Kabanata 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 38

You Don't Own Me

Buong gabi akong umiyak. Buong gabi. Hindi ako natulog. Nang nag alas dose ay panay ang tunganga ko sa cellphone ko. Ni hindi ko alam kung anong number niya o ganun parin ba ang numero niya. Kahit kailan hindi ko pa siya na titext, eh.

Bakit ko hinayaang lumipas ang anim na buwan nang walang ginagawa?

Tuwing nag bi-bell ay palagi siyang nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung saan papunta. Madalas ay may kausap sa cellphone. Pakiramdam ko para iyon sa kanilang negosyo. At mas lalong naging hectic ang schedule ko dahil isang taon na lang ay gagraduate na kami, pero ngayon, sana pala ibinagsak ko na lang lahat para lang mapagtuunan siya ng pansin!

Shit!

Mas lalong tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala sa iniisip ko. Kaya ko bang gawin iyon para sa kanya?

Naalala ko na naman ang scene na iyon. Silang dalawa ni Elle, sa pintuan ng fast food. Ang pag kurot ni Elle sa kanyang dibdib at ang titig ni Rozen sa mga mata ni Elle. This is torture. Kaya lang hindi ko mabitiwan ang pag iisip nito. Para bang ito ang bumubuhay sa akin.

Sinubukan kong mag online sa Skype o kahit sa Facebook. Baka sakaling may makausap ako. Offline si Reina. Mukhang busy sa kanyang pag aaral. May mga nag cha-chat sakin sa Facebook. Akala ko gusto ko ng kausap, pero hindi ko magawang mag reply.

Ni search ko si Rozen sa Facebook. Hindi kasi kami friends at wala akong lakas na loob na i-add siya noon. Napalunok ako at napapikit nang ni click ko ang "Add Friend". I have to change things if I want them to change. Kailangan kong kumilos. Pero paano? Umuurong ang sikmura ko.

Kung noon ay kayang-kaya ko ang pakapalan ng mukha para mag confess kay Noah, ngayon, halos mahimatay ako naiisip ko pa lang na sasabihin ko kay Rozen ang nararamdaman ko.

Hindi naka private ang kanyang mga posts kaya kitang kita ko ang ni-post niya kaninang hapon, "Damn happy."

Syempre maraming nag like. Isa sa mga kaibigan niya ang nag comment ng, "Totohanan na ba yan?"

Hindi ko na binasa ang lahat ng comments. Gusto ko na lang basagin ang iPad ko. Imbes na hawakan ito ay nilapag ko na lang sa side table at sinubukan kong pumikit hanggang sa nag umaga na. Oo, literal akong hindi nakatulog.

"No, Coreen, you can't look stressed on his birthday!" Iyon ang pinabalik-balik ko sa utak ko nang sa ganun ay makatulog ako.

Nakatulog ako ng dalawang oras. Anong diperensyang magagawa nun? Wala.

"Coreen..."

"Po?" Sigaw ko kay manang nang kinatok niya ako pagkatapos kong maligo.

Naghahanap na ako ng maisusoot ngayon kahit mamaya pa naman yung party sa Club Tilt.

"Nandito si Noah."

"Opo. Teka lang." Sigaw ko at iniwan ang mga damit kong nakalatag sa kama.

Bumaba ako at nakita ko si Noah na nakaupo sa sala at nanonood ng TV.

"Oh, Noah? Ang aga mo ata?" Sabi ko.

Nanliit ang mga mata niya at tinitigan ako.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

"You look sick... or stressed?" Tumaas ang kanyang kilay.

Tumakbo ako sa harapan ng malaking salamin sa sala para tignan ang sarili ko. Oh, it was my eyebags, for sure!

Napakamot ako sa ulo at bumalik sa kanya. Nakatitig parin siya sakin.

"Eh, di a-ako nakatulog." Sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" Tanong niya.

"Nag aral ako." Sabi ko ng wala sa sarili.

Tumaas pa lalo ang kanyang kilay, "Tapos na ang exams, ah?"

Hindi ako nakapagsalita nang sinabi niya iyon. Sumimangot siya at humalukipkip.

"What is it, Coreen? Don't lie to me." Aniya.

Sa tanong niyang iyon pa lang, nanginig na ang puso ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Bigla akong humagulhol. I feel so pathetic. Shit!

"Noah... Wala." Sabi ko kahit umiiyak na.

Nalaglag ang kanyang panga habang pinagmamasdan akong umiiyak at tumatawa.

"Anong wala!?" Bigla niya akong sinigawan.

Hindi ako makapagsalita. Niyakap niya na lang ako kahit hindi niya alam kung anong nangyayari. Matagal yung yakap niya. Hindi siya kumalas hanggang di ko siya tinulak palayo.

"This is bullshit, Noah!" Marahan kong sinabi kahit malutong ang mura ko. "Wala akong karapatan, damn it! Wala talaga akong karapatan kasi kasalanan ko lahat! Karma! Shit naman!" Huminahon ako pero panay parin ang pagmumura ko.

"Ano bang nangyari sayo?"

Syempre, kinwento ko sa kanya ang nangyari. Nakakainis nga kasi tumunganga lang siya. Hindi niya ako pinutol sa pagsasalita, sinisi o tinahan. Tumunganga lang siya doon at nakinig.

"Anong gagawin ko?"

Hindi parin siya nagsalita.

"My God, Noah! Say something, please!?" Utas ko.

"You have to tell her, Coreen." Aniya.

Napalunok ako. Pag siya talaga ang nagsasalita, pakiramdam ko may marka ito ng pagtatapos.

"Honestly, kilala ko ang kapatid ko at alam kong mahal na mahal ka nun. Ngayong nakabalik na siya, hindi ko na siya gaanong nakakasalamuha. Pero base sa sinasabi mo..." Umiling siya.

Isang iling na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko.

"Just... tell him."

Tumango ako at nag desisyon. Yes, I will tell him. Tanggapin niya man ako o hindi, at least nasabi ko sa kanya.

Pero alam mo yun? Yung feeling na may mamamatay na importanteng tao sa buhay mo? Yung feeling na hindi ka makapaniwala na mawawala na siya. At nandyan siya, hinahawakan mo ang kamay niya, hindi ka makapaniwalang ilang sandali na lang ay mawawala na ito, na hindi mo na ito mahahawakan. Na ito na ang huli at wala ng susunod pa... It was the worst feeling of in between... In between life and death, in between staying and drifting away, in between not knowing and the truth. Nakakasuka. Hindi ko kaya.

Pinalagpas ko lahat at pinaniwala ko si Noah na okay na ako, na nakapag desisyon na ako at sasabihin ko iyon kay Rozen mamaya. Yes, sasabihin ko. And No, hindi ko iniisip ang mga magiging linya ko. Hahayaan ko ang damdamin kong magsalita.

"Uuwi si Liam." Ani Noah nang nakangiti.

The way his eyes crinkled when he smiled, napapangisi din ako kahit masakit ang dibdib ko.

"Next week. Siya ang gagawing vocalist namin. Finally."

Pumalakpak ako. I'm happy for him. After Wade, may papalit na sa wakas na bigatin at makakapantay. Ngumisi siya habang pinapanood akong pumapalakpak at natutuwa. Pero iba yung ngisi niya, alam ko sa kaloob looban niya, naaawa siya sakin. Alam kong nababasa niya na pinipilit ko lang na maging masaya sa kanya, dahil sa sobrang wasak ko ngayon, hindi na ako makaramdam ng kahit anong feeling kundi yung sakit.

Pula ang napili kong damit na isoot. Nang nakarating kami sa Club Tilt ay doon ko lang narealize lahat-lahat.

Una: Mukha akong kontrabida. Pangalawa: Dito tumutugtog sina Noah at si Elle!

Kinagat ko agad ang labi ko nang nakita ko ang mga kakilala namin na papasok.

"Let's go?" Sabi ni Noah sabay lagay sa gitara niya sa kanyang likod.

Tumango ako.

Tutugtog kasi sila. Iyon daw ang gusto ni Rozen. Sana lang sina Noah lang ang tutugtog. Sana hindi kasali si Elle.

Pero damn it! Nang nakaapak na ako sa pintuan ng Tilt ay doon ko narealize ang isa pang bagay, wala silang vocalist... WALA SILANG VOCALIST! Kung ganun, sino ang kakanta?

"Wade?" Sabi ko nang nakita ang si Wade na nakashades sa loob ng madilim na bar.

Tumango siya.

"Coreen, punta lang kami dun." Sabi ni Noah nang sinundo siya nina Warren.

"Okay." Bumaling ako kay Wade na ngayon ay pinagkakaabalahan na ang kanyang beer. "Wade? Hindi ka ba pupunta kina Noah? Kakanta ka ba? Ba't ka nandito? Hindi ba nag away kayo ni Rozen? And what's with the shades?"

"Oh! Easy, Coreen. Ang dami mo atang tanong." Humalakhak siya at nilagok ang beer na iniinom. "Well, inimbitahan niya ako kaya nandito ako. Tsaka, kanina pa ako nakakasalubong ng ilang mga nakakakilala sakin-"

"You mean fans?" Ngumisi ako.

Nagkibit-balikat siya, "Kaya eto at nag shades. Sorry, ah? Pangit ba tignan?"

Umiling ako at ngumisi.

Nagkaayos na ba si Rozen at si Wade? Iyon ang hindi ko alam. Pero nang may tinignan si Wade sa likuran ko ay bigla na lang akong nanigas. Yung pabango niya pa lang ay alam na alam ko na. Kahit sa malayo ay amoy na amoy ko na talaga siya.

"Happy birthday, Rozen." Matabang na sinabi ni Wade kahit na naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ito ni Rozen. Bumalandra sa harap ko ang kanyang pormadong braso. Nakita ko talaga ang mga ugat na para bang wala siyang ginawa sa loob ng dalawang taon kundi ang mag work out.

Damn, 6 months pero ngayon ko pa lang ata siya nakita ng ganito ka lapit.

"Salamat sa pag punta. Akala ko di ka pwede." Humalakhak si Rozen.

Pinilig ko ang ulo ko dahil medyo tumindig ang balahibo ko sa halakhak niya.

"Aalis din ako mamaya kasi may flight pa ako palabas ng bansa bukas. Di pa ako nakakapag impake."

Tumawa si Rozen, "O sige!"

Unti-unti kong tinignan si Rozen sa gilid ng aking mga mata. Hindi niya talaga ako magawang tignan kaya imbes na manahimik ay hinarap ko siya.

"Happy birthday, Rozen." Sabi ko sabay beso.

Hinawakan ko ang kanyang braso habang nag beso ako sa magkabilang pisngi niya.

"Oh, ba't di mo na lang gawin sa labi?" Biro ni Wade.

Uminit ang pisngi ko at napatingin ako kay Rozen na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

"Joke?" Awkward na sinabi ni Wade.

"Thanks, Coreen." Malamig namang sagot ni Rozen sakin.

Nangatog agad ang binti ko. This is it! This is the right time. Dapat ma-solo ko siya saglit.

"Uh, Rozen-"

"EHE-EHEM!" Nabulabog ang mga kaibigan naming kumakain at nag iinuman sa loob ng bar nang biglang nag salita ang isang babae sa stage.

Nandoon na sina Noah. Katatapos lang atang mag set up. Nakita kong nakahalukipkip si Noah at nakasimangot na tinitignan si Elle na nasa harap ng microphone. Nagtatalo si Noah at Warren. Hindi ko alam kung bakit.

"This song is for Rozen Gaiser Elizalde." Sabi ni Elle.

Tinikom ko ang nakaawang kong bibig. Namuo na naman ang nagbabara sa lalamunan ko.

"Rozen." Tawag ko.

Baka sakaling lingunin niya ako pero wala... hindi... nakatoon ang kanyang pansin sa stage. Naghiyawan ang mga tao.

"Happy birthday, Rozen. Alam kong... ano... ehhh... nahihiya ako." Tumadyak tadyak si Elle sa harapan.

Kinagat ko ang labi ko. Halos matadtad ko na talaga ito. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa inis, sa sakit, at sa pagsisisi. I shouldn't regret anything from now on. Hindi pwedeng iyon lang ang lagi kong ginagawa, ang maiyak sa pagsisisi. Yes, let's face it! Nagkamali ako. Kailangan ko pa bang ma-stuck doon? Kailangan ko pa bang pagsisihan iyon hanggang sa mawalan na ako ng respeto sa sarili ko? No! Tama na! I need to move! Itatama ko ang mga pagkakamali ko. No regrets, this time.

"Rozen." Tawag ko.

Bahagya siyang napalingon.

"Sandali lang." Aniya.

"Alam kong alam mong mahal kita. Mahal na mahal. I love you so much. At salamat sa pagpapahalaga sa akin kahit na ganito lang ako."

Umiling si Rozen at tumawa sa sinabi ni Elle.

Look, Coreen, you can just leave them here, walk out and forget everything, diba?

Nagsimulang tumugtog si Warren. Parang kulang, ah? Nakita kong sisimulan pa lang ni Noah ang pagtugtog. Nakapusangot ang kanyang mukha. Kaya pala parang kulang iyong tono ay dahil sinimulan na ni Warren kahit si Noah dapat ang una sa intro.

"Two 'o clock and I wish that I was sleeping. You're in my head like a song on the radio. All I know is that I got to get next to you. Yeah I got to get next to you Sitting here turning minutes into hours To find the nerve just to call you on the telephone You don't know that I got to get next to you..."

Ngumisi si Elle kasabay ng pagngisi ni Rozen.

"Maybe were friends Maybe were more Maybe it's just my imagination But I see you stare just a little too long And it makes me start to wonder So baby call me crazy But I think you feel it too Maybe I, Maybe I Just got to get next to you..."

Bumuhos ang luha ko sa napaka gandang kinanta ni Elle. Halos magtindigan lahat ng balahibo ko sa kanyang boses at hindi ko maiwasang aminin sa sarili ko na ang galing niya.

Nanginginig ang kamay ko nang hinawakan ko ang braso ni Rozen.

"Rozen, pwedeng saglit lang..." Sabi ko.

Hinawi niya ang kamay ko.

"Teka lang, Coreen. Importante ba yan?" Ni hindi niya ako tiningnan.

Nakatunganga lang siya sa stage.

"Coreen?" Tanong ni Wade nang nakitang bumuhos ang luha ko.

Pinunasan ko ito habang di pa nakatingin si Rozen. Sinenyasan ko ang bartender at tinuro ko ang Black Label, tatlong shots na sunod-sunod kong nilagok.

"You okay?" Tanong ni Wade.

Ngumisi ako at nag concentrate sa pag hinga ng maayos.

No regrets.

"WOOOOOH!" Humiyaw si Rozen at pumalakpak sa kanta ni Elle.

Kinalabit ko siya at sinubukan kong huminga ulit ng malalim upang makontrol ko ang feelings ko.

"Rozen." Sabi ko.

"Ano?" Bumaling siya sakin na may bakas pa ng ngiti sa mukha.

"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko ng dahan-dahan para hindi manginig ang boses ko.

Nagkibit-balikat siya, "Nag uusap na naman tayo, ah?"

"Hindi. I mean..." Napatingin ako kay Wade na nakataas ang kilay. "Yung tayong dalawa lang."

Napatingin si Rozen kay Wade at tumango. "Alright." Aniya at sinulyapan muna si Elle na kumakanta na naman ng panibagong kanta ngayon. "Okay."

Umalis siya doon at sumunod ako. Pinili niya doon sa malapit sa pintuan. Maraming tao at bumabati sa kanya.

"Uhm..."

Nakangisi pa siya dahil sa mga bumati sa kanya.

"Pwedeng sa labas? Kahit sa parking lot lang or something?" Utas ko.

Kumunot ang kanyang noo at huminga ng malalim. "Okay." Tamad niyang sinabi.

Napakagat ako sa labi ko at sinundan na lamang siya. Alam ko. Mukhang naiirita siya sa ginagawa ko. Nilalayo ko siya sa kanyang party. Sorry, Rozen, ah? Gusto ko lang naman na mapag isa tayo, eh? Hindi na ba yun pwede? Mahirap na ba iyon para sayo? Diba noon kahit ano, pwede basta ako? Anong nangyari sayo? Anong nangyari satin? Kasalanan ko, diba? Shit! Kasalanan ko! Walangya, kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat! Eh, ang sakit! Ang sakit-sakit! Yung nanghihinayang ka at wala kang masisi kundi ang sarili mo? Anong gagawin mo? Papatayin na lang ang sarili mo para mailabas ang frustrations mo? Ano? Kasi hindi ko na alam!

Pumihit siya at hinarap ako nang nasa bakanteng parking lot na kami. Napatalon ako sa biglaan niyang pag harap.

Bumuntong hininga siya, "Anong pag uusapan natin?"

Napalunok ako.

No regrets. I promise.

"I'm sorry." Simula ko.

Tumunganga siya at hindi nagbigay ng ekspresyon.

"I'm sorry sa lahat. Sa noon. Sa pagtaboy ko sayo." Bumilis ang kalabog ng puso ko.

Ang mga kulisap ay parang nanonood ng laban ni Pacquiao, nakatunganga at naghihintay sa mauunang ma Knock Out.

"Sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Sa paninisi sa'yo. I'm sorry."

Tumango siya at kumuyom ang kanyang panga.

Ni hindi niya ako matignan ng diretso.

"Sorry kasi hindi ko maintindihan kung paano mo ako minahal noon. Kung bakit ganun ang mga ginawa mo. G-gusto ko lang malaman mo na nanghihinayang ako sating dalawa."

Parang hinihiwa-hiwa ang puso ko habang sinasabi ko ito.

"Na... pinakawalan kita noon kahit mahal kita. Hindi naging sapat ang pagmamahal ko para patawarin ka. Hindi naging sapat ang pagmamahal mo para makita yung mga ginawa mo. Gusto ko lang sanang sabihin na..." Nabasag na ang boses ko.

Hindi ko na kayang magmatigas. Hindi ko na kayang magtapang tapangan. Bawat salita, nanginig ang boses ko.

"Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Hindi kita makalimutan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

Nanlaki ang mga mata niya sinabi ko.

Bumuntong-hininga siya at nakita kong pumula ang mga mata niya at mas lalong kumuyom ang panga habang tinitignan ako.

"Babe, mahal na mahal kita. At sorry kung pinakawalan kita."

"Sorry din, Coreen." Iyon lang ang sinabi niya saka tinalikuran ako.

Agad kong hinila ang braso niya.

"Rozen? Anong sorry?!" Tumaas ang boses ko.

Hindi ko matanggap ang alam kong mangyayari saming dalawa.

"H-Hindi mo na ba ako mahal? May mahal ka na bang iba?"

Nakita kong mas lalong pumula ang kanyang mga mata, "Bumalik ako dito nang kayo ni Noah, at ngayong nakikita mong may iba na ako saka ka pa lang kikilos?"

Hindi na ako huminga. Hinarap niya ako. Lumapit siya sakin. For a moment, natuwa ako. Sobrang tuwa ko dahil kitang kita ko sa mga mata niya si Rozen noon. Si Rozen na akin.

"Hindi kami ni Noah-"

"You shut up, Coreen! Just shut up! Paasa ka! Ilang beses tayong naghalikan noon at-"

"Hindi kami-"

"Oo! Oo! Sinabi ko sayong magpanggap ka! Sinabi ko sayo! But I can tell kung kelan ka nagpapanggap at kelan hindi-"

"Hindi ako nagpapanggap noon, okay? Totoo yun!" Sigaw ko dahil tumaas na ang tono ng kanyang boses.

"Tapos? Ano? Ngayong kayo na ni Noah ang naghahalikan, anong sasabihin mo sakin? nagpapanggap ka?"

Bumuhos ang luha ko. Gusto kong pigilan ang galit na nag alab sa kanyang mga mata.

"Bullshit, Coreen! Mahal mo si Noah noon pa man, at alam kong hanggang ngayon, kaya wa'g kang-"

"Sabi mo alam mo kung kelan ako nagsisinungaling at kelan hindi? Bakit ngayon hindi mo na masabi? Bakit ngayon hindi mo na alam kung anong tunay na nararamdaman ko?"

"Ewan ko! Ewan ko! Bakit? Paano ko malalaman? Ako ba yung hinahalikan mo nun? Si Noah, diba? Hindi ko alam kung totoo ba yung nararamdaman mo sa kanya o hindi!"

"Ngayon? Hindi mo ba makita na totoo 'tong sinasabi ko?" Sabi ko sabay tingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Kitang kita ko na hindi mapakali ang mga mata niya. Para bang natataranta siya sa mga sinasabi ko.

"Damn it, Coreen! Alam mo kung anong nakikita ko sayo ngayon?" Matalim niyang linya pagkatapos ng pagtitig niya sakin.

Umiling ako. Panay ang punas ko sa luha kong patuloy na lumalandas sa pisngi ko.

"Nakikita kong naaapakan ang ego mo. Nakikita kong nakikipag compete ka kay Elle!"

"Hindi yan totoo!" Sigaw ko.

"No, you want the chase, Coreen. Gusto mong maghabol. Kaya ngayong naaapakan ang ego mo, mas lalo kang ginaganahan-"

"FUCK! Tingin mo ginaganahan ako sa nangyayari sakin?" Halos bumigay ang boses ko sa sigaw kong iyon.

"Oo! Tingin ko masyado ka lang naiinsulto kasi sa wakas, may iba akong nakikitang babae, bukod sayo!"

WHAT? Bibigay na talaga ang tuhod ko. Sana mahimatay na lang ako. At sana gumising na lang ako nang di ko naaalala ang lahat. Just take away this pain, please. Anyone.

"Hindi yan totoo!" Sigaw ko.

"Bakit ngayon lang? Bakit hindi noong una tayong nagkita? Kasi you were so into Noah, that time! Nakailang beses kayo ni Noah? Ha?" Humakbang siya palapit sakin.

Tinakpan ko ang nakaawang kong bibig. Hindi ako makapaniwala sa tanong niya! Tumindig ang balahibo ko!

"Anong sabi mo? Ha? Bwisit! Ganyan ba ka baba ang tingin mo sakin?" Humakbang din ako palapit sa kanya.

Sobrang lapit na namin sa isa't-isa, feeling ko susuntukin ko na siya. Isang nakakaasar at nakakasakit na lang na linya.

Nanliit ang mga mata ko habang nagtititigan kami, "You like Elle, right?"

"Yes! So what?" Diretso ang sagot niya.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko, "Kung ganun bakit ka nagaabala pa sa mga mangyayari samin ni Noah? So what if I gave in to him? So what! Ha?"

"Buti na lang talaga hindi mo ako sinagot." Matalim niyang sinabi.

Pula ang kanyang mga mata at nakakuyom ang bibig niya, feeling ko napudpod na ang ngipin niya.

Pumihit siya at tinalikuran ako kaya hinila ko na naman ang braso niya. Matigas at hindi na siya nagpapahila kaya dalawang kamay na ang ginamit ko.

"Ano ba! Coreen!" Sigaw niya.

Humagulhol ako. I sweat, I'm going to kill myself.

"Hindi ba ayaw mo sa mga mahihirap? Hindi ba ayaw mo? Hindi ba?" Tanong ko sa bawat pag hikbi ko. "Hindi ba ako lang naman yung gusto mo? Noon pa? Hindi ba babalik ka sakin? Sorry, Rozen."

I'm sorry na. Wala na akong lakas. This is the last. And after this... kahit anong mangyari, hindi na ulit ako makekealam. Lulunukin ko na ang lahat ng pwedeng malunok. Wala na akong ititira. Pagbabayaran ko dapat ang kasalanan ko, diba? Sosobrahan ko na.

"People change, Coreen. Nagbago na din ako."

"Gusto mo lang siya dahil..." Humikbi ako.

HIndi na ako makahinga. Literal na hindi na ako makahinga.

"Dahil mahal na mahal ka niya... Dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanya... Gagawin niya ang lahat para sayo. Ako rin naman, kaya kong gawin iyon. Please, Rozen, come back to me. Come back to my life. You are mine to begin with."

Umiling siya, "No, Coreen. You don't own me." Mabilis siyang pumihit para talikuran ako.

Ngayon, wala na akong naging lakas para higitin pa siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro