Chapter 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

              HEARTLESS HUSBAND

NASA teresa si Xylona, umuupo habang tanaw niya ang buong village. Dalawang araw na ang lumipas matapos nilang inilibing ang labi ng kanyang father-in-law. Hawak niya ngayon ang picture ng kanyang daddy habang walang tigil ang kanyang pag-iyak. Ang taong tumulong sa kanya at nagpabago sa kanyang pagkatao ay nawala na. Parang gusto na niyang sukuan ang buhay niya at sundan na lamang ang kanyang ina na matagal ng namayapa.

Wala na rin namang kwenta ang kanyang buhay lalo na't, wala nang naniwala sa kanya. Pati nga ang kanyang asawa ay hindi naniwala na sa kanya ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Hinimas-himas niya ang kanyang tiyan na ngayon ay may kalakihan na. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisnge at ngumiti lamang ng matamis. Dapat niya munang alagaan ang kanyang sarili dahil may buhay na nakasalalay sa kanyang tiyan.

"Zabie, my dear, where are you? Here na me!" Sigaw ni Zoee sa buong mansion.

Mahina siyang napatawa saka sumigaw din siya pabalik upang makita siya ng kaibigan. Matapos ilibing ang kanyang ama ay sinabi niya dito kay Zoee na buntis siya. Sa una nagulat pa ito at nagtanong pa kung paano daw nila ginawa iyon ni Haydyn. Sinabi niya rin dito ang relasyon niya kay Haydyn. Nang malaman ni Zoee kung ano ang mga pinagsasabi ni Haydyn sa kanyang kaibigan ay nagalit ito. Masyado daw pinairal ni Haydyn ang kanyang pagiging walang puso at pati bata na nasa sinapupunan ng kanyang kaibigan ay dinamay.

"Ano't napasyal ka rito?" Tanong niya sa kaibigan na ngayon ay nakaupo na sa kanyang gilid.

"Siyempre para kamustahin ka. At, saka may pinadala si nanay na pagkain sayo. Paborito mo pa ito."

"Ano namang pagkain iyan, aber?"

Ngumiti ng matamis ang kanyang kaibigan bago kinuha ang mga pagkain na nasa loob ng paper bag. Nang ilipag na ni Zoee ang mga pagkain sa kanyang gilid ay kaagad siyang natakam sa amoy. Matagal-tagal na rin na hindi niya natikaman ang betso-betso. Kaagad niyang binuksan ang isang tupperware at kumuha ng isang betso-betso. Hindi niya mapigilang ipikit ang kanyang mga mata ng maramdaman na niya ang sarap.

"Thank you, dito ha. I want more of this. C-can you cook me." Halos malaglag ang panga ng kanyang kaibigan dahil sa sinabi niya dito. Dalawang tupperware na ang kanyang naubos at dalawa na lamang ang natitira. She want more? She want to eat hundred of betso-betso.

Masayang pinanood ni Xylona ang kanyang kaibigan na nakasimangot habang nagluluto ito ng betso-betso. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na cute-an sa kanyang kaibigan. Bigla siyang napa ayos ng upo nang may naalala siya. Malaki pala ang gusto ni Zoee kay Hendrix pero hindi ito alam ng binata dahil palagi nasa kanya ang pokus nito. Hindi naman niyang pwedeng pilitin si Hendrix na ibaling na lamang ang naramdaman nito sa kaibigan niya. Pinagdadasal na lamang niya na sana makita na ni Hendrix ang taong totoong nagmahal sa kanya.

Napabuntong-hininga siya ng maalala niya na hindi na pala umuuwi si Hendrix sa mansion. Huling kita nila ay noong paglibing sa kanyang ama at pagkatapos nun ay wala na siyang balita sa binata. Halos wala na ring buhay ang mansion dahil tatlo na lamang silang nakatira maliban sa mga katulong.

Nabaling ang tingin ni Xylona nang makita niya si Lanny ang katulong nila na may dalang pagkain sa tray.

"Hindi pa rin ba kumakain si mama." Tanong niya dito ng mailapag na ni Lanny ang tray.

"Kanina pa pong kumakain si ma'am, Xylona."

"Oh, eh kanino iyan?" Sabat naman ni Zoee sabay turo sa pagkain na nasa tray.

"Kay sir po, pero busog daw ho siya, eh." Napakamot lamang si Lanny sa ulo nito. Huminga siya ng malalim bago kinuha niya ang tray.

Kahit gaano pa ka walang puso si Haydyn para sa iba at sa kanya ay nag-alala pa rin siya dito.

"Haydyn! Nandito na yung breakfast mo. Open the door please!" Sigaw niya dito pero wala pa ring sumasagot sa kanya.

Pinihit niya ang doorknob pabukas at ganun na lamang ang kanyang gulat ng hindi ito naka lock. Sinara niya muna ang pinto bago niya hinanap si Haydyn. Noon, sila pang dalawa ang matutulog nito pero ngayon, si Patricia na ang palagi niyang dinadala dito. Nagpunta siya sa librong room nito na nasa lamang sa iisang silid niya at doon nakita niya si Haydyn na nakatayo paharap sa bintana.

"Haydyn." Tawag niya rito. Kaagad bumilis ng tibok ang kanyang puso ng masilayan na niya ang mukha nito.

"How many times do I need to tell you that you are not allowed to enter my room without my permission. Mahirap ba iyong intindihin, Xylona!" Napapitlag siya sa pagsigaw nito.

"H-hinatiran ko lamang ikaw ng agahan. Sabi kasi ni Lanny ayaw mo daw kumain."

"That's because I'm full! FULL!" Sigaw nito na ikinagulat niya.

Napayuko na lamang siya nang biglang maglakad si Haydyn papunta sa kanyang gawi. Naka-bungguan nito ang kanyang siko dahilan upang mahulog ang tray na nasa kanyang kamay. She wiped her tears before she sat on the floor to clean the mess. Pero,bago pa lumapat ang kanyang kamay sa mga pagkain ay nagsalita ito sa kanyang likuran.

"Ipalinis mo iyan sa mga katulong kung ayaw mong ipakain ko iyan sayo."



"ANO, ba ang napasok diyan sa kukute mo at nasabi mo iyan sa asawa mo?"

Napahilamos na lamang si Haydyn sa kanyang kamay ng sabihin niya dito sa kanyang kaibigan kung ano ang ginawa at sinabi niya sa asawa. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa kanyang ginawa sa asawa.

"I have a lot of problems that I think at nagkataon lang na siya ang nabuntunan ko."

"Ang sabihin mo ay dahil pa rin ito sa bata. Bakit ba na ayaw mong tanggapin na sa iyo talaga ang bata at hindi sa kakambal mo."

"Dahil iyan ang sinasabi ng isip ko. Saka kailangan ko munang kumpirmahin na sa akin ba talaga iyon."

"Sana, kapag dumating ang araw na iyon ay hindi na huli ang lahat. I hope that day is your lucky charm."




Chapter 37 will be posting!!!

__________________________________________________________

A/N: Hi, peaches! This summer I will be posting a Summer Series #1: The Summer of Love on GoodNovel flatform. You can read it there, just search my username (@_ampeachy) or search my book (The Summer of Love.) I will all of you inform if ma p-publish ko na siya.

Just follow my social media flatform.

Facebook page: Ampeachy
Instagram: Superjesselann

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro