Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

041722 #HatemateWP Chapter 20

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Mark habang pababa ako ng hagdan ng apartment.

Pagbabang-pagbaba ko, naramdaman ko nang hinihigit ni Deion ang strap ng backpack ko. Napalunok muna ako bago hubarin ang backpack ko at hayaan siyang bitbitin 'yon.

"Oo, uuwi 'yung kambal mamaya pagdating ni Jo dito," sagot ko sa tanong ni Mark. Inabot ko sa kaniya ang regalo kong kababalot ko lang kagabi. Sabi ko kay Je, hati na lang kami roon sa cake na ibibigay niya sa mismong birthday ni Mark. Nagi-guilty kasi ako ako na t-shirt lang ang regalo ko kay Mark (na hindi nga namin pinag-isipan) at ayaw ko ring masyadong gumastos si Je. Ang sinop pa naman n'un sa pera.

"Ano 'to?" tanong ni Mark at inalog-alog 'yung regalo ko sa kaniya. "Puwede na bang buksan?"

Umiling ako. Ayaw kong sa harapan ko niya buksan 'yon dahil di naman ako proud sa niregalo ko sa kaniya. "Sa birthday mo na mismo."

Napasimangot siya. "E di sana sa birthday ko na lang binigay."

"Niregaluhan ka na nga, ang dami mo pang sinasabi."

Sabay yata kaming napalingon kay Deion nang magsalita siya. Napakurap-kurap ako. Galit ba siya?

Tinawanan lang naman siya ni Mark. Bahagya akong siniko ni Mark kaya napalingon ulit ako sa kaniya. "Nasira after-school tulog niyan e. Ginising kasi namin ni Mags."

Ah, kaya pala. Tinandaan ko nang extra moody si Deion tonight kasi baka mamaya masabayan ko pa.

Sumulyap ako kay Deion habang naglalakad kami papunta sa kung saan. Sabi ni Mark may van daw kaming sasakyan e, so baka roon ang punta namin. Binalik ko agad ang tingin sa daan nang sulyapan din ako ni Deion. Hay, naku.

Kinalabit niya ako sa braso kaya nilingon ko ulit siya. "Bakit?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala."

"Bakit nga?"

Napabuntonghininga ako. "Wala nga." Napatingin lang naman ako e.

"Tsk." Binalik ko ang tingin sa kaniya. Init agad ng ulo. "Okay."

"Galit ka na niyan?"

Nag-scrunch lang siya ng ilong at hindi na sumagot. Napailing na lang ako. Puwede naman niyang ibawi sa biyahe 'yung tulog niyang naudlot.

Pagdating namin do'n sa pinaradahan ng passenger van, naghintay pa kami ng ibang kasama. Nando'n na si Ate Maggie sa harapang row ng seats at pinuntahan agad siya ni Mark para kulitin kung ano'ng gift sa kaniya. Feel na feel talaga niyang birthday niya 'to.

Naiwan tuloy ako kasama si Deion. Niyakag niya akong pumasok na sa bulkhead seats ng van.

May mga nakasakay na rin naman sa van pero wala pa rito sa likuran, kaya medyo awkward kasi tahimik lang kami ni Deion. Well, siguro unlike no'ng mga nakaraang araw, ako na lang 'yung nao-awkward-an kasi nga . . .

Napabuntonghininga na lang ako. Gusto ko nang bawiin 'yung bag ko sa kaniya para di na lumala 'tong . . . basta. Pero di ko naman magawa dahil yakap na niya at alam kong wala nga siya sa mood kasi nasira ang tulog niya kanina.

Kinutkot ko na lang ang kuko ko habang naghihintay na magsipasok ang lahat sa van. No way na magsa-strike ako ng convo sa bad mood na Deion, 'no.

Busy akong kudkurin ang nail polish kong matagal nang chipped nang hagipin niya ang kamay ko. Kung nawalan ako ng control totally, baka nasapak ko siya sa mukha sa gulat. Akala ko kasi umiidlip na siya. Wala man lang siyang pa-warning. Di man lang isipin na baka super affected na ako kasi . . .

Sinampal ko ang magkabilaan kong pisngi mentally. Hindi. Tapos na ako sa phase na 'yon e, two years ago. Naku, pagod lang 'to sa midterms. Makapahinga lang ako nang ayos, wala na rin 'to. So di ko muna ide-declare na bumabalik ang . . .

NAMAN. Ayoko sabi e.

"Sabi ko maggupit ka na ng kuko mo," masungit na sabi nitong katabi ko.

Tumakas yata ang kaluluwa ko for five seconds nang ilapag niya sa tuhod niya ang kamay ko dahil may kinuha siya sa backpack niyang katabi niya. Dinampot niya ulit ang kamay ko pagkakuha niya ng maliit na nail cutter. "Ang haba na masyado. Baka makakalmot ka niyan."

"Magkano pa-manicure?" pabiro kong tanong.

Tinulak niya ang salamin pabalik dahil umusod 'yon nang tumungo siya at sinimulang bawasan ang kuko ko. "Presyong girlfriend."

Natawa siya nang pumalatak ako. Kung hindi lang ako takot na masugatan niya ang daliri ko 'pag nagulat siya, kinurot ko na siya e. Deretso lang ang tingin ko sa katapat na linya ng seat habang busy siya sa ginagawa.

"Kabila," utos niya bago pakawalan ang kanang kamay ko. Inabot ko sa kaniya ang kaliwa. Tsinek ko ang kuko sa kanan at nahampas isya nang mahina sa braso nang mapansing pudpod na pudpod 'yon.

Saktong natapos siyang gupitan (at i-file!) ang pudpod ko nang kuko nang magdesisyon ang mga kasama naming umalis na. Si Mark, hindi na kami pinuntahan sa likod at do'n na kay Ate Maggie tumabi.

"Hi," bati sa 'min ni Kuya Yael na umupo sa tapat ni Deion. Ako lang ang nag-reply kahit hindi kami close dahil rude naman kung mananahimik lang ako. Ito kasing katabi ko sa kanan, nakasandal na sa partition na kabilang gilid niya at parang walang narinig.

Dahil yakap ni Deion ang bag ko, wala akong mapagpalingan ng attention. Hindi ko naman ka-close 'tong mga nasa likod, kaya kahit na nag-uusap-usap sila, di ako makasali. Pero okay na rin 'to for me, kaysa naman sina Shana ang nandito sa likod. Nandoon sila last row, pinakamalapit sa 'min. Buti na lang may partition dito sa bulkhead.

Pinagkaabalahan ko na lang ang loose threads sa pantalong suot ko. Gusto kong kuhain ang phone ko sa bag pero papikit-pikit na kasi si Deion at mukhang bumabawi na ng tulog kaya hindi ko magawa. Baka mapalipad ko pa ang antok niya at sa 'kin pa siya mainis e.

Umangat ang tingin ko kay Kuya Yael nang bahagyang banggain ng sapatos niya ang akin. Nakapatong ang isang siko niya sa tuhod at nakahalumbaba. Umiling lang siya sa 'kin kaya pinagdiskitahan ko ulit ang mga sinulid sa may tuhod ko.

Kumunot ang noo ko nang ulitin niya 'yon—tinapik niya ulit ang sapatos ko gamit ang kaniya. Nilingon ko ulit si siya. "Di ko alam na sasama kayo," sabi niya, mahina lang.

Sumulyap ako kay Deion. Hindi siya nakapikit pero mukhang half-tulog na siya kahit nakatingin siya kay Kuya Yael. Di ko alam kung ganiyan lang siya 'pag inaantok or naiingayan siya dahil nagchichikahan ang iba naming kasama sa likod, tapos may patugtog pa roon sa harap na rows.

"Pinilit lang ako ni Mark," sagot ko.

Wala na ulit sinabi si Kuya Yael kaya binalik ko na ang atensyon sa pantalon ko. Matulog na lang din kaya ako? Makakatulog naman ako kahit maingay. 'Wag lang sana akong maglalaway dahil nakakahiya.

Pinag-iisipan ko pa kung iidlip ako nang may bumunggo ulit sa sapatos ko. This time, hindi na 'yon kay Kuya Yael. Napatingin ako kay Deion na nasagi ang paa ko dahil hinarang niya ang paa niya sa tapat ng akin. '''Yung kaniya tuloy ang sumalubong sa sapatos ni Kuya Yael.

"Akala ko tulog, sorry," natatawang sabi ni Kuya Yael bago umayos ng upo. Narinig kong pumalatak si Deion bago gumaya at umayos din ng upo. Sumulyap siya sa 'kin pero wala namang sinabing kahit na ano bago isandal ulit ang ulo sa partition at pumikit.

Nilipat ko ang tingin kay Kuya Yael. May pinapakita sa kaniya sa cellphone 'yung katabi niya kaya hindi niya ako napapansin. Sinamantala ko 'yon para matitigan ko siya nang ayos. Guwapo naman talaga siya for me simula pa lang pero . . . bakit parang may . . . kulang?

Bumaba ang tingin ko sa paanan ko nang maramdamang may dumagan do'n. Sinamaan ko ng tingin ang nakapikit nang si Deion nang makitang inapakan niya nang mariin ang paa ko. Problema nito?

* * *

"Billie."

"Hiii, good morning."

"Tsk, do'n ka nga."

Nakailang kurap ako bago matauhang nakatulog din pala ako sa biyahe. Agad kong kinapa ang gilid ng labi ko dahil si Kuya Yael pala 'yung bumati sa 'kin ng good morning. Bumababa na ang iba sa van.

"Tulog mantika," sabi nitong katabi ko. "Bigat pa ng pisngi."

Wala sana akong balak tingnan si Deion dahil baka nga mukha pa akong bruha, pero kusang umangat ang mga mata ko sa kaniya dahil sa huling sinabi niya. Umangat ang isang gilid ng labi niya bago dalawang beses na tapikin ang tuhod ko at naunang yumuko palabas ng van, bitbit pa rin ang bag ko.

Pagbaba, nakisabay ako sa kanta ng happy birthday habang papasok kami sa rest house, kahit na hindi ko makita 'yung may birthday dahil pinagkumpulan siya n'ung iba naming mga kasama habang nasa gate pa lang.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Wow, ang lawak. Sakali mang ma-awkward-an akong maki-room sa kanila, puwedeng-puwede ako rito sa damuhan matulog.

Sumunod lang kami ni Deion papasok. '''Yung isa naming kasama, si Mark, nauna pang umakyat do'n sa hagdan na akala mo birthday nga niya at place niya 'to. Sinundan agad siya ni Kuya Yael at rinig na rinig ang bigat ng mga naghahabulan nilang steps. Sumunod na 'yung iba paakyat. Nag-dalawang isip pa ako kung susunod na ako agad at mukhang gano'n din si Deion.

"Hi! Pasok kayo. 'Wag mahiya." Nag-stiffen yata ang balikat ko nang hawakan ako sa siko ng may birthday. My gosh, ni pangalan niya hindi ko alam. Hindi ko sure kung Christine o Christina. Bumati lang ako ulit ng happy birthday.

Nilingon niya si Deion. "Pinsan ka rin ba ni Mags?"

"Hindi. Happy birthday."

Ang cold naman n'un, pero parang wala lang naman dito sa celebrant. Hawak niya pa rin ako paakyat. Tumigil kami sa tapat ng isang room. '''Yung katabi, bukas ang pinto at may lumipad na agad na unan palabas. Rinig ko ang tawa ni Mark galing sa loob. Si Kuya Yael 'yung dumampot ng unan na napatapon palabas.

"Bawal ang magjowa sa isang room." Kung may iniinom lang ako, siguro nabulunan na ako. Nakangiti pa rin si Ate Celebrant nang pihitin niya ang doorknob ng pintong tinapatan namin. "Deion, ha? Bawal."

Mukhang hindi lang naman ako ang nag-freeze nang slight do'n. Kita kong humigpit ang kapit ni Deion sa dalawang straps ng bag kong suot niya. Umiling lang siya bago hubarin ang backpack ko at iabot sa 'kin. Dumeretso siya roon sa katabing kuwarto nang walang imik.

"Pasok ka na," sabi ni Ate sa 'kin at tinulak pabukas ang pinto. Napalunok ako nang si Shana ang una kong makita sa loob; nakaupo sila ni Max sa isang kama at naglalabas ng gamit. Kung hindi pa ako tinawag ni Ate Maggie na naroon pala sa taas ng double deck, baka hindi na ako nakapasok.

"Okay ka lang?" tanong ni Ate Maggie pag-akyat ko sa double deck para sa kaniya sumama. Tumango lang ako bago ilabas ang phone at sabihan si Daddy kung nasaan ako. Nagtanong na rin ako sa kambal kung malapit na ba silang makauwi.

Nag-strike ng usapan si Shana nang makompleto kaming mga babae sa room. Sinasali naman niya ako pero mas okay talaga sa 'kin kung 'wag na lang. Hindi ko naman magawang hindi na lang siya pansinin kasi baka magtaka si Ate Maggie, or makahalata 'yung iba tapos masira ang mood. Buti na lang ay hindi nagtagal dahil tinawag na kami ni Mark at sinabihang bumaba na.

Napatingin ako kay Deion nang sitsitan niya ako habang naglalakad kami papunta sa van. Wala palang ibang tao sa rest-house kaya sa labas na lang kakain para daw walang iimisin.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasama mo naman si Mags?"

Tumango ako. Gets ko na kung papunta saan 'yung sinabi niya.

Narinig ko siyang huminga nang malalim bago hagipin ang kamay ko. Nilagpasan namin sina Shana.

* * *

"Thank you rito, Billie." Kasama na ulit namin si Mark pagdating sa restaurant. Tumabi na siya sa 'min, siguro dahil ay busy 'yung uppers sa plano nilang maliit na surprise. Ang alam ko, may cake sa van e. Iniwan din nila 'yung gifts sa bulkhead. So baka mamaya pa nila ilalabas after dinner or 'pag served na 'yung food.

"Sinuot mo na agad?" tanong ko, tukoy sa t-shirt na puting binili ko.

Tumango-tango si Mark, malawak na malawak pa rin ang ngiti to the point na nawiwirdohan na ako. I mean, marunong naman akong maging thankful sa gift. Pero si Mark mukhang nasobrahan naman sa tuwa. Baka madali talaga siyang i-satisfy? Kaya siguro kung ano na lang ang biniling regalo sa kaniya nina Deion at ni Ate Maggie?

"Bakit? Wala ka bang ibang damit?" nagtatakang tanong ko. Kita pa nga 'yung folds at creases n'ung shirt galing sa pagkaka-store nang matagal sa lagayan nito.

Umiling si Mark. "Hindi naman. Gusto ko lang isuot kasi gift mo."

Kumunot ang noo ko. Yakap-yakap niya pa ang sarili niya at panay ang himas sa sleeves. Ganoon ba ka-comfy 'yung t-shirt? Makabili nga rin ng akin.

"Sakto pa naman limang piraso 'yon. Monday to Friday, may pantulog na ako," dagdag ni Mark at natawa. "Next time, pantulog na pants naman."

"Sabi mo 'yan, ha?" Tumango siya. Tinandaan ko na 'yon. At least di na niya ako pahihirapang mag-isip ng ireregalo ko sa kaniya next year.

"Tsk."

Napalingon ako kay Deion. Kumunot ang noo ko nang makita siyang nakasimangot habang nakahalukipkip, parang may galit sa baso ng tubig sa tapat niya. Tatanungin ko sana siya kung anong kinaiinis niya pero nauna siyang tanungin ni Mark. Imbes na sumagot nang ayos ay pailalim lang siyang sumulyap sa 'min. Mukhang masama ngang sinisira ang tulog niya, ah? No wonder ayaw niya sa 'kin no'ng first year kami.

Well, hanggang ngayon naman. Wala namang nagbago.

Napasimangot ako sa naisip. Wala namang nagbago. Meaning, alam ko na rin ang kahihinatnan nito.

So bakit pa ako dadausdos pabalik sa kaniya?

Walang sabi-sabi kong tinampal ang braso ni Deion. Mukhang nabigla siya roon pero hindi na ako nagpaliwanag. Kainis kasi.

Hinanap ni Ate Tin—'yon ang naririnig kong tawag sa celebrant—sa 'min 'yung ibang wala pa sa function room nang i-serve na ang dinner. Hindi naman nagtagal ay pumasok na ulit sila nang may dalang cake at ilang balloons, tapos kinantahan ulit 'yung may birthday. After namin kumain ay saka sila nagbigayan ng gifts.

"Umiinom ka ba?" tanong sa 'kin ni Mark pagkatapos ng gift-giving; kumuha kasi ng alak 'yung upperclassmen. Umiling ako.

"Okay lang 'yan, andiyan naman ang jowa." Lumipat ang tingin ko kay Kuya Yael na sumabat. Na kay Deion ang mga mata niya. "Di ba, Deion?"

Kumamot lang sa bandang tainga si Deion. Hindi ko alam kung dahil ba sumasayad sa tainga niya ang humahaba at kumakapal niyang buhok o dahil wala siya sa mood na makipag-deal sa mga makukulit na tao ngayon.

Hindi naman ako na-bore na manood lang sa kanila. Kinakausap naman ako ni Mark at ni Kuya Yael na paminsan-minsang tumatabi sa 'min. Ito namang isa kong katabi, parang gusto nang sumubsob sa table at matulog. Inilapit ko ang upuan ko sa kaniya. "Antok ka na?"

Umunat nang todo ang spine ko nang ipatong niya ang isang braso sa sandalan ng upuan ko. Jusko naman, aatakihin yata ako sa puso. "Paano ako makakatulog niyan?" Itinuro niya sina Mark na magulo sa tapat ng videoke.

Kumunot ang noo ko nang yakapin ni Mark ang sarili at hinimas-himas ang sleeves ng t-shirt niya nang makita kaming nakatingin. Di ko alam kung lasing lang siya or ano e. Nilipat ko ang tingin kay Deion nang marinig siyang may binubulong-bulong pero di ko maintindihan. Bumalik na naman 'yung salubong na salubong niyang kilay kanina.

Binaba niya ang tingin sa 'kin. Nahampas ko ang wrist niya nang biglang takpan niya ang mga mata ko gamit 'yung kamay niyang nasa sandalan ng upuan ko. Natawa lang siya bago 'yon alisin.

"Dapat ba lumabas na lang tayo?" pabulong kong tanong kay Deion nang magsibalik sila sa table.

Napalunok ako nang ilapit ni Deion ang tainga niya sa 'kin. Well, at least mabango siya. Talo 'yung amoy ng alak at pagkain. "Ano?"

"Sabi ko, dapat ba lumabas na lang tay—"

"Walang hindi sasali!" Napapitlag ako sa lakas at tinis ng boses n'ung may birthday. Bukod sa siya ang celebrant, siya ang nagbayad ng dinner at may sagot ng lodging, kaya siyempre nag-stay kami ni Deion sa loob ng function room. Wala na nga kaming dalang gift, magiging KJ pa ba kami? Di rin naman nila ako pinilit uminom no'ng sinabi kong ayaw ko. Participation lang ang hinihingi nila.

Di ko napigilang panoorin si Deion nang tanggapin niya 'yung shot na inabot ni Ate Maggie sa kaniya. Di ko naman ini-impose na mega good boy siya, nagulat lang talaga ako. Kasi no'ng high school, siya 'yung papasok nang walang kagusot-gusot sa polo. Hindi rin yata nakaranas ang report card niya na madaplisan ng grade na line of 8. Never ko siyang nakitang pawis at dugyutin unless PE class, at fresh naman siya agad after ma-dismiss. Nale-late naman siya, pero bihira siyang um-absent, tapos lagi namang may valid reason if ever. Madalas din siyang hatid-sundo.

Hindi naman sa may mali kung umiinom siya, sadyang new sight lang for me. Napalingon siya sa 'kin at inangat ang dalawang kilay na parang nagtatanong. Umiling ako at nauna nang umiwas ng tingin. Napaayos ako ng upo nang masandalan ko nang very light ang braso niyang nakapataong sa sandalan ng inuupuan ko.

Mukhang masuwerte naman kami ni Deion dahil hindi kami tinatapatan n'ung bote na pinaiikot ni Ate Maggie sa gitna ng table. Ang suki ay si Mark na katabi ko sa kabilang side. Natawa kaming lahat nang ang i-dare sa kaniya ni Ate Maggie ay umuwi na.

Umangal na si Mark dahil laging siya ang nabibiktima, kaya napagdesisyunan nilang paikot na lang. Hindi ko alam kung bakit di na nila ako tinatanong kung truth or dare—nirerekta na lang nilang painumin si Deion. At dahil ayaw niya ring sumagot ng kahit anong tanong o gumawa ng kahit anong dare, pandalawang tao tuloy 'yung shot niya.

"Okay pa 'yang bata natin, Mags?" tanong ni Kuya Yael, tukoy kay Deion. Kanina pa siya nagrereklamo dahil gusto raw niyang i-dare si Deion.

Nanlaki ang mga mata ko nang pakitaan ng middle finger ni Deion si Kuya Yael. Hindi naman nag-take offense si Kuya Yael do'n at natawa lang.

Inangat ko ang tingin kay Deion, kasi wow, marunong pala siya n'un. Pula na ang mukha niya pero mukhang nasa wisyo pa naman. Mukha nga lang siyang inaantok na, pero mula kanina pa naman ganiyan ang mga mata niya.

"Dare, dare, dare!" paulit-ulit na sabi ni Kuya Yael kasabay ng paghampas ng kamay niya sa mesa nang mapunta ulit kay Deion—or sa 'ming dalawa—ang ikot. Inirapan lang siya ni Deion na tahimik na naghihintay ng iinumin niya. "Dare, isa lang!"

"Oo nga, maiba naman," gatong ni Mark. "Lugi e."

Hindi sila sinasagot ni Deion, pati 'yung ibang nag-offer na truth na lang daw. Dadamputin na niya 'yung baso nang magsalita sa Kuya Yael. "Kiss! Isa lang!"

Ginatungan 'yon ng iba, except kay Mark na ayaw sigurong mapag-initan ni Deion mamaya kaya tumawa lang nang malakas.

Hindi naman ako affected sa pangangantiyaw nila. Pero nang lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa rin dinadampot ni Deion 'yung baso para makainom na siya at maituloy na ang ikot ay napalingon na ako sa kaniya. Naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin at lalo lang umingay sa function room.

Siniko ko siya. Pinagti-trip-an lang niya yata ako pero very real 'yung kaba ko, 'no! Umiling siya bago hilahin 'yung baso papunta sa tapat niya, kaya naman nag-boo ang mga kasama namin. Napahinga ako nang malalim. Pakaba talaga 'to.

Bumalik 'yung kaba ko kasabay ng hiyawan nila nang ibaba ulit ni Deion ang baso nang hindi man lang 'yon binabawasan. Parang aakyat palabas ng lalamunan ko ang puso ko sa kaba; hindi ako makahinga. Pinandilatan ko si Deion dahil ninenerbyos ako sa trip niya. Umiwas siya ng tingin bago, finally, damputin ulit 'yung baso at ubusin na 'yung inumin niya.

Nagre-refill pa lang ulit ng hangin ang lungs ko nang may maramdaman akong malamig sa sentido ko. Tumalon na nang tuluyan ang heart ko paalis sa dibdib ko nang mag-register sa isip ko na labi ni Deion ang malamig na 'yon.

Kung hindi lang ako parang sinemento sa upuan ko dahil sa gulat, baka napagaya na ako kay Mark na napatayo at natumba sa upuan niya. Halo-halo ang ingay—may palakpak, may cheers, may nagrereklamo gaya nina Kuya Yael at Ate Maggie na corny raw si Deion dahil masyadong pa-gentleman, at parang may emergency alarm sa utak ko na ayaw tumigil.

Lord. Gusto ko na lang matunaw.

"Antok na 'ko," rinig kong bulong ni Deion kahit na maingay. Tinulak niya ang upuan palayo sa table at basta-bastang umalis.

Naka-get over din naman agad sila dahil tumuloy 'yung ikot, puwera na lang siguro sa 'ming dalawa ni Mark na parehas na nabato. Napabalik lang ako sa ulirat nang tabihan ako ni Ate Maggie at utusang sundan si Deion dahil nakainom na raw at baka kung saan pa magpunta. Baka mahirapan kaming hanapin siya mamaya pauwi.

Tumango lang ako at lumabas ng function room. Nakakadalawang hakbang pa lang ako sa labas nang mapaupo ako sa sahig. Paulit-ulit kong tinapik ang dalawang pisngi kong mas ramdam ko na ang init dahil malamig ang hangin sa labas. My gosh, Billie. Ano na?!

Hinintay ko munang makahinga ako nang ayos bago tumayo para hanapin si Deion. Sapo-sapo ko pa rin ang mukha ko dahil mainit talaga sila, puwede na yatang prituhan ng itlog. Hindi ko na lang pinansin 'yung ibang napapatingin sa 'kin 'pag bigla akong napapadabog or napapaupo 'pag naalala 'yung nangyari kanina. Di ko na naman makikita 'tong mga strangers na 'to ever again, so hinayaan ko na lang.

Buti naman at hindi ako pinahirapan ni Deion na hanapin siya. Di ko rin naman alam ang gagawin kung sakaling maligaw siya. Tahimik akong umupo sa kabilang dulo ng bench sa front porch kung nasaan siya dahil ayaw ko namang ipaalam sa kaniya nandito ako, pero ang talas ng pandama niya dahil mula sa langit ay nilipat niya agad ang tingin sa 'kin.

Tumikhim lang ako at hindi na nagsalita. Ang kailangan ko lang naman gawin e i-make sure na hindi siya lalabas ng restaurant at hindi niya ililigaw ang sarili niya. So okay na 'tong nakaguwardiya ako sa gilid niya. Di rin naman namin need mag-usap.

Tsk. Ano ba 'yan. Kababalik lang namin sa nag-uusap mode tapos mababaliktad na naman.

Buti na lang dala ko ang phone ko kaya may mapagbabalingan ako ng atesnyon. Ang awkward pa naman, lalo na't mukhang walang balak si Deion na alisin ang tingin niya sa 'kin. Nare-recognize ba ako nito? Baka hindi niya ako mamukhaan kaya grabe siya kung makatingin? Baka ang tingin naman niya sa 'kin ay stranger na gagawan siya ng masama? Madilim pa naman sa area.

"Shit, sorry!" Napasandal ako nang ayos sa bench. Sinapo ni Deion ang bandang noo niya na di sinasadyang natamaan ng kamay ko sa gulat nang bigla siyang umisod palapit. Hindi naman siguro 'yon sobrang sakit, pero mukha siyang batang paiyak na dahil sa bigat ng mata niya at dalawang kamay pa ang nakahawak sa noo niyang nadali ko.

"Antok na talaga 'ko," bulong niya at bigla na lang humiga sa bench. Nahimatay yata ako sa segundong inangat niya ang ulo niya at pinatong sa mga hita ko. Ilang beses ba akong sisindakin ng lalaking 'to for today?

Agad kong hinarang ang isa kong palad sa line of vision niya na pilit naman niyang tinataboy. "Ba't may harang?" tanong niya, garalgal na ang boses. Inaantok na kasi, ayaw na lang matulog.

"Pangit ang view," sagot ko. Hindi ako maganda sa angle, kahit pa sabihing madilim naman.

Ilang beses niya pang sinubukang alisin ang kamay kong hinaharangan ang view niya bago siya tumigil. Binaba ko na ang kamay ko nang pumihit siya paharap sa kabilang side, walang pakialam sa salaming suot niya at mukhang may balak na ngang matulog. Anong oras ba balak nina Ate Maggie na bumalik do'n sa rest-house? Baka mangalay ako 'pag nakatulog 'tong si Deion sa 'kin.

"January birthday ko."

Kumunot ang noo ko roon. Ang out-of-nowhere. "Alam ko." Paano ko makakalimutan? Siya ba ang kailangan kong i-remind na every year no'ng high school ay may regalo ako sa kaniya?

"Gusto ko rin . . ."

Lalo lang nagsalubong ang kilay ko. Nananaginip na ba 'to? Dilat pa naman siya. "Gusto mo ng?"

Tuluyan na siyang pumikit. Pero dahil yata sa mga ilaw ng sasakyang lumalabas galing sa parking, napamulat ulit siya. Nakasimangot na nga. Hindi naman siguro siya mag-aamok dito dahil nasisira ang tulog niya, di ba? Di naman kasi tulugan 'to e.

"Gusto ko rin," bubulong-bulong niyang sabi.

"Ng ano nga?" tanong ko ulit.

Lalo lang lumalim ang simangot niya bago pumikit ulit. Humalukipkip siya dahil siguro sa lamig at f-in-old ang legs niyang lumalagpas sa bench. "Ewan ko sa 'yo."

Huh? Kung di lang to lasing, natuktukan ko na 'to e. Labo na nga niyang kausap 'pag di nakainom, lumabo pa lalo ngayon. Gusto niya ng ano? Ng birthday na ganito? Kung oo, di ko alam kung bakit sa 'kin niya sinasabi. Di ko naman to afford.

Hindi na siya sumagot nang tawagin ko. Maingat kong tinanggal ang suot niyang salamin dahil baka ma-deform ang frame, mabasag, or mahulog. Sa neckline ng blouse ko muna 'yon sinabit. Tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang palad ko para di niya maaninag ang mga headlights ng sasakyang lumalabas. Saka para hindi tumusok sa bandang mata niya 'yung buhok niyang humahaba na.

Hay.

Paano ko lalabanan ang feelings ko niyan? E ang cute-cute niya? Buwisit.

Tiningala ko ang madilim nang langit. Baka sakaling may dumalaw na shooting star, magwi-wish ako. Baka pagbigyan naman ako ng ibang outcome this time.

Mabait naman ako, a? Deserve ko naman makatikim ng crush back o. Di naman forever hinihingi ko e.

Di ko na namalayan ang ngalay ng binti ko sa kahihintay. Dumating na si Mark at ginising si Deion dahil uuwi na raw kami.

Walang shooting star na napadaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro