Chapter 2: Game... START.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 2: Game... START.

West Marine High
-11:30pm-
-school field-
-Ace-

Syet. Napa-aga ata yung dating ko. Eh anong magagawa ko? LOL, desperado na yung tao eh. Ako lang kaya yung nakakuha ng text message, o may iba pang mga tao... Or baka prank lang to ng mga taga lower section?!

Kailangan ko na ng desenteng grado, para hindi na ako mapagalitan!!


Arrgghh, fuck!

Litong-lito na ko. Malapit ko nang masabunutan yung sarili ko nang...

"Uhh... Garcia? Ba't nandito ka?"


Napalingon ako sa may kanan, at nakita ko yung dalawa kong mga kaklase, sina Phoebe at Jack, magkasama, at tig-iisa sila ng dalang flashlight.

"Teka, ba't nandito ka?!" Sabi ni Phoebe na naka-pamewang pa. "Wait, no... Ace, nakuha mo rin ba yung text -"

"Ahh, geez.. Sobrang obvious naman." Sagot ko sabay lingon sa paligid. Meron pala akong mga kaklaseng nakakuha din ng text message.


Meron pa ba kaya sa ibang section or sa ibang grade?



"Uhh... Uhh, h-hi?"


Napalingon nalang kaming tatlo nang marinig namin ang isang maliit na boses ng isang lalaki...

At nakit nga namin siya. Maliit... Slightly brownish hair... At naka pajama pa talaga.

From the looks of it though... He's a grade 7 student.

"What the heck are you doing here, nerd?!" Sumbat naman ng isang babae na nakamapewang pa. Tinititigan niya ng husto ang isa pang grade 7 student na babae na naka salamin.

"Tsk." Sagot lang niya habang umiwas ng tingin.

Arrgghh... Bakit ba ang tensyonado naman masyado ng mga taga grade 7?!?

"Whoa. Marami palang dumating. Grade seven at eight ba kayo?" Pa-cool na tanong ng isang grade 10 student na sinundan pa nang dalawa niyang mga kasama.



"Sumama lang ako dahil curious ako." Sambit ng isang lalake na naka headphones, at lumingon naman sa kanya ang kasama niya.

"Nylersh, nakatangap ka din ba?" Tanong ng isa pang binata.

Nakita ko na mayroon pang dumating na mga kambal, na sa pagkaka-alala ko, grade 8 students ng section Jade. Napalingon yung isa sa kanila sa akin at nag wave. "Hi!! I'm Kristina Angel!" Pasigaw niyang sabi sa akin.

"Ahem..." Panimula ni Phoebe habang siniko niya ako sa ribcage.

Tsk. Feeling close.



Wala akong kaibigan sa loob ng classroom, tapos ngayon na nandito kami sa school fields, gusto na niyang makipag-close sakin?

Suspicious woman.

Speaking of suspicious, mayroon akong nakitang lalake na nakamasid lang sa amin. Wala naman talaga akong mga pake sa mga taong nakatanggap din sa text message na iyon, pero nandito lang ako dahil kailangan ko na ng mga matataas na grado. NGAYON. NA.

At samantalang nasa isip ko iyon, bigla-bigla nalang nagsabayang tumunog ang mga cellphone namin.



*You have 1 text message.*

*****

~A third person's POV~    

Hindi na makapaniwala silang lahat. Ngayon, sabay-sabay na talagang tumunog ang kanilang mga cellphones, at sabay-sabay din nila itong hinablot galing sa mga bulsa at bag nila.

~~~~~

All 12 players have been gathered together

Now, the game shall commence.

First quest: Introduction.

~~~~~  

Nagtinginan nalang sila. "Introduction?" Tanong ni Noir, yung binatang pinakatahimik sa kanilang lahat, at umani ito ng mga iba't-ibang tingin mula sa mga kasama nito.

"Hmm... Introduction lang?" Parang nabitin na tanong ni Phoebe. "Har har. I expected more thrills."

"Anyway..." Panimula ni Xezhamae, sabay pahid sa salamin niya. "I'm Xezhamae Holy Dawnbreaker. Grade 7, section——aray." Kinurot kasi ni Traush yung pisngi niya eh.

"Cute!!" Sambit nalang ng binata habang kinurot niya nang husto ang pisngi ng nakababatang kapatid ng kaibigan niyang killjoy.

"I'm Traush Ramsay, by the way." Sabi niya habang nilagay niya ang kamay sa ulo ni Xezhamae. "Anong— Teka!! Tanggalin mo yung kamay mo, ang bigat!!" Sigaw ng dalaga kay Traush na nakangisi lang ng malaki.

"Magkasing-tunog din kayo ng kuya mo." Diin pa ng binata habang tumawa siya.




"Tch. Stupid bitch." Bulong ni Bridget sabay irap ng kanyang mga mata. Malapit na siyan maiyak sa mga pangyayari kanina dahil sa mga pinagsasabi ng DC chairman na kuya ng pesteng sip sip na yun.

"I'm Bridget Woodsworth." Bigla nalang siyang sumumbat sabay nag-hair flip. Like, hair flipping even though it's too dark to see.

Hindi naman nakatutok sa kanya yung mga flashlights ng iba pang mga estudyante, kaya wala nalang ding masyadong nagbigay ng pansin sa kanya.

Sunod naman na nagpakilala ay yung batang lalake na isang grade 7 student din. "A-ako nga pala s-si... V-Vim Noftell. Section D-dahlia..." Putol-putol pa nga niyang pagkasabi.

"Oh? Diba nagkita na tayo kanina?" Tanong ni Zedric sa bata, at napatango lang ito. "S-Salamat nga pala, kanina." Sagot ni Vim sa nakangiting binata.

"Ako nga pala si Zedric Allaster!" Energetic na intro ng binatilyo sabay peace-sign. Hinablot na rin niya ang kaibigan niyang hanggang ngayon ay naka-headphones parin.

"At eto naman si Nylersh Rhine Nightwalker! My best friend eternity!!"

Nag roll eyes lang si Nylersh habang tinanggal na niya ang headphones na parang naka-glue na sa ulo niya.

"You mean best friend for  eternity." Correction niya sa grammar ng kaibigan.




"Akala ko ba sabi dun sa message na mga bobo lang ang dapat sumali!!!" Sigaw ni Zedric sa kanya sabay pout. "Bakit nga ba andito ka, hah?! Nakatanggap ka nga ba talaga ng text message kay Drumstick whatever na yun?"

Pinakita lang ni Nylersh ang touchscreen cellphone niya, at andun nga ang message na galing kay... "Mr. Redrum. Yun ang pangalan ng admin." Correction niya uli. "Besides, hindi porket magaling sa grammar ang isang tao, matalino na agad."

"Shut up!!" Padabog na sigaw ni Zedric sa kaibigan niya.

It was the grade 8's turn, kaya nauna na yung bibong babae kanina.

"Hi once again!" Sambit niya in a very energetic tone. "My name is Kristina Angel Reyes!" "Buti pa sya, may energy. Ikaw kahit katiting man lang, wala." Bulong ni Zedric kay Nylersh na umirap lang.

Bakit ba parang babae to umasta si Nylersh?!?

"And I'm her identical twin, Kristine Angela Reyes." Sabi naman nung seryosong version ng Reyes siblings.

"Okay, serious is Angela. Hyper is Angel." Sumambat na naman itong si Zedric. "Gotcha."

"I'm Noir." Sabi ng parang antisocial na lalake na katabi nina Angel at Angela. Seriously, bakit ang daming antisocial sa grupo na to?!

"Noir?" Tanong naman nitong si Bridget, obviously nagwapuhan sa kanya. "Noir Ford." Patuloy ng binata, habang iniiwasan niya ang mga tingin sa kanya ng ibang mga participants.

Ngayon, napunta naman ang mga mata nila sa tatlong natitirang tao na hindi pa nagpapakilala. "Uhh, Hi. I'm Jack." Sabi ni Jack habang kinamot niya ang ulo nito. The awkward tension... Of course. "My full name is Jack Jacob Johannes."

At ngayon, si Phoebe naman ang nag introduce sa sarili niya.

"Hey yow. I'm Phoebe Mae Santos, grade 9 student from section Echo." Sabi niya sabay kindat sa kasama nilang si Ace, na siyang hindi pa nagpapakilala.

Nilunok nalang ni Ace yung laway niya at inayos ang tindig niya. Matagal pa lang ay hindi na siya mahilig makisalamuha sa ibang mga tao, at hanggang ngayon, wala paring nagbago sa pakikitungo nito.

"James Acer Garcia.Tawagin nyo nalang aking 'Ace'."Madiin nitong sabi, sabay kagat sa mga labi. Ayaw na ayaw ng binata ang pagpapakilala sa mga taong hindi niya gustong makilala siya. Wala siyang kinakampihan, wala din itong ayaw at wala din itong gusto sa ibang tao.


"Okay, ngayon kilala na natin lahat ng mga participants."Panimula ni Phoebe sabay tingin sa kanyang cellphone. "Hmm... So dapat may text message nang dadating anytime soo——"

Hindi man lang niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla nalang nag-vibrate ang cellphone niya at tumunog, na ikinagulat ng dalaga kaya nahulog tuloy nito ang cp.

Buti nalang nasa damuhan lang yung cellphone niya nahulog at hindi nagka-damage.



*You have 1 text message.*

Sunod-sunod na ding tumunog ang mga cellphones nila kaya tiningnan nila agad ito.


~~~~~

Good job, players. Now that you know each other... You will now have to work together as a team in order to do certain missions that will be assigned to you.

~~~~~ 


"Cool." Napa-wolf whistle  nalang si Traush dahil sa nabasa niya. "So, kailangan lang nating mag teamwork para makakuha ng malalaking grades?"

"Hmm..." Nilagay ni Noir ang kamay nito sa ulo. "I guess, hindi naman ganun kahirap ang gagawin natin... Diba?"

Pero nagulat nalang silang lahat nang tumunog ulit ang mga cellphones nila.

*You have  1 text message.*   

At ngayon... Ang mensaheng nakalagay ay:



Ace's cellphone:
~~~~~

Pick up your specific weapon. Yours will be located on section Phoenix.

Don't let the others see it, or else you will be disqualified from the game, and you will not receive your bonus grade.

~~~~~


Phoebe: Section Gamma
Jack: Section Orchids 
Noir: Section Apollo 
Bridget: Section Rose
Vim: Section Milky Way
Angel: Section Beta
Angela: Section Delta 
Zedric: Section Sampaguita
Nylersh: Section Jasmine 
Traush: Section Diamond
Xezhamae: Section Emerald



Kaya sa panahong ito, hindi na nagtinginan ang mga kasali sa 'laro' at pumunta nalang sila sa kani-kanilang mga assigned section.

Unang pumunta si Ace sa Section Phoenix, isang room na pang grade 10.


Sa West Marine High, ang tawagan kasi ng mga section nila ay 'flowers' for grade 7, 'gemstones' for grade 8, 'positions' for grade 9, like gamma or beta. Echo is a special section, so it's named differently. For some reasons, Milky way is also a grade 9 section. For grade 10, it's mythical creatures/zodiac signs, like Phoenix and Aries.

Kaya nagulat nalang siya nang malaman niya na hindi naka-lock yung pinto. Kung sino man yung mastermind ng larong ito, siguro isa siyang tao na malaki ang impluwensya sa paaralan na ito.

May nakita siyang kakaiba sa mesa ng teacher kaya nilapitan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pinagka-katiwalaan niya tong si Mr. Redrum na ito, pero kailangan na talaga niya ang nga grado na pinangakong ibibigay sa kanya.

Kaya nilapitan ni Ace ang bagay na nasa teacher's table, at sa laking gulat niya... Isa itong portable drill.

"Para saan naman tong drill?" Napatanong nalang siya at saka bumuntong-hininga. Syet. Parang ayaw na talaga niyang paniwalaan si Redrum at ang larong ginagawa nito. Hindi pa niya alam kung ano ang plano ng taong iyon sa kanila, kaya nahihirapan pa siyang pagkatiwalaan ang mga tao na kasali sa larong ito.





*****  

"Oh shit!!!!" Napasigaw nalang si Zedric nang makita niya ang nasa mesa ng classroom na pinuntahan niya.


Hammer.  

"Oy, oy, oy!" Napakamot nalang siya sa ulo niya habang nagtatakang pinagmasdan ang bagay na ibibigay sa kanya ng Drumstick na yun.

"Gusto ba niyang gumawa kami ng bahay?!" Naiiritang tanong niya, pero kinuha nalang niya ito at pinagmasdan ng maigi.

Hindi niya alam kung ano ang plano ng Drumstick-whatever guy na iyon, pero basta may decenteng bayad (grades!!) Wala na siyang pake sa iba pang mga detalye.

Kaya kinuha ito ng binata at nilagay sa kanyang sling bag.



*****  

"Eh." Napatingin nalang si Phoebe sa 'weapon' na binigay sa kanya ni Mr. Redrum.



Scissors.



Sa totoo lang, medyo disappointed ang dalaga sa kanyang nakita. Anong klaseng weapon ba ang gunting?!? Bakit ba hindi nalang siya binigyan ng shotgun? Or sniper? Machine gun?!

Bakit yung bagay na ginagamit pa sa mga projects?!

Napa-irap nalang siya nang wala sa oras. "Ano ba naman to, ang malas ko naman ata."


At pagkasabi niya nun, nilagay nalang niya ang kanyang 'weapon' sa bulsa at lumabas, medyo excited pa rin sa kung ano kaya ang nakuha ng iba pang players.



*****   

"Aaahhhh!!!!!" Napasigaw nalang ang matatakuting si Vim nang makita niya ang nakaka-pangilabot na bagay sa mesa ng classroom na pinuntahan niya.




Chainsaw



"Good Lord, please guide me..." Bulong nito sa sarili habang tinangka niyang buhatin ang malaking bagay, pero dahil hindi naman siya malakas, nahirapan siya ng husto.


Sa totoo lang, ayaw niyang hawakan pa ang nakakatakot na bagay na ito, pero kailangan niya... Dahil kapag hindi siya nakakuha ng decenting grado...


Napalunok nalang si Vim habang dinala niya ang mabigat na bagay at lumabas na sa madilim na classrom.



***** 

Nagtataka si Jack nang pasukin niya ang classroom na sinabi ni Mr. Redrum sa kanya galing sa text. Weapon daw ang nakasaad, pero wala naman siyang makita dahil sa sobrang dilim ng Section Orchids.

Gusto niya sanag i-turn on yung ilaw, pero napangisi nalang siya nang may makapa siyang malamig sa kanyang mga kamay habang kinapa niya ang teacher's table.


It was hard and cold... Small, and carefully made out of stainless steel.

Tinitigan ito ng binata hanggang sa malaman nito kung ano ang nakuha.




Lighter




"What the f****ck!!!?!" Napasigaw nalang siya. "Teka, ano namang gagawin ko dito?!?"




***** 


Napatingin nalang si Noir sa kanyang nakitang 'weapon' na ibinigay umano ng 'admin'.




Rope.

Napangiti nalang siya ng hawakan niya ito at inilagay na niya sa kanyang bag. Hindi niya alam kung ano kaya ang pakana nitong admin, at kung bakit kailangan pa nila ng mga weapon, pero nakangisi nalang siya... At hindi niya alam ang dahilan.

"Hmm? May sasakalin ba ako gamit nito?" Napatanong nalang siya, habang nakangisi parin ng malapad hanggang sa paglabas niya.

*****  

Kinuha na ni Angel ang bagay na ibinigay para sa kanya. "Para saan kaya to? Bakit kaya binigay ni Mr. Whatever ito sakin?" Napatanong nalang siya habang pinagmasdan ang weapon of choice na nilagay para sa kanya.

Pickaxe.

Napakamot nalang siya ng ulo. "Hmm... Ano kayang nakuha ni Ate?" Tapos lumabas na siya mula sa classroom na nakangiti at parang walang nangyari.

"Sino kaya sa amin ang mas maganda ang 'weapon'?"





*****  

Kumunot nalang ang noo ni Angela sa nakita nito, kaya napa roll-eye nalang ito.

"Tch. Ano ba talagang gustong gawin ng Redrum na yun, ha?!"

At sa padabog na tono nito, masasabing hindi niya nagustuhan ang ibinigay para sa kanya.

Shovel

Sa tingin ng dalaga, pinag-aaksayahan lang ni Redrum ang oras niya.

At para sa kanya, hindi dapat sayangin ang oras.



*****   

Tinanggal na ni Nylersh ang headphones nito at tinitigan ang weapon of choice na nilagay sa teacher's table para lamang sa kaniya.

Motolov Cocktail.   

(It's a given name for a glass bottle with lots of gasoline/diesel inside, with a piece of rope coming out from it's mouth. One will light a fire on the rope, and throw the weapon on a certain direction, and once the glass shatters, the entire area will burst to flames.) 

Napa-buntong hininga nalang ang binata. Hindi niya inakala na mabibiguan siya ng ganitong klaseng weapon... Na kailangan mo pang ibato sa kalaban mo.

May pagkatamad ang binata, at ayaw na ayaw nitong maglagay ng effort sa kanyang mga ginagawa. Kaya kahit ito ay matalino, hindi parin ito nakaabot ng top 10.

Kinuha nalang niya ang tatlong motolov cocktails na nasa mesa at lumabas ng walang imik.



***** 

Lumaki naman ng lumaki ang ngisi ni Bridget nang makita niya kung ano ang weapon na inihanda para sa kanya.

Axe.  

Oh shit. With only one swing, mapapatay na niya ang babaeng kinamumuhian niya ng husto. Hindi na niya gusto si Xezhamae sa simula pa lang ng klase. Sa tingin niya, isa itong sip sip, at 'teacher's pet'.

Mas kinamumuhian na niya ito ngayon dahil sa ginawa niya at ng kapatid nito sa kanya.

Mas lumapad pa ang ngiti niya nang malaman niya na hindi naman pala gaano kabigat ang weapon of choice para sa kanya.

"Hehe... Just you wait, you bitch."


*****  

Hindi pa nakahawak si Xezhamae ng matutulis na bagay porke't sa isang gunting, dahil andun naman palagi ang kuya niya para sa kaniya. Kaya gaano nalang kabagsik ang nerbyos niyo nang makita niya ang weapon niya.

Pocket knife

Ilang beses na niyang nakita nag kuya niya na nasugatan dahil sa kutsilyo tuwing nagluluto ito para sa kanilang dalawa, kaya natatakot na siya.

Nagtataka na siya kung ano ba talaga ang plano ng admin kung bakit tinipon sila dito, at kung bakit kailangan pang gumamit ng mga 'weapons'.  

Pero ayaw na niyang maging pabigat sa kuya niya... Kaya nilunok nalang niya ang kaniyang laway at kinuha ang pocket knife.




*****  

"Teka, akala ko ba weapons, hindi sports equipment?!" Nagtatakang tiningna ni Traush ang kanyang 'weapon' na hindi talaga niya inakalang magiging weapon.

Baseball bat

At saka, ano bang pagagamitan nila sa mga weapons na iyon? Nagtataka din siya sa mga pangyayari, pero sa hindi malamang dahilan, yung utak niya ngayon ay naka-focus lang sa nakababatang kapatid ni Zoren.

Xezhamae Holy Dawnbreaker...

'She was really cute.' Traush thought as he smiled.

Hindi niya alam jung bakit, pero gusto na niyang lumabas kaagad para makita ulit si Xezhamae.

***** 

Nakalabas na silang lahat, at nakangiting pumunta si Traush sa tabi ni Xezhamae.

"Ano na naman bang gusto mo?" Mataray na tanong ni Xezhamae sa binatang nakangisi lang sa kaniya. "Anong nakuha mong weapon?" Tanong nito sa kanya.

Pero umiwas lamang ng tingin si Xezhamae. "Shut up pedophile."

"Teka, bakit naging pedophile ako?!" Tanong ni Traush sa dalaga, kaya napa-ngiti nalang si Zedric habang pinagmasdan niya ang bangayan ng dalawa.

"Yo! The two of you look so close already." Sabi niya ng nakangiti habang pinuntahan niya ang dalawa. May nakasimangot, at may malapit na tumawa. "Yup. We're close." Pag-agree pa ni Traush, kaya mas lalong napasimangot si Xezhamae sa kanya.

"Jack, anong weapon na nakuha mo?" Tanong ni Phoebe sa binata nang lumapit ito sa kanya. "Hmm... Hindi naman ganun ka importante yung nakuha ko eh." Sagot naman nito sa dalaga. "Ikaw?"

Napa-roll eyes nalang siya sa tanong ni Jack. "Tsk. Walang kwenta." Tapos nakita nilang dalawa na mag-isa lang si Ace, kaya nilapitan nila ito.

"Ace!! Anong nakuha mong weapon?!" Excited na tanong ni Phoebe sa kanya, kaya napa-ahem nalang si Jack. Sobra-sobra naman kasi ang energy ng babaeng to.  

Pero hindi man lang sila tiningnan ni Ace. Wala siyang planong makipag-kaibigan sa ibang tao, kahit sila pa ang nauna.

"Hey, Ace.. Sumagot ka naman—"

Naputol nalang yung sasabihin ni Jack dahil bigla nalang nagsi-tunogan ang mga cellphones nila.


*You have 1 text message.*

Binuksan ulit nila ang mga cellphones nila... At ngayon, ginulat na talaga sila ni Mr. Redrum sa ipinapa-utos nito sa kanila.

~~~~~

Good job obtaining your weapons, players.

Quest #1: Destroy the CCTV near the school gates in order to get rid of your physical evidence.

~~~~~   

"H-ha?!?" Napasigaw nalang si Vim sa gulat at takot. "Teka... May sisirain tayo?"

Napakunot nalang si Traush. "Ano ba talagang plano nitong si Redrum?"

~~~~~

Reward: Plus 3 points on your overall first grading grade on your report card: science, math, research.

~~~~~









------------------------------------------------------

Hi guys!! Author-chan here!

Sorry for the late update everyone. Nagka-writer's block po kasi ako... 😭 

But don't worry! I'll update sooner, promise!!

Makaka-motivate if you'll vote, ★ comment, and share!!

awesomeSTG🔊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro