001: FINDING JOB

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NASA may dalampasigan si Xylona, nag-iisip kung anong klaseng trabaho ang pwede niyang pasukin. Isa lamang kasi siyang high school graduate at hindi na nakapag-aral ng kolehiyo dahil sa kanilang kahirapan. Tanging pagtitinda lamang ng suman at beko ang alam ng kanyang ina, kaya hanggang high school na antas lamang siya. Ang hirap talaga maging mahirap.

Tanging ang kanyang ina lamang kasi ang kumayod para sa kanya dahil matagal na silang iniwan ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay nasa piling na ito ng ibang babae. Natitiyak niyang masaya na ang buhay nito ngayon, habang sila ay kumakayod sa hirap. Umalis ang kanyang ama sa kanilang tabi nang malaman nitong nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang ina. Her mother has a stage three breast cancer. Kung kailan kailangan niya ng gabay nang isang ama, ay ito pa ang unang umalis sa kanilang tabi.

As, much as she want to give up in her life, hindi niya iyon maaaring gawin dahil gusto niya pang makasama ang ina ng matagal. That is why, she's trying her best to find the best job. Palagi niyang dinadasal sa maykapal na sana ay may milagro na dumating sa kanyang ina. Iyong miracle na pang habang buhay sana. Iyong miracle na magpapangiti sa kanyang ina ng tuluyan.

Hindi niya namalayan na may butil na luha na palang lumabas sa kanyang mata. Agad niya itong tinuyo gamit ang kanyang hintuturo. Malungkot niyang pinagmasdan ang araw na papalubog. Kung noon ay kasama niya ang ina habang tinatanaw ang araw na papalubog, ngayon naman mag-isa na lamang niyang tiningnan ito.

Gaya ng araw na papalubog unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa, pag-asa kung paano niya mawala ang sakit ng kanyang ina. Pero, kahit ganun ay nagbabakasakali pa rin siya na sana ay may dumating na himala o miracle man lang sa kanila.

She stayed longer on the sand, waiting to the sun will fully down. Ninanamnam niya ang lamig ng simoy nang hangin sa dalampasigan na kanyang pinuntahan. The cold air was calming her down, to the point that she don't want to go. Nang medyo makulimlim na ay napagpasyahan niyang umalis na sa dalampasigan. Tahimik lamang niyang tinahak ang daan patungo sa kanilang bahay, habang naka-yuko ang sarili nitong ulo. Wala nang katao-tao ang daan, kaya medyo nagustuhan niya ang tahimik na tinatahak.

Ngunit, ganun na lamang ang gulat ni Xylona nang may biglang humila sa kanya. Handa na sana siyang sumigaw nang mahila siya nito sa liwanag na lugar. She immediately touch her chest, where her heart was. Malakas ang tibok niyon dahil sa ginawa ng kanyang kaibigan.

"Papatayin mo ba ako ng maaga! You scared me to death!" Bulyaw ni Xylona sa kaibigan, habol pa rin nito ang sariling hininga.

Nginitian lang siya ng kaibigan kasabay ng pagkurot nito sa kanyang pisngi. "I'm sorry, ang seryoso mo kasi masyado diyan. Ang lalim pa ng iniisip mo. Ni hindi mo nga naramdaman ang paglapit ko. " wika nito sa kanya.

Xylona just rolled her eyes at her, then she continue to walk. Kailangan na niyang magmadali dahil nag-iisa lamang ang kanyang ina sa bahay. Baka mag-alala ito sa kanya at aalis pa ng bahay.

"Kumusta ang lakad mo kahapon. May nahanap ka na bang trabaho?" Tanong sa kanya ng kaibigan. Namangha siya sa bilis nitong paglakad upang masabayan lamang siya.

Lupaypay ang magkabilang balikat ni Xylona nang maalala nito na walang kahit ni anong kompanya ang tumanggap sa kanya.  Marami kompanya ang napuntahan niya kahapon, ngunit ni walang isa sa mga ito ang tumanggap man lang sa kanya. Sino ba naman kasi ang tatanggap sa kanya, gayong high school graduate lamang siya?

Napabuntong hininga na lamang si Xylona sa tuwing sumasagi sa isip niya ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon, nag-iisip pa rin siya kung anong trabahong a-applyan niya bukas na bukas din. Iyong trabahong tatanggap sana sa isang high school graduate.

"Wala pa," sagot niya dito. "Ang hirap talaga makahanap nang trabaho kapag hindi ka college graduate, no?" Malungkot niyang saad sa kaibigan.

"Yeah." Tipid na sagot ni Zoee, ang kanyang kaibigan.

Nang marating ni Xylona ang kanilang bahay, ay kaagad siyang dumeretso sa kusina upang magluto ng hapunan. Natitiyak niya kasing kanina pa nagugutom ang kanyang ina, dahil pasado alas sais na rin naman. Hangga't maaari hindi niya pinakikilos ang ina sa bahay, upang hindi ito mahirapan sa kalagayan.

Isang simpleng bahay lang ang meron sila Xylona. Hindi kalakihan, ngunit hindi rin naman kaliitan, iyong sakto lamang sa laki na para sa kanilang dalawa lamang ng ina. Gawa sa isang kawayan ang kanilang bahay.

Habang hinihintay ni Xylona maluto ang kanyang niluto ay narinig naman niya ang malakas na halakhak ng kanyang kaibigan sa loob ng kanilang sala. Natitiyak niyang gumagawa na naman ito ng kalokohan sa kanyang ina.

Gaya rin niya, si Zabeta Zoee Zoila ay nabubuhay rin sa isang simpleng pamumuhay lamang. May pito itong mga kapatid at ito ang panganay sa kanilang pamilya. The bread winner of the family, like her.

"Nanay, halika na! Kakain na tayo," tawag pansin niya sa ina, na tila naki sabay na rin sa kalokohan ng kanyang kaibigan.

"OMG, ang sarap naman ng ulam niyo ngayon!" Tili ni Zoee nang mauna itong pumasok sa loob ng kanilang kusina. Hindi man lang inalalayan ang kanyang ina.

Xylona is happy and contented in her life. Kahit mahirap ang tingin ng mga tao sa kanila, para sa kanya ay okay lang, basta ang importante ay mawala lamang ang sakit ng kanyang nanay.

"GOOD morning dad, mom!" Haydyn greet his parents, as he saw them. Nilibot niya ng tingin ang buong sala, nagbabakasakali ito na makita ang kakambal

"Kanina pa umalis ang kakambal mo. May gagawin daw itong operation sa hospital." Wika sa kanya nang kanyang ama, na tila ba alam na nito ang nasa kanyang isip kapag hindi siya magtanong rito.

Tumango na lamang siya sa ama saka pumasok sa kusina. Kaagad naman niyang kinuha ang kanyang pakay sa loob at lumabas din. Hindi pa nga tuluyang nakalabas si Haydyn ng kusina nang tawagin siya ng mayordoma.

"Hindi ka ba, mag-aagahan Cyd?" Tanong sa kanya ng mayordoma.

"Hindi na Manang, baka kasi kapag kumain pa ako ay malalate pa ako sa board meeting mamaya." Sagot niya sa mayordoma. The mayordoma nodded, then he immediately get out in the kitchen.

Namataan naman niya ang kanyang mga magulang na nasa sala, nagka kape ang mga ito habang may kanya-kanyang tingin sa mga sarili nitong cellphone. He walked towards them and bid a goodbye.

He started the engine of the car and drove off to their own company. Isa't kalahating oras din ang tinagal niya sa pag-upo sa driver seat, bago niya masilayan ang kanilang kompanya. But, because of his speed of driving, something happen in an instant.

He immediately stopped the car, combing his hair in frustration.

"Shit! Shit! Shit!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro