Kabanata 54

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 54

Kumatok

Gumising ako sa sumunod na araw na may nakahanda ng mga damit. Nasa balcony si Rozen at nagkakape nang bumangon ako. Nakabalot ang katawan ko sa bathrobe. Napansin ko talaga ang masakit kong 'down there'. Ngumisi siya nang nakita ako.

"Good morning, babe."

Nanliit ang mga mata ko nang tinitigan siya. Kabado ako, oo. Hindi ko iyon maitanggi. That was our first night together. Kabado ako dahil baka hindi niya ako nagustuhan. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niyang nakangisi sa akin ngayon.

"What?" Tanong niya at hinigit ako para yakapin.

"Wala." Matabang kong sinabi.

"I'm not smoking." Nagkibit balikat siya at tinuro ang kape.

"Yeah." Sabi ko.

Hinalikan niya ang ulo ko. Tiningala ko siya.

"Does it hurt?" Tanong niya.

Unti-unti akong tumango.

"Hmmm... So wala muna for this morning." Hinalikan niya ang pisngi ko at humalakhak.

Hinampas ko ang dibdib niya, "Adik!"

Pinakawalan niya rin ako para makaligo na. Hindi maalis sa isip ko iyong nangyari kagabi. Kung paano niya ginawa iyon, at paano namin nagawa iyon. Damn it! Yung pakiramdam na nasa loob ko siya, hanggang ngayon nararamdaman ko parin.

"Mom, mamaya kina Reina parin ako matutulog." Sabi ko kay mommy pagkauwi ko.

"Oh, bakit?" Tanong ni mommy nang narealize na palagi na lang akong natutulog kina Reina.

Last week, iyon ang sinabi ko. Ngayon, ito parin ang excuse ko. Pero this time, totohanan na ito.

"Hindi po kasi kami nakapag usap ng maayos last time. She's exhausted sa byahe. Ngayon lang po kami talaga magbobonding. Sige na po... Please?" Ngumisi ako at nagpacute kay mommy. "Tsaka... promise, babalik na ako sa trabaho next week."

"O sige... Magdala ka ng damit mo. Wa'g kang umasa sa mga damit ni Reina." Aniya.

"Opo."

Nagtatalon ako sa kwarto at agad nag impake para kina Reina. Nagkasundo kasi kaming mag movie marathon ngayon. Miss niya daw akong kasama. 

Busy din si Rozen ngayon. Inasikaso niya ang business. Gusto ko ngang tignan kung paano niya yun ginagawa. Ang alam ko, nasa building lang din ng business ng mommy at daddy niya yung negosyo pinapahandle sa kanya. Hinayaan ko na lang. Napag alaman ko ring si Rick ay ang assistant slash body guard niya. Siya pa ang pumili ng mga damit ko noong nag honeymoon kami. Honeymoon. Hihi

Lumingon lingon ako sa bahay nina Reina nang dumating ako. Peaceful kaya siguradong wala pa ang halimaw dito. Si Noah naman ay mukhang busy sa pagbabanda. Kamusta na kaya iyon? Ginugulo parin kaya siya ni Megan? Naalala ko tuloy yung mukha ni Megan sa last time namin siyang nakita.

Asus! Wa'g ka ng mag maang-maangan." Sabay papak ko sa popcorn. "Sinabi sakin ni Rozen na sabi ni Wade galit ka raw sa kanya. Hindi ba siya yung galit sayo? Kasi nga iniwan mo siya? Paano nangyaring galit ka naman ngayon sa kanya?"

Inintriga ko si Reina nang nanood kami ng TV. Pinanood namin yung interview kung saan sinabi ni Wade Rivas na postponed ang concert dahil may sakit siya. Bumili pa naman ako ng ticket nun dahil gusto kong manood. Papanoorin ko si Zac, Austin at Adam. Hindi na si Wade kasi may Reina na iyon. Hihi. At magaling naman talaga ang buong banda. Kahanga hanga.

"P-Paano nalaman ni Rozen?"

"Hello? May bibig si Wade, may tainga si Rozen, syempre malalaman niya yun." Nagkibit balikat ako.

Humikab ako. Inaantok na kasi ako. Kagabi, ang tagal naming natulog ni Rozen kaya puyat na puyat ako ngayon.

Kinwento ko lahat ng sinabi ni Rozen sa akin tungkol kay Wade. Last week kasi may nangyari sa isang bar. Nag s-struggle kasi ang isang iyon na mapag ayos ang dalawang ito. Sa bagay, kasalanan din niya iyon noon. Kaya naman, todo na lang ang suporta niya kay Wade at Reina ngayon.

"Whatever, Coreen. Galit ako sa kanya." Umirap si Reina.

"Sinabi mo ba sa kanyang gusto mo parin siya hanggang ngayon?"

Unti-unti siyang tumango sa akin.

Kita mo 'tong babaeng ito. Parang ako lang din? Hindi niya pinapansin si Wade, iniiwasan niya si Wade kahit na umamin siyang mahal niya ito. Well at least noon, iniwasan ko si Rozen dahil kay Elle. Eh, sa kanya? Wala! Alam nating lahat na mahal parin siya ni Wade. Well, alam ko. Ewan ko dito sa lukaret na ito.

"Gosh! Whatever, Reina. Hindi naman sa kinakampihan ko si Wade pero kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo at kung gusto mo edi ipakita mo. Anyway, ubos na yung popcorn. Baba lang ako, ah?" Ngumisi na lang ako at tumayo para kumuha ng popcorn sa baba.

Iniisip ko parin ang mga ginawa ni Reina kay Wade. Hindi ko alam kung makatwiran ba iyon o hindi. Well, Wade's indifferent pero alam ko na mahal niya parin si Reina. Umiiling ako habang nakapaang naglalakad pabalik sa kwarto nina Reina dala-dala ang isang bowl ng pop corn.

"Hmmm... Hmm..." Nag hu-hum pa ako sa tono ng isang marahang kanta nang may bigla na lang humablot sa braso ko, dahilan kung bakit natapon ang kalahating bowl ng pop corn.

"Shit!" Sigaw ko sabay lingon kay Rozen na ngayon ay naka dark blue na sleeveless shirt.

SHIT ANG GWAPO! SHIT TALAGA!

Kuminang ang diamond earing sa kanyang tainga at agad akong kinaladkad papasok sa kwarto niya.

"Ano ba!?" Galit kong utas. "Yung mga pop corn, oh?"

Hinila niya palapit sa buong katawan niya ang baywang ko.

"Miss na kita." Aniya.

Uminit ang pisngi ko, "Nagkita naman tayo kahapon!"

"Eh gusto ko, palagi. Ganun dapat ang mag asawa diba?"

Inirapan ko na lang dahil masyado nang nanunuya ang pagngisi niya ngayon.

Inilapag niya ang bowl ng popcorn ko sa isang mesa at sinimulan niya agad ang paghalik sa akin.

"Rozen! Naghihintay si Reina sakin!" Saway ko habang hinahalikan niya ako sa leeg.

"Hayaan mo na yun. Makakatulog din yun." Aniya.

Hindi ko na napigilan ang pagsukli ng mga halik sa kanya. Nagpalitan kami ng malalalim at maiinit na halik hanggang sa naramdaman ko na naman ang init sa buong katawan.

"Gagawin ulit natin yun?" Tanong ko habang sinasandal niya na ako sa pader malapit sa bathroom niya.

"Bakit? Ayaw mo?" Tumaas ang kilay niya.

Humalakhak ako.

Ewan ko ba. Natatakot ako kasi masakit pero may something talaga dun kaya gusto ko. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal ko... when words isn't enough, ito lang ang naiisip kong solusyon.

"Gusto." Sabi ko.

Lumaki ang ngisi niya. Naramdaman kong naglakbay ang kamay niya sa buong dibdib ko. Naka puting button down shirt ako ngayon kaya kinalas niya ang butones ko. Halos hindi niya pa nga makalas ng maayos dahil nakita kong nanginginig ang kamay niya.

Habang ginagawa niya iyon ay hinalikan ko siya ng mararahan.

"Shit!" Pabulong niyang sinabi. "Stop initiating the kiss."

Hinawakan niya ang batok niya. Napagtanto kong tumindig siguro ang balahibo niya kaya niya iyon ginawa.

Tumigil siya sa pagkakalas ng butones sa damit ko para mahalikan niya ako nang biglaang bumukas ang pintuan.

"FUCK!" Sigaw niya sabay tago sa akin.

Habang nasa likod niya ako ay mabilis kong ibinalik ang mga butones. Oh my gosh! Sino yun? My gosh!? Si Reina? Sino?

"Kuya..." Narinig ko ang boses ni Noah.

Napalunok agad ako.

"Tumawag si Kuya Dash. Nasa office." Ani Noah gamit ang malamig na boses.

"WHAT? OH! EDI PUPUNTA NA AKO! Pwede ba, Noah? Knock first!" Galit na utas ni Rozen.

"Kumatok ako. Walang sumagot!" Galit dung untag ni Noah.

"Then walk away! Kung walang sumagot, ibig sabihin may ginagawa yung tao!"

"Next time kasi i-lock niyo yung pintuan! It's not like I wanted to see that!" Narinig kong padabog na sinarado ni Noah ang pintuan.

"Bullshit! Sana makulong ka ni Megan!" Sigaw ni Rozen kahit wala na si Noah.

Parang may kung ano sa tiyan kong bumabaliktan. Parang... naaawa ako kay Noah. Hindi ko kinaya ang boses niyang pasigaw pero matabang. Parang hindi lang si Rozen ang sinabihan niya nun, maging ako ay natamaan.

"Sorry." Sabi ni Rozen at hinarap ako.

"O-Okay lang." Sabi ko.

"Sasagutin ko muna ang tawag ni Kuya. Siguro tungkol sa negosyo. Bakit ba kasi sa office siya tumatawag, may cellphone naman."

"O, sige... And... uhm, pupuntahan ko na lang din muna si Reina. Baka hinahanap ako."

Sinuntok ni Rozen ang pader at nagmura ng malutong.

"Istorbo talaga ang Noah'ng yun." Ginulo niya ang buhok niya. "Alright, babe. We'll text instead?" Ngumisi siya.

"Okay." Tumango ako.

Sabay kaming umalis ng kwarto niya. Siya, papunta sa office. Ako naman, imbes na kay Reina ako pupunta ay nakita ko si Noah na tulala habang dinudungaw ang malaking chandelier ng kanilang sala.

"Noah..." Lumapit ako.

Tumikhim siya at tumayo ng maayos.

Umamba pa siyang aalis at iwan ako doon pero napigilan ko iyon.

"Teka lang, Noah..."

Hinarap niya ako. Nakita ko ang kumikislap na mga mata niya. Parang namamatay ang puso ko sa mga matang ipinapakita niya sa akin ngayon. Kinuha na ni Rozen ang buong batalyon ng kulisap, nabili niya na ang mga boto nito kaya hindi na sila makapagreact kahit kanino. Ang puso ko na lang ang nasasaktan ngayon. Syempre, dahil magkaibigan kami ni Noah at alam ko kung bakit nagkakaganito siya.

"I-I'm sorry." Sabi ko.

Pumikit siya. "Don't say that!"

Bumuntong-hininga ako, "Hindi ko alam na-"

"Kayo na?" Tanong niya.

"Oo."

Tumango siya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"N-Noah."

Maging ako ay nahahabag sa ipinapakita niya sa akin ngayon.

"Good for you." Ngumisi siya pero hindi nawala ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. "I'm happy for you."

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para mapawi ang sakit na nararamdaman niya.

"You know what... I prepared for this. Pinakawalan kita. Pero damn, kahit tanggap ko, masakit parin pala." Pumiyok ang boses niya.

Hindi ko alam kung pano nangyari pero bumuo na rin ang luha ko sa mga mata ko. Damang dama ko ang sakit niya pero wala akong magawa dahil si Rozen ang mahal ko. Ilang sandali pa bago ako nakapagsalita. Ang gago ko lang kung tutunganga lang ako dito ng walang sinasabi.

"S-Shall I..." Pumikit ako. "Avoid you?"

"NO!" Agad niyang sinabi. "No! Coreen, please, be my friend. Iyon lang ang hinihingi ko."

Lumandas ang luha sa pisngi ko. Hindi ko kayang nakikita ang taong minamahal ko noon na nagkakaganito sa harap ko ngayon.

"Okay... Sure, Noah. Sure."

"Promise me... You'll stay. You'll be my friend. Kahit na kayo ni Rozen. Pag gusto ko ng time mo, ibibigay mo iyon sa akin." Nanginginig ang boses niya.

"Pero... Noah."

"Please, Coreen. I won't ask for too much. Konting oras lang."

Unti-unti akong tumango at pinunasan ko ang luha ko. Hindi naman ata makatuturan kung pagkakaitan ko siya ng konting oras.

"Alright.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro