Chapter 16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

030422 #HatemateWP Chapter 16

"Je." Inangatan lang niya ako ng kilay, hindi inaalis ang tingin sa binabasa niya. "Yes or no?"

Kumunot ang noo niya bago ako lingunin. "About?"

"Basta. Yes or no?"

Umiling siya bago ibalik ang tingin sa binabasa sa iPad niya. "No."

Napasimangot ako. Tinitigan ko ang screen ng phone ko na nag-aabang kung Back or Unblock button ba ang iki-click ko. Hindi ako makapagdesisyon kaya tinanong ko si Je nang walang context.

Isang buong minuto ang lumipas na nakatitig lang ako sa Messenger app. Sabi ni Jerica, no, so dapat tinabi ko na 'tong phone ko at nagsimula nang bumuo ng tulog na sobrang baba ng supply sa buhay ko ngayon. Bakit ba ako nagsasayang ng oras sa pagtitig dito? E no na nga di ba? Hindi na ia-unblock.

Napabuntonghininga ako. Sa buhok ko ibinunton ang inis at hinila-hila 'yon. Sinitsitan ko si Je para lingunin niya ako, pero nag-hum lang siya na parang nagtatanong. "No talaga?"

'Yon ang nagpalingon sa kaniya sa 'kin. "No."

Napanguso ako. Naman e.

Pinanliitan ako ng mata ni Je. "Gusto mo bang yes ang isagot ko?"

"Hindi naman," sabi ko kaagad. D-in-ismiss ko na siya ng kamay ko dahil baka may maitanong pa siyang kailangan kong depensahan ang sarili ko nang todo. "Sige na, aral ka na ulit."

"Yes."

"Ha?"

"Yes na nga," ulit niya bago pumihit paharap ulit sa table niya. "Sure akong tatawagin mo ako ulit mamaya para lang yes ang isagot ko."

"Huy, grabe ka naman . . . . Hindi a," tanggi ko. Hindi naman niya 'yon pinansin at sinalpak na ang earphones niya sa taingae kaya nanahimik na ako. Friend privilege 'yung pinapansin niya ako kapg nag-aaral siya e, ayaw ko namang abusuhin.

Pinindot ko na ang Unblock. Kasi . . . sabi ni Je.

Siyempre hindi ko ch-in-at 'yung kaa-unblock ko lang. Suwerte na nga siyang in-unblock ko siya e. Tinaob ko na ang cellphone ko sa table bago pa ako may magawang pagsisisihan ko. Baka may ma-click akong hindi dapat ma-click, o kaya makapag-send pa ng hindi dapat ma-send. Mapa-backread, naku, hindi puwede. Big no.

"Night, Je," sabi ko kay Je kahit baka hindi niya ako naririnig. Nagtalukbong na ako ng kumot at pumihit paharap sa wall para hindi ako ma-tempt panoorin ang phone ko at maghintay ng . . . kung ano.

Nakatitig lang ako sa pader, binibilang ang paint cracks do'n dahil hindi ako makabuo agad ng tulog. Kanina habang nagdi-dinner kami ni Je, nakakaramdam na ako ng antok, pero nawala 'yon na parang bula. Parang lumaklak ako ng kape ngayon adahil nararamdaman ko sa utak ko ang heartbeats kong biglang na-amplify. Di ko alam kung saan ako kinakabahan.

Dapat talaga itinulog ko na lang kanina kaysa nag-cellphone pa ako e. Napa-unblock pa tuloy ako nang wala sa oras.

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang biglang mag-ping ang cellphone ko. Napalingon pa sa 'kin si Je kahit hindi niya naman yata narinig na tumunog ang phone ko, siguro dahil mabilis akong napabangon. Dinampot ko ang phone ko sa table at bumalik na sa pagkakatalukbong bago pa ako tanungin ni Je kung bakit gulat na gulat ako.

Napasimangot ako nang makitang may message si Deion, pabinyag yata sa pagkaka-unblock niya. At talagang nanunusot siya dahil sabi niya sa chat, Long time no talk.

Hindi ko na lang 'yon ni-reply-an. Makatikim man lang siya ng seen ko. Aba, four years siyang mayaman sa mabibilis kong replies e.

Napairap na lang ako nang sundan niya 'yon ng picture, 'yung kinuha niya sa lab noong nakakuha ako ng ninety-five. Nag-chat siya ulit. Delete ko na sa phone ko.

Hindi ulit ako nag-reply. Pinanood ko lang na gumalaw ang tatlong dots sa chat bubble niya habang nagta-type siya. Seener pala ang girlfriend ko?

Naibato ko sa paanan ko ang unang yakap-yakap ko. Akala ko hindi na babalik ang mata ko sa sobrang pag-irap ko Hinagip ko gamit ang paa 'yung unang binato ko at niyakap ulit. Buwisit 'tong si Deion.

Nanakit ang palad ko sa higpit ng kapit ko sa phone ko nang palitan niya ang nickname ko.

Deion Angelo set your nickname to Girlfriend.

Sabi na nga ba dapat tinanggap ko na 'yung no ni Jerica. Ni-remove ko kaagad ang nickname, at akala ko madudurog ko ang tempered glass ng phone ko sa diin ng pagpindot ko sa screen.

BWISIT KA.

Bwisit mo?

Napaupo ulit ako sa kama, at this time, binato ko na talaga ang unan ko sa pader. UGH.

Dahil hindi naman ako makakatulog nang walang niyayakap na unan, dinampot ko ulit 'yon at nilagay sa tabi ko. Nahuli ko si Je na nakatingin na sa 'kin at parang concerned kung okay pa ba ako. Binigyan ko lang siya ng thumbs up bago pumaling sa katabing pader ng kama ko para hindi na ako makaistorbo sa kaniya.

Parang hindi mo naman yata kailangang umacting online.

Wala namang makakabasa ng chats namin—hindi si Jo, at hindi sina Shana. 'Wag lang niya akong madahilanan ng practice 'to kasi sasabunutan ko siya bukas. Tahimik naman siya sa personal e! Ang probable reason lang dito ay gusto niya akong pag-trip-an.

Puta, paano kung magkalkal 'to ng messages from two-plus years ago?! Thursday pa naman bukas! Baka mamaya ang chat niya na sa 'kin ay Throwback Thursday sabay bring up sa mga corny kong chat sa kaniya no'ng junior high.

Sabi na nga ba, dapat natulog na lang ako e. Isa na naman ang nadagdag sa listahan ng mga desisyong pinagsisisihan ko: i-unblock si Deion sa Messenger.

Bakit? Pasado ba?
Kinilig ka na dun?
Agad?

ANG KAPAL NG MUKHA TALAGA. Sobrang feeler! Sumigaw ako pero walang sound dahil baka matuktukan na ako ni Je. Inisip ko na lang na braso ni Deion ang unan ko at paulit-ulit kong sinuntok.

Hindi na ako nag-reply. Tinaob ko ang phone sa kutson at nagbilang paatras mula fifty. Pagkatapos ay saka ko lang dinampot ang phone ko para tingnan ang messages niya. Puro magkakasunod na lowercase na tawa lang naman at magkakaibang chat bubbles.

Joke lang. Baka block mo ko ulit, chat niya matapos yata ng more than ten na puro tawa lang na messages. Buti naman alam niyang possibility 'yon. See you tomorrow. Good night, b.

Inabala ko saglit si Je at sinabihang gisingin ako by any means pagkagising niya bukas. Pinatay ko kasi ang phone ko kaya wala akong alarm. Precautionary measure lang, baka ako kasi ang ma-tempt na mag-reply o mag-backread.

* * *

Napatigil ako sa pagpapabalik-balik sa tapat ng faculty room nang hagipin ni Deion ang magkabilang balikat ko. Tiningala ko siya. Base sa pagkaka-poker face niya, siguro nahihilo na siyang panoorin ako. E hindi kasi talaga ako mapakali! Feeling ko pinag-iinitan ako ni Architect Madel.

Huminga ako nang malalim, kasabay ng mahina niyang pag-squeeze sa braso ko. "Dito ka nga," aniya, hindi tinatanggal ang kapit sa 'kin at hinigit ako papunta sa tabi ng pader. Umiiling siya nang bitiwan niya ako bago ako tabihan. "Likot mo."

"E kasi naman." Napapadyak-padyak ako sa sahig. "Paano kung kakausapin na ako ni Ma'am kasi mababa na naman score ko?"

Natahimik siya saglit, nakatingin lang sa 'kin. See?! Hindi niya rin alam ang gagawin kung siya ang nasa posisyon ko e. Must be nice na hindi mag-worry nang malala sa grades. "Ano ba'ng sabi niya sa 'yo kanina? Sabi lang naman niya kuhain mo 'yung plates sa kaniya."

"Bakit ako? Puwede namang si Ken." Ang tanging reason lang do'n e gusto niya akong kausapin nang kami lang. At bakit ba ako gugustuhuing kausapin ni Ma'am? Malamang dahil sa grades. Alangan namang mag-chika-han lang kami.

"Kasi ikaw 'yung nasa may pinto bago siya lumabas? Nagmamadali siya kanina, a?"

Naitikom ko ang bibig. Inirapan ko lang si Deion at nilipat ang tingin sa bulletin board sa tapat. Kahit may sense 'yung sinabi niya, hindi naman umimpis ang kaba ko.

Napapikit na lang ako sa stress. Nagpasa na kami ng draft para sa midterms for consultation, tapos nautusan ako ni Ma'am na after dismissal, kuhain 'yung mga graded plates na nalimutan niyang dalhin sa room kanina. Kanina pa nga ako kinakabahan. Dumoble ngayong nasa tapat na ako ng faculty room, tapos wala pa si Ma'am at paghihintayin pa ako!

Parang may nananadyang kung anong force na pakabahin talaga ako. Ang chill-chill ko na nga kahapon dahil hindi nangyari 'yung kinatatakutan kong Throwback Thursday na chat ni Deion. Pero mukhang sabi ng universe ay hindi puwedeng magsimula ang weekend ko nang hindi nakakapag-inflict ng damage sa 'kin.

"Bakit ka ba nandito? Bakit di mo kasama si Mark?" tanong ko kay Deion.

Nakasalubong pa namin si Mark kanina kasama si Ate Maggie. Naghiwalay na rin kami ni Je dahil sumama siya roon sa ka-partner niya. Hindi ko alam ano'ng naisip nitong si Deion at bumuntot sa 'kin.

"Wala lang," sagot niya. "Bawal ka bang samahan?"

"Paano kung bawal?"

Umangat nang bahagya ang mga kilay niya. "Bakit bawal? E girlfriend nama—aw!"

Arte! Akala mo naman malakas ang pagkakasiko ko sa tagiliran niya. Ni hindi nga siya natinag e. Makapag-react siya akala mo maitataob siya ng pagsiko ko.

"Nasa daily to-do list mo ba ang asarin ako?" tanong ko bago ko siya irapan. Malalim ang simangot niya at sapo ng parehas niyang kamay 'yung spot na siniko ko.

"Ayaw mo ba ng lambing?"

Napanganga ako. Nag-echo nang ilang ulit sa walls ng isip ko ang sinabi niya bago, "Gago ka?"

"Miss Ainza?" Napatuwid ako ng tayo at naitikom ang bibig. Nilingon ko si Architect Madel na nakatingin lang sa 'kin habang ang kamay niya ay nakahawak na sa handle ng pinto ng faculty room. My gosh, narinig ba niya ako? Si Deion kasi e!

"Halika sa loob." Sinulyapan niya si Dieon na nasa tabi ko bago siya pumasok sa loob.

Sinamaan ko ng tingin si Deion bago ako sumunod kay Ma'am. Dahil glass ang pinto ng office, kitang-kita ko mula sa loob 'yung lapad ng ngiti niya. Inirapan ko siya bago alisin ang tingin at sumunod sa table ni Ma'am.

Tahimik lang akong naghintay na iabot sa 'kin ang mga dadalhin ko sa room. Puro piles ng papel ang table ni Ma'am, at ako na ang nahilo para sa kaniya to think na lahat yata n'ung nasa right side ay puro submissions at ge-grade-an niya 'yon lahat.

"Here," aniya at pinatas 'yung isang set ng papel na nakaipit do'n sa gabundok na pile sa kanan. "Iwan mo na lang sa room. First period naman ako."

"Okay po," sabi ko sabay tanggap doon. Bumaba ang tingin ko sa nasa pinakaibabaw na plate. Bigla yata akong na-lowblood nang pangalan ko ang una kong makita. Napahugot ako ng hininga nang makita 'yung -2 na marking sa box ng grade.

Sabi na nga ba may dahilan kung bakit ako ang pinakuha niya. Shet, siguro para i-pressure akong ayos-ayosin ko ang submissions ko kung ayaw kong ma-delay. At malamang, ayaw na niya akong maging estudyante ever kung ang grade ko ay laging tulad ng nakuha ko ngayon, eighty-fi—eighty-five?!

"I want cleaner outputs next time," sabi ni Ma'am. Pinuwersa ko ang sarili kong tumango kahit na nakatulala ako sa grade ko. Ano nga ulit 'yung highest na binigay niya last time? Hindi ba't eighty-six 'yon? Eighty-seven?

"May . . . may minus two po ako," sabi ko. Kumunot saglit ang noo niya kaya nag-explain ako agad. "Hindi po ba sa midterms 'yung deduction ko?"

"Why? May sinabi ba ako? Gusto mo bang sa midterms?" Mabilis at paulit-ulit akong umiling, akala ko mapipihit na paalis ang ulo ko. Tumango siya. "You can go. Thank you."

Nagpasalamat at paalam ako bago lumabas. Nag-evaporate lahat ng kaba kong naipon kanina habang hinihintay si Ma'am. Maraming reasons para ngumiti ngayong hapon. Una, ten points ang tinalon ng score ko mula roon sa unang submission. Pangalawa, wala nang bawas 'yung midterms namin. Di na ako magi-guilty na mababawasan ang scores nina Deion. Pangatlo . . .

Tiningala ko si Deion na hinila ang pinto ng faculty pabukas para sa 'kin.

Kailan pa naging maamo tingnan 'to?

"Ano? May sinabi sa 'yo?"

Umiling ako. Sinabayan niya ako sa hagdan pabalik sa room namin. "Wala na tayong deduction."

"Bakit daw?"

Ipinakita ko sa kaniya 'yung gawa kong nasa unahan ng pile ng plates. Sinulyapan niya 'yon pero sobrang bilis lang kaya hindi ko sure kung nakita niya ba ang gusto kong ipakita. "Tingnan mo. Ako lang 'yung may minus. Dito lang daw."

Hindi niya pa rin tiningnan. "Mali lang tayo ng intindi no'ng sinabi niyang may deduction ka kasi late."

"Tingnan mo rin, di na 'ko line of 7."

Tumigil siya sa tapat ng pinto ng room namin. Finally, tiningnan niya rin ang pinapakita ko. Umangat nang bahagya ang isang gilid ng labi niya bago higitin ang pinto ng classroom pabukas.

"Congrats."

"'Wag mong batiin, baka di na maulit."

Natawa siya roon. Nilapag ko ang mga papel sa teacher's table bago ipatong saglit ang bag ko sa upuan para itago 'yung plate ko. Hinanap na rin ni Deion 'yung kaniya sa pile.

"Magse-celebrate ka?"

Napasimangot ako. Next week na lang siguro. Mababawasan masyado ang inipon ko this week. "Bukas na lang, sa bahay. At least do'n, libre pagkain," sagot ko. "Sayang pera."

Pagkasarang-pagkasara ko ng zipper ng backpack ko, nahagip na niya agad 'yon. Hindi na ako nakaangal nang isuot niya 'yon nang paharap. Hindi ba nananakit ang balikat niyang dalawang backpack ang suot niya? Ako nga nananakit na ang likod ko sa bag ko pa lang e.

Inabot niya sa 'kin 'yong t-square bag niya. Iyon ang binitbit ko kasama ng expandable file ko. Siya ang tumulak sa pinto at sinara niya lang 'yon nang makalabas na ako ng room.

"Ako nang magbabayad."

Nilingon ko siya. "Bakit? Magse-celebrate ka rin?"

Natawa siya ulit, umiiling. Sumulyap siya sa 'kin saglit bago kami bumaba. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta—kung ihahatid niya ba ako pauwi, sasamahang maghintay ng masasakyan, maghihiwalay kami ng landas sa gate, or may pupuntahan kami.

"Hindi naman. Reward mo lang."

"Wow, may nalalamang gano'n?" Appreciated naman 'yon, pero hindi ko na para sabihin. Sana nga lang di ako masanay dito. Well, masyado pa namang maaga para maging happy. Baka sa susunod mag-dive na naman ang grades ko, naku.

Nagkibit-balikat siya. "Ayaw ko pang umuwi e."

Naalala ko 'yung nabanggit ni Mark na magkaaway yata 'tong si Deion saka 'yung tatay niya. Gawa ba n'un kaya ayaw niya pang umuwi? Nahanap ba niyang excuse 'tong score ko para hindi niya makita ang tatay niya, if ever man nando'n sa kanila?

Napanguso ako. Di naman ako nag-expect na reward talaga for me 'yung reason. "Okay."

Saan naman kasi siya pupunta kung tatanggi ako? Saka sayang 'yung libre. Siya naman ang nag-initate e. Isipin ko na lang na win-win situation 'to. Nakatakas siya sa tatay niya at nakalibre ako ng pagkain.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Kahit saan. 'Wag lang super malayo, ha? Pagod na 'ko e."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Wala tuloy akong idea kung saan niya ako dadalhin.

* * *

Pinanliitan ko siya ng mata nang makarating kami sa kakainan namin. Reward ba talaga 'to? O punishment?

Kinurot ko siya sa braso nang makitang umangat ang gilid ng labi niya. Nananadya talaga 'to.

"Bakit? Sabi mo malapit lang," sabi niya na parang wala siyang evil plan kung bakit sa McDo kami pumunta. Halatang-halata na naman sa mukha niya na nanti-trip siya, ayaw pang aminin!

"Talaga? Napakagaling mo." Natawa lang siya sa sarcasm ko.

Hindi ko kaagad na-gets kung bakit imbes na roon kami pumuwesto sa may entrance lang at malapit sa counter, nagdere-deretso pa siya sa kaloob-looban. Tapos, na-realize kong baka naisip niyang may ibang makakita sa 'min kung doon kami sa bukana pupuwesto at baka ayaw niya n'un. Kanino ba kami nagpapanggap? Para kina Jo, Shana, at Maxine lang naman e.

"Throwback," aniya pagkalapag ng bag namin sa chairs.

Inirapan ko siya. "Friday na."

"E di flashback," aniya at natawa ulit.

Ang lakas talaga makapanggoyo ng front nitong lalaking 'to e. Sa pagkakaalala ko, naging crush ko siya dati kasi na-attract ako roon sa pagtahi-tahimik lang niya sa isang gilid. Bentang-benta sa 'kin 'yung isnabero siya, ewan ko rin kung bakit. Tapos 'yon pala, ang lakas din niyang mang-inis. Ang kulit din minsan.

Siya na lang ang pumila para bumili ng food. Sabi ko bahala na siya, kasi di naman na ako mag-iinarte kung libre, at nakaramdam na rin ako ng gutom. Pagbalik niya, puno 'yung tray niya ng tatlong burgers, dalawang malaking fries, dalawang softdrinks, at isang rice meal. Ang kinuha lang niya ay 'yung isang burger at inumin.

"Grabe ka, tingin mo mauubos ko 'to?" tanong ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya. "Sabi mo mas marami kang kumain kapag magse-celebrate, di ba?"

Di na lang ako kumontra at itinabi 'yung dalawang burgers sa isang gilid. Akala ko nung summer, matatagtag ako pagtapak ng college at mamamayat. Siyempre, mas pagod tapos bumibiyahe pa ako e. E mukhang hindi gano'n ang mangyayari dahil ang lakas magpakain ng boypren-boyprenan ko.

Tahimik kaming kumakain pagkatapos naming magtalo kung puwede bang isawsaw 'yung fries sa gravy. Nangangalahati na ako sa rice meal ko nang mahina niynag danggilin ang legs ko sa ilalim ng table. Nilingon ko siya. "Ano nang nangyari kay Joseph?"

Kumunot ang noo ko. "Anong 'ano'ng nangyari'?"

"Ginugulo ka pa?" tanong niya. Pinitik ko 'yung daliri niyang nag-try na sawsawan ng fries ang gravy ko. Siya ang nagbayad pero reward ko 'to e, kaya akin na 'to.

Sinamaan niya ako ng tingin pero sumuko rin naman at sa catsup na lang isinawsaw ang fries.

"Hindi na, actually," sagot ko. Itinuro niya ang gilid ng labi niya at dumampot ako ng tissue para punasan ang akin. "Hindi na talaga. First day ng sem, ni-reject ko siya no'n. Di na naman siya . . . umamin ulit. Pero ayaw niya kasi sa 'yo, kaya lagi siyang nakabantay." Napasimangot siya na parang na-offend pa na ayaw sa kaniya ni Jo. Nagtaka pa siya?

"Pero 'yon, naba-badtrip lang din naman siya sa 'yo kasi ang aggressive mo rin sa kaniya," dagdag ko. Lalo lang lumalim ang simangot niya. E totoo naman. "Friends naman kami ni Jo, so baka protective instincts niya lang kaya siya nakabantay."

"Nagkagusto siya sa 'yo," aniya. Nagkibit-balikat ako.

"Friends kami for two years. Di siya baliw na baliw sa 'kin to the point na mangingialam siya ng ano . . . ." Nag-hesitate ako sa kung anong word ang gagamitin ko. Parang ang bigat nung word na relasyon, a? "Basta. Di gano'n si Jo. Umaamin siya every tapos ng sem dati, at dahil ayaw ko namang magbalik ng feelings, annoying 'yon—slight. Uncomfy kasi minsan. Pero mabait naman 'yon, 'no. Mabait 'yon kumpara sa 'yo."

Doon siya napasinghal. Nailapag niya 'yung burger niyang paubos na sa table at umiling bago uminom ng softdrinks, parang di matanggap ang sinabi ko. Inirapan ko lang siya bago ibigay sa kaniya ang natira kong gravy. "Arte mo. Ayan na, sawsaw mo na fries mo."

"Ayoko na pala," aniya at dinampot 'yung cup ng gravy at binalik sa side ko. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Kung mag-inarte parang seven-year-old?!

"Di ka cute," sabi ko sa kaniya, natatawa. Kumuha ako ng ilang pirasong fries at sinawsaw sa gravy kahit na kinikilabutan ako, bago ilapit sa kaniya. "Promise, mabait 'yon. Try mo nang 'wag maging aggressive sa kaniya. Saka siyempre 'no, medyo hindi naman talaga tayo convincing n'ong bago pa lang."

Nag-scrunch siya ng ilong bago hawakan ang wrist ko at ilapit sa kaniya ang kamay ko para makuha ng bibig niya 'yung fries. Kinilabutan yata ako habang ngumunguya siya. Di ko gusto 'yung lasa ng fries sa gravy e.

"Okay ka na?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko. Saan nanggaling 'yon?

"Kay Jo? Oo naman. Di naman kami magkaawa—"

"Hindi kay Joseph. Kina Shana."

Ah, okay. Di ko pa kasi sila nakikita ulit kaya hindi sila pumapasok sa isip ko. Nagkibit-balikat ako. "Bahala sila. Basta masaya ako ngayon." Umangat ang gilid ng labi niya, pero very slight lang. "At busog." Ayun, nag-appear na ulit nang ayos ang ngiti niya. Nag-thumbs up siya sa 'kin bago ang last bite sa burger niya.

Hindi na niya ulit binanggit sina Shana. Ang mga sumunod niyang tanong, about kay Jo na lang or kaya roon sa kambal. Di ko alam kung bakit nagtatanong pa siya tungkol kay Jo kung mapapasimangot din naman siya kapag nagkukuwento ako na close kami. Kadadaldal ko tuloy, naubos ko agad 'yung isang burger pagkatapos umubos ng rice meal.

"Si Joseph ba 'yon?" tanong niya habang inaalisan ko ng wrapper ang pangalawang burger ko.

Napatingin ako sa tinuturo niya sa labas. May dalawang lalaking tumatawid galing siguro dito. Si Jo nga 'yung may hawak ng takeout paper bag; kilala ko rin ang polo shirt na suot niya e. May kasama siyang mas maliit sa kaniya nang kaunti, tapos nagba-bounce ang kulot na buhok habang naglalakad, baka kaklase niya?

Tumango ako. "Di tayo nakita nu'n kasi nandito tayo sa loob. Kung nando'n tayo sa bukana, baka nakiupo na sila sa 'tin nung kasama niya." Nilingon ko siya pagkatapos kagatan ang burger ko. Nakasimangot na naman siya. "Alam mo, kung nagiging mabait ka na kasi sa kaniya imbes na tapatan mo 'yung inis niya sa 'yo, e di sana happy-happy kayong dalawa."

"Bakit ako magiging mabait sa kaniya? Di nga siya mabait sa 'kin."

Napairap na lang ako at inunahan siya roon sa mahabang fries na kukuhain niya dapat. Lalo lang siyang napasimangot. "E kaya nga siya hindi mabait sa 'yo kasi di ka mabait sa kaniya! Saka parang di ka mabait sa 'kin."

"Di pa ako mabait sa lagay na 'to?" parang offend na offend na tanong niya. Natawa tuloy ako.

"I mean, dati. Siyempre di pa tayo, ano . . . friends."

Natahimik ulit kami. Nakatingin lang siya sa labas habang inuunti-unti 'yung fries.

Mahaba-haba na ang buhok niya ngayon. Hindi niya 'yon pinapahaba dati dahil sumusunod siya roon sa haircut rules ng school. Binundol talaga ang isang 'to ng ten-wheeler truck ng puberty. Guwapo naman na siya noon sa paningin ko dati, pero ngayon parang . . . ewan, may something. Or nag-i-ilusyon lang ako. Baka pumopogi lang siya sa paningin ko kasi nililibre niya ako, at bumabait nga siya.

Pero whatever, may armor na rin naman ako sa mukha niya. Sapat nang armor 'yung nangyari dati. Tama na 'tong papuri-puri lang, nadalâ na ako.

"May itatanong ako sa 'yo." Nilingon niya ako at inangatan nga dalawang kilay. "Pero natanong ko na 'to dati."

"Ano?"

"Nainis ka ba sa 'kin dati?" Napatigil siya sa pagnguya. Nagpatuloy ako, "Kasi . . . alam mo na." Kumagat ako sa burger ko. Ngayon ko lang yata siya tatanungin about this nang personal. Isang beses lang namin 'to napag-usapan dati dahil isang beses lang din akong nagtanong, sa chat pa. "Makulit kaya ako no'ng first year."

I swear may s-in-et up na trap noon para sa 'kin para magka-crush ako sa kaniya. Literal na wala pa siyang ginagawa, crush ko na siya e. May something siguro sa hangin at ako ang nabiktima, unfortunately.

"Makulit ka pa rin naman ngayon."

"'Yung seryoso kasi." Sinipa ko nang mahina ang binti niya sa ilalim ng tbale. "Di naman ako mao-offend. Naka-move on na ako, 'no?"

Umangat ang isang kilay niya. Tinapatan ko. Ang feeler talaga nito! "Naka-move on na nga ako! Kainis ka, akala ko ba friends tayo at mabait ka na?"

Umiling siya. "Hindi ka naman masyadong nakakainis kasi di kita pinapansin." Wow, ouch, ha? Flashback Friday talaga. "Pero medyo nainis lang ako kasi ang ingay-ingay mo no'ng first year. Di ako makatulog sa room, daldal ka nang daldal sa 'kin."

Nagbuntonghininga na lang ako imbes na depensahan ang sarili ko, kasi valid naman 'yung kinainisan niya. Ayaw niya ng ingay e. Ako naman, kinakausap ko siya no'n kasi akala ko wala siyang friends.

"Si Miko kasi hindi naman nakakainis," sabi ko. Wala siyang reaction, di ko tuloy alam kung nakikinig siya or what. "Kasi di naman na ulit kami nag-usap after ng moving up."

Parang ikaw, di ko na rin kinausap, gusto ko sanang idagdag. Kaso baka magmukha akong bitter, asarin niya pa ako or makaisip siya ng clapback, kaya 'wag na lang.

"Pero si Jo kasi, ayun. Tumatanggap naman siya ng rejection, pero magta-try ulit, kaya medyo uncomfy. Saka siyempre, ayaw ko naman siyang paasahin kaya nao-akward-an ako minsan. Kasi malay ko ba kung ano'ng iniisip niya 'pag nagiging nice ako sa kaniya?"

Tumango-tango siya, as if alam niya 'yung concept ng hindi pagiging paasa.

Tsk. Tama na nga. Sabing di ako bitter e.

"Bakit?"

"Ha?"

"Bakit ka nakatitig?"

"Huy," alma ko. See? Ang feeler talaga! "Hindi a! Nakatingin lang ako kasi magkausap tayo."

Umangat ang isang gilid ng labi niya bago siya humalumbaba sa table. Inirapan ko siya dahil 'yung tingin niya, nang-aasar. "Okay."

"Hindi nga kasi."

"Oo na nga."

"Hindi naman talaga." Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatawa niya. "Hoy, ayaw ko sa 'yo ha. Patas lang kasi ayaw mo naman sa 'kin." Mabuti na 'yung nililinaw. Last time na hindi ko nilinaw ang mga bagay-bagay with him, ako ang nadehado.

Nawala ang ngiti niya at napalitan ng ismid. "Ubusin mo na nga 'yang kinakain mo. Uwi na tayo."

'Yung kaninang akala ko hindi ko mauubos, naubos ko. Paglabas tuloy namin, parang hirap na hirap akong maglakad dahil feeling ko ang bigat ng katawan ko.

"Nakakainis ka naman e," sabi ko kay Deion.

"Ano na namang ginawa ko sa 'yo?" tanong niya habang inaayos ang magkapatong straps ng backpack namin sa balikat niya.

"Baka di ako makatulog agad mamaya sa sobrang busog," reklamo ko. "Maaga pa naman akong gigisng bukas kasi uuwi ako."

"Anong oras?"

"Baka 5 a.m.." Ugh. Ang laki-laki ng steps ni Deion at nahihirapan akong mag-keep up kasi nga ang bigat ng katawan ko. Baka pati sumakit ang tagiliran ko kapag nagmadali ako masyadong maglakad dahil kakakain ko lang. "Kainis ka talaga."

Nagbuntonghininga lang siya at umiling. Ipinatong niya ang kamay sa tuktok ng ulo ko at finally, binagal-bagalan ang lakad. "Lagi ka namang naiinis sa 'kin. So, okay."

Napanguso ako. "Thank you."

Bumaba ang tingin niya sa 'kin na parang nabigla pa. Grabe, mukha ba akong hindi maurong mag-thank you?!

Tumikhim siya bago ituon ang tingin sa dinadaanan. "You're welcome, Billie."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro