Kabanata 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 22

Wear It

Hindi ako huminga. Yumuko lang ako at naramdaman ko agad ang mga bumubuong luha sa mata ko. Pinipiga ang puso ko at mas lalo lang akong nahirapang huminga ng maayos.

"Okay." Ngumisi ako.

Pero sa gitna ng ngisi ko ay bumuhos ang luha. Nakita ko ang pamumutla ni Noah. Umiling ako sa kanya.

No... I didn't want him to date me because of pity.

"Co-Coreen, I..."

Umiling ako kaya natigilan siya sa pagsasalita, "Alam ko na naman ang sagot mo. Sinubukan ko lang ulit."

Napahikbi ako. Lumapit siya sakin. Umatras ako. May malaking guwang sa puso ko. I didn't know if that's a good thing or a bad thing. Ang alam ko lang ay hindi ko na ito maramdaman dahil sa guwang na iyon. Umiiyak lang ako sa wala. Maybe I'm already numb because of the pain... or maybe I saw this coming.

Nilagpasan ko na lang siya. At simula noon ay hindi na ulit kami masyadong nagpapansinan. Well, what's new? Ganoon naman kami dati pa lang, lalo na ngayong may nangyari ulit na rejection.

Sa araw ding iyon, hindi na ulit nag text si Rozen sakin. Hindi ko alam kung bakit hinahanap siya ng sistema ko. I want to feel him. I want to see him. I want him to assure me. This is bad. So bad. So sick.

Galit na galit na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko... Hindi ko na mapagtanto. Gulong gulo na ang pag iisip ko.

Ayaw kong gamitin si Rozen. Kaya imbes na itext ko siya ay pinagpaliban ko na lang. Kung ayaw niyang magparamdam, edi mabuti, para di ko na siya masaktan. Pero ako ang nasasaktan eh. I don't know why.

Dumating ang school festival. Naging busy ako sa mga events. Hindi parin nagpaparamdam si Rozen. Habang inaayos ko ang mga decoration sa mga stage, booth at kabuuan ng school ay nakasalubong ko si Rozen kasama ang dalawang babaeng inaakbayan niya.

Uminit ang ulo ko. Tumaas ang altapresyon ko. Pero alam kong wala ako sa lugar kaya tatahimik ako. Tatahimik ako. Tatahimik ako.

Uulitin ko.

Tatahimik ako.

Nang bigla nilang na tapakan ang iilang decorations sa show off ng mga banda (kung saan kasali ang Zeus - banda ni Noah). Kinagat ko ang labi ko.

Pinigilan ko ang sarili kong magsalita.

"Hoy! Miss! Yung decoration! Ingat naman kayo sa paglalakad! Kay laki nitong field, dito pa kayo maglalakad!" Sigaw nung kasama kong officer.

Sige lang! Sigawan niyo ang mga iyan.

"Sorry, ah?" Tumaas ang kilay ni Rozen at ngumisi.

As usual, iyon ang mukha niyang nakangisi pero halatang nayayamot sa pagsaway ng officer.

"Ano babayaran ko ba?" Tanong niya.

I swear, parang puputok ang mga ugat ko sa noo sa sobrang inis na naramdaman. Pinigilan ko ang sarili ko. Chill, Coreen. 8, 7, 6, 5, 4... Hindi ako lumingon. Pinagpatuloy ko na lang ang pag check ng sound system gamit ang laptop at microphone.

Nagtawanan ang dalawang matatangkad, makikinis, at magagandang babae - Rozen's usual type.

"Rozen kasi..." Sabi noong lalaking officer na sumaway sa kanila. Mejo humina ang boses niya, halatang takot. "Pinaghirapan namin ito."

"Mukha namang hindi. Ikaw lang naman ang nagrereklamo." Paghahamon niyang sinabi.

"Pinaghirapan namin 'to sa student council." Sabay turo ng officer sa iba pang student council na nasa backstage at may inaasikaso din. Tinuro niya rin ako.

"Talaga?" Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon niya sakin.

Anong problema nitong isang ito? Nilingon ko siya at naaninag ko na naman ang paghawak niya sa baywang ng dalawang babae. Nakataas parin ang kilay niya at nakangisi. His usual sexy beast expression.

"Oo. Bakit? Pinaghirapan namin yan at walang perang makakabayad diyan."

Nakita ko ang mga daliri niyang gumalaw sa baywang ng tumitili at nanggigigil na mga babae. Kumunot ang noo ko. May kung ano sa intestines kong namimilipit. Parang galit ang mga kulisap at binaluktot nila ang tiyan ko.

Tumaas ang kilay ko at tinitigan siyang mabuti.

"Talaga? Oh... As an apology. Tutulong ako."

Tinanggal niya ang kamay niya sa dalawang babaeng disappointed. Umirap ako sa ere.

"Oh shut up. You don't need to." Pagtataray ko at pumihit para umalis.

Balak kong bumalik na lang muna ng office at iwasan si Rozen pero sinundan yata ako.

"Ano? Rozen? Tutulong ka? Bakit?"

"Paano kami? Yung date?"

Panay ang alburoto ng mga babae habang papaalis ako. Mabilis ang lakad ko dahil alam kong nasa likod na siya. Umakyat agad ako sa building. At dahil busy ang buong school sa paghahanda sa festival, walang tao sa building, lahat ng involved na estudyante ay nasa school grounds. Nang dumating kami sa corridor ay marahas niyang hinila ang braso ko. Dahilan kung bakit napaatras ako at natigil sa paglalakad.

"WHAT THE FVCK IS WRONG WITH YOU? AKO DAPAT ANG GALIT DITO AT BAKIT IKAW PA ANG NAGTATARAY!?" Sigaw niya sa mukha ko.

"Bitiwan mo nga ako!" Sinalya ko ang kamay niya at binawi ko ang braso ko.

Tinuro ko siya.

"Busy ako! Kaya wa'g na wa'g mo akong istorbohin! Pagkatapos ng ilang araw mong pananahimik, bubungad sakin ang eksenang iyon? Ano? Nagsawa ka na?"

Darn! I should filter my words!

Tumawa siya at umaliwalas ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"You jealous?" Tumaas ang kilay niya.

Napapikit ako sa inis. Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang ibabalik niya sakin? Hinampas ko ang dibdib niya.

"Are you crazy-"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, "If you are jealous, then I'm crazy, Coreen."

Kumalabog ang puso ko. What the hell is happening? Ilang beses ko na ba itong naitanong sa sarili ko?

"I SAW YOU WITH NOAH, Coreen." Malamig niyang sinabi habang nanghihina ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang braso ko.

Nanghina din ang braso ko pero pumirmi ito sa kanyang dibdib.

"I have nothing against the food being fed by a bunch of street children pero nainsulto ako. Ginawa mong dahilan ang pagkain para makasama si Noah-"

Pinutol ko siya para magsalita, "Hindi ko naman-"

Pinutol niya rin ako at tumaas ang tono ng boses niya, "AT HINAWAKAN NIYA ANG BAYWANG MO! In my face! Hinawakan niya!"

Nabigla ako sa galit na ipinakita niya. Tumindig ang balahibo ko. Wala akong ginawa kundi ang tumunganga sa kanya at pagmasdang mabuti ang nahihirapan niyang ekspresyon.

"Shit!" SBulong niya saka pumikit.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Dahil wala na akong lakas para pumiglas, nagpatianod ako sa hila niya. Nakahilig na ang buong katawan ko sa kanya. Nilagay niya ang noo niya sa noo ko.

"That was my favorite move... That was my move, Coreen. Ako lang ang hahawak sa baywang mo. Kahit sa parteng iyan lang. That was my move. At tuwing nakikita kong hinahawakan ng ibang tao ang baywang mo, hinahawakan ng, damn, kapatid ko... Gumuguho ang mundo ko. It was like my world, being held by someone else."

Huminga siya ng malalim. Damang dama ko iyon ngayong nakadikit ang noo naming dalawa. Nakapikit siya, ako naman ay naduduling na sa kakatingin at kakatunganga sa kanya.

Unti-unti niyang pinaglapat ang labi namin. Saglit lang. Napapikit ako nang naramdaman ko ang malamig niyang labi sa labi ko. Agad siyang lumayo pagkatapos at ngumisi.

"Hindi mo sinoot ang damit. Ayaw mo na ba kay Noah? Did you finally realize that it was me?" Tanong ko.

Napaatras ako. Tumindig ang balahibo ko sa ngisi niya.

"Hindi n-no!" Sabi ko.

"Kung ganun, wear it!"

"I will! You don't need to blackmail me, Rozen!"

Ngumiti siya pero kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Damn it! Ano ang pinaglalaban ko dito? Ang alam ko, nagsimula ako kay Noah pero hindi ko alam kung matatapos ko ba itong si Noah parin.

"Good. Wear it on Thursday. At magkita tayo. You have a week left." Malamig niyang sinabi saka nilagpasan ako.

Kinurot ang puso ko nang tinignan siyang nakapamulsa at umaalis sa harapan ko. It was unusual.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Tutulong ako doon sa stage. And I'll text you later, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro