong inurong ang mga luha sa aking mga mata at hinarap siya ng nakangiti.

"How's your exhibit?" tanong ni Katelyn at humalukipkip.

Magkasing puti kami, parehong nagmana kay mommy. Only that her body's fuller than mine. Her lips are full and red. Her hair curled naturally on her shoulders.

"Fine. Yours?" Crap! Dapat di ko na iyon tinanong.

"Very good!" Pumalakpak siya. She's in good mood. Of course! "Alam mo ba? Binili ang tanging nilagay ko sa exhibit na ito? If I brought more pieces, everything will probably sell! Ikaw? Alin ang nabili dito?" Tiningnan niya ang tatlong paintings ko.

Umiling ako. "Wala pa..."

"Wanna see mine?" she asked with intense eager.

"Sure... Asan?" tanong ko.

"Let's go!"

She even held my hand. Binaybay namin ang linya ko at pagkalabas ay tatlong hakbang pa kanan bago ang linya niya. Sa malayo pa lang ay kita ko na. Kasing laki ito ng gawa kong Satellite.

My jaw dropped when I saw what she did. It's... amazing! It's more detailed than mine! It's more surreal and more colorful. Para bang lahat ng hindi ko naisip noon ay nagawa niya sa kanyang bersyon ng Satellite.

"Ang ganda!" puri ko pero sumikip lang lalo ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I felt betrayed. Parang may parte sa aking gumuguho at wala akong magagawa kasi tama ang lahat. Mas maganda ito kumpara sa akin. Parang walang wala ako. Parang ang amateur ng gawa ko kumpara sa ginawa niya sa Satellite.

"Thanks!" ani Katelyn.

The big moon, the three coconut trees, the setting sun, the orange sea, the dark blue night sky, and some stars... Everything's perfect!

"Hindi ko naman ginaya ang sayo. Kung ginaya ko, sana ay pareho lang tayo ng gawa, hindi ba?" Humalukipkip si Katelyn.

"Of course..." matamlay kong sinabi.

Ngumuso si Katelyn ngunit bakas parin ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung ano pang idudugtong kaya laking pasasalamat ko nang narinig ko ang boses ni Tessa at Jade.

"There you are, Portia!" ani Tessa sa isang maligayang boses.

Umismid si Katelyn at bumaling sa nagtatanong na celebrity sa gilid.

"I'm sorry but it's already sold. If you want, you can check my sister's works. Portia Cecilia Ignacio's works! Porsh..."

Nilingon ko si Katelyn. Nilahad niya ang kamay sa akin para ituro ako sa dalawang celebrity na naghahanap ng painting.

"Natipuhan nila iyong akin but you know it's sold. Want to help you out so..." Nagkibit siya ng balikat.

Ngumiti ako sa dalawang artistang naroon. "You might want to see my paintings. They're not as big as Satellite but they're still... good..." Naiilang kong sinabi.

"Sure... Tara?" Kumapit ang babaeng artista sa kanyang boyfriend.

Sumunod ako sa kanila. Sinenyasan ko lamang si Katelyn sa pag alis ko. Sumunod si Tessa at Jade sa akin.

Wala na ako sa sarili habang papalapit kami sa aming linya. Mabilis akong naglakad para maabutan ang dalawa at makausap sila.

"These are my pieces. This one is Los Angeles. I used oil. Dito naman sa Tranquil, I used acrylic and pastels. Here in Moments, I airbrushed the acrylics."

Tumango lamang ang dalawa sa gawa ko.

"I like the Los Angeles..." anang lalaki sabay ngiti sa akin.

I felt relieved. Dapat ay hindi ko sinama ang Tranquil dito. Hinding hindi ko na uulitin ito. Ilang sandali ko pa silang kinausap tungkol sa inspirasyon ko sa gawa kong iyon. Tinanong pa nila ako kung saan ako gumraduate noong college at ang mga work experience ko sa Los Angeles. In the end, they bought my painting. Marami pang tumitingin doon pero ayaw ko nang manatili.

"I'm done for today..." sabi ko kay Tessa pagkatapos kong iwan ang magkasintahang artista.

"What? You are?"

Naglakad ako palabas ng aming linya. Sumunod ang dalawa sa akin. Ayaw ko nang magpaliwanag sa desisyon ko. Hindi ko alam saan ako magsisimula. Natigil ako sa paglalakad nang nakita ko si Logan sa may hall. Surrounding him were a bunch of businessmen. His father was talking with another man. Kausap ni Logan ang ilan pang kasing edad niyang businessmen.

Natigilan si Logan at biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong ang dulo nito ay si mommy at Katelyn na papalapit sa kanya.

Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. My mom's here... Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin. That's okay... I should focus on my priorities.

Nilingon ko si Tessa. Kitang kita ko ang kaba sa kanyang mga mata. Jade's chatting with a client already.

"Yup. And can I take down Tranquil? Aalisin ko lang doon, sasabihin ko sa organizer."

"I guess you may..." ani Tessa. "Why?"

Nagtiim bagang ako. I just don't want it there. Nagkamali ako sa pagpili noon.

"Let's talk to the organizers then... But you can always tell the clients it's already sold. Para hindi na mabili..."

"I want it down," simple kong sinabi.

Ngumuso si Tessa at tumango. "Let's ask the organizers to take it down then..."

Tumango ako. Inaya ako ni Tessa patungo sa mga booth para makausap ang mga organizers. Hindi na muli ako lumingon kay Logan, o kay Katelyn, o kay mommy. That's okay... It doesn't matter, anyway.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro