Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

News

"Hendrix!"

Hinanap ni Hendrix ang tinig ni Xylona habang nilalaban niya ang alon. Nahampas ng malaking alon ang kanilang bangka kaya sila nagkawatak-watak. Madilim ang paligid na kanyang nilalanguyan kaya nahihirapan siyang hanapin ang dalaga. Sa pagkaka alam niya kasi hindi ito marunong lumangoy kaya hindi niya maiwasang mag-alala.

"Xylona!"

Lumangoy siya kung saan narinig niya ang tinig ng dalaga kanina pero masyadong madilim kaya halos hindi na niya makita ang paligid.

"Hendrix, tulungan mo a-ako!"

Agad nilangoy ni Hendrix ang kinaruru unan ng tinig na kanyang narinig at doon niya nasilayan ang dalaga sa ilalim ng dagat na lumulutang. Agad niya itong nilangoy at umahon. Inilibot niya ang kanyang paningin at may nakita siyang kapatagan kaya nilangoy niya iyon habang nasa kanyang mga bisig ang dalaga. Nang maramdaman na niya ang buhangin ay kaagad niyang tinahaya si Xylona. He respect the girl and as a wife of her twin brother but he need to do a mouth to mouth to Xylona para mabalik ito sa realidad.

Umupo siya sa uluhan nito saka dahan-dahang dumukwang nang bigla na lamang umubo ng tubig ang dalaga saka ito nahimatay. Napabuntong-hininga na lamang si Hendrix sa isiping ayaw talaga ng tadhana na halikan ang asawa ng kanyang kapatid. Binuhat niya ito na parang bridal style saka pumasok sila sa isang kubo na walang tao. Laking pasalamat niya dahil may maliit na ilaw ang loob nito. He put Xylona in the sofa that made of bamboo.

Pinagtitigan niya ng mabuti ang dalaga na ngayon ay walang malay. Ma swerte ang kanyang kambal dahil may asawa itong napakaganda. Napailing na lamang siya saka tumayo upang maghanap ng damit na pwedeng suotin ni Xylona. Hindi man magiging sa kanya si Xylona, sisiguraduhin naman niya na magtatagal sila sa islang kanilang kinaruru unan. Ipinag dadasal niya na sana walang makatuntun sa islang ito. Ayaw niya munang iuwi si Xylona sa piling ng kanyang kapatid. Masama man ang kanyang plano pero walang masama sa kanya pagdating sa pag-ibig. He know that Haydyn didn't threatened her good, kaya gagawin niya ang lahat para maibaling naman ni Xylona ang pagmamahal na dapat sa asawa nito ibinibigay.

Kahit labag sa kanyang kalooban na bihisan ang dalaga ay ipinagsawalang bahala niya na lamang ito upang hindi magkasakit ang dalaga. Pagkatapos, niyang bihisan ang dalaga ay lumubas muna siya sandali at ganun na lang ang gulat niya ng sumasalubong sa kanya ang isang matandang lalaki.

"Aatakihin naman ako sayo manong," gulat na wika niya habang hawak ang dibdib.

"Pasensiya na iho, hindi ko sinasadya na gulatin ka," hinging pa umanhin ng manong.

"Okay lang ho, manong, pasensiya na rin. Ahm... Wala ho bang nanirahan sa bahay na ito, manong?"

"Wala, iho. Lumipat ng ibang pwesto ang nanirahan diyan," wika ng manong kaya tumango siya dito. "Teka, bakit pala napadpad ka dito? Ikaw lang ba mag-isa?"

"Ahm... Yung bangkang sinasakyan kasi namin ay nahampas ng malaking alon kaya napadpad kami dito. Galing ho kami sa kabilang isla gumawa kasi kami ng operasiyon para sa mga bata at matatanda. Kasama ko ho dito ang asawa ng kapatid ko," wika niya sa manong.

Tumango lang ang manong na kinakausap niya. Sinabi niya rin rito na kapag may naghahanap sa kanila ay sabihin niya ito na wala siyang alam. Kahit sa maliit na panahon lamang ay gusto niyang makasama ang dalaga.

HINDI mapakali si Zoee sa kanyang kinatatayuan habang tinatanaw ang malalakas na alon sa dagat. She is praying na sana walang mangyari sa kanyang kaibigan. Marami na ring mga cost guard ang humahanap sa kanila pero hanggang gitnang bahagi lang ito, hindi sila umaabot hanggang dulo dahil sa lakas na alon. Nakita ni Zoee ang ina ni Hendrix na lakad-takbo ang ginawa patungo sa kanya.

"Where's my son and daughter-in-law?" tanong kaagad nito sa mga cost guard na galing sa dagat.

"Sorry ma'am, pero hanggang gitna lang talaga ang kaya naming abutin. Malakas kasi ang alon sa bahaging isla kaya hindi kami makatawid ng deretso." ani ng isa sa mga cost guard.

Lumapit siya sa ina ni Hendrix at yinakap ito patalikod. Naramdaman niya ang panginginig nito pati na rin siya nanginginig sa takot na baka mawalan siya ng kaibigan. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi nalang siya sumama sa bangka nitong sinasakyan.

"Tita, I'm sorry." hinging tawag ni Zoee saka hinigpitan ang yakap sa ginang.

Umiling ang ginang bago ito nagsalita, "wala kang kasalanan, iha. Don't be saying sorry. Ang kinatatakutan ko lang ay baka...ba-" Zoee cut her off.

"Tita, nothing to worry about them. I'm sure kung saan man sila ngayon they're safe. Hindi tayo pwedeng mag-isip ng masama ang dapat nating gawin sa ngayon ay magdasal." kutyaw niya sa ginang.

She is hoping that nothing happen to her friend and Hendrix. Baka masisi niya pa ang kanyang sarili kapag may nangyari sa dalawa.

"MANANG Nina, Where's the fam?" tanong ni Haydyn sa mayordona nang makita niya itong nakatayo sa gilid ng sofa habang ang mga mata ay nasa malaking tv. Napatingin si Haydyn doon sa nagbabalita.

"Isang bangka galing sa isang isla ay nalunod dahil sa malaking alon. Lima ang sakay nito at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ito."

"Manang Nina, where's my wife?" tanong ulit ni Haydyn sa mayordona.

Doon na napatingin ang mayordona sa kanya na may pag-alalang at gulat na tingin.

"Haydyn," wika nito na parang nakakita ng multo. Gusto nang sigawan ni Haydyn ang mayordona dahil sa kanyang pagtitimpi pero hangga't kaya niya pang pigilan ay pinigilan niya.

"Manang Nina, where's my wife?" ani niya ulit saka pinagdidiinan ang wife na salita. Napakurap pa ito saka ito nagsalita.

"Hindi pa sila umuuwi, Haydyn."

"Sino nga pala ang kasama niya sa isla?"

"Iyong kambal mo at kaibigan niya."

Hinagis niya ang maleta na dala niya saka niya kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa. Agad niyang di-nial ang numero sa kanyang ina and after three rings sinagot agad ito.

"S-son," rinig niya ang hikbi ng kanyang ina habang garalgal ang boses nito, "your twin brother and your wife, son."

Nagtagis na ang kanyang bagang habang isa-isa niyang pinaringgan ang bawat salita ng kanyang ina. Agad niyang pinatay ang tawag saka lumabas na sa mansion. Kaagad niyang pina andar ang sasakyan at pinaharurot ito kung na saan ang kanyang ina ngayon. He want to be sure that his wife is safe and his twin brother is safe too. Kung hindi man mahanap ng mga cost guard ang asawa at kambal niya siya mismo ang hahanap nito.


Chapter 30 will be waiving!!!

_________________________________________________________

_ampeachy 🌻🍑



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro