Part III

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Pre." Tawag ni Gusion kay Claude, "Ako lang ba o talagang hindi pa naglalaro kahit isang game si Les no'ng mag-start ang bagong season ng Inter-Univ?" Nagtataka niyang tanong habang nanonood sila ng laban ng Volleyball girls laban sa team na naka-third place last year.

"Huh?" Nagtatakang reaction ni Claude, "Hindi mo ba alam?"

"Na?" Lalong nangunot ang noo niya at nagtaka sa sinabi ni Claude.

"Wala sa kondisyon si Lesley para maglaro. Nagbreak sila ng boyfriend niya no'ng binigyan tayo ng three-day break bago mag-start ang season." Mahabang paliwanag ni Claude, "Nahuli mismo ni Lesley sa akto 'yong ginawang kakupalan ng ex niya."

Alam niyang mali pero nasiyahan nang sobra si Gusion sa narinig, "Talaga? Break na sila?" Excited pa niyang tanong.

"Tanginang gago ka. Umayos ka." Mura ni Claude sa kanya na binatukan pa siya bago ibalik ang tingin sa court, "Masaya ka pa eh nasasaktan nga si Lesley?– Nice one Iri! Mahal kita!" Bigla nitong sigaw habang itinataas pa ang banner na hawak na may picture at pangalan ni Irithel.

Hindi nakita ni Gusion kung ano ang ginawa ni Irithel at nakascore ito, pero alam niyang 1-2 play ang ginawa nito dahil setter ito.

Masyado kasi siyang focus sa pag-iisip kay Lesley lalo pa at wala ang dalaga sa venue ngayon.

"Alis na muna ako." Paalam ni Gusion kay Claude na busy sa pag-cheer sa girlfriend nito.

"Saan ka pupunta?" Nakakunot-noo nitong tanong.

"Kay Lesley." Maikling sagot niya kapagkuwa'y umalis na siya.

"Umayos ka oy! Gago ka talaga. Mapagsamantala ng pagkakataon!" Sigaw ni Claude sa kanya pero wala siyang pakialam.

Hindi naman niya mamadaliin si Lesley. Wala siyang pakialam kung maging panakip-butas man siya pero mas mahalaga sa kanya na masigurong ayos lang ang kalagayan ng dalaga.

=====

Napabuntong hininga si Lesley pagkababa niya sa jeep na sinasakyan. Mula sa binabaan ay kailangan pa niyang maglakad ng ilang metro papunta sa apartment na tinutuluyan nila ni Irithel.

Nakakaapat laro na ang kanilang team sa Inter-Univ at 2-2 na ang standing nila. Walong universities ang kasali sa volleyball at sa kasalukuyan ay nasa ika-fifth place sila. Kapag nanalo ang team nila na kasalukuyang naglalaro ngayon ay aakyat sila sa ikaapat na pwesto. Kailangan lang na mapanatili nila na nasa top four teams nila para makapasok sila sa semi-finals.

Napagdesisyunan ni Lesley na maglaro na sa susunod nilang laro. Hindi naman niya hahayaang maapektuhan ang pangarap niyang makalaro sa Inter-Univ. Sadyang binigyan lang niya ng oras ang sarili para makapag-isip dahil magiging pabigat lang siya sa team kung pinilit niya ang sarili na maglaro nang wala sa kondisyon.

Nang makarating si Lesley sa inuupahan nila ni Irithel na apartment at napahinto siya nang makita ang mga mukha na alam niyang ayaw muna niyang makita.

Napatingin din ang dalawa sa direksyon niya at kita niya ang kaba sa mga ito.

Napahinga siya nang malalim, "Anong ginagawa n'yo rito?"

May kaunting kirot pa rin sa puso niya kapag nakikita si Granger at Silvanna. Nasaktan lang siya dahil kaibigan niya si Silvanna at kailanman ay hindi pumasok sa isip niya na magagawa nito ang bagay na 'yon sa kanya.

Hindi naman agad nawawala ang nararamdaman niya para kay Granger. Alam niya sa sarili na kahit papaano ay minahal niya ang lalaki, at natanggap na rin niya sa sarili ang nangyari.

May kaunting sakit pa dahil sariwa pa ang sugat na dinulot ng mga ito sa kanya ngunit alam niyang maghihilom din 'yon.

"Lesley—"

"Sil, natanggap ko na kung ano ang nangyari. Wala naman akong mapapala kung magtatanim pa ako ng galit sa inyong dalawa. Ang akin lang naman ay bakit itinago n'yo pa?" Bumaling siya kay Granger, "Dapat nakipaghiwalay ka na lang nang maayos, hindi 'yong pinagsabay mo pa kami. Ano 'yon? Para sa ego mo bilang lalaki? Ikinagwapo mo ba 'yon?"

"I'm sorry Les, sorry kung naging mas matimbang ang pagmamahal ko kay Granger kaysa sa pagkakaibigan natin. Sinubukan ko namang pigilan pero—"

"I pursuade her, kahit tayo pa." Pag-amin ni Granger, "I know, sorry kung ang gago."

"Ay, hindi lang 'yon, tarantado pa." Dagdag ni Lesley, "Utang na loob, huwag na huwag mong gagawin kay Sil itong ginawa mo sa aking hayup ka. Talaga namang baka maputulan kita ng kinabukasan." Banta niya sa dating kasintahan.

"I won't, natuto na ako." Sagot naman ng lalaki sa kanya.

Nagulat na lang si Lesley nang bigla siyang sugurin ni Silvanna ng yakap habang umiiyak, "Thank you Lesley. Sobrang bait mo na hindi namin deserve na maging kaibigan ka."

Napangiti si Lesley habang tinatapik ang likod ni Silvanna, "Mababawasan lang ng five minutes ang buhay ko kapag nagalit ako. Basta magsumbong ka kaagad sa akin kapag sinaktan ka ni Granger ha? Babatuhin ko ng bola sa mukha 'yan."

Natawa naman si Silvanna at binitawan na siya.

"Sorry talaga Les, pwede mo naman akong bugbugin para makabawi man lang." Suggestion ni Granger.

"Ay hindi na. Mauubos lang energy ko. Sinumpa ko na lang na huwag maging masarap ang ulam n'yo habangbuhay." Natatawang sabi ni Lesley.

"Ano?" React naman sa kanya ng dalawa.

"Charot lang. No hard feelings." Nakangiting sabi ni Lesley.

Akmang yayakap sana sa kanya si Granger upang magpasalamat ngunit nabitin ang mga braso nito sa hangin nang may nagsalita.

"What do you think are you going to do?"

Napalingon sila sa bagong dating at nagsalubong ang kilay ni Lesley nang makita kung sino ito.

"Gusion?" Nagtatakang bnggit ni Lesley sa pangalan ng bagong dating.

Hindi siya pinansin ng binata at dire-diretso lang itong naglakad papunta sa kanila. Napansin niyang masama ang tingin na ipinupukol nito kay Granger.

Bahagya pang nagulat si Lesley at nahigit ang hininga nang hawakan ni Gusion ang kamay niya at hinila siya papunta sa likod nito na animo'y pinoprotektahan siya nito kay Granger at Silvanna.

"What are you doing here? Para ipamukha kay Lesley ang ginawa n'yo sa kanya?" Galit na sabi ni Gusion.

Nagulat si Lesley sa sinabi nito dahil mukhang alam ng binata ang nangyari. Siguro ay si Claude ang nagkwento rito. Hindi na siya nagtaka pa kung paano nalaman ni Claude dahil sa daldal ba naman ni Irithel.

"Gusion—"

"Umalis na kayo rito." Dagdag pa ni Gusion na masama pa rin ang tingin sa dalawa.

Napabuntong-hininga si Lesley pagkatapos ay hinampas niya ang braso ni Gusion kaya napa-aray ito, "Kumalma ka nga! Parang ikaw ang na-cheat ni Granger at hindi ako ah."

Napanganga si Gusion sa kanya, "How can you stay calm in this situation?"

"Because I'm too kind and it's too tiring to be mad 'no. Maayos nga kaming nag-uusap tapos sangat ka nang sangat." Nakahalukipkip na sabi niya kay Gusion.

"He was about to hug you..." Gusion trailed.

"And?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Hindi ba mali 'yon?" Nagtatakang sabi ni Gusion, "Sa harap pa ng current girlfriend niya."

Natawa naman si Lesley, "Baliw ka ba? Eh bakit pagseselosan pa ako ni Sil eh siya na nga 'yong pinili ni Granger?"

"Hindi mo sure, Les." Natatawang sabi ni Silvanna.

"Gaga ka." Natawa si Lesley sa sinabi nito, "Magselos ka kung tanda n'yan first date namin. Kahit nga anniversary namin, nalilimutan n'yan."

Kumunot ang noo ni Granger, "Kailan nga 'yon at saan?"

Nagkibit-balikat si Lesley, "Hindi ko na rin tanda eh."

Napapantastikuhang napatitig na lang sa kanya si Gusion. Siguro ay hindi na lang ito nakapag-react pa dahil naguguluhan siguro ito kung bakit in a short period of time ay naka-move on na agad siya.

"Baka mamaya siraan mo si Lesley. She's not that kind of girl. Kahit kinukulit ko nga siyang pumayag na ligawan ko ay ayaw niya because she's committed. She stayed faithful." Ani Gusion kay Granger.

Napuno na naman ng guilt si Granger, "Alam ko."

"Pero gusto ko pa ring magpasalamat." Dagdag ni Gusion, "Salamat dahil binitawan mo si Lesley. Now, I have the chance to catch her and never let her go."

Nahigit ni Lesley ang kanyang hininga dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, lalo na nang ngumiti pa sa kanya si Gusion.

=====

"Finally partner! Inilabas na ng Crescent Moon University ang kanilang Flying Angel!" Hyped na hyped na sabi ng babaeng announcer ng kanilang laro.

"Yes partner! Finally, makikita na natin in action ang moves nitong Flying Angel ng CMU. Sa videos lang kasi natin nakikita ang mga galawan nitong si Vance." Sagot naman ng lalaking announcer.

"And partner, kailangan kasi nilang maipanalo ang huling dalawang laro nila to secure a place sa ating top four. Ngunit magiging mahirap para sa kanila ito dahil top two last season ang makakalaban nila which is the Valor University."

Huminga ng malalim si Lesley habang nagwawarm up. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Nape-pressure siya dahil kailangan nilang manalo sa last two games nila ngayong elimination round para makapasok sa top four.

"Don't pressure yourself Les." Ani Irithel na katabi niyang nagwawarm up. Mukhang napansin nito ang kaba niya. "And hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka kaagad nakapaglaro. Gago lang talaga ang Granger na 'yon. Ipakagat ko 'yon kay Leo eh."
(A/N: Pusa lang si Leo rito ha? Kasi bawal mag-alaga ng tiger, okay? And as far as I know, extinct na ang saber-toothed tiger.)

"Hindi ko na talaga feel no'ng una pa lang ang lalaking 'yon eh. Ewan ko ba sa'yo at sinagot mo 'yon." Dagdag pa ni Irithel.

Natawa naman si Lesley, "Gaga ka, minahal ko naman 'yon kahit papaano. Okay naman kami noong una."

"No'ng una lang. Sa una lang magaling 'yang mga lalaking 'yan." Sagot naman ni Irithel.

"Maliban kay Claude?" Biro niya rito.

Namula naman si Irithel, "Ewan. Babaero naman 'yon."

"Ay kaya pala may pa-banner lagi kapag game ng team natin ha." Natatawang sabi ni Lesley, "Wala man ako rito no'ng unang five games natin pero updated pa rin ako sa happenings. Tsaka, as far as I know, hindi naman babaero si Claude. Marami lang nali-link sa kanya pero wala namang history na naging babaero siya."

"Akala mo ikaw lang ang updated? Updated din ako sa happenings sa inyo ni Gusion. What's the real score na between the two of you?" Tukso naman ni Irithel.

Napaikot na lang ng mata si Lesley pero ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya.

Paano ay naalala na naman niya ang lalaking gumugulo sa isip niya ngayon. Magmula noong eksena nang pinuntahan siya nila Granger ay hindi na siya nito nilubayan pa. Araw-araw itong bumibisita sa apartment nila at madalas ay isinasama siya nito kung saan para makapag-relax, na isang malaking tulong dahil nawala na ang nga agam-agam niya.

Imposible mang paniwalaan, pero sa loob lang ng maikling panahon na 'yon ay nawala na ang sakit. Tanggap na niya nang buo ang mga nangyari.

Pero hindi naman ibig sabihin noon ay tatanggapin niya agad si Gusion sa buhay niya kahit panay ang pahaging nito sa kanya.

"I still pursued you even when you were in a relationship, ngayong single ka na ulit ay saka pa ba ako susuko? Maano ba namang maghintay ako ng ilang araw, buwan o taon. I am just waiting, my arms and heart are ready a long time ago to catch you." Naalala niyang sabi ng binata nang sinabi niya rito na hindi muna siya papasok sa isang relasyon.

Kumbagaman, hindi naman sapat na rason na tanggapin agad niya si Gusion sa buhay niya dahil lamang sa ginawang mali ni Granger. Mali iyon.

Ngunit ramdam niya ang pagiging marupok kay Gusion.

Mariing napapikit ng mata si Lesley at umiling-iling. Focus Lesley! Sita niya sa sarili.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang game nila. Napanood na niya ang play style ng kalabang team at pinag-aralan niyang mabuti ang laro ng mga ito.

Sabay nilang pinag-aralan ni Irithel ang mga laro ng mga ito. Kaya alam na nila kung paano maka-counter ang kalaban.

Nang pumito ang referee ay nag-serve na ng bola ang kalaban.

Agad naman itong na-receive nang maayos ni Ruby na kanilang libero na na-toss naman agad ni Irithel. Akala ng mga kalaban ay sa kanya agad ito-toss ni Irithel ang bola, sa pag-aakalang ipapakilala agad siya sa laro kaya pumunta ang mga ito pero kay Fanny nito ni-toss ang bola kaya libreng-libre na-spike 'yon ni Fanny diretso sa floor.

Unang puntos nila sa laro.

"Nice receive, Rubibi!" Nakangiting sabi ni Fanny na captain ng team nila kay Ruby.

Natawa naman si Ruby sa itinawag ni Fanny sa kanya. Pauso kasi ito ng nickname kaya tuloy ay buong team ay ganoon na ang tawag sa kanya madalas.

Nang team naman nila ang nagserve ay nareceive din naman ito ng kalaban at nakagawa sila ng magandang play. Hindi agad sila naka-react ni Irithel dahil kahit na napanood na nila ito ng ilang beses ay iba pa rin pala talaga ang kaharap na nila ito.

Ramdam niyang tinapik siya ni Irithel at Fanny dahil ramdam siguro ng mga ito na na-frustrate siya.

Kaya naman nang mareceive ulit ni Ruby ang serve ng kabilang team, hindi na nagdalawang-isip pa si Irithel na i-set sa kanya ang bola. Mabuti na lang at nakahanap siya ng zone kung saan walang tao kaya kahit double block pa ang ginawa ng kalaban ay napalusot pa rin niya ang bola sa kamay ng mga ito. Bukod sa malakas ang kanyang pag-spike, mataas din ang kanyang talon. Saktong-sakto lang dahil alam na alam na ni Irithel kung paano ise-set sa kanya ang bola.

"Nice kill Les!" Sigaw ng teammates sa kanya.

"Nice toss Iri!" Nakangiting sabi niya kay Irithel.

Natawa naman si Irithel, "Kahit ata nakapikit, kaya kong i-set ang bola sa'yo."

"Nice kill Angel!"

Kahit maingay sa stadium ay narinig pa niya ang boses na 'yon. At hayun si Gusion sa bleachers na malapit lang sa bench nila, may banner pa para kanya. At katabi nito si Claude na may banner din ni Irithel.

"Wala ba silang laro?" Tanong ni Lesley kay Irithel habang nakatingin sa unahan.

"Bukas pa ang game nila." Sagot naman ni Irithel habang nakatingin sa kalaban nila at naghihintay ng whistle ng referee.

Naging madikit ang laban pero at least ay nakuha nila ang unang set at ikalawang set ngunit natalo sila sa ikatlong set.

Pakiramdam tuloy ni Lesley ay sobra-sobra ang adrenaline rush niya ngayon. Kaya naman ang taas pa rin ng energy niya kahit na nasa ikaapat na set na.

Malapit na silang manalo, match point na nila— 24-23.

Katunayan ay ang service aces niya ang nagdala sa kanila sa match point. Tatlo kasi ang lamang kanina ng kalaban (20-23) hanggang sa makaapat na service ace siya kaya nga nasa match point na sila.

Huminga nang malalim si Lesley bago i-serve ang bola nang marinig niya ang whistle.

Nai-serve niya ang bola at kamuntikan pang hindi na naman ito mareceive ng bola pero napanatili ng mga ito na buhay bola. Ngunit naibigay naman ito sa kanila bilang free ball.

Iyon nga lamang at si Irithel ang unang naka-touch nito papunta sa kanya.

Akmang i-spike ito ni Lesley kaya agad na nag-react ang blockers ng kalaban pero itinoss niya pabalik kay Irithel ang bola, "Iri!"

Nakuha naman agad 'yon ni Irithel at agad na tumalon upang i-spike ang bola. At dahil nga nauna nang tumalon kanina ang blockers, wala nang nag-block sa spike ni Irithel, dahilan para manalo sila.

Nagtatalon naman agad sila sa tuwa nang manalo sila.

"Wow! Partner, what a play para kay Cross at Vance! Nag-change position sila! Si Vance ang naging setter habang si Cross naman ang naging hitter!" Manghang sabi ng lalaking caster.

"Oo nga partner! What an amazing play to end the match!" Sang-ayon naman ng babaeng announcer.

Mahigpit ang yakap ng teammates ni Lesley sa kanya kahit na pawisan pa sila.

"Welcome to Inter-Univ Conference, Lesley!" Nakangiting sigaw ng kanyang teammates na ikinatawa naman niya.

Yep, welcome to me. Aniya sa sarili habang nakangiti.

Wala sa sariling napalingon si Lesley kung saan nakapwesto si Gusion. Malaki ang ngiti sa kanya at may pagsigaw pa. Nang mapansin nito na nakatingin siya rito ay iwinagayway pa nito nang husto ang banner habang sumisigaw.

Natawa naman si Lesley, "Baliw."

Bwisit ka Paxley! Nakakabaliw ka!

=====

Sorry na. Hahahahahaha. It's been a while. Char. HAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro