Kabanata 43

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 43

Three Million

Gising pa si Beau nang dumating si Clyde. Dinala ko siya sa sala para mabantayan ko ng maigi habang ginagamot ang pasa at sugat sa gilid ng labi ni Clyde.

"Ouch!" pumikit siya ng mariin.

"I'm sorry, Clyde," bigo kong sinabi.

Umiling siya na para bang maling mali na nag so-sorry ako sa kanya. Hindi ko siya kailanman pinagbawalan na magkaroon ng ibang date sa loob ng tatlong taon niyang pagsama sa akin. I want him to meet other girls. He doesn't need to be guilty about what happened three years ago.

"It's not your fault, Porsh. I will protect you. Nagkamali lang talaga ako ngayong gabi. Ako dapat ang humingi ng paumanhin." Ginulo niya ang kanyang buhok.

Dinampian ko muli ng mainit na tuwalya ang kanyang pasa. "Hindi. Ako ang nagkamali. This idea will limit your chances to start anew. Dapat ay hindi na kita dinamay dito-"

"Hindi mo ako dinamay. I am willing to help you on this. Hinding hindi ka ulit masasaktan ni Logan habang nandito ako, Portia."

Natigil ako sa pagdampi sa kanyang pasa. Binaba ko ang kamay ko. He looked so stressed. Magulo ang kanyang buhok at gusot ang kanyang puting long sleeves. May kaonting dugo pa doon.

"Clyde, dito ka na matulog. Gabi na at pagod ka na."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata na agad ring naglaho. Hindi ko alam kung bakit siya nagsisisi at kung ano ang pinagsisisihan niya. "Okay, Porsh..."

Bumaling siya kay Beau bago pumikit ng mariin at tumayo. He stayed for the night. Para na rin mas mapanatag ang loob ko.

The following weeks, ginawa ko lamang ang paminsan minsang trabaho sa Tristan Towers. Nakakapag pinta na rin muli ako at mas marami na akong oras para kay Beau. Madalas paring pumupunta si Clyde sa condo, in fact mas madalas kumpara noong nakaraang mga linggo.

Nilapag ko si Beau sa high chair na hinanda ni daddy sa kanilang bahay. Pagkalipas ng dalawang linggo ay bumisita na ulit ako kina daddy. Hindi na ako gaanong busy at patapos na rin ang mga proyekto ko sa Tristan Towers.

"Ikaw na ang dumalo para sa akin sa ExPa. Your mom called and she's furious na wala pa akong plano para doon. Aalis kaming pareho ni Kier sa susunod na linggo kaya wala sa amin ang makakadalo. And Maja is out of town." Uminom ng kape si daddy.

"Out of town po pala si Maja? Kaya pala hindi na siya nakakapuntang condo. When is the event, dad?" tanong ko kahit na ayaw ko sanang dumalo.

Ito iyong event kung nasaan si Katelyn at Logan ay magkasama. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.

"This Friday sa SMX. Are you free?" tanong ni daddy.

Tumango ako at binalingan si Beau.

"You can bring Clyde since kailangan din niyang pumunta doon."

Habang kumakain kami ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung anong mayroon. May nag email sa aking hindi ko kilala. Binuksan ko ito.

From: [email protected]

Good day, Ma'am!

Greetings!

We would like to schedule an appointment with you in your most convenient time. We are impressed with your work and we would like to hire you as our Interior Designer. This is for a house at Forbes Park, Makati.

We hope for your fast response.

You can contact us through email and through text. Thank you!

Sa baba ay nakalagay ang number nila at ang mga detalye sa bahay na gagawan ng design. Hindi lang iyon bahay, mansyon iyon.

"Portia?" ani daddy.

"Dad..." napatalon ako.

"Who texted? I said kung isasama mo ba si Beau sa SMX?" tanong ni daddy.

Umiling kaagad ako. "Hindi po maaari iyon. Uh... I have a new client."

Huminga ng malalim si daddy at bumaling sa aking cellphone. "How many times do I have to tell you that you should stop working. Tingnan mo noong nakaraan, nagkasakit ka na. I'm fine with you painting, huwag ka na lang magtrabaho."

"Yup. I won't take companies anymore. Iyong mga maliliit na projects na lang tulad ng mga bahay at mansyon, dad. It's an extra income din."

Umiling si daddy, hindi parin sang ayon sa gusto kong mangyari.

Pinindot ko ang reply sa aking email. This looks like a good project. Malaki ang bahay at nakatayo sa isang maganda at high end na real estate. Kung papalarin ay malaki din ang makukuha ko dito.

Good day, Miss!

Sure. I would like to take this project. I will be available next week, Saturday at around 6PM. If possible, I would like the meeting to be just around Bonifacio Global City because it's accessible to me.

Portia Cecilia Ignacio

Agaran din ang reply ng kabila.

From: [email protected]

Thank you for that fast reply. Saturday, August 29, 6 PM at Va Bene Pasta.

Huminga ako ng malalim. Mabuti naman at pumayag. I'm gonna get this project done and then probably tatanggapin ko ang rest house nina Avon at Brandon na nasa Cebu. That would be easy...

Sa loob ng aking pagpapahinga ay dalawang pieces ang natapos ko at puro abstract ang mga iyon. Masaya ako at mas marami na kaming oras ni Beau. Madalas din akong bumibisita kina daddy at kina mommy.

"Will you be in the ExPa activity at SMX, Portia?" tanong ni mommy habang nilalaro ang anak ko.

"Yes, mom. Magkasama kami ni Clyde."

"Si Katelyn ay pupunta rin. With Logan, imagine that darling? Mukhang magkakamabutihan na ang dalawa."

Tinikom ko ang bibig ko. I don't know what to say.

"By the way, saan nga ba kayo nagpakasal ni Clyde? Did you have a church wedding or wala? I haven't seen your pictures. Not because you both got married in L.A. doesn't mean hindi ko na pwedeng makita ang mga pictures ninyo..." ani mommy sa isang nakikiusyusong tono.

Nanlaki ang mga mata ko. Kumalabog ang puso ko. There is no reason to lie. At ngayong naging kuryoso na si mommy tungkol doon ay wala na akong magagawa.

Pinunasan ko ang kamay ni Beau na punong puno ng chocolate cake. Nasa pool side kami kumakain ni mommy at Beau. Wala roon si Tito Christopher at Katelyn. Kaming dalawa lamang ang naroon.

"Hindi po kami kasal ni Clyde, mom..." sagot ko.

Ilang sandali siyang natigilan. Para bang hindi niya ako narinig. Tinitigan ko siya.

"W-What? But... What? Portia, you two... Why?" Hindi siya magkandaugaga sa itatanong. I won't blame her, though. All this time, iyon ang pinaniwalaan niya. Hindi ko naman sinabi sa kanya na kasal kami ni Clyde. Everyone just assumed that we're married.

"He's my ex, mom. Tapos na po kami ni Clyde nang lumabas kami ng bansa..."

"But what about Beau? Hindi na ba kayo magkakabalikan para man lang kay Beau? Sa bagay, hindi mapipilit, pero Portia? This is your chance to give Beau a complete family. I don't understand! All this time inakala kong mag asawa kayo ni Clyde. Why didn't you tell me?"

Hindi na makalma si mommy. Sunod sunod pa ang kanyang salita. Umiiling siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko nga lang alam kung tama bang sabihin ko sa kanya kung sino ang tunay na ama ni Beau. I don't want them to think that I suddenly exposed the truth right after Katelyn and Logan's relationship improved. I'm fine with Logan not around me or Beau. Wala akong magagawa doon. At ayaw ko ring piliin niya lamang kami dahil may anak kaming dalawa. I don't need anyone by my side as long as Beau's with me.

"You assumed. Clyde's just my friend... Wala kaming balak na magpakasal, mom."

Tumunganga si mommy. Hindi makapaniwala.

"Well, that's the choice I did years ago with you, Portia..." ani mommy.

Bumagsak ang tingin ko sa aking baso. Like mother like daughter, huh? But unlike her, I won't leave my child for anything. I am content with him. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng pagmamahal kung saan. Mamahalin ako ni Beau at tama na iyon sa akin. I am happy with him.

"I can't believe hindi mo agad sinabi sa akin na hindi pala kayo kasado ni Clyde. All this time..." umiling siya at nag isip.

Kinarga ko si Beau at pinagsuot ko ng salbabida. Nagpaalam ako kay mommy na sasamahan ko si Beau sa swimming pool. Pumayag naman siya at pinangalahatian ang dala kong wine kanina.

Hinubad ko ang aking cover up para makalangoy na rin sa pool kasama si Beau. Ngayong alam na ni mommy ang totoong namamagitan sa amin ni Clyde, para akong nabunutan ng tinik.

Kinwento ko ang lahat ng iyon kay Clyde. Humalukipkip si Clyde habang pinapanood ang pag aayos ko at habang idinidetalye ko sa kanya ang pag uusap namin ni mommy.

"If your mom knows that we're not married, maaaring sinabi niya iyon sa tito Christopher mo at kay Katelyn. And Katelyn would tell Logan about it..." ani Clyde.

"Hindi ko alam, Clyde. We'll know today," sabay tingin ko sa kanya.

Suminghap siya at umiling. Disappointed sa nagawa ko.

Tiningnan kong muli ang mukha ko sa salamin. I don't want to lie to my mom.

"Tanginang Logan na iyon." Hinawakan ni Clyde ang gilid ng kanyang labi. Parang kahit wala na roon ang pasa ay ramdam niya parin ang sakit. "If he tries to mess this event up, I'll break his jaw!"

"Clyde, the last time we went to an ExPa event, nagkagulo. Huwag na nating dagdagan pa ang gulong iyon," saway ko.

Sabay kaming pumunta sa venue. Si Clyde lamang ang nagdala ng sasakyan. Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na ang mabilis na click ng mga camera sa bukana ng convention. May mga malalaking painting na nakalagay sa dingding. Ang red carpet ay punong puno ng malalaking tao.

"Maraming mag aabang sa'yo ngayon. Lalo na dahil ito ang unang event mong dinaluhan simula noong nangyari sa Bulacan."

"The issues cleared up, I'm sure..." sabay tingin ko sa kanya.

"Tinanong na ng media ang daddy mo, ako, si Kier, at si Maja noon tungkol doon. But still, iba pag sayo mismo nanggaling ang mga sagot sa katanungan nila."

True enough, pagkalabas namin ni Clyde sa sasakyan ay dinumog kaagad kami ng reporters. Some of them were my friends way back in college kaya mas naging kumportable akong sagutin ang mga tanong.

"Hindi ka ba natatakot na dumalo sa mga events ng ExPa ngayon sukat sa nangyari ilang taon na ang nakalipas?"

Nakahawak ako sa braso ni Clyde. Dinudumog kami ng reporters at nagmistula siyang taga protekta ko laban sa kanila. Hinawakan ko ang palda ng long gown kong bagsak hanggang sahig.

"Hindi naman. Ilang taon na ang nakalipas at nalaman na namin kung sino ang tunay na may pakana so..."

"Nalaman ninyo? How? At bakit hindi nakulong? Hindi ba ay nakulong noon si Mr. Torrealba dahil sa nangyari. Hindi ka ba natatakot na nandito kayong dalawa ngayon."

Natuyo ang lalamunan ko. Hindi alam ng buong media kung sino talaga ang tunay na mastermind. My dad settled it privately. Ang bitiwan ang mga katagang iyon ay mali.

"Hindi napatunayan ang mga akusasyon sa kanya. Naniniwala rin akong hindi siya ang may sala," hindi ko na dinagdagan.

"Kung ganoon sino? Ang sinabi mo kanina ay nalaman ninyo kung sino. Bakit hindi nakulong?"

"Excuse me, that's private. Can we stop the interview?" singit ni Clyde nang naramdaman ang takot ko.

Ngumiti ako sa reporter at taas noo paring humarap sa kanya kahit na kabado ako.

"Huli na lang, Mr. Prieto. Hindi ka ba natatakot..." bumaling ang taga media sa akin. "Na baka maghiganti si Mr. Torrealba?"

Sigurado akong personal na tanong iyon. Hindi iyon lalabas sa kung saan mang magazine o newspaper ito mapupunta.

"That's a personal question! Excuse me, we need to go..." ani Clyde.

Hinigit ako ni Clyde palayo sa reporter na iyon. Kumakalabog parin ang puso ko habang ginugulo ng tanong na iyon ang aking isipan.

Pumasok kami doon at nagsisimula na ang programme. Iginiya kami ng usherette sa lamesang hinanda para sa amin. Hindi pa kami nakakarating sa assigned table ay nahanap na ng mga mata ko si Logan.

Naka dekwatrong pag upo si Logan at nakakapit si Katelyn sa kanyang braso. Sobrang lapit ng dalawa at nagbubulungan habang tumitingin sa stage.

May pinapabid na mga paintings ng mga bata. Maraming nag bi-bid na mga businessmen doon. Bumaling ulit ako kay Logan at Katelyn. Kahit madilim ay kitang kita ko ang hagikhikan ng dalawa kahit wala namang nakakatawa.

Kinagat ko ang labi ko at pinirmi ang mga mata sa stage. I can't lose my cool now.

"Which painting do you want, Porsh. Let's join the bidding..." ani Clyde.

"I like the flower, Clyde," sabi ko.

Clyde raised the board at nakisali sa bidding. One hundred thousand ang una niyang bid. Napalingon ako kina Logan at Katelyn. Si Katelyn ay nakatingin kay Logan, samantalang si Logan naman ay nahanap na ang mga mata ko.

Uminit ang pisngi ko. Halos tawagin ko lahat ng mga santo para magpasalamat dahil madilim ang buong venue para sa bidding.

Logan raised his board too.

"Two hundred thousand pesos," ani Logan sa malamig na tono.

Hinampas siya ni Katelyn sa braso. Kinagat kong muli ang labi ko. They seem to be very close. Nga naman, si Katelyn siguro ang naroon para kay Logan sa mga panahong nakulong siya.

"Damn that Torrealba..." bulong ni Clyde at tinaas pa ang kanyang bid. "Three hundred thousand..."

Tinaas muli ni Logan ang kanyang board. "Five hundred thousand pesos."

Nagulat na ang crowd. Kahit na mayayaman ang mga naroon ay hindi umaabot ng ganoon ang bidding. Sa donations bumabawi ang mga tycoon, hindi sa bidding ng mga paintings.

"Clyde, stop it..." bulong ko ngunit hindi ko siya napigilan.

"Six hundred thousand!"

Tamad na nagpataas si Logan. "Eight hundred thousand..."

Nabibingi na ako sa bulong bulungan ng crowd. Bumaling si Katelyn sa akin at napawi ang ngiti niya nang nakita ako.

"Clyde, stop it. You're making the crowd look at us. Ayaw kong magkaroon ng issue," mabilis kong sinabi.

"Dammit! One million pesos!"

"Clyde! That's too much... We're donating two million-"

"One point five..." tamad na sinabi ni Logan.

Mabilis ang hininga ni Clyde nang umupo siya sa kanyang upuan. Bumaling siya sa akin at kumalma.

"He's challenging me, Porsh... Because of what happened. And I don't want to back down. Ayaw kong magpatalo sa kanya... ulit. Ayaw ko na," umiling siya bago nagpataas ng kamay. "Two million..."

Hinaplos ko ang braso ni Clyde. He needs to stop. Umiling ako.

"Tama na. Please..."

"Three million," sabi ni Logan sa kabilang mesa.

Tumitig si Clyde sa akin. Umigting ang kanyang panga bago pinakawalan ang malalim na hininga. Tumango siya at hinawakan ang aking kamay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro