Kabanata 56

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 56

Stranger

Sumama ako kay Kier at Daddy pagkauwi. Hindi ako kumibo sa tabi ni daddy at ng isa pang bodyguard habang papauwi kami.

"I want to transfer some patients..." pinipilit ni daddy ang gusto niyang mapadali ang transfer nina mommy sa Manila.

Not that he doesn't trust Logan's agency, gusto niya lang ding mas malapit sila sa amin. Humalukipkip ako at tumingin sa daanan. May convoy din kaming mga bodyguards, pinaghalong kina Kier at kay Logan.

Nasa front seat si Kier at kanina pa ako sinusulyapan sa likod. I know he's going to start once dad's done with his calls.

Tumawag naman ngayon si daddy kay Tita Irene. Alam kong hindi maganda ang relasyon ni Tita at ni Mommy pero unti unti na rin silang nagiging civil sa isa't-isa.

"Tiningnan lang namin kung maayos sila. Pauwi na kami ng Manila-" natigilan si daddy. "Christopher got shot and their daughter Katelyn too!" paliwanag ni daddy.

Ilang sandali pang tumagal ang mukhang pagtatalo ni Tita Irene at daddy sa cellphone bago niya ito binaba. Ngayon naman ay kinausap niya ang bodyguard na nasa tabi ko. Ito yata ang head ng bodyguards nina daddy. Inutusan niya itong paigtingin pa ang seguridad.

Hindi na nakayanan ni Kier. Bumaling na siya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. His lips were pressed in a hard line. Patuloy ko siyang seryosong tinitigan. I know what he's thinking and I am prepared for his questions.

"Why are you with Logan Torrealba?" tanong ni Kier.

"Isinama niya ako sa kanilang Headquarters. Nagkaroon kami ng meeting kahapon at biglaan siyang nagkaproblema."

Tumango siya pero alam kong hindi siya kuntento. "So after the meeting you went straight to Laguna? Paano ka niya napasama? Are you two cool? Are you two starting this one again?"

Humugot ako ng malalim na hininga para matulungan ako sa pagsagot. "I'm not sure if we're cool. But... we're civil."

Tumango ulit siya at ibinaling sa iba ang tingin. "And he knows about Beau?"

"Hindi. Sumama ako sa kanya sa Laguna para sana humanap ng magandang tyempo then this happened."

Tumahimik si Kier. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada. Nakatingin parin ako sa kanya, naghihintay ng itatanong. Ilang sandali pa bago siya nakabawi.

"At pag nalaman niya ang tungkol sa kay Beau, you'd change his surname? What?" Hindi siya makatingin sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "I am not even sure if Logan's ready to hear it, Kier. This will all depend on him."

Napatingin siyang muli sa akin. Mas seryoso na ang ekspresyon niya ngayon.

"Hindi ba ay gusto siya ng kapatid mo?" tanong ni Kier.

Ngumuso ako at tumango.

"Are you going to..." Hindi niya tinapos pero alam ko kung saan iyon patungo.

"The things I left for Katelyn and my mom Kier we're things... They couldn't decide on their own. Kaya madaling iwan. Kaya madaling pumili. Logan's not a thing. And this is not easy. He's the father of my child. This is entirely different."

Tumango si Kier. "I just thought you'd leave again. Aalis ako next week, patungong L.A. for a vacation. If you'll leave, I can book another ticket for you and Beau."

"Leave? What's this all about, Kier?" tanong ni daddy kasabay ng pagbaba sa kanyang cellphone.

"I'm not leaving," agap ko.

"Sino ang gusto ng kapatid mo, Portia?" tanong ni daddy.

Dammit! Bumaling si Kier sa kay daddy. Ayaw ko nang banggitin pa ito.

"Her sister. I mean, her other sister," ani Kier.

Nagkatinginan kami ni daddy. Kitang kita ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi niya na kailangang makisawsaw pa sa isyung ito.

Tumawa siya. "Katelyn? And? You're gonna give him away for your sister?"

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko si daddy. "Ano ang gusto mong isagot ko sa tanong mo, dad."

Nagkibit siya ng balikat. "I know you were raised unlike your brother and sisters, Portia. You're independent. At oo, dahil iyon sa pagkukulang ko. But I can see that you turned all our flaws into your strengths. By now you probably know the answer to that question."

Kinagat ko ang labi ko at tumingin na lang sa labas. Nag usap si Kier at daddy tungkol sa mga nangyari. Nanatili akong tahimik.

Pagkarating ko sa condo unit ko ay hindi ko na napigilan ang pagyakap kay Beau. Sumama si daddy at Kier doon. Naabutan namin si Maja at Clyde na nakatutok sa TV. It's all over the news but some details were concealed.

Panay ang halik ko sa ulo ni Beau habang naglalaro siya ng mga sasakyan. Pinatay ni daddy ang TV kaya nagkatinginan kaming lahat.

"We should hire more bodyguards..." ani Clyde.

"No need..." ani Kier hawak hawak ang kanyang cellphone. "I think the guards here are enough. At nahuli na raw si Marina pati ang ibang nakatakas na tauhan."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. That damn fast?

"Thank God!" ani Maja. "Nakakatakot! Dad, I can't believe you risked it. Pumunta pa talaga kayo ni Kier sa Laguna."

"Nahuli na?" nagulat kong tanong.

Tumunog ang cellphone ko. Nataranta ako at nagulat na nasa bulsa ko lang pala ito. Mabilis ko itong kinuha. Naestatwa ako nang nakita kong numero ni Logan ang nasa aking screen. Pumikit ako ng mariin. And here I am sitting in this sofa with his son. Damn!

"Hello..." malamig kong salubong. "Kamusta?"

Napatingin silang lahat sa akin. Niliitan ko pa lalo ang boses ko. Kung sana'y madali lang, kanina ko pa binuhat si Beau patungong kusina at nang mapag isa kaming dalawa.

"Nahuli na sina Marina kasama ang ilang nakatakas. But we still want to find out kung may iba pa bang sangkot. We can't let our guard down. Are you home?"

"Yeah... I mean, yeah... I heard. Kay Kier. We're home. I'm in my condo..."

Nagkatinginan kami ni Clyde. Matalim ang tingin niya sa akin. Tila ba alam niya na kung sino ang katawagan ko.

"Good. I asked my men to roam near your unit. Are you comfortable?"

Kinagat ko ang labi ko. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot sa amin. "Yup. That's okay..."

Umamba si Maja'ng ikakarga si Beau. Para siguro'y makawala ako sa kinauupuan ko.

"No!" Mariin at pagalit na sigaw ni Beau.

Dammit!

"Hello?" ani Logan.

Halos takpan ko ang bibig ni Beau. Mabilis na tumakbo si Maja, tumatawa. Dammit!

"Yes. Yes... Uhm, we're fine here. I'll call you back. Nag uusap pa kami nina daddy."

"Okay, then..."

Mabilis kong pinatay ang cellphone ko. Kasabay din noon ang mabilis na pintig ng aking puso. That was frigging close! Hindi naman sa ayaw ko paring malaman ni Logan ang tungkol kay Beau pero tingin ko ay hindi ito ang tamang panahon. Not in this situation.

"Wow! I can't believe I am part of this. Are you really keeping this a secret?" tanong ni Kier.

"Kier, stop it. Let Portia deal with her own problems. In the mean time, we need to go back to work. Maghahanda ka pa para sa bakasyon mo next week. You can't leave when you're not done. Clyde, I'll leave you here. Ikaw na ang bahala sa mga anak ko."

"No problem, Tito," ani Clyde.

"I'll leave some of my guards here."

"Logan's guards are enough," ani Kier. "His men are well trained."

Nagkatinginan si Daddy at Kier. Nagkibit ng balikat si daddy at pinagbigyan ang sinabi ng kapatid ko.

Niyakap at hinagkan muna ni daddy si Beau bago umalis. Ganoon din si Kier. Nagpaalam sila sa amin. Pagkaalis ay doon pa lang muli nagpakita si Maja. Natakot daw siya sa nangyari kanina kaya napatakbo siya. Tawang tawa siya habang ako naman ay umiiling. Natakot ba talaga? Kung ganoon ay bakit siya natatawa?

That day, I don't know what to do. Masaya ako dahil nakauwi na ako. At least I won't be worried about Beau anymore. Mabuti rin naman ang samahan ni Maja at Clyde sa bahay. Nanonood sila ng TV at madalas ay nilalaro si Beau.

I'm not sure if I should do the designs Logan asked me para lang magkaroon ako ng pagkakaabalahan o magpipinta. Masyado akong stressed sa mga nangyari kaya hindi ako makapag isip ng maayos.

Tumawag muli si Logan nang gumabi. I made sure I'm alone when he called.

"Hindi parin kami panatag," aniya, tinutukoy ang mga kasamahan ni Marina na maaaring nakatakas parin.

"Thank you so much for the help. Alam kong hindi kayo sangkot sa gulong ito pero-"

"The Fuentes' are our business partners and Marina is an old friend. Isa pa, pinagtangkaan niya rin ang buhay ng iyong ama and the result was you got shot, Porsh. How am I not involved here?"

Bumuntong hininga ako. "I'm sorry... Thank you, really. How's my mom? And Katelyn? Pati si Tito?"

Hindi siya agad nakapagsalita. Tila ba dinadama niya ang tono ng aking boses. It's frustrating.

"You're mom is calm. Katelyn's recovering. Ganoon din ang Tito Christopher mo. Mag sasampa ng kaso ang Tito Christopher mo kay Marina."

"Kamusta ang sugat ni Katelyn?" tanong ko.

"Her spleen's affected," ani Logan.

"Oh God!" Napahawak ako sa aking labi. "And? Kailangan ba siyang operahan muli?"

"No... It doesn't require surgical repair pero kailangang i-monitor."

"Pumayag ba si mommy sa transfer dito sa Manila?"

"No... And I don't think the doctor will approve too. Papalipasin pa siguro ang limang araw, Portia."

Hindi ako nakapagsalita. As much as I want to visit my mom in Laguna, I can't just leave Beau again. Sana ay mapadali na ang paglipat nila dito sa Manila nang sa ganoon ay mabisita at maalagaan ko na sila.

"Are you okay?" biglaang tanong niya pagkatapos ng katahimikan.

"Yeah..." tumango pa ako.

"You sure? What are you doing tomorrow?"

"I don't know. Dito lang siguro sa bahay. I'm still kind of scared because of what happened."

"Good. But don't be scared, marami akong pinadalang bodyguards."

"Dinagdagan mo pa?" halos pahisterya kong tanong.

Humalakhak siya. I suddenly wonder where he is right now. In the hospital? O sa kanilang HQ. At kailan nga pala kami nagsimulang magtawagan ng ganito? Ni hindi ko namalayan na maayos na kaming dalawa!

"Dalawa lang naman ang dinagdag ko."

"Are they going to follow me kapag lumabas ako ng unit?" tanong ko.

"Yup. May dalawang maiiwan to make sure your unit's fine."

Huminga ako ng malalim. "Fine." Hindi ko matanggihan ang tulong niya. This is for Beau. "Wait... Hindi ba hindi ka natulog kagabi? Mabuti pa magpahinga ka na ngayon..."

"I still can't. I'm supervising the investigation. 'Tsaka na siguro pag nakumpirma ko nang safe na ang lahat."

Ngumuso ako. "Then you won't sleep tonight? Are you in the hospital?"

"No... I'm in our HQ. Tinawagan ako ni Tita Carina kanina, gusto niya akong pumunta ng ospital but I have some things to do. Pupunta rin ako mamaya."

Tumango ako at wala ng nasabi. Hindi ko alam kung bakit bahagyang kinurot ang puso ko.

"Please take care of my sister..." sabi ko.

Hindi siya nagsalita. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa linya.

"Logan..." tawag ko.

"I will take care of anyone close to you..."

Parang pinipiga ang puso ko. My decisions final. Dahil tulad ng sinabi ko, bibigyan ko ng pagkakataon si Logan na magdesisyon. I am not going to be unfair to him for the nth time. I'm giving him this decision. Hindi pa nga siya nakakapag desisyon ay para na akong nawalan. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kinain ako ng takot ko.

Noong kaming dalawa pa lang ni Beau, alam kong kaya ko. Habang nandito si Beau sa tabi ko, kaya ko ang lahat. Pero simula kagabi, pakiramdam ko kay hirap pala.

"Porsh..."

"Yeah!" nanginig ang boses ko.

"Are you okay?" I can hear the frustration in his voice.

"Yup... I'm okay..."

"Okay. You need to rest now. Will you rest for me?"

Tumango ako. Ang mga luha ko ay lumandas pang muli. I don't want to talk. Pakiramdam ko ay maririnig niya na ang hikbi ko.

"Portia..."

"Yes... I'll rest now." Damn!

"Okay... Good night!"

Binaba ko ang tawag. Binigyan ko ang sarili ko ng ilang sandali para makabawi sa emosyon. Nang medyo naging maayos na ako ay lumabas na ako sa aking kwarto.

Naabutan ko si Maja na naka jacket at si Clyde na nakabusangot ang mukha. Mukhang may lakad si Maja.

"Porsh, aalis muna ako. Baka bukas pa ng gabi ang balik ko dito. May party ako kasama ang mga kaibigan ko. Uuwi muna ako ng bahay para magbihis."

Nagbeso ako sa kanya para magpaalam kahit na natatakot parin ako.

"Are you gonna be okay?"

Umirap siya. "Come on. Huwag kang gumaya kay Clyde..." sabay tapon niya ng tingin sa kay Clyde na nakaupo lamang sa sofa.

"Bye!" Mabilis siyang lumabas sa pintuan.

Hindi ko pa nga nadudugtungan ang sasabihin ko ay nakaalis na siya. Nagkatinginan kami ni Clyde. Ibinaling niya sa TV ang kanyang mga mata. Inilipat niya ng chanel ang aking TV.

"You know... Clyde you can go if you're bored here. We'll be fine. Nandito naman si Mary para tumulong sa akin-"

"I'm here to guard you-"

"We have so many guards outside. I appreciate your help pero may utang ako sayo. Inutusan kita kahapon dito sa bahay. And now that I'm here, I'm fine if you're out."

Hindi siya nagpadala sa mga sinabi ko. Kaya nanatili kaming nakatingin sa Cartoon Network habang nanonood si Beau noon. Humikab ako. Sa sobrang pagod sa araw na iyon, maaga pa nga ay inaantok na ako.

Mukha paring galit si Clyde habang niyayakap ang throw pillow. Nakapangalumbaba siya at matalim na tinititigan ang palabas sa TV.

"Clyde, come on! You can go!" sabi ko.

"Dada!" ani Beau nakahawak siya sa kanyang mga paa ngayon at nakangiti kay Clyde.

"Beau..." sabi ko.

"Porsh... I'm sorry," aniya.

Nagising ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang mukhang bigo.

"I'll come back tomorrow. I just really need to do something tonight."

"At last!" Tumawa ako. "Bye, dada!" kinaway ko ang kamay ni Beau sa kanya.

Hinalikan niya si Beau sa noo. Ganoon din ang ginawa niya sa akin. Pinagmasdan ko siyang nagmamadali palabas ng aking unit. Napangiti ako. I wish everything returns to normal now...

"Mommy, dada out?" ani Beau.

Tumango ako. "Yes, baby. We should sleep now."

"No!" mariing sigaw niya.

Umirap ako. Ang kulit. I missed him.

Kaya sinamahan ko siya sa kanyang kwarto magdamag. Nanood kami ng Cartoon Network. I mean, nanood siya. Hindi ko na natagalan. Inantok ako masyado kaya nakatulog ako ng maaga.

Dahil maaga akong nakatulog ay nagising din ako ng maaga. Beau's sleeping tight. Tiningnan ko ang oras at nakita kong 5:30AM pa lang iyon.

Lumabas ako ng kwarto at naririnig na ang kaluskos sa kusina. Dumiretso ako doon at nakita ko si Mary na nalilito sa kung anong ihahanda para sa almusal. Nasanay siyang alas sais trienta ay nag aalmusal na kami.

"Ako na ang bahala. Bibili ako sa labas. I'll jog now..." sabi ko.

"Sige po, ma'am. Maglilinis na lang po muna ako sa sala," ani Mary at binitiwan ang mga pasta.

Tumango ako. "Kapag tumawag si Maja o Clyde, tanungin mo kung dito ba sila mag aalmusal ha? Dala ko ang phone ko kaya itext mo na lang ako kung anong isasagot nila."

"Sige po!" wika ni Mary.

Dumiretso na ako sa aking kwarto. Nagbihis ako ng midriff racerback at joggerpants. I wonder if Logan's bodyguards are awake right now? Well, ang sabi ni Kier ay well trained ang mga iyon. And besides, it's BGC.

Inayos ko ang sintas ng aking mga sapatos at nagpaalam na kay Mary. Alam niya na kung anong oras nagigising si Beau at kung ano ang mga ginagawa nito tuwing nagigising. Gusto ko sanang nariyan pagkagising ni Beau pero mukhang malabo dahil bibili pa ako ng breakfast namin.

Madilim pa ay nag sstretching na ako sa kahabaan ng high street. May ilang tao rin akong nakitang nag sstretching doon. Ilan sa kanila ay kilala ko pa kaya hindi ako nabo-bore pag ginagawa ito.

Pagkatapos ng labing limang minutong stretching ay tumakbo na ako. Ang lamig ng umagang hangin ay nanuot sa aking balat. Nalilibang ang mga mata ko sa mga restaurant na nadadaanan. Kahit na ganito pang oras ay may mga tao parin doon. Either the early risers or the late sleepers.

Halos isang oras ang takbo ko. Pawis na pawis na ako kaya binagalan ko ang takbo ko. Now where shall I buy our food? Tirik na ang araw at nagsisimula nang maging busy ang mga daanan. Dumami na rin ang mga tao.

Tumakbo pa ako ng isa pang oras bago nag desisyong tumigil at bumili na ng pagkain.

"I'm sorry Beau, it's not pasta. Di bale, mamayang gabi magluluto ako."

Iba iba ang kinuha ko para sa aming tatlo ni Mary. Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang text na galing kay Mary. Ganunpaman, apat ang binili ko. Mas mabuting sobra kesa sa magkulang.

Pagkatapos kong mag order ng pagkain ay doon ko naisipang tumawag kay Mary. I just want to make sure. I know Maja's out and she'll be back later tonight pero baka kasi si Clyde, babalik.

"Mary..." sabi ko nang sinagot na niya ang aking tawag.

"Yes, ma'am!" maligayang bati niya.

It's almost eight thirty. I'm sure Beau's up. Kanina pa, actually.

"Hindi ba tumawag si Clyde sa condo?" tanong ko.

"Hindi ma'am, e. Hindi yata 'yon pupunta si Sir Clyde ngayon pero may nandito ma'am. Gwapo..."

Natigil ako sa paglalakad ko. Fuck. Who is it? Kung kapamilya ko ay agad namang babanggitin ni Mary ang pangalan! Kumalabog ang aking dibdib. Malayo ang pinagbilhan ko ng pagkain sa tower ng condo ko.

"Mare... did you let a stranger in?" halos pasigaw kong sinabi.

"P-Po? Hindi daw po siya stranger e. Magkaibigan yata kayo ma'am. Kasama niya iyong mga bodyguards ni Sir Leoncio noong pumasok siya dito kanina. Ma'am... gwapo!" Humagikhik pa si Mary.

Nangatog ang aking tuhod. Namawis na rin ang aking mga palad. Pakiramdam ko ay mabibitawan ko ang dalang paperbag.

"Magkahawig sila ni Beau, ma'am. Ang gwapo po talaga!"

Holy crap!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro