Kabanata 50

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 50

Eleven

Mabilis na bumalik ang sekretarya dala ang aking juice. Nanginginig ang kanyang kamay nang nilapag niya iyon sa aking harapan.

"Did you tell your boss?" tanong ko.

"Yes, ma'am... Nagmamadali na po siya."

What? This is crazy. Ano pa ba ang kailangan ni Logan sa akin?

Kung hindi dahil sa babaeng sisisantehin ni Logan pag umalis ako ay kanina pa ako nagmartsa dito. Dammit! It's almost twelve noon and I am already hungry. I still need to run some errands, buy things... Bakit pa ako pinapaghintay dito?

Kumalam ang sikmura ko. Dammit. Tatayo na sana ako para umalis nang bumukas ang pintuan at bumungad si Logan.

Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit. Tinaas niya kaagad ang kanyang mga kamay. Alam niyang galit na ako.

"Sorry. I talked to Katelyn para-"

"Why did you make me wait? Para saan pa? I don't care if you talked to my sister. I'm fine with that! Ang gusto ko lang malaman ay kung ano pa bang kailangan mo? Tapos na tayong mag usap!"

Kitang kita ko ang pagkakataranta niya. Tumayo ako at mabilis na nagligpit ulit.

"I want to have lunch with you," tanging nasabi niya.

Tumigil ako sa pagliligpit para tingnan siya. Iritadong iritado ako sa paghihintay ng higit dalawang oras para lang marinig ang sagot niya sa tanong ko.

"I don't. So I'll go now... Pinaghintay mo ako sa wala."

Kinuha ko ang aking mga gamit. Sinabit ko sa aking balikat ang bag ng laptop at sa kabilang kamay ko ay ang aking bag.

Sinubukan niyang kunin ang aking laptop ngunit tumanggi ako. Hindi ko alam kung nasaan na ang kapatid ko at bakit pa nakabalik dito si Logan.

"I'm going with you..." mahinahong boses ni Logan. "Come on, Porsh..."

"If you want to have lunch, bakit di mo inimbita si Katelyn?"

Kinagat niya ang kanyang labi. Para bang may ngiting sumisilay sa kanyang labi ngunit pinipigilan lamang. Uminit lalo ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay may sinabi akong mali. Nagmartsa ulit ako para makawala pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kanya.

Nakahilig na siya sa lamesa ngayon. Bahagyang nakatayo at nakaupo kaya lumebel ang paningin naming dalawa.

"Ano ba?" Hinigit ko ang aking kamay ngunit hindi niya iyon binitiwan.

"Please, hear me out. I want to have lunch with you. And what errands are you talking about? Ang sabi ng sekretarya ko, may gagawin ka pa. Sasama ako."

Tumindig ang balahibo ko sa kanyang sinabi. Pilit ko paring binabawi ang kamay ko ngunit nag ugat yata ang mga daliri niya sa aking palapulsuhan. Nasasaktan ako tuwing sinusubukang kong kumawala.

"At bakit mo naisip na hahayaan kita?" tanong ko.

"Please... I don't want a fight with you, Porsh. Please, don't be difficult. I know you know why I am asking you this."

Natigil ako. Galit ako, oo. Pero ayaw kong aminin sa kanya kung bakit ako nagagalit. Ayaw kong pinaghihintay ako.

Hinila niya ang kamay ko. I'm spacing out. Nakuha niya ulit ang atensyon ko.

"I didn't know your sister's coming. But she's gone now-"

"I don't know what's in between you two, Logan and I don't want to ruin it. Kung anong mayroon kayo, ipag patuloy niyo na lang."

"Nothing's going on between us two," seryoso niyang wika.

Bakit kay hirap paniwalaan? At kung mayroon man ay dapat labas na ako doon. Gusto kong balewalain ang usapan ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Tss. That's enough bullshit for today."

Aalis na sana ako ngunit isang higit lang ay napapabalik ako sa kanya. Naiinis na ako dahil hindi ako makawala sa kanyang kamay.

"She was with me while you're out of the country, Porsh. At kahit gaano ako kagalit sa iyon dahil sa pag alis mo, hindi ko parin kaya na wala akong alam tungkol sa nangyayari sa'yo. She's the only source I have when it comes to you. Your mother and your sister!" aniya. "Trion was impaired... And I'm..."

Hindi niya iyon maituloy. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagbabalik ng pagkamuhi at panghihina. He's... he's inside the jail, of course.

Nanghina ang kamay niya. Binibigyan niya ako ng pagkataong kumawala ngunit hindi ko binawi ang kamay ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang mga daliring nakapalupot sa aking palapulsuhan.

"She is your friend," nanginig ang boses ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Kitang kita ko ang sakit at pagod doon. "I'm sorry, Porsh. I have no other choice but to ask her things about you..."

Kinagat ko ang labi ko. Alam kong dapat ay di na ako magtatanong tungkol doon pero hindi ko maiwasan.

"And what did she tell you?"

Umigting ang kanyang panga. "Your mom told me that you married Clyde." Bumaba ang kanyang mata sa aming mga kamay.

Hinaplos niya ang aking mga daliri. Hindi ko na pinipwersang makawala. Malaya akong makakawala ngayon kung gugustuhin ko pero hindi ko ginawa. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanyang abelyanang mga mata.

"Ilang buwan kang nakulong?" tanong ko.

Hindi siya makatingin sa akin. Parang pinipiga ang puso ko. Ilang sandali kaming natahimik. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang kanyang sagot.

"Eleven months..." aniya.

Damn! Ipinanganak ko na si Beau sa mga oras na nakalabas siya. Kinagat ko ang labi ko. Napatingin ulit siya sa akin.

Tama ang mga alam ko. Tinulungan nga siguro siya nina Tito Christopher, dahilan kung bakit nagkakilala sila ng husto ni Katelyn.

"And after three years, imposibleng hindi mo nagustuhan ang kapatid ko. You two were very close. You two share secrets..." you never told me.

Naalala ko na may alam si Katelyn sa aming dalawa. Katelyn said Logan wanted revenge. Kung ganoon, alam ni Katelyn ang pagkamuhi ni Logan sa akin. Alam niya ang tungkol sa aming dalawa.

"I don't really fall easily, Porsh. Because if I did, I'm probably married by now..."

Ang maisip na magpakasal si Logan sa ibang babae ay nakakapanikip ng dibdib. Bahagya kong binawi ang kamay ko ngunti maagap niya itong pinigilan. Hindi ko maitago ang galit sa aking mukha kaya iniwas ko na lang iyon.

"I need to buy some groceries. Aalis na ako."

Bahagya niya akong hinila. "I'll drive. Leave your car here. Ibabalik din kita dito so you can get your car and go home."

"I can drive-"

"Yes, you can, I know that. Just let me do this..."

"Fine," mariin kong sinabi.

Pinakawalan niya ako at nagmartsa na ako palabas. Sumunod siya sa akin ng walang imik.

Pinagtitinginan na kami ng mga taong naroon. Ang mga empleyado sa kompanyang ito ay maaaring nakasubaybay sa mga nangyari tatlong taon na ang lumipas.

Luminga linga ako nang nasa valet parking na kami. Paano kaya niya napaalis si Katelyn? I wonder.

"Nagmamadali ka?" Pinatunog niya ang kanyang sasakyan.

Ni hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano sa tanong na iyon. Tatarayan ko sana ngunit nakita kong seryoso siya. Binuksan niya ang pintuan at nilahad sa akin ang front seat ng makinang niyang Mustang.

"My secretary says you're starving. We should eat first," aniya.

"Where?"

Nagulat na lang ako at dinala niya ako sa isnag all Filipino cuisine. Hindi iyon sobrang mamahalin tulad ng mga madalas niyang pinupuntahan pero alam kong masarap ang lutong Pinoy doon.

He ordered my favorite. Dinagdagan lang ng ilang mamahaling putahe. Habang nagbabasa siya sa menu ay panay ang hagod ko ng tingin sa mga ibang kumakain. May grupo ng mga babaeng naka uniporme ng black jackets and pencil cut skirts na panay ang tingin sa banda namin.

Bumaling ulit ako kay Logan para tingnan kung natatanaw niya ba ang higit sa pitong babaeng kasing edad ko na mukhang pinagpapantasyahan siya ngunit nanatili ang tingin niya sa menu.

"Is that all?" tanong niya sa akin.

"Yes," sagot ko.

"Dessert?" tanong niya.

"I'm fine with Halo-halo."

"Halo-halo?" Nagtaas siya ng kilay para kwestyunin kung ano iyon pero bumaling parin sa waiter para aprubahan ang order.

Umirap ako. Kahit kailan ba ay hindi pa siya nakakain ng pagkaing Pilipino? I can only imagine his family events. Were they always catered by high end international chefs? Kumakain kami ng ganyan pag may pormal na event pero nakakakain din naman kami ng lutong Pilipino.

"Saan ka mag gogrocery?" tanong niya.

Sinagot ko ang mga tanong niya. May kaonting kaba sa aking dibdib.

Mabuti na lang at hindi naman malalim iyong mga paunang mga tanong niya. Maybe he wanted me to be comfortable. It's all just about today and about work. Hindi ko na rin siya tinanong pa tungkol sa kahit anong malalim.

Hindi gaanong marami ang bibilhin ko. Linggo linggo din kasi akong nag go-grocery kaya iyong mga pagkain lang.

"You already love pasta, huh?" tanong niya nang napansin ang dami ng mga rekados sa pagluluto ng pasta.

Kinabahan ulit ako. This is not the right time to tell him about Beau. I am not even sure why are we both together right now!

"Yeah..." sagot ko nang di siya tinitingnan.

Dammit!

Kinuha ko ang wallet ko para sa cash nang nasa cashier na kami. Pero dahil sa kagustuhan kong makakuha ng barya para bayaran ng tama ang lahat ng binili, naunahan ako ni Logan. He swiped everything in his gold freaking card. Halos mamura ko siya sa kanyang ginawa.

"I can pay for that!" sigaw ko.

"You are taking too long. Besides, hindi naman palagi," giit niya.

"Babayaran ko! You're not going to pay me for the designs I gave you this day!"

Kinuha niya ang supot ng aking mga pinamili at binalewala ang sinabi ko. Sumunod ako sa kanya para ulitin ang lahat ng sinabi.

"I'll deposit the amount to your bank account tomorrow! Babayaran ko iyong pinamili ko! Akin 'yan! I'm independent. I can pay for myself and for my..." fuck... "house!"

Bumaling siya sa akin. Nagulat sa paninigaw ko sa kanya.

"Is this going to be a big deal to you? It's just nothing. Huwag kang mag alala, hindi ito parati. The next time you buy things, I am not going to interfere. Calm down..." marahan niyang sinabi.

Hinahabol ko ang hininga ko. Magsasalita pa sana ako, kung hindi lang ako muntikang nadulas.

Tinupad niya ang sinabi niya kanina. Ibinalik niya ako sa del Fierro Building at hinatid niya rin ako sa aking sasakyan.

"Who's going to carry these bags to your unit-"

"Kaya ko ito. Hindi ito mabigat," maagap kong sinabi.

"Mabigat ito-"

Alam ko kung saan ito patungo and hell no... He's not going to go to my unit. Kahit anong mangyari! "Kaya ko 'to! I let you drive me to the store so let me do this. I can do it..."

Ngumuso siya. "Fine."

Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang sasakyan. Nasa labas parin siya at tinitingnan ako. Gusto kong magpasalamat ngunit imbes na ganoon ay tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin bago ako tumulak paalis sa basement parking.

Gabi na nang nakauwi ako. Nang nakabalik kasi ako sa del Fierro ay papalubog na ang araw. Hindi ko kayang punasan ang ngiti sa aking labi. Damn! Anong nangyayari sa akin?

"Good evening, ma'am..." anang guard sa lift.

"Good evening!" Ngumiti ako sa kanya.

Dala dala ko ang groceries. I'm in a great mood, I can't believe it! Ito ba ay dahil sa nangyari? Ano ba ang nakakatuwa doon?

Kahit sa paglalakad ko patungong unit ay nakangiti parin ako. Nilapag ko ang isang supot para mabuksan ang pintuan ng room.

Pinihit ko ang door handle. Napawi ang ngiti ko nang nakita ko si mommy at Katelyn na nakatayo sa aking living room.

"Mom, Kate... why are you here?" napatanong ako habang sinasarado ang pintuan.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni mommy. Puno ng galit at disappointment ang tinatapon niyang tingin sa akin.

Sinalubong ako ni Mary. Kinuha niya ang mga dala kong supot.

"Asan si Beau?" tanong ko.

"Sa kitchen, naglalaro sa kanyang mat, ma'am."

Tumango ako. Gustuhin ko mang puntahan si Beau at hagkan siya, hindi ko magawa. My mom and my sister are right in front og me.

Tiningala ni Katelyn ang frame na nakalagay sa taas ng aming sofa. It was my Tranquil. Dahil ayaw ko iyong ibenta, inilagay ko na lang iyon sa aking unit.

"You have a nice artwork, Porsh. This only got ruined by this..." Hinawakan niya ang parte kung nasaan ang hand print ni Beau.

Tinikom ko ang bibig ko.

"I think that's the essense of it, though. I like that one because of Beau's handprint..."

Nilingon ako ni Katelyn pagkatapos ko iyong sabihin. Mapait na ngiti ang pinakita niya sa akin.

"Portia, is it true... Ikaw ba ang rumored girlfriend ni Logan?" walang paliguy ligoy na tanong ni mommy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro