Chapter 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                    HIS SWEETNESS

3 weeks later...

NAG dadalawang isip si Xylona kung dadalhin niya ba ang one piece niyang swimsuit na binili sa kanya ni Margarith noong isang araw. Five months na ang kanyang tiyan at nasisiguro niyang hindi na bagay sa kanyang one piece na ito. Napatingin naman siya sa pinto ng silid nang ito'y bumukas. Iniluwa doon si Haydyn na naka black jacket at tinernohan ito ng slim jeans na kulay indigo.

Hindi niya talaga mapigilang humanga dito. Ang swerte talaga ng mga anak niya kung ganito ka gwapo ang kanilang ama.

"Ano iyang hinahawakan mo?" Haydyn asked her. Kaagad niyang itinago ang one piece na swimsuit sa kanyang likod. Ayaw niyang makita ni Haydyn ito baka sa huli ay pagsasalitaan lamang siyang hindi maganda lalo na't lumalaki na ang kanyang tiyan.

"Ahh, wala ito." Pilit niyang binigyan na ngiti ang asawa saka mabilis na tumalikod dito upang ibalik sa walk in closet ang one piece.

Pero, ganun na lamang ang kanyang gulat na bigla itong kinuha ni Haydyn. Tinitingnan ito ng mabuti, napabalik-balik ang tingin nito, sa kanya at sa one piece na swimsuit.

"Bakit hindi mo dalhin, bagay naman sayo." Biglang tumatalbog ang puso niya ng sabihin iyon sa asawa. Siya na ang nagtupi nito sabay lagay sa loob ng duffle bag. "And, I know mom buy you those things. Maybe, she will be sad if you didn't wear it, right?" Tumango na lamang siya. Wala nang mga salita ang lumabas sa kanyang bibig.

Isang bag lang ang sa kanya, dahil ayaw niyang magdala ng mga maraming gamit lalo na't siya rin naman ang magdadala. Dalawang katulong lang ang isinama ni Margarith upang may makaalalay daw sa kanya. Nang isara niya ang bag ay humarap siya sa salamin, pinungpong niya ang kanyang buhok into ponytail. She is wearing a dress, komportable kasi siya dito.

Aakmang kukunin na niya ang bag ng bigla iyong inagaw ni Haydyn.

"Bakit isa lang ang bag na dinadala mo?" Kapag kuwa'y tanong nito ng sabay-sabay silang bumaba. Ang kanang kamay nito ay may dalang bag niya, at kaliwang kamay naman nito ay may dalang bag nito, may backpack din ito sa likod.

"Hindi ko kasi madadala kapag dalawa, shaka hindi naman karamihan ang mga gamit na dala ko."

"Zabie! O my ghad, your so...stunning today. Ano ang nakain mo at ang ganda mo ngayon?" Lumapit ang kaibigan sa kanya sabay halik sa pisngi nito. "Hello, their baby, how are you?"

Natatawa siya sa inaasta ng kaibigan, "Zabetha, hindi kapa maririnig niyan at mas lalong hindi iyan sasagot." Napanguso lamang ang kaibigan sabay tuwid na tayo.

"Hello, everyone! Hello, their... Xylona and Zoee." Nakita niya ang pagtaas nito ng kilay bago siya tiningnan nito mula ulo hanggang paa. Tusukin ko yang mata mo! "And, hello their baby." Aakmang hahalikan na sana ni Patricia ang labi ni Haydyn ng lumungon ito sa hagdan kung saan kababa lang ni Margarith.

"Buti, nga sa kanya! Kontrabida siya ng buhay niyo mag-asawa!" Siniko ni Xylona si Zoee sa kanyang gilid.

"Hi, Tita!" Patricia exclaimed and walked towards, where Margarith stand.

"Hi, Tita! OA lang ang peg mo, teh!" Bulyaw na bulong naman ni Zoee. Hinarap niya ang kaibigan at kinurot ito sa pisngi.

"Pwede ba Zoee, yang bibig ha. Baka gusto mong maiwan dito. I can tell mama Margarith to —"

"Xylona naman, eh!" Pagpapadyak nito.

"Sweetheart, you look so good with that dress of yours. I love it!" Her mama exclaimed. Nginitian niya lang ng matamis ang ginang. Tinapunan niya ng tingin ang dalaga na ngayon ay may nakaka patay na tingin.

"So, everyone let's go! I'm excited to swim!" Biglang napahiyaw si Zoee na ikagulat naman ni Xylona.

"C'mon, lumayo-layo ka muna diyan sa baliw mong kaibigan baka mamatay ka ng maaga diyan." Ani ni Haydyn sabay hawak sa palapulsuhan niya.

Alam niyang hindi talaga uurungan ni Zoee ang mga sinabi ni Haydyn tungo sa kanya.

"Well, that's good if she die early right?"

"What did the hell you say, Patricia! Gusto mong mamatay ng maaga ang kaibigan ko para ikaw na lamang ang umaaligid dito kay Haydyn. Hoy, linta ipaalala ko lang sayo, ginamit ka lang ni Haydyn dahil hindi siya maka score nitong kaibigan ko, dahil nagdadalang tao ito. Huwag kang feeling asawa kapag pumunta ka dito, may pa halik-halik ka pang nalalaman diyan ha." Mabilis na satsat ni Zoee na ikinanganga naman nilang lahat.

Unang nakabawi sa gulat si Patricia kaya nginitian niya si Zoee ng matamis, "Dear, ang ibing kong sabihin dun, dapat ilayo si Xylona sayo upang hindi siya mamatay ng maaga. Dala kasi ka ng kamalasan sa buhay niya."

"Aba! Talaga, nahiya naman ako sa pinagsasabi mo. Ako! Ako pa talaga ang nagdala ng kamalasan sa buhay ng kaibigan ko. Bakit hindi mo iyan sabihin sa sarili mo nang sa ganun matauhan ka!" Galit na bulyaw ni Zoee dito.

"Ahm... Zoee, bakit parang ang init ata ng ulo mo ngayon? Diba, dapat happy ka dahil maliligo tayo ng dagat." Pagpapakalma niya sa kaibigan.

Naunang lumabas ang kanyang kaibigan. Napabuntong-hininga na lamang siya saka naglakad na rin palabas ng bahay. Napaigtad naman siya ng alalayan siya ni Haydyn palabas ng mansion. Isang universal car ang ginamit nila. Nakita niya sa loob ng backseat ang galit na mukha ni Zoee. Aakmang papasok na siya sa backseat ng pinipigilan siya ni Haydyn.

"Bakit...?" Alinlangang tanong niya dito.

"Sa front seat ka sasakay hindi sa backseat."

Pinagbuksan siya ni Haydyn ng pinto, inalalayan sin siya papasok sa loob. Ang mga gamit nila ay nasa compartment ng sasakyan. Ang dalawang katulong naman ay nasa likod nina Margarith at Zoee.

"Where should I seat?" Kapag kuwa'y tanong ni Patricia, siya kasi ang huling lumabas ng mansion.

"You have your car, Patricia. Since, hindi na tayo kasya rito, doon ka nalang sa kotse mo." Haydyn said, then enter the car.

The car was tented, Patricia frowned like she want to punch the mirror of the car where Xylona seated. Halos makumpleto na niya ang lahat ng mura na alam niya sa galit na kanyang naramdaman.

Sa kabilang banda, walang pigil ang mura ni Patricia sa ginawa ni Haydyn sa kanya. Why your so heartless Haydyn! Pero, agad din namang napawi ang kanyang kalungkutan ng biglang naisip niya ang plano niya. Sisiguraduhin niya talaga na wala ng Xylona ang makakagulo sa kanila.

"Tita, Margarith bakit niyo ho ba sinama yung brohilda na iyon. Pangit na nga ang mukha mas pumangit pa siya lalo dahil sa kanyang ugali."

"Bakit parang ikaw pa ang galit sa kanya? Wala namang ginawa ang taong iyon sa iyo?" Gagad naman ni Xylona.

"Hayun nga, wala ngang ginawa sa akin pero sayo meron. She have a lots of faults with you. Bakit kasi nagkaroon ka ng puso na malambot, hayan, pati ikaw pinapaikot!"

"Hin—" napatigil sa pagsasalita si Haydyn ng unahan siya ni Zoee.

"Isa ka pa! Yang pagiging walang puso mo ang kasalanan sa lahat ng ito. Bakit ba hindi mo matanggap-tanggap na sa iyo yang bata na nasa sinapupunan niya at hindi sa kapatid mo. I know your brother and he is nice with me and Xylona, he can't do what's on your mind. And, also I know my best friend a lot, I know her more than you. Alam kung hindi niya magagawa ang mga bagay na binibintang mo sa kanya."

"Zabetha, please stop."

"Baka huli na ang pagsisi mo kung mawala siya sa tabi mo. Always remember Haydyn, that not all the times Xylona will be a good heart for what your doing with her. May mga araw na kailangan niyang mamili kung saan siya dapat masaya."

Nakita ni Xylona ang paghigpit na hawak ni Haydyn sa manobela. Hindi niya na lamang pinansin ito at tumingin na lang siya sa labas.

Chapter 43 will be updated!

_____________________________________________________
A/N: Happy Reading, peaches!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro