Chapter Ten

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             A LIFE

LIMANG ARAW na ang nakalipas simula nung lumipat si Xylona sa bahay ng mga Luna. Walang mga pagbabagong tratong naramdaman si Xylona sa loob ng limang araw. Sa halip ay inaalagaan siya ng mga kasambahay. Kahit paghuhugas nang pinggan ay ipinagbabawal sa kanya na gawin.

Hindi sanay si Xylona na walang ginagawa. Hindi siya totoong anak ng mga taga Luna na kung tratohin ay parang prinsesa. Nagpapasalamat si Xylona sa mga magagandang trato na kanyang nalalasap araw-araw, pero hindi sa ganitong trato na kulang nalang ay patulugin siya at gisingin kung oras na sa mga kainan.

Gaya nalang ngayon gusto niyang tumulong sa pagtatanim ng mga bulaklak pero laging tinatampal ang kanyang kamay sa mayordona mansion na si nanay fe.

"Nanay Ateng, gusto ko po kayong tulungan sa pagtatanim. Saka ganyan din po ang ginawa ko kapag nagtatanim si nanay sa kanyang hardin—tinutulungan." maligayang sabi ni Xylona para mapayag ang ginang.

"Ikaw talagang bata ka ang tigas at kulit mo. Baka madumihan iyang mga kamay mo."

"Nanay Ateng, hindi na po ako bata. At, isa pa po nakasanayan ko ang bigay mahirap. Kung ano man ako noon, ako pa rin ngayon. Kahit nakatira ako ganitong pamamahay, hindi ko gusto ang trato niyo sa akin."

"Alam kong pangarap ni Tita Margarith na magkaroon ng anak na babae. Pero, nanay fe hindi nila ako ka ano-ano. Gusto kong tumulong sa mga gawain dito sa mansion. Nakakabagot umupo buong magdamag. At, saka hindi ko kayang tingnan ang mga katulong na nahihirapan."

Ngumiti sa kaniya ang mayordona saka hinayaan na siyang tulungan ito. Kahit sa mga ganitong gawain ay masaya na si Xylona. Hindi matanggal-tanggal ang matamis na ngiti sa labi ni Xylona hanggang makapasok sila sa mansion.

Sakto naman ang pagdating sa kanyang Tita Margarith galing sa business trip sa davao. Dalawang araw nawala ang kaniyang Tita sa mansion at masaya si Xylona sa mga araw na iyon dahil makatulong na siya sa mga gawaing bahay. Pero, kahit paghuhugas lang ng pinggan ay hindi niya nagawa dahil sa mga katulong na strikto sa kanya.

"What happened to your hands, iha?" tanong ng Tita Margarith niya saka bumaling ito kay nanay fe, "Nanay Ateng, diba sinabi —" Xylona cut her Tita words.

"Sorry Tita, sa pagputol ko sa iba niyo pang sasabihin kay nanay Ateng. Pero, Tita gusto ko pong tumulong sa mga gawaing bahay. Nababagot na po kasi ako dito... I mean, nababagot na po akong umupo buong araw. Huwag niyo pong pagalitan si nanay Ateng."

Lumapit ang Tita Margarith niya saka yinakap siya ng mahigpit dito. Hinalikan ang kanyang noo saka pinanggigilan ang tungki ng kanyang ilong.

"Gusto mo talagang tumulong sa mga gawaing bahay? Baka kasi magkasakit ka."

"Tita, I want to help the maids and nanay Ateng. Saka kawawa naman po sila ang laki-laki ng kanilang lilinisin."

Pinanggigilan pa ang kanyang pisngi bago napipilitang tumango ang kanyang Tita. Xylona jumped in happiness—like a five years old child. Natatawa lang ang kanyang Tita saka napailing naman si nanay Ateng.

Kahit hindi niya naramdaman ang isang buong pamilya noon, masaya si Xylona dahil may pamilyang nagparamdam sa kanya kung ano talaga ang pagmamahal ng pamilya.

MASAYANG inilapag ni Xylona ang kanyang lutong betso-betso. Gawa ito sa kamote na inihalo sa asukal—pagkatapos ay prineto niya ito.

Sampo pa lang ang nagawa niya pero heto ang mga katulong sa mansion, inubos agad ang kaniyang luto.

"Ang sarap nito ma'am Zabie."

"Turuan mo akong gumawa nito ma'am, ha."

"Wala na po ba ma'am?"

Napasimangot nalang si Xylona saka kinuha ang luto at inilapag sa plato. Ginawa niya ito para sa kanyang Tita Margarith, pero baka maubos ito ng mga katulong sa bahay!

"Ang bango. Ano ang niluto niyo?" tanong agad sa kanyang Tita Margarith ng pumasok ito sa kusina.

"Ayy, ma'am! Itong si ma'am Zabie po ay nagluluto ng," bumaling si Lanny sa kanyang tabi na si Teresa " Ano nga pangalan nito?"

"Netso" ani ni Teresa.

"Hindi! Pritong Letso." ani naman ni Aldie.

"Mali talaga kayo," napabaling ang tatlo kay kelly " ang tawag dito metso-metso, diba ma'am Zabie?" ani ni Kelly sabay tingin kay Xylona na hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin.

"Ouh, iha. What happened to your cute lips? Stop pouting you look like a cute dog." sabi ni Tita Margarith sabay lapit sa kanya.

"Tita, palagi nilang kinukuha ang niluluto kong betso-betso. Lima nalang ang kakainin mo." nagsusumbong pang sabi ni Xylona sabay halukipkip.

Binalingan ang apat na katulong sa kanyang Tita Margarith " kayong apat, bumalik na sa trabaho. Inubos niyo ang para sa akin." ngi-ngiti ang apat na lumabas sa kusina.

Mahinang natawa si Xylona saka tinapos niya ang pagluluto. Nang matapos pina-upo ni Xylona ang kanyang Tita at ang mayordona ng bahay. Saka nilagyan niya ang mga plato nito ng betso-betso.

As, her Tita Margarith and nanay Ateng taste her cook, Xylona pray that they will like the taste. Nagulat si Xylona ng ngumiti nang matamis ang kanyang Tita sa kanya.

"I like this, iha. Cook more betso-betso for me." ani nito sabay kagat sa betso-betso.

Tumango siya sa Tita niya at sinugod niya ito ng yakap. Matagal-tagal nang hindi nakayakap si Xylona ng isang ina. She missed her mother so much.

Naputol ang pagyayakapan nila ng may biglang tumikhim sa pinto ng kusina. Napabaling si Xylona dito and there she saw a beautiful lady standing in the door.

"Hi Tita." bati ng dalaga sa kanyang Tita Margarith.

Hindi maiwasang ikumpara ni Xylona ang kanyang sarili sa dalaga na nakatayo sa pintuan ng kusina.

Chapter 11 is now waving....
_________________________________________________

#: Beauty is all around us. When you see yourself in the mirror you will realize that you are the reason that beauty exist in the first place.

A/N: I will publish a Summer Series soon!!!! Abangan niyo berries!!!

[ Dedicate to Heartedlei. Love yah Mahal ❤️]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro