Chapter 4: Missing Flag

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 4: Missing Flag

Dawnbreaker's Condo unit
-6:20 am.-
-Bedroom-
—Xezhamae—

Nagising nalang ako sa narinig kong mahinang kalabog sa may pintuan ko. Agad-agad kong kinuha ang salamin kong nasa nightstand ko at sinuot ito para makita ko kung ano yung dahilan ng ingay.

Messy brown hair. Smooth and dark brown-coloured eyes. Sincere and lively smile that can even make the sun blush.

"Hey... Good morning, Xezhamae." Sambit niya habang nakangiti parin sa akin, at muntik ko nang masampal yung sarili ko. "Hehe... Sorry for barging in, by the way. Galit na galit yung kuya mo sakin." Dagdag pa niya habang tinawanan lang niya ang possibleng death threat ni kuya sa kanya.

"T-Traush?" Malapit na talaga lumuwa yung mga mata ko sa kaka-titig ko sa kanya. "Bakit nandito ka, you pedophile?!"

"Ah... Susunduin sana kita kasi ang tagal mo eh, pero tulog ka pa pala." Saad nito habang nakangiti parin. Syet. Bakit ba palagi nalang nakangiti tong lalakeng to?!

Kaya bumangon nalang ako at tinitigan ang relo ko. "Ang aga-aga pa naman ah! Ang bilis mo naman magising at mambulabog." Sagot ko naman sa kanya, habang kinuha ko na yung uniform ko mula sa closet ko at nilapag ito sa kama ko.

I took a small peek at him from my peripheral vision, at nakita kong nakatitig parin siya sakin. Ugh. Ano bang problema ng taong to?! May disorder ba siya na nagca-cause ng symptoms na palagi nalang nakangiti?!

Ugh... Ay, ewan ko nalang sa kanya.

"Xezhamae..." Tinawag ulit niya ako, at muntik na akong mapatalon sa kaba at gulat. Putang manok, bakit ba kasi palagi nalang akong nagugulat kapag nakikita ko yung pagmumukha niya?

"A-Ano yun?" Pasimpleng sagot ko naman, pero hindi na ako umikot kasi hinahanap ko yung necktie ko. Arrgghh... Nasan na ba yun?!

"Andito lang yung necktie mo malapit sa study table." Sabat naman niya. Syete, andun lang pala eh... Bakit ba kasi parang wala ako sa sarili ko ngayon?

Kaya umikot na ako at pumunta sa study table ko, pero hinarangan niya ako. "Xezhamae." Sinabi niya ulit ang pangalan ko. Ano bang problema neto?

"Traush... Ano ba kasing—"

Nabigla nalang ako nang niyakap niya ako mula sa likuran. "T-Traush?!?" Nagpa-panic na napasigaw ako habang sinubukan kong kumawala, pero sobrang lakas pala ng lalakeng to.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang pumunta nalang sa pisngi ko lahat ng dugo sa katawan ko.

*Dug-dug. Dug-dug. Dug-dug.* 

What the...?!? Bakit ba sobrang busy na ata ng heart ko ngayon?!

"Xezhamae..." Traush started in a husky tone, as he slowly buried his face unto my neck.

***

Hinampas nalang ako ni kuya ng unan sa mukha, kaya bigla nalang akong napa-upo.

"Kanina pa kita tinatawag, Xezhamae. 6:30 na, hindi ka pa naliligo." Narinig ko nalang na nagsalita si kuya Zoren... Kaya napatulala nalang ako.

"Huh?" Iyon nalang ang nasagot ko sa kanya. Don't tell me... P-panaginip lang yun?! Nanaginip ako tungkol sa pedophile na yun?! Hohoho... No way high way.

SERIOUSLY, NO WAY!

Sa sobrang hiya, napa-takbo nalang ako papunta sa kusina. Sinundan naman ako ni kuya, at sabay na kaming kumain.

Matagal ko nang napapansin si Traush Ramsay, dahil siya yung palaging nakakakuha ng attensyon ng mga tao. Ang daming ginagawang 'kalokohan' aniya pa ng ibang tao, pero marami parin ang nagkakagusto sa kaniya dahil may itsura din naman siya... Err, lahat naman ng mga tao may itsura ah.

Magkasama din kasi sila ni kuya paminsan-minsan, kapag may school presentation ang banda nila. Pero ang nakakapag-tataka ay kung bakit ganun siya umasta.

Basagulero siya, pero bakit parang takot siya bumasag ng mga bagay?

Kung ano-ano nalang ang iniisip ko habang ginagawa namin ni kuya ang daily routine namin.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ni kuya nang biglang tumunog ang cellphone ko, at dali-dali ko naman itong hinablot.

*You have 1 text message.*

——————

Good morning, players.

Your second quest shall take place during the flag raising ceremony at 7:00 am.

Quest #2: Steal the school flag and hide it for at least 1 hour.

I believe the rewards have been discussed, right?

So I'll place my trust that you'll complete this easy task, and receive good scores for your test.

——————

Napa-hinga nalang ako ng malalim. At least, hindi ganun kahirap ang second quest... Pero kapag nanakawin namin iyon, siguradong mabubulabog ang buong paaralan at magsasagawa ng search.

Nagmadali agad akong pumasok sa kotse ni kuya at sinabihan siyang magmadali.

Kailangan kong sabihin sa iba ang plano, dahil baka sumabit pa kaming lahat.

West Marine High
-30 minutes until flag raising ceremony-
-6:30 am-
—Third person— 

"So," panimula ni Angel habang inaayos ang kaniyang buhok na nagkabuhol-buhol na.

"Ang flag ay nakalagay lang sa Student Council office, kung saan kukunin ito ng scouts para ihatid sa flag pole."

"So ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Angela, na halatang inip na inip na.

"Wala pa sina Ace at Xezhamae." Saad naman ni Traush. Halata naman kasi na hindi ito mapakali dahil sa wala itong kakampi, maliban nalang kay Vim.

"Oo nga noh," sagot naman ni Phoebe at napatawa nalang. "Sorry. Wala kasing presence masyado si Ace, kaya minsan hindi na namin siya napapansin."

Napatango naman si Zedric sa sinabi ng kasama. "Eh si Noir? Nakita ko siya kanina, pero bakit hindi sumipot?"

Umirap nalang si Bridget, at halatang naiirita na ito dahil sa sobrang bagal ng mga kasamahan nito. Gusto sana niyang kunin nalang ang flag para matapos na ang quest nila, pero meron din kasing mga student council officers na nakabantay doon sa loob.

"Ano ba?! Huwag na nga nating hintayin pa yung sipsip na yun at nakawin nalang natin yung flag!" Inis na sigaw nito, kaya nabaling sa kanya lahat ng attensyon nila.

"Mamaya kapag dumating na ang kuya niyang nasa Disciplinary Committee, lagot na tayo, at hindi na talaga natin makukuha ang letseng flag na yun!"

"Yup. Agree ako sa suggestion ni Bridget." Sagot naman ni Phoebe na hanggang ngayon ay nakangiti parin ng malapad.

"Huwag na nating hintayin yung dalawang latecomers na yun. Makaka-abala lang sila sa gagawin natin."

Napakunot nalang ang noo ni Traush, habang pinagmasdan niya ang paligid. Marami nang mga estudyante ang pumapasok, at kung hihintayin pa nila sina Ace at Xezhamae... Tiyak na may makakakita sa kanila, at mabubuko silang lahat.

"Alright, it's a done deal. Let's go!" Energetic na sigaw ni Angel, at ang iba pang sumang-ayon sa kaniya ay sumunod na rin.

Naiwan na lamang si Traush doon, kasama sina Vim, Zedric, at si Nylersh na busy sa paglalaro.

"A-ano nang gagawin n-natin?" Tanong ni Vim, at sa tono palang nito, masasabing kinakabahan na ito ng husto.

Napabuntong-hininga nalang ang binata at tinapik ang balikat ng maliit na grade 7 student.

"Hindi ko pa alam." Aniya ng binata, habang ginamit nito ang kanang kamay para isuklay sa kaniyang magulong buhok.

Hahayaan nalang sana niya ang ibang mga players nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone.

*You have 2 text messages*

Tiningnan muna niya kung sino ang nag-text, at nalaman niya na ang unang text message ay galing kay Aliyah, at ang pangalawa ay galing sa isang unknown number... Pero hindi ito galing kay Mr. Redrum.

—————

Hello Traush, it's me, Xezhamae.

Mayroon akong idea kung paano natin kukunin ang flag nang walang nahuhuli.

So please stay put. We're almost there.

—————

Nanlaki nalang ang mga mata ng binata nung nabasa niya ang message na galing kay Xezhamae. Kaya agad niyang nireplayan ito.

—————

Teka, paano mo nalaman ang phone number ko?

—————

Napindot na niya ang send button, pero may idinagdag pa siya. Gusto niyang malaman ni Xezhamae na umuna na yung ibang players, at sina Vim nalang ang kasama niya.

Kaagad naman nag-reply ang dalaga, na ikinatuwa niya ng husto.

—————

Okay. Almost there, Traush. I'll tell you my plan, then you can ask them to cooperate with you.

P.S. Save my number, I have a feeling we'll need it sooner.

—————

Napangisi nalang ang binata, at napa-ikot na sa kaniyang mga kaibigan at hinarap ang mga ito.

***** 

"Teka lang," panimula ni Bridget, medyo nag-aalinlangan. "Bakit kailangan pa ng bantay ang letseng flag?! Ano to? Boss raid?!"

Napatawa nalang si Angel. "Okay, so paano natin kukunin ang flag ngayon?"

Napatango nalang si Noir sa kaniyang sinabi. "Agreed. Kailangan natin ng magandang plano. 'Cause if we fail... We'll lose our only chance to rise up the top."

Tinitigan ni Bridger ng husto ang flag na naka-display lang sa mesa ng student council office. Ang dali-dali lang sana, ngunit yung mga letseng student council members kasi!!

Sa sobrang pagtitig nito sa mga tao na nasa loob, and kulang nalang ay matunaw ang mga ito na parang ice cream.

"Wait a second... I have an idea." Biglang napasabi si Phoebe na kanina ay tahimik pa. "What if we set the student council office on fire?"

Binatukan nalang sita bigla ni Noir na halatang naiinis na. Sa sobrang kunot palang ng mga noo ng binata, at sa talas ng mga mata nito. "Tanga. Eh di nabaling na lahat ng attensyon sa student council office."

"Iyon ang pinaka-worst, woman. Dahil kapag nabaling na lahat ng attensyon nila dito, wala na tayong pag-asa." Dagdag pa ni Angela na umiiling pa.

Nag-roll eyes nalang si Phoebe. "Duh... Wala nang may pakialam sa flag kapag nagka-sunog na, tanga din kayo eh."

Mag-aaway na sana silang tatlo nang may kamay na biglang pumatong sa balikat ni Angel.

"Aaahhhh——hmm!!" Tinakpan kaagad ni Traush ang bibig nito para walang maka-rinig sa kanila.

"Oh, you changed your mind?" Tanong ni Noir, na nakataas ang isang kilay.

Napataw nalang si Traush dahil sobrang assuming din ng binatilyong kaharap niya ngayon.

"No bitch, we'll never team up with you." Sumbat pa ni Zedric habang inakbayan nito ang kaibigang si Nylersh; na naka-headphones parin.

Napa-tango nalang si Traush at ngumisi ng malaki.

"Pero mayroon akong mas effective na idea kung paano natin kukunin ang flag. Makikinig ba kayo?"

*****

Nakarating na sina Xezhamae at Zoren sa paaralan, at nakita nila sa malaking wall clock na nasa harapan ng school building.

6:45 am.

"Shit." Napabulong nalang si Xezhamae pagka-labas niya ng kotse. "Ten minutes nalang, at flag ceremony na."

"Ipa-park ko muna yung kotse ko, kaya umuna ka na." Saad ni Zoren habang sinara nito ang pintuan. Napangiti nalang si Xezhamae. Good for her. Now the plan's set on motion.

Tatakbo na sana ang dalagita papunta sa student council office; kung saan naghihintay sina Traush, pero may boses na naka bulabog sa kaniyang mga plano.

"Hi Zoren, good morning!" Narinig niya ang boses ng student council president, na si Aliyah.

"What the f—" tinakpan nalang niya ang bibig niya para hindi ito marinig ng kaniyang kuya. He hates it when I cuss... And he'll end up lecturing her for hours.

"Good morning, Aliyah." Sagot naman ng kapatid ni Xezhamae, kaya napatakbo nalang ang dalaga papalayo.

Kailangan niyang sabihan sina Traush... Na kailangan na nilang magmadali.

Pero may nakabangga siya malapit sa school gate, kaya tumilapon ang salamin ni Xezhamae, at napa-upo siya sa semento.

"S-sorry! Nagmamadali kasi ako, sorry talaga—uhh, Xezhamae?!"

Hindi niya nakilala ang boses na iyon, kaya kinapa muna niya ang semento para mahanap ang kaniyang salamin. Sobrang blurred na ng paningin niya, at ang nararamdaman nalang niya ay ang magaspang na semento.

"Eto na yung salamin mo, Xezhamae." Narinig ulit niya ang boses at isang tapik sa kaniyang balikat, kaya hinawakan niya ang bisig ng lalaking tumulong sa kaniya, at nakuha ang kaniyang salamin. 

Sinuot niya ito, at nakita ang mukha ni Ace.

Napangiti nalang siya, at inayos ang kaniyang salamin. "Thank you, Ace... Sorry nga pala, nagmamadali kasi ako——"

At sa puntong iyon, naalala nilang dalawa ang rason kung bakit sila tumatakbo.

Steal the flag.

"Xezhamae!! Dapat pumunta na tayo sa student council office!" Sigaw ni Ace sa kaniyang kasama, at hinatak na ito papasok ng school gates.

Habang tumatakbo sila, napansin kaagad ni Xezhamae ang CCTV—na wala na sa kinalalagyan nito.

At ang nakaka-pagtaka, walang nag report nito... Or maybe, baka sasabihin ito sa announcement pagkatapos ng flag ceremony.

Too bad... That flag ceremony announcement will never happen.

Nung dumating sila sa student council office, nadatnan nilang dalawa sina Bridget, Traush, Jack, and others. Nagtatago sila sa likod ng malaking stage (awkwardly) at naka-arrange pa sila in a line.

"Hey guys... Sorry we're late." Saad ni Xezhamae, at nagpakita din si Ace sa kaniyang likuran.

"Nasaan ang flag?" Tanong ng dalaga, at lumapit si Traush sa kaniya habang nakangisi ng malapad. Naiilang pa siya, lalo na dahil napanaginipan niya ito.

"The flag's still there, but we'll execute the plan right now." Sambit ni Zedric, habang hila-hila pa si Nylersh.

"The plan will commence soon."

"Yeah, I hope that 'soon' will happen very 'soon' 'cause the ceremony's starting soon." Narinig nalang nila na biglang nagsalita si Nylersh; in his deep, bland tone.

"Announcement to all students in West Marine High... Please proceed to the field, to attend the flag raising ceremony. Please double time, and proceed in an orderly line. Announcement to all students in..."

Nagsisimula na ang announcement ng isang student council member, at nagsimula nang bumilis ang tibok ng mga puso nila.

"Oy syet." Panimula ni Xezhamae habang tumingin siya kay Traush. "Okay, kailangan na nating i-apply ang plano, guys!!"

"Alright!!"

*****

"Hoy!! Ano bang problema mo, ha?!" Malakas na sigaw ni Zedric habang binangga nito ang balikat ni Jack.

"Ha?!! Eh ikaw nga yung may kasalanan dito!!" Banat naman ng isa habang akmang susuntukin na nito si Zedric.

"Is this plan really gonna work, or not?" Nag-roll eyes nalang ang naka-headphones na si Nylersh, sabay alis, kaya naiwan nalang ang dalawang nag-aaway sa harapan mismo ng student council office.

"Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, hindi natin maku-kompleto ang quest na to!" Sabat ni Zedric sa kaharap niyang player, at halatang umiinit na ang ulo nito dahil sa pamumula ng kaniyang mukha at sa lalim ng kunot ng noo nito.

"At sino naman ang nagsabing ikaw ang magiging lider, ha?!" Singhal ni Jack sa kaniya. "Wala kasi akong maalalang sinabi ni Xezhamae eh!!"

"Listen well, you piece of shit——" hinawakan na sana ni Zedric ang damit ni Jack, nang biglang sumigaw ang isang student council officer.

"Hoy! Bakit ba kayo nag-aaway, ha?! At sa harap pa ng student council office!!" Papalapit na ang officer sa kanila, at bakas na sa mukha ni Zedric ang kaba dahil malapit nang masira ang kanilang mga plano.

Lumuwag ang pagkahawak niya sa damit ni Jack, kaya napangisi nalang ang binata, inangat ang kanang kamao... At binigyan ng malakas na suntok sa pisngi ang walang kamalay-malay na si Zedric.

Napatumba siya sa sahig, at napatawa ng malakas si Jack. "Ha!! Serves you right!! Sina Noir lang ang susundin ko, dahil wala akong tiwala kay Traush!!"

Bigla nalang siyang hinila ng offier, at ang natitira pa na nasa loob ay lumabas na din para pigilan ang nagwawalang si Zedric.

"Jack!!" Malakas na bulyaw nito habang sinipa niya ang kaniyang dating kasamahan sa tiyan, kaya napa-atras ang binata at ang officer na nakahawak sa kaniya.

"Ano ba kayong dalawa?!" Sigaw ng officer na nakahawak kay Zedric. "Gusto niyo ba na dalhin ko kayo sa disciplinary committee?!"

Jack simply snorted. "Hah."

At dahil doon, binigyan kaagad siya ni Zedric ng death glare. "Meet me. Parking lot. After school."

"You're imitating him now?! Hah!"

Mag-susuntukan na naman sana ang dalawa nang hinila si Jack ng officer na nakahawak sa kaniya.

"Pumunta na nga tayo sa disciplinary committee! Ang titigas ng mga kukute niyo eh!"

Dinala na sina Zedric at Jack, kaya ginamit na ni Traush ang pagkakataon na ito para pasukin ang student council office at kunin ang flag. Sinundan siya ni Ace, na sobrang putla na ng mukha.

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Tanong ng binata kay Ace habang dahan-dahan nilang pinasok ang office.

"Hindi eh... Maraming iniisip." Mabilis na sagot naman nito, at kinapa niya ang kaniyang bag.

"Traush... Baka may CCTV dito, magdahan-dahan muna tayo."

"Asus!! If you're too cautious, you'll never get the damn flag first!!" Sigaw ni Bridget habang nakaupo sa table ng student council president. Napakalaki ng ngisi nito, at kitang-kita na nag-eenjoy siya sa kaniyang panalo. After all... Siya ang unang nakakuha sa flag.

"Bridget!! Akala ko ba dapat andun ka naka-position sa labas?!" Galit na saad ni Traush, dahil hindi iya sununod ang kanilang orihinal na plano.

Umirap lamang ang dalaga at inihagis ang flag sa direksyon ni Ace. Buti nalang nasalo niya.

"I don't care." Walang pag-aalinlangang sabi nito habang dinaanan niya lamang ang dalawa.

"What matters is that I got the job done. Again!" Tumili siya ng saglit, at tuluyan nang lumabas, kaya napa-facepalm nalang si Traush. "So, sino ang sasagip kina Zedric at Jack doon?"

"Sina Phoebe at Angel." Matipid na sagot ni Ace, habang nilagay niya ang flag sa kaniyang bag.

"Nylersh and Angela are in the computer room... Currently in standby."

Napangiti nalang si Traush. "Good. Our plan's going according to what Xezhamae said."

"Hah. 'Going according'? Eh sina Bridget at Noir?" Sarkastikong taning ni Ace habang naglalakad na silang dalawa papalabas.

Napakamot nalang si Traush sa ulo niya. "Wag mo na muna silang isipin, Ace. Kailangang maitago na natin tong flag... Bago pa makarating si Zoren."

*****

"Teka, ba't bumalik ka pa dito?" Tanong ni Zoren sa kaniyang nakababatang kapatid, na parang higad sa sobrang likot.

"Hehe... Ano kasi... Uhh, kasi..." Hindi sanay si Xezhamae sa pagsisinungaling, kaya nahihirapan na siya nang husto.

"Kuya... May nag-aaway kasi sa harap ng student council office kanina... Kaya naisipan kong ireport sayo." She instantly regretted her decision the moment Aliyah stepped up.

"Okay, thank you so much... Xez. Pupuntahan na namin ang office ngayon." Sagot ng student council president habang hinawakan nito ang bisig ng kapatid niya.

Tumango naman ang chairman. "Sige. Pwede ka nang bumalik doon sa line mo, Xezhamae. Kaming dalawa na ang bahala sa problemang iyon."

Gusto pa sanang magprotesta ng dalagita, ngunit wala na siyang iba pang masabi... Kaya umalis nalang ito at naglakad papalayo, at nagdasal nalang na sana ay natapos na ang ginagawa nila ni Nylersh at Angela.

*****

Tumakbo na sina Aliyah at Zoren papunta sa disciplinary committee... At doon na nila naabutan sina Zedric at Jack na nag-aaway pa.

"Zedric? Bakit ka ba nakikipag-away?" Tanong ni Zoren sa kaniyang classmate, at napalingon nalang siya kay Jack.

"At sa isang grade 9 student pa talaga!"

Tinapik nalang ni Aliyah ang balikat ng kaniyang kasamahan. "Zedric... Care to explain?"

Umiling nalang si Zedric. "Sorry. Just got carried away."

Lumingon-lingon ang dalaga sa tabi-tabi, at saka tumingin sa kaniyang kaibigang nakipag-away lang kanina.

"Zedric, alam mo ba kung nasaan si Traush?" Tanong ni Aliyah sa binata, pero umiling-iling lamang ito.

Pero bago pa makasagot ang dalaga, may student council officer na tumawag sa pangalan niya.

"Aliyah!!" Sigaw nito, mukha ay puno na ng pawis, at halatang kinakabahan na ito nang husto.

Hinihingal na siya nang husto kaya hindi ito nakapag-salita kaagad. Hinarap siya ni Zoren, na nagdidilim na ang mukha.

"Ano?!" Sigaw niya sa officer. Marami pa kaming inaatupag dito, kaya kung pwede, mamaya na 'yan!"

"F-F-" nauutol pang nagsasalita ang binatilyong officer. "Na-nawawa—"

"Ano ba, pwede bang bilisan mo?!"

Humigop ng maraming hangin ang binatilyo, at dali-daling nagsalita.

"Nawaanglag!!!"

"Ha?!" Hindi naintindihan ng student council president at nang disciplinary committee chairman ang pinagsasabi ng officer.

Hinimas nalang ni Zoren ang sentido nito. "Okay. Ulitin mo, pero yung mas klaro. Huwag kang mag-panic."

Tumango ang binatang officer, at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Nawawala. Ang. Flag!"

------------------------------------------------------

Hello guys! Sorry po dahil sobrang tagal ko nang hindi nag-update... Hehe.

Sana mapatawad niyo po ako. 😭

Anywho... How was the story po? Okay ba ang plano ni Xezhamae? Ano kaya ang gagawin ni Zoren?

So if you would like to share your opinions, please feel free to comment, or at least, vote!!

★★press that star, peeps!★★

We've hit #701 in ranking!!!🌈
(Sept. 26, 2018) wow... I'm so happy that this story got this far po. Hindi ko po inakala kasi chapter 4 palang po to eh...😂

Maraming salamat po sa pagbasa!!

~awesomeSTG~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro