Kabanata 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 25

Paasa

Lumipas ang isang linggo at habang tumatagal ay nawawalan ako ng ganang gawin ang mga duties ko sa council at maging ang mga group works ko.

Napatalon ako galing sa pagkakatulog nang biglang nag alarm ang cellphone ko. Kinusot ko ang mata ko at inabot ito para tignan kung anong meron. Lagi kasing ganito. Tuwing nahahawakan ito ni Rozen, lagi siyang may dinadagdag.

"Group meeting. Library. Kumain muna bago umalis." Napangiti ako sa nakalagay.

Bumangod agad ako, naligo, kumain, nagbihis, nag ayos. Tama. May group meeting nga kami ngayon. Ang hirap kasi midterms na. Ang bilis talaga ng panahon.

Naging busy ako. Halos pasan ko lahat ng books ko tuwing pumupuntang school. Nakakawala nga ng poise kahit na todo dress parin ang soot ko.

"Coreen, paano yung term paper sa history?" Tanong noong isang kagroup ko sa history nang nagkasalubong kami.

"Tapos ko na yun. Ngayon ko isa-submit."

Tumango siya at ngumisi.

Natapos ko halos lahat ng requirements dahil sa mga alarm ni Rozen. Natapos niya kaya yung kanya? Sa mga araw na hindi kami nagkikita, gumagawa din ba siya ng kanyang requirements?

Nag ti-text naman siya sakin, as usual. Gaya ng dati niyang tinitext: Kumain ka na ba? May kukuha ba sayo pag uwi? Lahat ng concerned questions ay natanong niya na. Minsan di ko na siya nasasagot dahil masyado na akong busy sa council.

Papunta na ako sa Audio Visual Room, kung saan kami magkaklase sa isang major subject. Mag rereport ang ilang groups ngayon. Magaan ang loob ko kasi tapos ko na ang report na iyon at wala na akong problema. Hinihigop ko itong coffee crumble na shake sa isang kamay habang naglalakad palapit sa corridor papunta AVR nang bigla kong naaninaw si Noah at ang kanyang buong banda sa dadaanan ko.

"Oh... darn." Sabi ko sa sarili ko.

Simula kasi noong binigay namin ang pagkain sa mga pulubi ay hindi na ulit kami nagkita ng ganito. Totoong nakita ko siya sa bar, pero hindi ko naman siya nilapitan at hindi niya rin naman ako nakita. Ngayon, alam na alam ko na ako iyong tinitignan siya. Sa gitna nI Wade at ni Warren na mukhang naglolokohan ay ang nakahalukipkip at seryosong ekspresyon ni Noah na nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa tabi ng AVR at bakit sila nandoon. May pasok ba sila doon kanina?

Papalapit na ako nang papalapit nang nakita kong mas lalong lumalalim ang titig niya sakin. Tumigil ako sa pag higop ng shake. Napayuko ako at napapikit sa desisyon kong lumiko at bumalik na lang mamaya pag wala na sila.

Humakbang na ako palayo. Ilang hakbang pa lang ay may humila na agad ng braso ko. Masyadong malakas ang pagkakahila kaya na tapon ang dala kong shake sa damit ko. Kumunot ang noo ko. Kung sino man itong humila sakin ay ililibing ko itong buhay.

Unti-unti akong tumingala para bugahan ng apoy ang tao.

"ANO BA NAMAN..." Humupa ang sigaw ko nang nakita ko ang nabiglang ekspresyon ni Noah.

Nakita kong natigilan ang mga tao sa nangyari sakin. Kahit na nakatingala ako kay Noah kanina, nagawa ko paring dumungaw sa damit kong punong-puno nung shake. Simula dibdib hanggang palda ng dress ko ay basang basa. Pumatak sa sapatos ko ang shake. Hindi ako nakagalaw.

Gusto kong magmura pero hindi ko magawang magalit.

"Hala! Kawawa naman si Coreen." Narinig kong bulong ng isang kaklase ko.

Napatingin ulit ako sa mukhang medyo galit si Noah. Ba't galit siya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, malagkit na ang feeling ko ngayon dahil sa shake na natapon. Pumihit ako para umalis na sa kahihiyang natamo nang bigla niyang hinubad sa harapan ko ang soot niyang jacket. Naka t-shirt na lang siya ngayon. Agad niyang sinoot sa akin ang jacket niya. Yumakap siya sakin para maisoot ko ito.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Natigilan ata ang lahat, maging sina Warren ay natigil sa pag lolokohan.

"I'm sorry." Malamig na sinabi ni Noah.

Parang may kinurot sa puso ko nang sinabi niya iyon. Para bang hindi itong nagawa niya ang pinag sosorry niya kundi ang isa pang bagay... Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga iniisip kong iyon.

"O-Okay lang." Sabi ko kahit medyo hindi okay iyong nangyari.

Anong gagawin ko ngayon? Papasok ba ako? Kailangan, eh! Malapit na ang midterms at pag nakamiss ako ng isang session, baka bumagsak ako. Pero wala na akong time mag palit ng damit. Wala akong locker. Wala akong extra t-shirt or whatever. Ano? Papasok akong AVR kahit na tumutulo pa ang shake sa dress ko?

Hindi ako makagalaw. Pagkatapos nilagay ni Noah ang jacket niya sakin ay hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako palayo doon.

"N-Noah, may pasok ako sa AVR."

"Alam ko. Saglit lang ito." Malamig niyang utas.

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang naunang humahakbang sakin. Nagmamadali siya.Halos patakbo na ang lakad ko dahil sa paghigit niya sakin. Panay ang tinginan ng mga tao samin.

"Uy, kayo na? Sa wakas?" Tanong noong isang lalaking classmate ko since gradeschool.

Hindi naman kasi lihim ang pagkagusto ko kay Noah simula pa noon kaya hindi ko kaya alam kong iyon agad ang iisipin ng mga tao lalo na ngayong magkahawak-kamay kami.

Bumaba kami ng building. Papunta ata kaming Men’s Lounge or something.

“N-Noah?” Sabi ko nang nag aalinlangan.

Hindi kasi siya nagsasalita at mukha pang galit. Tumigil kami sa tapat ng locker room. Hinila niya ako papasok sa loob. Parang naistorbo ang mga babaeng humahagikhik sa tawa at tumitili dahil habang dinudumog ang isang locker. Papunta kami sa kanila. Napatalon sila sabay-sabay nang nakita kung sino ang paparating.

“Excuse me.” Sabi ni Noah sa kanila.

Nanginginig ang mga binti nilang umalis doon sa dinumog nilang locker. Tumitili at nauutal pang binati si Noah.

“N-Noah, an-di-dito ka pala. So-Sorry. AHHH!”

Hysterical ang tatlong babaeng halos madapa sa pag tutulakan para lang makaalabas sa pintuan.

Umiling si Noah at may kinuha sa bunganga ng locker niya. May isang envelope doon na may design na hearts at flowers. Umiling ulit siya at nilukot ito bago itinapon sa basurahan.

“Love letter?” Untag ko habang dinudungaw ang letter na nakalukot.

Hindi sumagot si Noah. May kinuha siyang susi sa bulsa at binuksan na agad ang kanyang locker. Nandoon sa loob ng kanyang locker ang dalawang sapatos (na mukhang ginagamit para sa basketball), mga damit, libro at iba pang gamit para sa school. Hindi ko rin pinalagpas ang lima pang love letters na nakaratay sa ibabaw ng kanyang t-shirt. Hinawi niya ito kaya nahulog.

Pinulot ko ang mga iyon at isa-isang binasa ang nasa labas.

“I love you, Noah, so much. Iniidolo kita. Sana balang araw mahalin mo rin ako. Kasi totoong ikaw lang ang minahal ko ng ganito.” Sabi ko nang binasa ang loveletter.

“HA?” Nabigla ako sa intensityng hatid ng boses ni Noah nang lumingon siya sakin na may hawak na kulay puting damit.

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka sa reaksyon niya.

“A-Anong sabi mo, Coreen?” Humakbang siya palapit sakin at napalunok.

“What?” Kumunot ang noo ko.

“Anong sinabi mo?” Habang tinatanong niya iyon ay napatingin siya sa kamay kong may hawak na love letter.

Uminit ang pisngi ko. Akala niya sinabi ko iyon sa kanya? Ngayon niya lang namalayang binasa ko lang iyon dito?

“AY SHIT!” Tumalikod siya at hinampas ang pintuan ng locker.

“Binasa ko lang itong love letter.” Niyakap ko ang jacket na nakapulupot sakin saka humakbang palapit sa kanya.

Pinilit kong tignan ang mukha niya pero nag iwas siya ng tingin. Ilang sandali pa bago siya huminga ng malalim saka humarap sakin nang di parin tumitingin.

“Sootin mo ito.” Malamig niya na namang sinabi habang binibigay ang t-shirt.

Kinuha ko iyon sa kamay niya.

“Pero naka dress ako. Wala akong palda o shorts o kung ano pa diyan. Hindi parin ata pwede.”

“Wala din akong shorts o pants dito. Iyan na lang muna.” Binigay niya rin ang isang tuwalya sakin.

“Naku! Okay na naman siguro itong jacket.” Sabi ko. “Wa’g ka ng mag abala.”

Kumunot ang noo niya nang bumaling na sa wakas sakin, “No, Coreen. You wear my shirt. Babalikan kita mamaya. Aalis ako para bumili ng damit mo.”

“HA? Naku! Wa’g na!” Natatawa kong sinabi. “Wa’g ka ng mag abala. Nakakahiya naman. Okay na ito. Pagkatapos ng class ko, baka pwedeng umuwi na muna ako-”

I lied. May limang class akong susunod. Pag umuwi ako baka maka absent ako ng isa.

“No. Saglit lang ako. Wala naman akong class. Kaya bibilhan na muna kita ng damit. Kasalanan ko yan, kaya responsibilidad ko. Wa’g ka ng mahiya.” Aniya.

Tumango na lang ako dahil masyadong commanding ang boses niya.

“Now, let’s go to the bathroom. You wear that, and I’ll take you to your class. Pagkatapos ng klase mo, susunduin kita with the clothes.”

WHOA! Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Halos mag alburoto sa saya ang puso ko dahil sa nangyari kahit na badtrip. Ganun na ba ako ka baliw kay Noah? I don’t know.

Nag bihis ako sa CR. Walang pinagbago. Malamig parin at medyo sticky ang feeling ko dahil sa soot kong dress. Kawawa naman itong puting t-shirt ni Noah, baka mamantsahan lang ng shake. Nakahalukipkip siyang pinanood akong lumabas ng CR. Uminit ang pisngi ko dahil masyado siyang nakatitig sakin.

“Medyo okay na ito. Hindi mo na kailangang bumili pa ng-”

“NO. Bibili ako. You will wait for me.” Ayan na naman ang commanding voice ni Noah.

“P-Pero-”

“Don’t be stubborn, Coreen. Just let me, okay?” Galit niyang sinabi.

“Pero mag aabala ka pa-” Pinilit kong isingit.

“Mag aabala ako para sayo.”

Natahimik ako. Naglakad siya. Hindi niya ako hinigit o tinawag man lang. Alam niya. Alam na alam niyang susundan ko siya sa paglalakad niya. At iyon nga ang ginawa ko. Sumunod ako. Syempre, dahil ang tinatahak niya ay daan pabalik sa AVR.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o kiligin sa kanya. Siguro ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sagad parin ang tama ko sa kanya. Dahil lagi siyang mukhang galit pero lagi rin namang sweet at concerned.

“Noah.” Tawag ko sa kanya.

“Ano?!” Iritang tanong niya.

Sanay na ako. Sanay na akong medyo suplado si Noah. Sanay na sanay na pakiramdam ko okay lang. Na ganito talaga siya.

“Yung love letters kanina, ba’t di mo inientertain?” Tanong ko.

“Bakit ko ieentertain eh hindi ko naman sila gusto?” Pabalik niyang tanong sakin.

“Kung ako ba gagawa ng loveletter para sayo, hindi mo rin ieentertain?”

Ilang sandali pa bago siya sumagot.

“Hindi ka gagawa ng love letter para sakin ngayon.”

“Huh?” Nabigla ako sa sinabi niya. “Bakit mo nasabi?”

“Gumawa ka na noon, diba? At matagal ka ng tumigil.”

Parang may kung ano sa tiyan ko. Hindi ko na maintindihan. I feel constipated. Ano? Patay na ba ang mga kulisap at gusto na nilang lumabas? Hindi ba pwedeng sa loob na lang sila maagnas?

“Oo. Noong gradeschool lang iyon.”

“Ba’t mo tinigilan? Na inlove ka na ba sa iba?”

DARN!? What’s that question again?

“K-Kasi di mo naman ako pinapansin.” Sagot ko.

“Paano kung pansinin kita, gagawa ka ba ulit?”

Napayuko ako. Kinukurot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. I just want this to be over. Tama na siguro iyong pagmamahal ko sa kanyang kasing luma na ng panahon. Parang namulat na lang ako sa buhayng ibabaw na mahal ko na siya. Wala na akong maalalang ibang hinangaan simula pa noon kundi siya.

Kinagat ko ang labi ko. Naramdaman niya ang pagtigil ko kaya tumigil din siya at bumaling sakin.

“Wa’g ka ngang paasa, Noah.” Naiiyak ako pero nagawa kong sabihin iyon sa kanya ng diretso at walang pagkakautal.

Nalaglag ang panga niya sa linya ko.

“Tama na, please. Wa’g mo na akong paasahin. Kung ayaw mo sakin, wa’g mong hinihigit-higit ang braso kong bigla, wa’g mo akong kausapin, wa’g mo akong bigyan ng dahilan para umasa ni sa katiting mong atensyon. Kung wala ka rin namang maibibigay, wa’g ka ng magparamdam, magsalita o magpahiwatig!” Dirediretso ko iyong sinabi.

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa reklamo ko. Nabigla din ako sa sarili ko. Nanghina ang tuhod ko pagkatapos kong ilabas ang mga sinabi ko.

Parang lalabas na ata ang luha ko sa mga mata ko kaya pinigilan ko iyon.

“Sorry...” Mahina kong sinabi at tinalikuran siya.

Aabsent na lang ako. Tatakbo na sana ako pero...

“Coreen!” Sigaw niya at pinigilan ako sa pag alis.

Nilingon ko siya. Namuo na sa gilid ng mga mata ko ang mga luha. Nagbabadya na itong lumandas...

“Mag date tayo.” Aniya na lumusaw sa puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro