Kabanata 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 36

Fall-out

Hindi na ulit lumabas si Rozen sa kanyang kwarto. Buong araw kaming namasyal ni Noah sa mall. Kung anu-ano ang nisa-suggest ko para lang makalimutan ko ang pagbabalik ni Rozen pero wala akong maisip kundi siya.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Noah sakin nang nasa sasakyan niya na ako.

Ni hindi ako nakikinig. Tulala akong nila-lock ang seatbelt.

"Coreen!" Tawag niya.

Napatalon ako at nilingon siya. Nakita ko ang malungkot niyang mukha.

"Sorry." Sabi ko.

"You can't get him off your mind, huh?"

Lumunok na lang ako at hindi na nagsalita. Kahit siguro anong gawin kong pag dedeny ay hindi iyon paniniwalaan ni Noah.

Bumuntong hininga siya at pinaandar ang sasakyan.

"What are you gonna do now, Coreen?" Tanong niya. "Paniguradong sa pasukan, papasok iyan."

"Gaya ng sabi mo, maghahanap ako ng magandang tyempo. I can't just go up to him and tell him I love him, Noah. Kakarating niya lang. Anong iisipin niya."

"At naabutan niya pa tayong magkasama sa loob ng kwarto ko. I guess you're right. Pahupain mo muna ang selos nun." Tumawa siya.

Bumilis ang pintig ng puso ko. Naririnig ko pa lang na nagseselos si Rozen ay para na akong mababaliw.

"Weh! Wa'g mo nga akong bolahin." Tumingin ako sa mga sasakyang nasa labas.

Tumawa na lang siya.

At least sa mga pahirit-hirit ni Noah, medyo nagkakapag asa ako na ako parin.

Nanginginig ang paa ko pagkapasok ko ng school sa unang araw ng eskwela. 2nd sem na. Eksaktong dalawang taon sa pag alis ni Rozen. Kaya ibig sabihin, si Noah ay nasa 2nd sem ng kanyang pag fo-fourth year. Samantalang ako naman ay nasa 2nd sem ng pag thi-third year tulad ni Rozen. Yes. Naungusan na siya ni Noah.

At ibig sabihin din nito ay malaking posibilidad na magiging magkaklase kaming dalawa. Napalunok ako nang papasok ako sa unang klase.

Hindi ko na kinailangan ang alarm dahil halos di ako makatulog kagabi. Umupo ako sa ikatlong row. Pwede namang umupo kahit saan kaya okay lang kung dito. Dumating sina Kristen, Ivy at Trina. Umupo sila sa tabi ko.

Halos dumating na ang lahat ng kaklase ko.

"Baka walang prof ngayon kasi unang araw." Sabi ni Trina.

Hindi ako makasali sa usapan kasi inaabangan ko talaga ang pag dating ni Rozen. Nakatoon ang buong atensyon ko sa pintuan.

Unti-unting nalaglag ang panga ko nang nakita kong lumiko siya sa pintuan at pumasok. Halos mabali ang leeg ng mga kaklase namin sa kakatingin sa kanya. Ni hindi na ako makagalaw sa kina uupuan ko. Ang bilis at ang lakas ng pintig ng nag huhuramentado kong puso.

"Rozen Elizalde..." Ani Trina.

"KYAAA!" Nakakabinging tili ni Kristen.

Crush na crush nito si Rozen. Kahit pala ata boyfriend niya na si Chris ay nandyan parin sa kanya ang pagiging hopelessly devoted kay Rozen.

Lumingon-lingon si Rozen. Wala ng ibang bakanteng upuan kundi ang mga upuan sa likod ko. Bumuntong hininga siya saka umupo doon. Kinagat ko ang labi ko. Ibang klase, ramdam na ramdam ko ang aura niya kahit nasa likod ko siya.

"Rozen! Saan ka galing?" Usisa ni Kristen.

"France lang." Cocky, Rozen.

France LANG.

"Huh? Sumama ka pala kay Reina!?" Sabi ni Trina.

"Uh-huh." Simpleng sagot niya.

"Uy, Coreen, hindi ba close kayo?"

Shit na Ivy! Nakekealam pa!

"Huh? Ah! Eh-"

Biglaang pumasok ang aming istriktang professor. Agad kaming nag siupuan ng maayos at tumahimik. Kahit na ganun ay hindi parin ako mapakali sa kay Rozen na nasa likod ko.

Ilang sandali ang nakalipas, nagsimula na ang klase. Kinuha ko na ang notebook ko para mag take down ng notes dahil sa totoo lang, walang pumapasok sa utak ko ngayon kundi siya.

Hinihingal na nagpakita si Elle sa pintuan. Nagbulung-bulungan agad ang mga kaklase namin. Halatang takot sa mangyayari sa kanya kasi tinititigan na siya ng matatalim ng aming professor.

"Anong pangalan mo?"

"Sorry, ma'am, I'm late. Eh ginabi ako kagabi sa pagtatrabaho-"

"I'm not asking for an explanation, miss. Ang pangalan mo ang gusto kong malaman."

"Leonore Batungbakal, po. Pero ambantot nun kaya Elle na lang for short-"

"Umupo ka dun sa likod. Hindi ko tinatanong ang opinion mo!" Sigaw ng nakataas ang kilay na professor namin.

"Sorry po..." Madrama niyang sinabi saka tinalikuran ang professor para umupo sa likuran ko.

Ngumisi siya samin at nag peace sign hanggang sa napawi ang kanyang ngisi. Halos mabali ko ang ballpen ko sa nakitang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Ro-Rozen!"

"Hmm?" Dinig ko ang pagtataka sa boses ni Rozen.

"Oh jusko! Rozen Elizalde!"

"Shhh!" Saway ng mga kaklase ko sa ingay ni Elle.

"Nagbalik ka!" Bigla siyang tumalon.

Napatingin talaga ako sa likod ko at nakita kong halos sakalin niya si Rozen sa yakap niya. Nakita ko ang pagkakairita ni Rozen sa kanya.

He won't like her, I know. He won't, right? Matapobre yan. Hindi. Hindi talaga. Promise, hindi.

"Ano ba, miss." Masungit na utas ni Rozen.

Umubo ang professor namin. Tumaas ang kanyang kilay at pinagmasdan ang dalawa.

"Kung gusto ninyong maglampungan, the door is open Mr. Elizalde and Ms. Batungbakal! Umalis kayo dito sa klase ko!"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang manahimik.

"Ma'am, si Elle lang naman yung gustong makipaglampungan." Bulong kong masyadong malakas para di nila marinig lahat.

"Ang sakit mo namang magsalita, Coreen!" Tumatawang sinabi ni Elle.

Medyo napikon ako.

"Sorry ma'am." Aniya. "Medyo overwhelmed lang po kasi ngayon ko lang nakita ulit yung love of my life ko." Pag dedeklara niya.

Bumuntong hininga ako at ilang sandali ay bumalik sa dati ang eksena sa classroom. Nag assess si prof sa amin, quiz agad sa first day. Pero aniya'y hindi naman ire-record. Titignan niya lang kung anong na re-recall namin last semester.

"Rozen." Dinig kong bulong ni Elle sa likod ko. "Saan ka ba galing?"

"Why are you nosy?" Sagot ni Rozen.

Napangiti ako. Para na akong baliw dito.

"Eh gusto kong malaman."

"None of your business."

Mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Pass your papers." Sabi ni prof.

Agad kong ni pass iyong akin. Binigay ni Rozen yung kanya sakin at nahaplos ko ng konti ang kamay niya. Uminit ang pisngi ko.

"Ang tagal kaya kitang hinintay. Dalawang taon din yun."

Natahimik si Rozen.

"Mahal kita, Rozen." Mas marahang sinabi ni Elle sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko at tumunganga.

"Okay, class dismiss." Nag walk out agad ang professor.

Tumayo ang mga kaklase ko. Ako lang ata ang walang ganang umalis. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Rozen.

"Huh? I don't even know you." Sagot niya.

"Then get to know me, Rozen. I'm Leonore Batungbakal. Elle for short."

"I don't have time for love, Leonore."

Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi ni Rozen. Tinawag niya si Elle sa kanyang tunay na pangalan.

Umalis si Rozen. Kaya lang hindi nagpaawat si Elle. Sinundan niya ito.

"Teka lang." Sabi ko sabay sunod sa kanila.

Nagtaka agad sina Kristen, Ivy at Trina sa ginawa kong biglaang pag alis nang di sila sinasama.

Grabeng habulan iyon, maging ako ay napagod at hiningal. Naabutan ko sila sa loob ng locker room. Walang tao. Silang dalawa lang. Ako? Nakatago sa may pintuan.

"Give me a chance, Rozen." Ani Elle.

"Hindi ako nagbalik dito para makipag relasyon, miss, kaya kung pwede sana ay tigilan mo na ako."

"Give me a chance, then."

"Sorry, find another man."

"Bakit ko gagawin iyon? Ikaw yung gusto ko. Noon pa. Wala lang akong guts, Rozen. You have a bunch of girls back then."

Seryoso ba talaga si Elle dito?

"Sa loob ng dalawang taon na nawala ka, natuto akong magkaroon ng guts. Pinangako ko sa sarili ko na sa oras na bumalik ka, sa oras na makita ulit kita, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon."

Ilang sandali pa bago nakapagsalita si Rozen.

"Sorry. Pero seryoso, bumalik ako dito para matapos at ihandle personally ang negosyo namin. Wala akong panahon sayo. O sa kahit kanino."

"Ba't noon kaya mong maglaro sa iba? Ba't ngayon kahit chance ko hindi mo maibigay?" Desperadang tanong ni Elle.

Rozen sighed, "Miss, dalawang taon na ang lumipas. Tingin mo ba walang nagbago sakin? Tss."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Narinig ko ang footsteps ni Rozen na papalapit kaya unti-unti akong naglakad palayo sa locker room.

Tumigil ako nang narinig ang banta ni Elle.

"Humanda ka, Rozen Elizalde. I'll make you fall for me really hard you'll never recover."

Halos matadtad ko na ang labi ko sa pag kagat. Naiinis ako. Naiirita ako. Kahit na alam kong wala akong karapatang mairita. It's her feelings... Wala akong kinalaman diyan, walang kasalanan si Rozen... walang kasalanan si Elle. Talagang iyan ang nararamdaman niya!

"Let's see, then."

Napatalon ako nang narinig ko ang boses ni Rozen na sobrang lapit na sakin.

Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin na siya ng diretso sakin. Nakakunot ang kanyang noo at walang ekspresyon sa mukha.

"R-Rozen." Bulong ko.

Nagsimula siyang humakbang para lagpasan ako.

"Rozen..." Tawag ko ulit.

"What? Coreen? Ano? Gusto mo rin ng chance?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Tss. Gaya ng sabi ko, wala na akong panahon. Tao rin ako, I fall out of love, Coreen." At nilagpasan ako ng tuluyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro