99+ messages from Wattpad Cummunity
LeiDaCute<3
Goodmorning guys! The queen is finally awake.
POTAngel
Weh,ang aga aga sinisira mo araw namin.
LeiDaCute<3
Grabe?
POTAngel
Grabe Grabeng itim ng utong:)
MartinCracklings
Good morning rin sa inyong dalawa.
LeiDaCute<3
Gising na pala si kuya fugi!
CaiMaganda;)
Kamusta ang umaga niyo? Kasing ganda ko ba? ^_^
CaiMaganda;)
Beb, yung cover ha!
LeiDaCute<3
Ginagawa ko na, wag kang atat.
POTAngel
Ha?ano meron?
CaiMaganda;)
May chismosa.
POTAngel
Pakyu:/
CaiMaganda;)
De joke lang lalabs. Nagpapagawa kasi ako ng book cover kay beb.
POTAngel
ok.
LeiDaCute<3
Mwe,nagtampo agad. HAHAHA! Pinahirapan pa nga ako niyan ni Cairiah, hindi lang tuloy isang app gamit ko, kailangan kasi yung glitch chuhu.
POTAngel
Hmp!Pero anyways,ano gamit mong pang edit, Leigh?
POTAngel
Nagka crash kasi yung photoshop ko sa laptop ngayon.
LeiDaCute<3
Glitch.
POTAngel
Ha?
LeiDaCute<3
Glitch nga pangalan ng app.
POTAngel
Ay really?
POTAngel
Wala kasi akong nakitang ganung app nung nagsearch ako ng pang glitch. Picsart lang tuloy ang pwede. Baka naman bawal sa android yan?
CaiMaganda;)
Ah,Share mo lang?
POTAngel
Pakyu na talaga.
CaiMaganda;)
De joke lang.Last na yun,labyu! Off muna 'ko,nood ako Barbie.
LeiDaCute<3
Barbie ng barbie. Kulang na lang pati panty mo barbie!
POTAngel
Maganda ba yang glitch na yan,Leigh?
LeiDaCute<3
Oo,parang maganda naman. Puro five stars yung ratings,pero hindi ko pa siya natry.
POTAngel
Sige,wait lang ah.Search ko muna hehe. Gagawa rin kasi ako para sa mga followers ko.
CaiMaganda;)
Wow ang baet. Pero bakit yung kili kili mo amoy pinakbet?
POTAngel
Tang ina mo.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa GC nag aaway pa rin. Walang nagbago.
Tutal hindi naman ako busy, ngayon ko na lang gagawin para matapos na.
Welcome to Glitch!
Please answer the following questions!
Ang taray, may pa question pa.
Are you a robot?
yes or no
What Is Your Gender?
Pakielam niya ba? Mukha bang dating app 'to? May gwapo ba akong makakachat?
Male| female
ɆⱤⱤØⱤ
Luh?
Umulit yung tanong.
What Is Your Gender?
Male | Female
Ganun parin sinagot ko.
ɆⱤⱤØⱤ
Ano bang problema nito?
What Is Your Gender?
Male | Female
Clinick ko nalang yung totoong gender ko.
Success!Please enter your name and email.
Ang dami naman netong gusto.
Parang ako.
Charot.
Bago pa ako makapagtype,nag message bigla si Angel sa Gc.
POTAngel
Leigh.
LeiDaCute <3
Yes my dear? Hehe
POTAngel
Glitch ba talaga pangalan nung app? Walang lumabas kahit isa ah?
LeiDaCute <3
Opo. Glitch talaga name nung app.
POTAngel
Huhu,wala talaga. Sige,maghahanap nalang ako ng iba.
Ganon ba talaga? Mabilis lang na maghahanap ng iba?
LeiDaCute <3
Bakit sakin meron?Sige, bye muna.
Name:Leigh Janine Urbano
Email address: [email protected]
Location: America
Charot lang yung location.
America? In my dreams! Hindi naman nila malalaman eh.
Tsaka, editor lang to pero anlakas makapapel akala mo tinder.
ɆⱤⱤØⱤ
Please put your location.
Nilagay ko naman ah?
Location:Jasper,Canada
ɆⱤⱤØⱤ
ɆⱤⱤØⱤ
ɆⱤⱤØⱤ
Error! Puro nalang Error!
Isa nalang talaga,iuuninstall ko na 'to.
Location:Philippines
Success!You may now continue.
Liars will rot in hell.
What the hell?
Hindi naman siya sa app mismo lumabas. Parang ad lang na nag pop up. Pero grabe naman, pinapakaba ako netong ad na 'to ha!
Nag eerror siya lagi kapag hindi tamang sagot nailalagay ko.
Hindi kaya,alam nila kung asan ako?
Charot uli. Kakabasa ko ng wattpad kaya kung ano ano nalang pumapasok sa kokote ko.
You are now logged in.
Enjoy!
At last! Magaagamit ko na rin. After so many years!
Ok,charot. OA na.
"Teka sino uli yung main character ni bakla?" Kulang ata ako sa breastfeed nung bata, ang dali ko kasing makalimot.
Pero bakit siya, hindi ko makalimutan?
Charot uli.
Ang maganda dito, parang meron na siyang parang built in google sa loob. Pwedeng doon na ako magsearch ng sources.
"Yoona pics..."
Pero nagulat ako dahil hindi pictures ni Yoona ang lumabas.
"Baklang to!" Napangiwi ako dahil iba ang nakita ko.
Pictures ng mga dagang patay at nakabulatlat ang laman na bumungad sakin.
Kinusot ko ang mata ko tsaka tinype uli 'yoona pics' for the second time.
"Gaga..."
Ganun parin!
Picture ng mga dagang patay.
"Is my phone broken or something?"
Maya maya,biglang namatay phone ko.
Then after a few seconds,nag on uli.
What is this?
Para siyang Glitch.
No, glitch talaga tanga!
Kailangan ko na ba bumili ng bagong cellphone?
Hindi pa ko tapos sa mga iniisip ko pero naputol na agad dahil sa isang malakas na tunog na galing sa doorbell.
Wala naman akong ineexpect na bisita. Si Cai kaya?
Halos magkanda balintong ako sa pagbaba sa hagdan. Malay ko ba kung yung gwapong kaibigan na pala ni Misha 'yon.
When I opened the door. I saw no one
Papasok na sana ako sa loob uli dahil mukhang pinagtitripan lang ako ng mga bata sa subdivision namin pero may nakita akong maliit na box sa sahig na agad ko namang pinulot. Haller? Mga tsismosang katulad ko,hindi pinapalampas ang mga ganto noh! Lalo na pag nasa tapat na mismo ng bahay namin.
"To:Leigh Janine Urbano"
Syempre bilang sarili ko, hindi na lumipas ng minuto at agad kong binuksan ang box. My god, may secret admirer ata ako.
Napatili ako dahil sa bumungad sakin.
Hindi dahil sa kilig,pero dahil sa gulat.
Parang bumaliktad iyong sikmura ko dahil sa duguang daga na bumungad sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro