Hangga't Hindi Pa Natitila Ang Ulan

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Tila nasayangan na si Wendy sa ganito.

Bukod sa may dala siyang lilang backpack at mint na tubigan ay minalas siya pagdating sa pagdala ng payong. Lahat ng mga kaklase niya — pati ng mag-syota sa silid — nakikisilong na lamang habang naglalakad papauwi sa kani-kanilang mga tahanan, napahilamos na lamang sa kanyang mukha at puno ng lungkot ang ekspresyon nito.

Pero ano na lang ang magagawa, hindi ba?

Kaysa manatili na lamang malapit sa pintuan ay tinungo niya ang hagdanan at dito'y idinikit ang kanyang pwetan sa semento para tignan ang kanyang social media. At kung minamalas nga naman siya, nakikita niya ang iilang magkarelasyon na hanggang ngayon ay matibay pa rin sa kabila ng kanilang pag-aaway.

Nang siya'y magsawa na ay pinatay ni Wendy ang kanyang selpon at nag-antay na tumila ang ulan. At nang tumunog ito'y agad nang tinignan kung sino:

Si Franz.

Nagpabuga na lamang ito nang hininga sapagkat siya ang nagturo sa kanya kung paano magmahal, ngunit sa bandang huli ay kusa na itong sumuko sa hindi malamang dahilan.

Siya ang una niya sa lahat ng bagay, kaso samu't saring tanong ang bumubuo sa utak ng dalaga at umaasa pa rin na sana, masagot niya ito nang deretsahan. Pero sa kabilang banda ay naitatanong ni Wendy ang kanyang sarili:

Na kung hindi sila nagkahiwalay, ano na lamang sila ngayon?

***

"Sabay ka na!" wika ni Franz habang patuloy ang pag-agos ng ulan mula sa kaulapan. Noong una ay umiiling-iling ito dahil iniisip niya ang sinasabi ng kanyang mga kaklase — na nagpapasabay ito kahit malapit lang ang bahay nila galing eskwelahan.

"Hindi na muna siguro."

May bahid ng pagdududa ang ekspresyong namuo habang pinapahinto ang manibela ng sasakyan. "Parang ngayon lang! Huwag kang mag-alala, libre ko ngayon."

Wala nang ibang nagawa ang dalaga kundi sundin ang utos ng dati nitong nobyo kaya nagpaalam siya bago bumaba at buksan ang puting SUV na kanyang sinasakyan.

Nilingon ko ang tingin sa kanya, "Kakarating mo lang?"

"Oo. Mga walang payong na dala."

Napatawa si Wendy nang mahinahon, "Alam mo, parang ako sila."

"Wala ka ring payong?"

"Wala rin. Biglaan kasi ang panahon ngayon. Dapat pala magdala na lang ako ng kapote kung sakaling magkaroon man ng masamang panahon. Mas mabuti na sigurong maging handa kaysa sa wala."

"Oo nga, e."

Pumakla naman ang ngiti ni Wendy matapos magsalita sa tabi ni Franz. Natawa na lamang ito sa'king isipan at napaisip — kung tungkol ba sa panahon o baka sa relasyong kahit kailan ay patuloy pa rin akong kumakapit nang walang kasiguraduhan.

"Saan mo ba ako gustong ihatid?"

"Kahit saan. Nasabihan ko na 'yung Ate mo tungkol dito at pumayag naman siya."

"Ganoon ba?"

Napatango na lamang ang binata bago  nilingon ni Wendy ang bintana ng kanyang sasakyan. Hindi niya maiwasan ang alalahanin ang nangyari: mula sa mahabang biyahe na animo'y nakalaya sa hawla hanggang sa pagpapanood sa buwan at sabay kakantahin ang mga kantang gusto nila

Parang kailan lang, nagkakapitikan sila ng litrato ng masaya. Ngayon, puro mga alaala na lang ang maibabalik habang pinagmamasdan ang mga maliliwanag na ngiti sa selpon. At kahit anong pilit na kalimutan siya, sa huli, siya pa rin ang pipiliing mahalin…

…kahit pagdusahan ni Wendy ang kanyang sarili sa ganito.

Pinihit ni Franz ang brake ng sasakyan, senyales na roronda na ito patungo sa hindi matukoy na destinasyon. Habang gumagalaw ito'y lumilikha ng ingay ang boses ng radyo — subalit tahimik na nakikinig ang dalawa na parang walang nangyari.

Walang ni isa sa kanila ang nagsasalita, at kahit magkasama sa iisang sasakyan ay sinusubukan nilang ikumpas ang kanilang sasabihin subalit hindi alam kung gaano kabilis o kabagal ang kanilang magiging usapan.

Hanggang sa may isa sa kanila ang nagbasag nito, "Wendy, may iniisip ka ba?"

"Marami. Exam, clearance, graduation natin… pero may isang problema ang hindi ko kayang tiisin."

"Tulad ng?"

Tinapunan siya nito ng tingin at nagsalita nang blanko, "Bakit ko ba sasabihin sa'yo iyan? Hindi na mahalaga sa'kin iyon."

"Sabihin mo na kasi nang magkaalaman na kung bakit."

Hindi na agad nakapagtimpi pa at sinabihan si Franz na itigil muna ang kanyang pagmamaneho at sa karinderya hihinto ang usapan ng dalawa.

"Tangina. Pinipilit mo ba ako? Sabi nang hindi ko pwedeng sabihin iyon dahil alam kong maski ako ay masasaktan nang dahil doon!"

"Anong—"

"Nang dahil sa hiwalayan nating dalawa!"

Napatigil siya nang marinig ang taas ng boses ni Wendy na nababalutan ng unti-unting pag-agos ng luha at ang pagningig ng boses nang siya'y magsalita.

"Pero… pero bakit?"

Bunyag nito, "Akala ko makakalimutan ko ang nangyari noon? Samu't saring mga luha ang nilabas ko pero heto akong nasa harapan mo — umaasa na sana masagot at masabi mo lahat ng pilit mong tinatago sa katawan mo! Hirap na hirap na akong maka-usad, o! Minsan pinagtatawanan nila ako at sinasabihan na tanga pa rin ako, pero ang hindi nila alam, grabeng opensa na pala 'to sa parte ko!

"Ngayon, sabihin mo sa'kin. Bakit? Ano ang dahilan, paano?!"

Hindi na mapalagay ang dalaga at halos palinga-linga ang tingin ng bilugan nitong mga mata sa paligid ng sasakyan sa sobrang kalituhan, lalo pa't nasa gilid niya si Franz. Nang makitang hirap na hirap na ay hinawakan niya kaso agad binitawan ni Wendy ang kamay niya sa braso nito.

"Bitawan mo ako! Kahit kailan hindi mo binigyan ng hiya ang nararamdaman ko! At kung sakali man na hindi mo ako mabigyan ng paliwanag, pasensya ka na pero nalaman ko na lahat."

Hangga't hindi pa natitila ang ulan, agad nang binuksan ang pintuan ng SUV nang walang dalang payong pero may nakasukbit sa likuran. Wala siyang pakialam kung magkasakit o 'di kaya't nilagnat, basta mamanhid itong puso niya, sapat na sa kanya iyon.

"Salamat sa ilang buwang panloloko mo sa'kin. Kung paano ko nalaman, hindi na mahalaga iyon. Isa pa, mas mabuting maging magkaklase na lang ulit tayo kaysa maging tayo pero paulit-ulit nasasaktan," huling sambit ni Wendy bago isara ang pinto at umalis nang may kurot sa kanyang puso.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro