Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

“Look. What do you think?” Tanong ni Heather nang matapos ang sa tingin ko'y wood sculpture na kahapon pa ginagawa. “I just have to polish it.”

Nakaupo siya sa sahig habang ginagawa ang panlililok at ako nama'y nakahiga sa sofa, nagbabasa ng libro. Pero para ngang props na lang ang hawak ko kasi di naman ako makapag-concentrate dahil sa ingay ng pagpukpok niya sa kahoy. At imbes na magtungo sa kwarto ay nag-stay pa rin dito para masulyapan si Heather sa kinaroroonan.

Konti na lang at iko-consider ko ng guilty pleasure ang nakaw-tingin na ginagawa ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili kung bakit gustong-gusto kong pagmasdan si Heather lalo na pag busy siya. Sa simpleng pagluluto, pagsusulat, pagdo-drawing, pagpipinta, panonood niya ng TV at kung ano-ano pang mga bagay kung saan nakatuon ang kanyang atensyon.

“Angry bird ba 'yan?” Pabiro kong komento sa gawa niya.

“Ha-ha. Funny. Hindi mo ba alam kung ano 'to?" Bahagya pa niyang itinaas ang hawak. "It's the Owl of Minerva.”

“Ano naman?”

“Hindi mo ba kilala si Minerva?”

“Roman counterpart ng Greek goddess of wisdom, Athena.” Walang pakialam kong sagot, kunwaring abala sa paglilipat ng pahina.

“The virgin goddess of knowledge, poetry, music, medicine, commerce and the crafts.”

“Kailangan talaga i-stress yung 'virgin'?”

“I want to say the full title with veneration.”

“Diba 'yang kwagong 'yan ang main symbol ng Illuminati?”

Nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa, mukhang hindi niya inaasahan ang alam ko. “Yeah. But they prefer to be called Perfectibilists.”

“Okay, pero bakit ngayon mas kilala ang Illuminati sa triangle na may mata sa gitna? An'yare sa kwago ni Minerva?”

“Nagka-bird flu.” Di seryosong sagot niya sa huli kong tanong at nagpatuloy sa ginagawa. “Well, many religions used the image of an eye to represent God or some sort of higher power, like the Eye of Horus.” Paliwanag niya habang abala sa pagpapaganda ng sculpture. “But about the triangle with eye on the middle, hindi ko alam. It's clearly a pyramid, pero di ko maintindihan ang association no'n sa Illuminati. At di ko rin maintindihan, why most people fear anything about this guild?”

“Siguro kasi it's about Freemasonry tapos dahil do'n naging synonymous sa Satanic rituals or something anti-christ kasi diba atheist ang mga member no'n?”

“People fear what they do not know.” Komento ng kausap ko. “Freemasonry is not some evil dark club nor a cult. It's a cultural movement of intellectuals. They tend to reform society using reasons to challenge ideas isolated in tradition and faith. And of course, to advance knowledge through scientific method. Sa madaling salita, secret society ng mga highly intelligent aristocrats.”

“Bakit ba an'dami mong alam sa ganyan?”

“Kasi gusto ko ring maging Perfectibilist.” Sagot niya saka ako tiningnan. “Nah. I'm kidding.” Bawi niya at bahagyang natawa. “Marami lang talaga akong natututunan sa labas ng eskwelahan kesa sa loob. Pero wala e, useless naman daw 'yong knowledge ko about random things kasi di ko daw magagamit sa trabaho. So, mag-aaral na lang ako sa loob ng uni about stuff na di ko gusto such as blood extraction.”

“Since wala ka na sa poder ng mga taong may gusto ng ayaw mo, ba't ginagawa mo pa rin 'yong gusto nila para sa'yo?”

“Para matuto ako. Diba nga sabi ko mahina ako sa Science kaya nag-aaral ako ngayon ng science and med-related course. Basically, nilalagay ko ang sarili sa mga hindi ko kabisado para kahit papaano maintindihan at matutunan ko. Kung magpo-focus lang ako sa mga bagay na kabisado ko, pa'no madadagdagan ang alam ko?”

Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na hindi naman siya ang usually gumagawa ng kanyang school works pero gaya ng sabi niya ‘I don't study hard. I study wise.’

“Pero pa'no mo naiintindihan ang mga bagay-bagay?”

Tumayo siya matapos iligpit ang mga gamit saka humarap sa'king poker faced. “I attain the state of ataraxia by suspending notion,” Usal niya bago ako lisanin. “because I only comprehend things when I'm less upset.”

Sa paglipas ng oras, iba na naman ang pinagkakaabalahan ngayon ni Heather.

Sa ingay na ginagawa niyang pagbarena sa mga mahahabang kahoy ay 'di ko na naiwasang pansinin siya.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Stretched canvas.” Tipid niyang sagot. Mukhang busy kaya hinayaan ko na lang ulit at bumalik ako sa pag-browse ng internet pero di ko pa rin maiwasang tingnan siya.

Na-assemble niya sa square 'yong mga mahahabang kahoy. Tingin ko, frame 'yon para do'n sa sinabi niyang stretched canvas. Ngayon ay guntacker naman ang hawak at kasalukuyan itong ginagamit pang-attach ng canvas cloth do'n sa frame.

Maski ano yatang gawin ng babaeng 'to, maganda pa rin kahit saang anggulo. Mas naging magulo ang buhok niyang naka-messy bun kaya ang ilang mga hibla ay nasa harap na ng mukha niya pero wala naman siyang pakialam. Ang hot niyang tingnan sa suot niyang over-sized long-sleeved shirt, na bawat manggas ay nakalilis pataas hanggang siko at sa laki ay hindi na gaanong kita ang suot niyang boyleg panty.

Bigla akong na-curious dahil sa naisip. “Kanino 'yang shirt na suot mo?” Halata kasing panlalaki kaya malamang na hindi sa kanya.

Napahinto siya at lumingon sa'kin bago tingnan ang mismong suot. “Kay Rashif.”

“Ba't nasa'yo?” Alam kong hindi ko na dapat pakialaman pa, pero hindi ko rin maawat ang sariling magtanong.

“Naiwan niya noon.”

Hindi ko alam kung masyado siyang occupied sa ginagawa o tipid lang talaga siyang sumagot.

Hindi ko maiwasang makapag-isip ng kung ano-ano.

Lalaki si Rashif at babae si Heather.

Nakaiwan ng damit dito 'yong lalaki. Ibig sabihin, nag-stay siya rito. Gaano katagal? At bakit?

Siya kaya 'yong kutob kong unang nakasama rito ni Heather?

“Nag-stay siya rito?” Di ko na naman naiwasang itanong.

“Yeah, for a while. Siya 'yong kumuha nitong pad para sa'kin. Actually nabayaran na niya 'to ng ten years. Bahay at lupa nga dapat 'yong kukunin niya pero sabi ko apartment na lang. Mag-isa lang naman kasi ako.”

“Nagsama ba kayo?”

Tiningnan niya ulit ako at bahagyang natawa. “Anong iniisip mo? Nag-live-in kami?”

“Malay ko. Kaya nga ako nagtatanong.”

“Anong kulay ng iniisip mo?” Pagpapatuloy niya sa aming usapan kahit busy na ulit sa ginagawa. Pinapahiran niya ng puting pintura 'yong buong surface ng canvas.

“Ewan.”

“Siya 'yong kasama kong nagpunta dito sa Pilipinas, when I made up my mind to stay here. Siya ang sumagot sa lahat kapalit ng pagpapanggap naming nagdi-date.”

“Pwede ko bang malaman pa'no kayo nagkakilala or pa'no nagsimula 'yang pagpapanggap niyo?” Labag man sa isip ay ginawa ko pa ring alamin.

Unti-unti kong nakakabisado ang ugali ni Heather dahil sa pagsasama namin bilang roommate pero hindi naman sapat ang pang-oobserba lang at madalas na kwentuhan. Gusto ko pa siyang makilala nang higit sa pagiging roommate lang. Wala sa interes ko ang mang-usisa sa buhay ng ibang tao pero tanging pagtatanong lang din naman ang alam kong paraan para mas makilala pa si Heather hindi lang sa ugali kun'di ang buong pagkatao.

Nagbukas siya ng color yellow na paint mula sa tube at direktang naglagay sa canvas. “Because of Clarissa.”

Sa pagkakaalala ko, yun yung kaibigan niyang tinuluyan niya sa Turkey.

“Nakilala ko siya noong nag-aral ako sa isang boarding school sa Germany. Do'n actually nag-start ang pagkakaibigan namin, because we have some things in common; Number one na do'n ang parehong pagkakaroon namin ng Filipino descent.”

Iniwan ko ang ginagawa at lumapit sa tabi ni Heather. Muli siyang nagbukas ng panibagong pinturang kulay asul at nilagyan ulit ang canvas saka kumuha na naman ng panibago.

“To cut the story short, Clarissa's brother is gay, meron siyang boyfriend na anak ng Sheikh from Dubai and that's Rashif.” Kulay purple naman ang inilagay niya, katabi no'ng asul.

“Ano?”

“Rashif is a prince.” Mga pinturang nasa parang lalagyan ng sauce naman ang inabot niya habang nagsasalita. “Pero 'di naman gaanong popular si Rashif as one of the royalist of Dubai dahil sa dami ng ruling families sa emirate nila.” Basta na lang niyang nilagyan ng kulay pula at itim ang paligid ng canvas. “The first time I met him, 'di ko rin kayang paniwalaan na he's a royal, kasi muk'a lang naman siyang ordinary. But anyways, yun nga, dahil Muslim at kabilang sa Al Maktoum, haraam ang pagkakaroon niya ng homosexual relationship. At para mapagtakpan ang pagiging homosexual, may dini-date kuno siyang ordinary girl at ako 'yon.” Patalsik siyang naglagay ng puting pintura sa canvas.

“Bakit ikaw pa?”

“Bakit, hindi pwede?” Gamit ang mismong kamay ay ikinalat niya sa canvas ang kulay ng mga pinturang pinaglalagay dito.

“I mean, sa dinami-dami ng pwede niyang gawing cover girl, bakit ikaw?”

“Kung hihingi siya ng pabor sa kapwa niya UAE royalists, sa tingin mo ba hindi talaga siya ilalaglag?” Paliwanag niya habang hihahagod ang kamay sa canvas. “Saka syempre ang kukunin niya ay 'yong kapareho niya ng religion para less issue. At dapat low-profile para walang gaanong alam ang mga tao about sa kung sinuman ang mystery girl na dini-date niya, as in yung wala talaga sa circle nila para may reason kung bakit lagi siyang out of country. Iisipin ng iba na ako ang pinupuntahan niya, when in fact, it's Darian.” Akala ko tapos na siya sa pagpapaliwanag kasi parang naka-focus na lang siya sa ginagawang abstract painting pero may kasunod pa pala ang sinasabi. “Sa sobrang malapit ko sa pamilya nila Clarissa, ako ang hiningan ng pabor ng kuya niya para sa boyfriend. And now, they're living not so happy but at least discreet from the eyes of hypocrites.”

“Hindi ka naman ba natatakot?”

“No'ng una, may hesitation. Kasi yun nga, hindi sa ordinaryong tao lang ako mai-involve. But because I have to make a living, napapayag na ako kapalit ng mga demand ko. Nag-promise din naman si Rashif na hindi magugulo ang buhay ko sa gagawin kong pagpapanggap.”

“Pa'no ka nakasiguro?”

“Kasi hindi naman niya pinapangalandakan sa lahat na dini-date niya 'ko. Kumbaga, backup plan lang ako. Na kapag may uusisa ng lovelife niya, ako ang ihaharap niya nang hindi lantaran syempre. May mga tao siya para gumawa ng fake news. Remember no'ng araw na nakita mo kaming dalawa sa café? Ayun, kunwari may nakakuha ng picture sa'ming dalawa na nagdi-date tapos kakalat 'yong picture na 'yon sa media galing sa anonymous kuno. At sinisigurado ng mga tao ni Rashif na hindi ako mati-trace kasi picture lang 'yong kakalat. Hindi mami-mention ang place, ang date at lalo ang identity ko.”

“What if may mag-reveal sa pamilya mo o sa mga kakilala mo na alam nila kung sino ka?”

“Like what I've said, hindi naman kilala ang lahat ng royal member lalo na sa UAE kasi sobrang dami talaga nila. 3000 plus, I guess. And if there's such an issue, hindi na yun mostly lumalabas sa bansa nila, di gaya ng sa United Kingdom na ultimo pagbaba lang ng sasakyan no'ng Duchess e pag-uusapan na sa buong mundo. Kaya kampante akong walang makakakilala sa'kin dahil hindi na mararating ng issue ni Rashif ang Bristol, England.”

Hindi na ulit ako nakapagtanong pa. Napako ang atensyon ko sa ginagawa niyang painting.

“D'you wanna try?” Mungkahi niya.

“Magsasayang lang ako ng pintura.”

“Doesn't matter. It's abstract; a free-form art. Specific patterns and details are not necessary. Kahit ano lang yung gawin mo basta kung ano yung nasa isip or feeling mo.”

“Wag na lang.” Iniwasan kong sabihing ayoko dahil makalat at marumi. Baka isipin pa niyang maarte ako.

“But you seemed fascinated. You can try if you want.”

“Wag na nga. Don't mind me. Mas okay akong panoorin ka sa ginagawa.”

“Why? Is it better than porn?”

Nahuli kong sa'kin siya nakatingin nang mag-angat ako ng ulo para harapin siya. Suot na naman niya ang mapagbirong ngiti.

“Porn is not my cup of tea.” Muli kong ibinalik ang tingin sa canvas kasabay ng pagpapatuloy ni Heather sa kanyang ginagawa.

Bigla kong naalala 'yong mga gawa niyang sketch na nakita ko dati. Panay nude art.

“'Yong mga nude art na gawa mo, may model ka ba no'n?”

“Si Clarissa.”

“Bakit ka pala nag-aral sa Germany?” Tanong ko na naman nang maalalang nabanggit niyang nakilala niya ang Clarissa na 'yon no'ng nag-aral siya sa Germany.

“Dahil nga sa trabaho ng dad ko. No'ng na-assigned ulit siya sa Germany, kasama niya kaming nag-stay do'n for three years.”

“Okay.” Lumipas ang mahabang sandali at di ko na naman napigilan ang sariling mang-usisa sa bagay na talagang gusto kong makumpirma. “Yung Clarissa ba, hindi yun yung may prosopagnosia?”

“Nope.”

“Hanggang ngayon ba friends pa rin kayo ni Clarissa? At friends lang ba talaga kayo?”

Natigilan ulit siya para tingnan ako, halata sa mukha ang pagpipigil niyang mapangiti. “Ba't ganyan tanong mo?”

“Parang sobrang close niyo kasi na pati sa pamilya niya ay malapit ka. Pinagkatiwalan ka nga ng kuya niya. Tingin ko siya rin ang madalas mong subject noon sa bawat art na gawa mo. May isang sketchpad kasi na panay siya ang nakaguhit.”

Nananatili ang tingin niya sa'kin at mukhang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi. Kagaya ng inaasahan ay bigla na lang siyang natawa.

“Bakit ka ganyan mag-isip? Tell me. Are you jelly?”

“Nakapagtataka lang 'no? Panay nude art kaya 'yong mga gawa mo sa kanya. Kahit pa sabihing super best friends kayo para maging transparent sa isa't-isa, yung pag-post niya parating nakahubad―although sabihin na nating hindi totally hubad pero parang... Basta. Feeling ko more than friends pa ang meron kayo no'n.”

“Part-time model si Clarissa. At 'yong mga fast-sketch na 'yon, hindi siya actually nag-post na hubad sa harap ko. Galing 'yon sa mga pictures na kuha sa kanya when she once tried boudoir photography.” Paliwanag niya. “At wala ako no'ng ginawa 'yon.”

Bumukas ang bibig ko pero agad ding tumikom nang hindi makahagilap ng sasabihin. Parang ako pa 'tong napahiya.

“Nagandahan ako kaya nagawa kong i-sketch 'yong mga pictures.” Wika ni Heather na nagpabalik sa ulirat ko. Ipinagpatuloy na niya rin ang pagpipinta.

“Nagandahan ka?”

“Sa poses. It's very artistic. Hindi naman malaswang tingnan diba?”

“Sa photography ka lang ba talaga nagandahan?” Base sa mga nakita ko, maganda nga naman talaga ang katawan no'ng babae. Long-legged, perpekto ang alindog. Para nga siyang diyosa.

“Anong tingin mo sa'kin? May pagnanasa sa kaibigan ko? That's so ew.”

Di ko inaasahang matawa sa huling sinabi niya. “Totoo?”

“We're like sisters.”

Nanahimik na lang ako. Mukha namang totoo at hindi biro ang sagot ni Heather. Masyado lang siguro akong malisyosa para isiping more than friends sila ng babaeng 'yon. Palibhasa, di ko naranasang magkaroon ng best friend.

“If you're uncertain about me, I understand. But just so you know, Clarissa was my best friend. The face-blind girl was once a special friend to me. Rashif is my pseudo-boyfriend. And you? You must be very special because you’re my long lost twin.”

Lalo akong naguluhan at bago ko pa maintindihan ay bigla na naman siyang natawa. Dahil do’n alam ko ng biro lang niya ‘yong huli.

Sinuntok ko nga siya sa balikat. “Kainis ka talaga.” Reklamo ko.

“I’m just messing with you. Ikaw kasi, kung ano-ano iniisip mo.”

“Wala ba talagang naging romantically involved sa buhay mo?”

“Ikaw.”

“Wala kang naging ex?”

“Diba ang female chromosomes, XX?”

“Ex-boyfriend or ex-girlfriend.”

“Nasagot ko na ‘yan.” Muli siyang humarap sa'kin. “Di ka rin naman makulit ‘no?” Gamit ang kanyang hintuturo, pinahiran niya ng pintura ang tungki ng ilong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro