Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I've been staring at the doorknob for 5 minutes now. I don't even know why I am here and what got on my mind to pay a visit to this old woman I hate.

Nasa hospital ako ngayon. Mahigpit ang seguridad sa entrance dahil sa nagkalat na mga bodyguard ni Ruby. Kung kayat kailangan ko pang gumawa ng paraan para makalusot dito. Pero pagdating dito sa hallway ay wala man lang nagbabantay sa pinto, and it's odd.

Sa labas lang ang security nila, pero pagdating dito ay mabilis mo lang mapapasok ang silid. I clench my fist. How could they be so stupid? Sino ba ang binabantayan nila sa labas at halos lahat ata sila ay nandoon, at wala man lang isa na tao ang nagbabantay rito.

They all know how dangerous it would be if they put their guard down. Marami ang nagbabanta sa mga tulad ni Ruby. Her head is worth every entrepreneur's happiness if they beheaded her.

Just because they think they can secure the entrance, doesn't mean they have to be complacent. Kung ako nga nalusutan sila, how much more ang mga assassin na kaaway ni Ruby? Mga bobo.

Marahan kong pinihit ang pinto. It's locked. I pull the two bob pins out of my pocket and insert them inside, making sure I'll be smooth and quick.

Marahan ko ulit na pinihit ang pinto at sinarado nang mahina nang makapasok na ko. I locked the door and put the chair on it. Just to make sure no one will interrupt us.

Naglakad ako papalapit sa nakahilatang matanda. She has aged a lot, but I admit she's still pretty. Marami ang nagsabi na nakuha ni mama ang kagandahan niya kay Ruby at naipasa ito sa akin. I guess they are right.

Nilapag ko sa lamesa ang dala kong bulaklak. It is a hydrangea flower; a pollen-free flower, since she's allergic to pollen. I bought it when I was walking in the market early this morning.

"Tsk. Look at you," I whispered.

Lumapit ako sa kaniya. I pull out the clean towel and basin, and add warm water. Marahan kong pinunasan ang mukha ni Ruby, habang mahimbing pa rin itong natutulog.

"You should fire your bodyguards. Mga wala silang silbi." I continued.

Nagpatuloy ako sa pagpunas sa kaniya hanggang sa natapos ako. Itinabi ko na muna ang mga ito at umupo sa bakanting upuan sa gilid ng kama niya.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa kaniyang hanggang sa nakaramdam ako ng pagod. I haven't slept well. Isang oras lamang ang tulog ko dahil sa mga gamot na iniinom ko't bunga na rin ng pag-alala ko sa kaniya.

Maybe I should rest for a while.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakadukdok sa gilid ng kama ni Ruby. I just want to take a rest.

Mabigat pa rin ang talukap ko nang magising ako sa pagbukas ng pinto. Kasabay nito ang mga paang nagmamadaling makapasok.

I immediately pulled the knife that I had hid in my pants and threw it away. Mabuti na lang at walang natamaan sa mga bodyguard ni Ruby. The knife was perfectly inserted into the doorframe.

Mabilis ko na tiningna si Ruby. Gising na rin siya at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita ang galaw ko na 'yon.

"You should know how to knock on the door. Stupid." I yawn and  stretch my arms.

"Where are you going?" Agad na tanong ni Ruby nang makita niyang tumayo ako't tumalikod sa kaniya.

"Uuwi na 'ko. Maayos naman na ang lagay mo," I told her.

"Teka, Bright."

Napahinto ako saka siya tiningnan. "Hmmm?"

"Why don't you stay a little longer with me?"

"Nandito naman ang mga bodyguards mo."

Hindi siya umimik kaya lumapit ako sa nakabaon na kutsilyo para tanggalin ito. Napatingin ako sa mga bodyguard ni Ruby.

"Are you pretty sure they capable of protecting you?" Napatingin ako kay Ruby.

"If you're not. Tanggalin mo na sila. Hindi nila kayang panindigan ang trabaho nila."

"Uhm, what do you mean?"

"Are you dumb? Sa tingin mo paano ako nakalusot at nakapasok dito?" Irita kong sabi sa kaniya.

"Walang nagbabantay sa labas nang pumasok ako rito. Mabilis din na mabuksan ang pinto. Nasa labas lang ang ibang bodyguards mo't may gana pang magkape sa oras ng trabaho." Ako ata itong tataas ang altapresyon sa nakita ko kanina.

"Balak mo na bang magpakamatay?"

"I can do it here for you." Mahinahon kong tanong sa kaniya't tinutok sa kaniya ang kutsilyo na hawak ko.

Mahina lamang siyang tumawa. It's the first time I heard her genuinely laugh after so many years.

Agad na gumuhit ang pagtataka sa aking mukha.

"Knowing that you're concerned about me, Bright, makes my heart exultant." Mabilis siyang tumingin sa labas, habang lihim na pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"You're the first person who cares about me, Bright." Makabuluhan niyang sabi.

Agad na kumunot ang noo ko. Gusto ko sana siyang lapitan nang bigla na lang dumating si KirJack, na nakasubo pa ng lollipop sa kaniyang bibig.

Napahinto siya nang makita niya ako at ang hawak ko. Napatingin din siya sa mga bodyguard na wala man lang ginawa, at kay Ruby na nakatingin sa labas habang pinipigilan ang mga luha na muling maglaglagan.

"Hey," naguguluhan niyang bati sa akin.

Napatingin ako sa bitbit niyang bulaklak. Agad na nanuot sa ilong ko ang pollen nito't hindi ko mapigilan na mapabahing.

Lumapit sa akin si KirJack bitbit ang bulaklak niya. Gusto ko sana siyang pigilan pero wala akong tigil sa pagbahing.

"Jack! Take that pollen out of my room!" utos ni Ruby.

Natataranta naman na hinagis ni KirJack ang bulaklak sa labas ng kwarto. Someone calls the doctor and seven of them rush to the room, as if it was really an emergency.

"Doc! Do something! Oh my gosh, Bright." Halos malaglag na sa higaan si Ruby sa pag-panic nito.

The doctor guided me to the other room and gave me quick action to stop my allergies getting worse. Maging ako ay hindi ko alam na allergy ako sa pollen tulad ni Ruby. And now I am resting in bed like a real patient.

"It's not serious. Don't you look at me like I'm the most vulnerable." Irita kong sabi kay KirJack na kulang na lang ay lumuhod sa harapan ko.

"I'm sorry. I thought you were not allergic to flowers," he said for the 10th time.

"Shut up, okay?" Marahas kong tinanggal ang dextrose saka tumayo sa higaan ko.

I don't have plans to stay here. I need to go home.

"What are you doing?" Pigil niya sa akin.

"Going home?" I sarcastically said.

"No, lady. Magpahinga ka na muna."

"Don't treat me like a patient." I rolled my eyes. Tinabig ko rin ang kamay niyang pilit akong pinapabalik sa higaan ko.

"But the doctor said we need to wait for your results?"

"Anong results? Hindi ako nag-take ng exam. Uuwi na ko." Nilagpasan ko lang siya. Pero mabilis niyang hinagip ang kamay ko'r hinatak ako papalapit sa kaniya.

"Walang uuwi." Marahas niyang sinarado ang pinto.

Bakit ba nakakaasar ang tao na 'to ngayon?

"Edi, ikaw na lang huwag umuwi. I need to go home." Tinulak ko siya nang malakas saka lumabas sa kwarto.

Nakita ako ng ilang doctor at bodyguard na nagbabantay sa pinto ko kaya naman mabilis akong tumakbo.

Damnit.

Nakita kong hinabol nila ako't pilit na pinapabalik sa kwarto ko. But I'm pretty sure I am okay. Wala na iyong allergies ko. Palagay ko naman hindi ganoon kagrabe ang allergy ko, kumpara sa matandang hukluban na 'yon na nagpapahinga sa kabilang silid.

"Bright! Slow down!" Sigaw ni KirJack na nangunguna sa kanila. Behind him were the bodyguards who were chasing after me too.

Mabilis akong sumakay sa elevator saka sinarado ang pinto nito. Hingal na pinindot ko ang pangalawa palapag. Hindi agad akong dumiretso sa first floor dahil alam kong doon din ang punta nila. I want to get rid of them.

Nakakairitang makita na lahat sila ay concern.

When the door opened I saw Arlie frowning and been helplessly sighing and holding a hot coffee from Starbucks. Maging siya ay nagulat nang makita ako. I composed my breath.

Mabilis ko siyang dinaanan at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. The other nurses keep eyes on him, some of them are giggling and greet him, kaya naman mas binilisan ko ang paglakad ko't ibanaba ang cap ko para takpan ang aking mukha.

"Hey. What are you doing here?" Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko't pinaharap niya ako.

Napatingin ako sa elevator nang tumunog ito. Agad na nahagip ng mata ko ang bodyguard ni Ruby na humahabol sa akin. Mas binaba ko ang cap ko't pilit na nagtago kay Arlie.

Mukhang napansin niya naman agad iyon kaya binitawan niya ang kamay ko't napalingon siya sa likod niya.

"Let's go." Inakbayan niya ko't pilit na tinatago sa mga bodyguard na humahabol sa akin. Nag-iba rin ang tuno ng boses niya kung kaya't napatingin ako sa kaniya.

He looks so serious right now. Ibang-iba noong mga taong magkasama kami. Malaki rin ang pinagkaiba niya sa dating siya. I didn't even notice that he was wearing a scrub and working there as a doctor.

Mas pinalapapit niya pa 'ko sa kaniya nang lumiko kami. And I immediately recognized his old scent.

Tinahak namin ang hagdan hanggang sa makaabot kami sa 3rd floor. Pinapasok niya 'ko sa elevator at siya na mismo ang pumindot ng floor.

I know he's worried. But I still have to reassure him that I'm not in trouble, pero hindi niya 'ko pinasalita at hinatak ulit ako hanggang sa makaabot kami sa rooftop. He immediately locked the door.

"Are you okay?" Agad niyang tanong sa 'kin. He even checked on me. It was too late for me to withdraw my hands when he rolled my sleeves.

"Okay lang ako." Mabilis kong binawi ang kamay ko't inayos ang sleeves ng jacket ko.

His stubborn jaw was sharp as he closed his eyes to control his temper at what he saw.

Alam kong nag-alala siya sa nakita niyang mga bakas ng karayom sa balat ko't sa  mga peklat na nandoon. It's not easy to cover the scars... It wasn't easy for me to hide it from him. He always finds my vulnerability and I hate to accept the fact that, after all this year, I still have courage for him to understand me.

"Aalis na 'ko." Mabilis akong naglakad paalis sa kaniya pero mabilis niyang din namang hinawakan ang kamay ko.

"I'm fine," matigas kong sabi sa kaniya.

He still didn't say a word, but his eyes were full of questions and sympathy. Alam kong marami siyang gustong itanong, pero hindi niya kayang simulan iyon hanggang hindi ko pinapahintulutan na buksan ang tungkol doon.

"Doctor Arlie. Kailangan ka namin dito sa ER," the small speaker spoke.

The girl on the line kept on calling him for the 3rd time before he answered.

"I'm coming."

Mabilis kong winaksi ang kamay niya't iniwan siya roon.

"There you are. Let's stop playing hide and seek, Bright." Hingal na saad ni KirJack.

"Didn't I tell you not to follow me?" Inis ko na sabi sa kaniya saka naunang sumakay sa elevator saka siya sumunod.

Hindi ko alam kung nagtungo na si Arlie sa ER. Pinaglaruan ko ang isang pirasong sigarilyo sa kamay ko. I tapped my feet trying the urge not to throw tantrums inside the elevator.

Mukhang napansin iyon ni KirJack kaya inabot niya sa akin ng squishy penguin. Inagaw niya rin mula sa kamay ko ang sigarilyo saka niya tinago sa bulsa niya.

"Boyfriend mo 'yon?" He suddenly asked me.

Hindi ako umimik. Hanggang hindi na siya muli nagsalita at naunang lumabas sa elevator nang bumukas ito. I even saw him clenched his fist before he put the cigarette in his mouth.

I didn't dare to follow him into the parking lot. We both take the opposite direction. Pero bago pa man ako umuwi ay dumiretso muna ako sa malapit na convenient store. Na sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil nandoon din pala ang pinag-utangan ng mga magulang ko noon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro