Wakas

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

This is the epilogue. THE END! Thank you so much po sa pagsubaybay ng Heartless. I'm so proud sa mga nagbasa nito at talagang sumubaybay hanggang matapos. Sana suportahan niyo parin ako sa next kong story. Sorry medyo bitin (ganito lagi ang linya ko). Hope you enjoyed Heartless kasi nabaliw ako habang sinusulat ko ito. Thank you so muchhh.

Song: Come On get Higher by Matt Nathanson

--------------------

Wakas

"Rozen, kinakabahan ako, b-baka maduwal ako habang naglalakad papunta sayo?" Nagpapanic ang kanyang boses sa cellphone.

"I don't care." Sagot ko at napangisi.

"Ang pangit pangit ko ngayon. Kainis! Feeling ko ako ang pinakapangit dito. Kainis!"

"You're the most beautiful to me."

Natahimik siya. Narinig ko ang kanyang buntong hininga. Everything about her fuels me. Pati ang paghinga niya ay nakakapagpalakas ng loob ko.

Inayos ko ang collar ng puting suit ko. Inayos ko rin ang buhok ko. Sinimangutan ako ni Reina.

"Rozen, stop doing that. You look tensed." Humalakhak siya.

Ngumisi na lang ako at pinilig ang ulo. Bumaling ako kay Noah sa gilid ko.

"Finally got the girl, Kuya." Ngumisi siya.

Ngumisi din ako, "She's mine to begin with."

"Right!" Tinapik niya ang likod ko at napatingin siya sa pintuan ng simbahan. "She's here."

Naaalala ko pa noong bata pa kami. I don't care about anything else. Hindi ako yung tipong may pakealam sa mga bagay bagay sa paligid. Maging sa feelings ng ibang tao wala akong pakealam.

"Rozen." Sabay bigay ng isang babae ng love letter.

It was ridiculous. Yumuko siya at nanginginig ang kamay niya sa pagbibigay sa akin ng loveletter na napuno ng heart stickers.

"Whoa! Thanks for this!"

Pumula ang pisngi ng babaeng nagbigay at nginitian ko. Tumakbo agad siya sa mga kaibigan niya para ikwento kung paano ko siya nginitian at kung paano ko tinanggap ang loveletter niya. Hindi lang ikaw ang may loveletter na tinanggap ko. Marami kayo. Don't think you're special. Umiling na lang ako at tinapon yung love letter sa basurahan. I don't freaking care.

Valentines day, Grade 5 pa lang ako. Nakita ko ang engrandeng heart shaped chocolate na ibinigay ng isang maputi, makinis, medyo kulot na babaeng grade 3 pa lang. Bestfriend siya ni Reina. Pulang pula ang kanyang pisngi habang binibigay iyon kay Noah na walang ginawa kundi mang isnab ng mga tao. Nevertheless, she gave it to him. Kahit na alam kong hindi iyon tatanggapin ni Noah.

"Wow! Paano mo yun ginawa, Coreen?" Tanong ng kapatid ko sa kanyang bestfriend.

"Tinunaw ko lang yung Hersheys at ginawang heart shaped." Napakamot siya sa ulo. "Hindi kasi ako marunong magluto. Naka limang beses pa ako nun." Tumawa siya.

Napatingin ako sa sariling mga chocolates na natanggap. Marami iyon at puro commercial. Wala ni isang nakaisip na tunawin ang Toblerone na ito para gawing heartshape sa akin. Kaya naman nang uwian na, hinintay ko si Coreen. Dala-dala ko ang mga chocolates na nareceive ko noong Valentines day. Hinarangan ko siya sa kanyang dinadaanan. Nagkasalubong ang kanyang kilay nang nakita akong humaharang sa kanya.

"Gawan mo rin ako ng heart shaped na chocolate." Sabay lahad ko sa lahat ng chocolates na ibinigay sa akin.

"Huh? Ba't ko gagawin iyon?" Inirapan niya ako.

"Because I want to." Simple kong rason.

"But I don't want to." Nagtaray siya at pinitik niya ang kanyang buhok sa akin bago umalis.

Nalaglag ang panga ko. Sobrang taray nung babaeng iyon, ah? Humanda siya! Sa oras na aapak ulit siya sa bahay namin para makipaglaro kay Reina, hindi ko na siya palalampasin.

"Noah, nasan yung heartshape na chocolate?"

"Ewan, kuya. Pakitingnan na lang sa ref." Aniya habang abala siya sa pagkakalabit ng gitara.

"Okay." Kinuha ko iyong chocolate na kinaiinggitan ko at ginawang akin. Wala namang espesyal doon sa chocolate na iyon pero nagustuhan ko yun at hindi ko alam bakit.

Biglang umingay sa labas, naririnig ko ang mga yapak ni Reina at Coreen. Bumubungisngis ang dalawa. Siguro ay nakita na naman nila si Benjamin sa labas ng bahay.

"Hoy, tumahimik kayo." Saway ko.

Nakita kong nanginig si Reina sa saway ko. Humalukipkip naman ang bestfriend niyang si Coreen at, biruin niyo, inirapan na naman ako!

"You don't own the world, Rozen. Kung gusto mo ng tahimik, bumili ka ng mundo mo. Tara Reina!"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ganun? Umiling ako at tumawa! Pasalamat ka gusto ko yung chocolate mo. Siguro ay doon ako nagsimulang mahumaling sa kanya. Hindi ko na siya matanggal sa sistema ko. Sa araw-araw na pumapasok ako sa paaralan ay tuwing nakikita ko siya, nagiging matiwasay ang pakiramdam ko, tiyak ang kasiyahan ko. I don't know why but she's giving me that satisfaction. Kahit iniirapan niya lang ako at nahihimatay siya tuwing dumadaan si Noah, nakukumpleto niya parin ang araw ko.

"Noah, gusto mo ba si Coreen?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Coreen? Aquino?"

"Coreen Samantha Aquino." Pagtatama ko.

"Pareho lang iyon. Hindi, bakit?"

"Good. Then magkakasundo tayo. Gusto ko siya."

Umismid si Noah, "Really?"

Bumaling ako sa kanya, nagkatitigan kaming dalawa, "Sobra."

Wala namang pakealam si Noah sa kanya kaya habang ganun ang kapatid ko ay wala silang pag asa. Naging busy ako sa barkada. Dumami ang umaligid ba babae sa akin.

"Rozen, 'tol, humihirit na naman yung crush mo kay Noah. Nakita ko kanina, tumitili habang tumutugtog sila." Humalakhak si Dustin.

"Tsaka alam mo bang pinopormahan yata yun ni Ynigo yun." Dagdag ni Francis.

Kinuyom ko ang panga ko. Okay lang. Si Noah ang gusto nun, kahit sino pang pumorma sa kanya, hindi yun mapapansin.

"Kuya..." Wika ni Noah isang araw.

"Hmmm?" Tiningnan ko siya.

"Ganda pala talaga ni Coreen, ano?" Aniya.

Sa linyang iyon pa lang ay nakwelyuhan ko na siya. Nakita kong nabigla siya sa ginawa ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Nanggagalaiti kong sinabi.

"Sabi ko lang maganda siya, anong problema mo?" Tumaas ang tono ng boses niya kaya hindi ko na napigilan ang suntok ko.

"Shit! Sabi ko sayo gusto ko siya! Layuan mo siya!"

Ininda ni Noah ang suntok kong tumama sa gilid ng bibig niya.

"I like her, too!"

"Ako ang nauna!" Sigaw ko.

Nanginginig ang buong katawan ko. It's the end for me! It's the end! Gustong gusto ni Coreen si Noah at sa oras na malaman niyang may gusto si Noah sa kanya ay magiging sila na. She's just 3rd year highschool right now and I won't allow that! Kahit na sabihin nating maari pa silang mag hiwalay ni Noah kalaunan, sa college, pero hindi ko iyon matatanggap. I want to be the first... first everything and the last of course!

"Ano ngayon kung ikaw ang nauna?" Utas niya kaya nasuntok ko ulit.

It's really the end.

"Walangya ka! Kapatid kita pero inaahas mo ako! Ganid!" Itatawag ko sa kanya lahat ng gusto dahil nag uumapaw ang galit ko. "It's bros over hoes!"

Natahimik siya. Dumugo ang kanyang labi.

"Ako ang naunang nagsabi na gusto ko siya kaya habang gusto ko pa siya hindi mo siya pwedeng ligawan!"

"Damn you, Kuya! Sinabi ko lang naman na gusto ko siya! Hindi ko sinabing liligawan ko siya!"

Kinwelyuhan ko ulit siya.

"Hey!" Narinig ko ang sigaw ni Kuya Dashiel at inawat kaming dalawa. "Ano ba yan?"

"Wala!" Inayos ni Noah ang kanyang t-shirt at nagkatitigan kaming dalawa.

"Rozen! Ano ba!? Anong pinag aawayan ninyo?"

Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa bumaling si Kuya Dash sa akin.

"Rozen, ikaw ang kuya kaya ikaw ang magbigay."

Nag alab agad ang nagngingitngit na galit sa puso ko. "Ayoko! Ako ang una. I marked her first kaya tumabi ka, Noah!" Tinuro ko si Noah.

"Okay fine, then! Fine!" Padabog na sinabi ni Noah.

"Sinong babae ang pinag aawayan niyo?" Tanong ni Kuya.

Umirap ako at tinalikuran silang dalawa.

My Coreen, of course.

Simula nun, ginawa ko na ang lahat para sa kanya. Kung pwede lang ay akuin ko siya ng diretso ay ginaw ako na. Kaya lang ayaw niya sakin. Nagpupumiglas siya. Si Noah ang gusto niya. Ang kapatid ko ang mahal niya. Hindi ako. Hindi ako.

Gusto niya ng may challenge, pwes bibigyan ko siya ng challenge. Pinagsamantalahan ko ang mga pang aakit na ginawa ng ibang babae sa akin. At lagi kong sinisigurado na sa bawat pakikipaglampungan ko sa kanila ay batid na batid ito ni Coreen. Naiinis ako tuwing nakikita kong wala lang iyon sa kanya.

One day, I'll find a way to your heart, Coreen. Kaya noong nag college kami ay wala akong ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na hindi niya kayang mabuhay na wala ako. I want her to depend on me. Iyong tipong ako lang talaga ang pagkukunan niya ng lakas sa bawat araw na magdadaanan. And I think I did it right!

I know she loves me. I can feel it.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko nang nasa seashore kaming dalawa.

Umiiyak ka dahil mahal mo ako. Umiiyak ka dahil ako na ang tinitibok ng puso mo.

"Bitiwan mo ako!" Utas niya sabay hawi sa kamay kong nakahawak sa braso niya. "Walangya ka!" Hinampas hampas niya ako. "Alam ko na ang lahat! Na ikaw ang dahilan kung bakit di ako pinapansin ni Noah noong highschool! You manipulative beast!"

Paano niya iyon nalaman? May nagsabi sa kanya? Sino? Noah? Noah.

"Ano? Magsalita ka! Totoo ba? Ikaw ba? Ikaw ang dahilan?" Sigaw niya.

Bakit pa iyon importante? Ang importante sa ngayon ay mahal kita at mahal mo ako. Iyon dapat. Kung ano man iyong nagawa ko noon, nakatulong din iyon para sa ating dalawa ngayon.

"Tss..."

"Tss? Wa'g mo akong ma-tss tss dyan! Shit! Napakawalangya mo, Rozen! Pakealamero ka! Kung sana wala ka eh sana hindi na naglihim si Noah!"

"Nag lihim siya kasi duwag siya!" Sigaw ko kay Coreen.

Bumaling ako sa kanya. Kitang kita ko ang luhang lumalandas sa mga mata niya. Nanghina agad ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumuluha siya sa harapan ko. Iningatan ko siya't lahat lahat. Alam kong masama iyong pinigilan ko si Noah noon, pero kung tunay na mahal niya si Coreen, kaya niyang kalabanin ako. Kasi ako, kayang kaya kong pataubin kahit sino makuha ko lang ang pinakamamahal ko.

Nilapitan ko siya. Nakita ko ang mabilis na paghinga niya. Come on, Coreen, you're already in love with me. Umamin ka na. Napapalibutan ka na.

"WA'G NA WA'G MONG MATAWAG SI NOAH'NG DUWAG." Banta niya.

Tumawa ako. Hindi ako makapaniwalang iyon pa ang magiging linya niya ngayon.  "Anong itatawag ko sa kanya? Santo? Martyr? Ha! Ano? Nainlove ka na naman sa kanya kasi martyr siya? Nagpapaka santo? Nag give way sa kapatid niya kasi alam niyang mahal kita? Walangya rin Coreen pero kung siya kayang mag give way, ako hindi!"

Ano? Nahulog na naman siya kay Noah? Kasi sa mundong ito laging nananalo ang mga martyr? At ako na pinaghihirapan ka ay laging talunan at uuwing luhaan? JUST. NO. WAY!

"AH? Mahal mo ako? Ganun? Eh anong tawag mo sa mga babaeng kasama mo? Ano mo sila? Ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa harap ko at sabihin saking mahal mo ako!" Galit niyang sambit.

Kumalabog ang puso ko. Ito ang sign na kanina ko pa hinihintay. Kung ayaw niya sa akin ay hindi niya na ito papansinin. Hindi niya na papakealaman ang mga babae ko. Gusto kong magsaya. For sure, she's already in love with me. Don't worry, Coreen, lunod din ako sayo, sabay tayong magpakalunod sa isa't-isa.

"Ano nagseselos ka na? Ano? Mahal mo na ako?" Humakbang ako habang tinititigang mabuti ang mga mata niya.

Gusto kong makita ang buong kaluluwa niya. Gusto kong malaman ang katotohanan at hindi ang mga sugar coated words na ibinabato niya sa akin ngayon. Pero hindi niya iyon ipinakita sa akin. Ang tanging ipinakita niya ay ang galit na bumalot sa mga mata niya.

"That's impossible, right" Tumawa ako. I don't care if I sound so frustrated about us. "Imposible. You two are dating now. Finally! His turn! Finally! Kaya yang damit mong ako ang nagpagawa... na dapat ay para sakin... ay inalay mo sa kanya! Why don't you just give up your damn virginity, too? Pakasal na kayo!" Napaos ang boses ko.

Nanlaki ang mata ko nang naramdaman ko ang latay ng sampal niya. Damn! It hurts like hell! Sa mukha ko masakit, pati ang puso ko sobrang sakit! Ngumisi ako, hindi dahil masaya ako kundi dahil nababaliw na yata talaga ako. Sinampal, sinaktan, winarak na nga ako, pucha pabalik balik parin ang pagmamahal ko sa kanya.

Kumuyom ang panga ko lalo na nang narinig ko ang untag niya, "I hate you so much!"

"You are so evil. Hindi ko kayang lunukin ang pag uugali mo. Pagkatapos mong paikutin kami ni Noah ay hindi ka pa nakuntento. Bakit mo sinabi sa kanyang may gusto ako sayo? Bakit mo ako siniraan? Bakit mo siya binlackmail? Bakit mo pinagsamantalahan ang kabaitan niya sayo? Bakit mo hinayaang masaktan ako ng paulit-ulit dahil lang ayaw ni Noah'ng saktan ka? Bakit mo ako sinasaktan? Bakit mo ako pinaglalaruan?" 

Yes, noong nag college at napapayag ko si Coreen sa arrangement naming dalawa ay sinabi ko kay Noah na wala na siyang pag asa, kasi ako na ang mahal ni Coreen. That's true, right? I know she loves me. Nasasaktan lang siya. Nasaktan ko lang siya kaya hindi niya matanggap. But I'm pretty sure, in the end, ako yung pipiliin niya. Fuck! Sobra sobra yung sakit na dinanas at pagsasakripisyo ko, hindi pwedeng mauuwi lang sa wala. Hindi ako makakapayag. This is my sure bet.

"Simple, Coreen. Kasi mahal kita." Utas ko.

"THAT'S THE MOST DUMB ANSWER I'VE EVER HEARD, ROZEN! That's bullshit! What kind of love is that? Selfish? Ganun ba? Okay lang masaktan kami basta masaya ka-"

"Bullshit! Kelan mo naisip na naging masaya ako, ha, Coreen?" Ginulo ko ang buhok ko at lumapit pa lalo sa nanginginig na si Coreen. "Tingin mo naging masaya akong makita kang kasama ako pero siya ang iniisip? tingin mo nasiyahan akong kahit tinatanggihan mo siya, hindi ka parin tumitigil? Shit Coreen! Gusto kong patas tayo dito. Kung hindi ako masaya, you won't be happy, too. I want you to be happy with me! Not with anyone else!"

"YOU SELFISH BEAST!"

"Ang sama sama mo. Anong klaseng pagmamahal yan!" Sigaw niya sa akin.

"Don't dare judge the way I love you, Coreen." Sigaw ko rin sa kanya.

This is so sick. Mahal ko lang naman siya, bakit kailangan pa humantong sa ganito?

"Ang selfish mo! Ang selfish mo sa puntong kaya mo akong saktan! Hindi mo man lang nagawang magparaya-"

"Magparaya? What? I'm not Noah! Hindi ako martyr, hindi ako santo, hindi ako si Noah. Wa'g mo kong itulad sa kapatid ko. If your damn in love with him now... if your lost in love with him now because of his martyrdom, ba't mo ako hinanap sa parking lot? Ba't ka umiiyak ngayon?"

Nanghina ako nang nakita kong pinunasan niya ang kanyang luha. Gusto ko ako yung magpunas ng luha niya. Gusto ko ako yung lahat niya. Ako lang.

"You love me, Coreen." Marahan kong sinabi.

Umiling siya.

"You love me, I know it. You fell. I know it." Matalim kong sinabi. "Nang nalaman mong mahal ka ni Noah, nalaman mo ring mahal mo ako. Kasi hindi mo naramdaman sa kanya ang naramdaman mo sakin, diba? You love me."

I'm sure about this. I know. I just know. Please, Coreen, love me back. This is my sure bet. Please love me back. Please!

"You can't do that to me, too. Na pag nalaman mong mahal na mahal kita ay aayawan mo rin ako. I'm different. You know that." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang dibdib niyang malakas ang tibok ng puso.

Mahal niya ako. I'm sure of it! Mahal niya ako!

"I know you. You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."

"Ako pa yung heartless dito? Really?" Hinawi niya ang kamay ko. "Ikaw itong heartless. Ikaw ang nag paikot samin ni Noah!"

"BAKIT BA GALIT NA GALIT KA SA GINAWA KO SA INYO NI NOAH!?" Sigaw ko.

I hate it! Bakit lagi kong naririnig ang pangalan ng kapatid ko? Pwede bang mawala na lang siya? Pwede bang walang Noah para si Rozen lang ang tanging iisipin ni Coreen?

Nang nakita kong pumihit siya para umalis pagkatapos ng umaatikabong pagtatalo namin ay narealize kong natatalo ako sa sure bet ko. That was my sure bet, my last resort, I can't just lose it! Coreen is the love of my life. Siya lang ang tanging nakapagpatibok sa puso ko ng ganito. Kung hahayaan niya ako, mamahalin ko siya ng buong buo. Siya lang mag isa. Siya lang ang gagawin kong mundo ko, kung sana ay hayaan niya ako.

"Coreen. Come back." Tawag ko.

Lumiliit na siya sa paningin ko dahil lumalayo na siya. May sakit na tumutusok sa dibdib ko. Namuo ang lintek na luha sa mga mata ko. Fuck! This is my chance! Last chance! Hindi pwedeng bitiwan ito! Hindi pwedeng bitiwan si Coreen. Mahal na mahal ko siya. Siya ang buhay ko.

FUUUUUCK!

"Coreen, come back please..." Nag mamakaawa kong utas.

Ginulo ko ang buhok ko. Hinilamos ko ang palad ko at tinignan siyang umaalis. In 5... 4... 3... 2... 1... Lilingon yan at tatakbo pabalik sa akin.

Hindi niya ginawa! SHIT!

FUCK! Imbis na siya yung magmakaawa sa akin dahil dependent na siya sakin, bakit ako ngayon dito ang halos lumuhod bumalik lang siya?

"Coreen, I'll be good, please, just, come back." Napapaos na ang boses ko dahil sa nagbabara sa lalamunan ko.

Tumulo na ang luha ko. Mabilis at sobrang dami. FUCK THIS! FUCK EVERYTHING! Kung mawawala lang din siya sakin, lulubus lubusin ko na! Nag half run ako para maabutan ko siya. Agad ko siyang niyakap. Di ka makakatakas sa akin. Mahigpit ang yakap ko kahit na nanghihina na ako.

"Coreen, please, don't leave. I'll be good. Di ako mambababae. Di ko na kayo guguluhin ni Noah. Hahayaan kita."

"No. Learn, Elizalde."  Malamig niyang sinabi sa akin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata. Okay, I will learn, just... just stay with me.

"Coreen, I'm not Noah. I'm not good at hiding my feelings. I'm not good at letting you go. I'm not good at forgetting you or ignoring you or seeing you walk away. Coreen, please." Utas ko.

Last chance, please. I will learn. Just stay with me.

Umiling siya, "Yeah, you're right. You're not Noah."

Nalaglag ang panga ko. So... it's still damn fucking Noah in the end.

"Are you choosing him, Coreen?" Sigaw ko nang nakalayo na siya.

Nawalan na ako ng lakas na habulin pa siya. Because it will always be Noah, huh?

"Yes, you're choosing Noah over me."

Napaupo ako sa buhangin. Wala akong ginawa kundi, fuck, ang umiyak doon. Fuck. Mahal na mahal ko si Coreen pero, fuck, iniwan niya akong mag isa dito. Sigurado na ako, e. Sigurado na akong ako ang mahal niya pero ano itong ginawa niya sa akin? Pinili niya si Noah? Masyado ba akong naging assuming? Nabulag ba ako sa pagmamahal ko sa kanya? O magaling lang talaga siyang manloko? FUCK.

Inumaga ako sa seashore kaya ang resulta ay nagkasakit ako.

OO. FUCK. Nagkasakit ako ng ilang araw pero hindi iyon alam ni Coreen. Hindi niya ako inalagaan. Wala siyang pakealam. Wala lang. Patuloy siya sa buhay niyang wala ako habang ako ay nagkakasakit sa kakaisip sa pag iwan niya sa akin. At  wala siya sa tabi ko! Wala siya dito para daluhan ako.

Hinaplos ko ang bedside at inimagine na nakaupo si Coreen doon para alagaan ako. Gamit ang kanyang mapupungay at magagandang mga mata, tinitingnan niya ako na para bang hindi niya kayang magkasakit ako. Hinahaplos niya ang noo ko at hinahalikan niya ako. FUUUUUUUUUUUUUUCK! Nahihibang na talaga yata ako! Ang totoo wala siyang pakealam sa akin. Mamatay man ako dito ngayon ay wala siyang pakealam. Wala siyang pakealam. Si Noah ang mahal niya.

Umalis ako kasama ni Reina para makalimot.

"Kuya, hindi ka ba sasabay pabalik?" Tanong ni Noah sa akin nang babalik na siya sa Pilipinas galing France.

"Wala akong babalikan doon." Malamig kong sinabi.

"How bout, Coreen?"

Pagkarinig ko sa pangalan niya na nanggagaling sa labi ni Noah ay nag alab agad ang akala kong patay ng baga sa damdamin ko. Kinwelyuhan ko agad siya.

"Don't you dare insult me!" Sigaw ko.

Hindi siya nagpatinag sa akin.

"She chose you!" Sigaw ko.

Nagkibit balikat si Noah, "I don't know about that."

Binitiwan ko siya at iniwan. Wa'g kang mag maang maangan, Noah. Wa'g mo akong paasahin. Pero nang umalis si Noah, akalain mo, umasa ako. Lintek na puso! Umasa akong ako yung mahal ni Coreen at naging masyado lang siyang ma pride para umamin.

Nilibang ko ang sarili ko sa pag aaral kung paano ang marketing at finance ng mga maliliit at malalaking kompanya. Inaral ko rin kung paano mag farm ng mga rubber na world class ang kalidad. Lahat ng tungkol sa negosyo ay hindi ko pinalampas. Ang tanging nag bibigay lakas sa akin ay ang pag asang pagbalik ko ay mabibilhan ko na ng bahay si Coreen.

FUUUUCK? Malay ko kung pagbalik ko ay mahal nga ako nun? Nahihibang na yata ako! Paano kung pagbalik ko ay may asawa na iyon? O baka may anak na?

Mababaliw na talaga yata ako. Ano kayang gagawin ko kung ganun? Ano kayang itsura ng mapapangasawa niya? Iniisip ko iyon pero ang tanging naiisip ko ay ang sarili ko... ako... ang asawa niya. At kaming dalawa ang magkakaanak!

Tuwing nag g-gym ako, nag jo-jogging sa syudad ng Paris, siya lang ang laman ng isip ko. Posible palang mag mahal ng ganito ka tagal? Nakakabadtrip! Madalas pakiramdam ko naghihintay siya sa pag uwi ko sa Pilipinas, pero mas madalas kong narerealize na hindi ako ang pinili niya kundi si Noah.

Bumalik ako para surpresahin silang lahat pero ako ang nasurpresa! Walang saplot na bumungad sa akin si Noah palabas ng kwarto niya at si Coreen naman ang nasa likod niya. Nag iwas agad ako ng tingin. Fuck. It's the end. Tapos na!

Sila na ba? Hindi ko alam! Balang araw makakaganti din ako. Balang araw magkakaroon din ako ng ibang babaeng pagseselosan niya ng todo.

"Uy, pare, kakarating mo pa lang, inom agad? Ganito eksena noong umalis ka papuntang France ah?" Sabi ni Dustin.

Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa kanilang negosyo.

Umiling ako, "Wala akong magawa." Sabi ko.

Nagsidatingan ang mga kaibigan kong halos lahat ay successful na sa ngayon.

"Ano, Rozen? Pa invest naman sa kompanya mo, oh. Balita ko maganda daw yun. Kumikita talaga. Syempre, Elizalde." Untag ni Francis.

"Mag hahands on ka na ba sa kompanya?"

"Di... mag aaral ako." Tumingin ako sa kanila.

Kumunot ang kanilang mga noo, "Bakit?" Tumawa si Dustin. "Hindi mo na kailangan yan. Ang lago na ng negosyo niyo. Marami ka naring nakuha sa Europa, diba?"

Umiling ako, "Gusto kong mag aral."

At lintek makita si Coreen araw-araw sa school. Miss na miss ko na siya. Yung labi niyang malambot. Yung kutis niyang makinis at malambot... lahat. Fuck pati yung sampal niya miss na miss ko na.

Nanliit ang mga mata nila habang tinitignan akong mabilis na nilalagok ang mga inumin.

"Coreen na naman ba ito?"

Ngumisi na lang ako.

And then Leonore Batungbakal arrived. She's perfect. Baliw na baliw siya sa akin. Ang dami niyang kabulastugan at natatawa na lang ako sa kanya.

Ang dami niyang love letter na nilalagay sa locker ko. Nung isang araw ay kinantahan niya pa ako. Baliw ata ang babaeng ito. Natutuwa ako sa kanya. It's a diversion from Coreen. If only I can fall in love with her.

Pinapanood ko siyang pulang-pula ang pisngi habang nag rereport sa harapan. Imbes na siya ang isipin ko ay si Coreen ang nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakakunot ang noo at naka pout ang cute na lips.

Umiling ako at ngumisi. Lintek na labi yan. Ugh! This is making me crazy. Tiningnan ko siya nang di ginagalaw ang ulo ko. Nakita kong matatalim ang titig niya kay Leonore habang nag rereport.

"Jealous, Coreen? Finally, may nagmamahal sa akin ng ganyan. The way I want you to love me."

Bumaling siya sa akin kaya humalukipkip ako at nagkunwaring seryosong tinitingnan si Leonore. From then on, balik na naman ako sa dating gawi. Sisiguraduhin kong batid ni Coreen ang lahat ng pinagdadaanan namin ni Elle.

"Rozen, date tayo." Anyaya ni Elle.

"Huh? Ikaw man libre. Ikaw nag yaya!" Biro ko.

"Oh bah!"

Nalaglag ang panga ko. She's that desperate? Paano na lang kung sa mahal ko gustong kumain?

"Pero pwedeng sa Mcdo lang?" Tanong niya.

Ngumuso ako.

Cute siya. Sayang pero si Coreen ang mahal ko. Sumama ako kay Elle. Sinakay ko siya sa sasakyan ko. Palabas kami ng school nang nahagip ng tingin ko si Coreen na sumasakay ng taxi.

Talak nang talak si Elle habang tinitingnan ko sa side mirror na sinusundan kami ng taxing sinakyan ni Coreen. You're are freaking jealous! Ha-ha!

Kaya naman nang dumating kami doon ay biniro ko pa lalo si Elle. Masarap siyang biruin dahil hindi siya pikon tulad ng iba diyan...

"Ayaw ko dito. Gusto ko dun sa restaurant!" Pag iinarte ko.

"Ha? Wala akong pera, Rozen. Ito lang kaya ko!" Sabay tawa niya.

"Wala ka palang karapatang i date ako?"

Kung si Coreen ang sinabihan ko nito, paniguradong puputok ang butchi nun.

"Anong wala! Lahat may karapatan! Basta ba pagbibigyan!" Kumindat siya at kiniliti ako. "Uyyy kinikilig siya!"

Tumawa ako. Baliw ang isang ito.

"Wa'g mo nga akong kilitiin!" Utas ko pero nagpatuloy parin siya kaya naman ay hinabol ko hanggang sa maikulong ko siya sa pintuan.

Nahagip sa gilid ng mga mata ko ang taxi na inarkila ni Coreen. Siguradong kitang kita niya ito kaya lumapit pa lalo ako kay Elle. Ngumisi at pumula ang pisngi ni Elle sabay hawak sa dibdib ko.

Diretso ang tingin ko sa mga mata niya... At doon ko napagtanto, it will forever be Coreen. That's for sure. Umatras ako para tingnan ang taxing ngayon ay umaalis na. Napawi ang ngisi ko.

It will always be you. Only you. Kahit anong sakit. Ikaw lang. Mahal na mahal parin kita. Hope you'll realize this.

Nang dumating ang birthday ko at kinantahan ako ni Elle, nagkita kami ni Coreen at doon na siya gumalaw. Really? After six months ngayon pa lang siya gagalaw?

"Rozen." Tawag niya.

"Ano?" 

"Pwede ba tayong mag usap?" 

Nagkibit-balikat ako, "Nag uusap na naman tayo, ah?"

"Hindi. I mean... Yung tayong dalawa lang."

Tumango ako. "Alright. Okay."

Sumunod ako sa kanya. Sa parking lot kami nag usap. Nakita ko ang arte sa mukha niya habang nag so-sorry siya sa harapan ko.

"I'm sorry sa lahat. Sa noon. Sa pagtaboy ko sayo." Aniya. "Sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Sa paninisi sa'yo. I'm sorry."

Tumango ako at kumuyom ang aking panga nang aalala ang lahat ng iyon.

"Sorry kasi hindi ko maintindihan kung paano mo ako minahal noon. Kung bakit ganun ang mga ginawa mo. G-gusto ko lang malaman mo na nanghihinayang ako sating dalawa. Na... pinakawalan kita noon kahit mahal kita. Hindi naging sapat ang pagmamahal ko para patawarin ka. Hindi naging sapat ang pagmamahal mo para makita yung mga ginawa mo. Gusto ko lang sanang sabihin na..." 

Kumuyom pa lalo ang panga ko. Naalala ko kung paano ako nabaliw sa kanya noon. Naaalala ko kung paano ako naging warak nang iniwan niya ako. Literal na akong nabaliw noong inumaga ako sa beach nang iniwan niya ako. Nag hahallucinate pa ako noong nagkasakit ako na nandyan siya.

"Babe, mahal na mahal kita. At sorry kung pinakawalan kita."

Tinawag niya ako sa endearment ko sa kanya. Nalusaw ang galit ko. Lusaw na lusaw ito. Pero pakiramdam ko hindi ito tama. I've seen the way she looked at Elle. Is this just competition to you, Coreen? Labanan ng ego? Dahil may ibang nakapansin sa akin, saka ka naman kikilos? Sa loob ng anim na buwan, wala kang kahati diba? Oo, hanggang ngayon wala kang kahati... Pero feeling mo meron kaya ngayon mo napiling kumilos? Bakit noong dumating ako, hindi ka agad nagtapat sa akin? Bakit ngayon lang? Bakit? Is it because of your ego? Ego tripping lang?

"You shut up, Coreen! Just shut up! Paasa ka! Ilang beses tayong naghalikan noon at... Oo! Oo! Sinabi ko sayong magpanggap ka! Sinabi ko sayo! But I can tell kung kelan ka nagpapanggap at kelan hindi... Tapos? Ano? Ngayong kayo na ni Noah ang naghahalikan, anong sasabihin mo sakin? nagpapanggap ka?" Mabilis ang kalabog ng puso ko.

HIndi ko tinanggap ang bawat pagputol niya sa akin. Oo, dahil sa loob ng anim na buwan ay ilang beses ko silang nakita ni Noah na magkasama. Fuck! Ilang beses ko silang nakitang naghalikan! Kaya hindi ko nagawang magtapat sa kanya dahil dun! At ngayong nakita niyang meron akong Elle, saka pa lang siya magmamakaawa ng ganito?

Yes, I love you sooo much. So damn freaking much! But I won't allow you to break my heart again! Hindi na pwede iyon! Pag bumigay ako sayo, sa oras na mag makaawa ulit ako sayo, ako naman ang sasaktan mo.

Kaya lang... nang tinalikuran ko siya, nawasak lang lalo ang puso ko.

"Dahil mahal na mahal ka niya... Dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanya... Gagawin niya ang lahat para sayo. Ako rin naman, kaya kong gawin iyon. Please, Rozen, come back to me. Come back to my life. You are mine to begin with."

Fuck! She's so cocky. Gusto ko na agad bumalil. Gusto ko agad siyang yakapin. Alam na alam niyang sa kanya parin ako ng buong buo. Alam niya. Ang daya niya! Shit!

Umiling ako, "No, Coreen. You don't own me."

Unti-unti kong naaninag ang maliwanag na ilaw galing salabas. Puting puti ang kanyang soot at natatabunan ang magandang mukha niya sa belo. I love you so much, beautiful.

Nagsimulang kumanta si Wade sa kantang pinili ko para sa pag lalakad niya patungo sa akin.

"I miss the sound of your voice

And I miss the rush of your skin..."

Napapikit ako. Finally, I got the girl. Finally, I got you Coreen Samantha Aquino.

Ngumisi ako nang nakitang ngumiti din siya. Nakahawak siya sa braso ng kanyang daddy at nasa gilid niyang kumakaway ang kanyang mommy.

Niliko ko ang sasakyan nang nakita kong nakahandusay si Elle sa tabi ng daan. She's a wreck. Is it because of us?

"Rozen, hayaan mo na si manong. May mga kakilala naman si Elle sa loob." Utas ni Coreen habang pinapanood akong itinatayo si Elle kasama ang guard.

"Teka lang, Coreen. Lasing siya. We need water." Utas ko.

"Uhm... May tubig naman siguro sa loob?"

"At may sugat siya sa tuhod." Nakita ko ang dumudugo niyang tuhod.

"Yung bartender ng bar na yan, friend niya. Eh hayaan mo na lang. Mamaya aasa yan kasi ikaw ang nag asikaso."

"Coreen, wala siyang malay. Hindi niya yun malalaman."

Inakay namin ng guard si Elle papasok ng Club Tilt.

"Rozen, I want to go..." Mariing utas ni Coreen.

Kumunot ang noo ko. We will go, Coreen. Ipapasok ko lang siya sa loob.

"Okay. We will. Please wait." Sabi ko.

"I want to go now!" Frustrated niyang sigaw sa akin. "Rozeeen!" 

Bumuntong hininga ako. Anong problema ng isang ito at bakit bigla na lang siyang naiirita at nag yayayang umalis? Ilang segundo ko lang namang binuhat si Elle ah?

"YOU WAIT, COREEN!" Sabi ko at pumasok sa loob.

Nang naipasok ko na ay binilin ko na sa guard ang pag aalaga kay Elle. Nagmadali akong umalis para tignan si Coreen. Nakita kong nakahawak siya sa kanyang bibig at parang naduduwal habang pumapara ng taxi.

"Coreen!" Sigaw ko pero nakapasok na siya sa loob.

Nanliit ang mga mata ko at sinundan ang taxi. Naduduwal siya? Pero gabi... So ibig sabihin nakainom yun? Paano kung nabuntis yun? Hindi yun pwedeng uminom, a? Lintek na Noah! Isinama pa talaga ang asawa ko sa kahibangan niya! Ayan tuloy. It's either buntis siya, may sakit, o nakainom. Pero nung hinalikan ko siya ay wala naman akong naramdamang alak.

Doon ako nagsimulang magduda. At sa mga mood swing niyang hindi ko ma unawaan. Hindi ako nagpapatinag. Especially now that I think she's really pregnant.

Ni wala siyang ganang makipag five star hotel sa akin. May pagbabago talaga sa mood niya. It's been four weeks now since our first. Duda ko doon, e. Hindi ko tinanggal. Hihi. Alam kong peak niya iyon. Syempre, may kopya ako ng My Calendar App niya noong college pa lang kami. Hindi iyon natanggal sa cellphone ko. At ang alam ko ay regular ang menstruation niya.

"Coreen?"

Narinig ko ang pagduduwal niya sa loob ng bathroom. Napangisi ako. It's morning sickness, baby. Affrimative!

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" Sigaw niya sabay turo sa akin.

"I'm just checking on you. Wala yung mommy at daddy mo. Asan sila?" Inosente kong utas.

"I DON'T KNOW! UMALIS KA NGA DITO SA KWARTO KO!"

Tinulak niya ako palabas. Nakita ko ang panic sa mga mata niya. Napangisi ako. No, babe, don't panic. Pananagutan kita. At ipapangalandakan ko pa ang pagbubuntis mo.

"Kailangan kong pumunta sa mall! At gusto ko hindi ka kasama!"

Mas lalo akong ngumisi sa pang huling sinabi niya. There's something really weird going on with her.

"Hello, Kuya Dash." Tumawag ako kay Kuya habang pinagmamasdang umorder si Coreen ng spare ribs sa isang american restaurant.

"Rozen, napatawag ka?"

"Nung nag bubuntis si Ate, anong mga sintomas?"

"Bakit mo naitanong?"

"I just want to know..." Nagkibit balikat ako.

"Ilang weeks ba? Depende kasi yan sa weeks at sa tao din?"

"Hmmm. Say... 5 weeks?" Sabi ko.

"Sino ba ang nabuntis mo?"

Tumawa ako, "Hindi pa ako sigurado. Pakiramdam ko, oo, pero gusto kong makumpirma."

"Edi ipregnancy test o ipacheck sa OB! Use your common sense."

"Ah! Si Coreen, kuya. Hindi ko kayang dalhin sa OB baka patayin ako."

"WHAT? SI COREEN! SHIT!? Rozen! You got her?"

Tumawa ako.

Ibang klase ang kasiyahang naramdaman ko nang narinig iyon kay Kuya Dashiel.

"Yes, I got her, kuya."

"Really... T-teka... nasabi mo na ba ito-"

I rolled my eyes, "I want to know the symptoms! Wa'g mo akong tanungin ng marami."

"You idiot! Walangya! O sige, I'll refer you to our OB!"

Ngumisi ako lalo na nang nalaman kong tumutugma ang mga ipinapakita ni Coreen na sintomas. At lalo na siyempre nang hinagisan ko siya ng pregnancy test at todo na lang ang deny niya. She's darn scared. And it's part of her mood swings. Kailangan ko ata siyang mas lalong bantayan.

"I want you pregnant." Bulong ko sa kanya nang natapos ang kasal ni Reina sa loob ng sasakyan.

Nidedeny niya. Natatakot akong baka nagkamali ako sa mga haka ko. Kaya inatake ko pa lalo ang labi niya. Kung hindi nga kita nabuntis, then I'll make sure you'll be pregnant right now.

"I am." Utas niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at tumigil sa paghalik. Nalaglag ang panga ko at diretsong tinitigan ang kumikislap niyang mga mata.

"You are? Really?" Hinawakan ko ang tiyan niya at dinama ko ang baby sa loob.

I knew it! I KNEW IT! Buong akala ko wala ng sasaya pa sa marinig sa kanyang mahal niya rin ako... buong akala ko wala nang mas sasaya pa sa maangkin siya gabi-gabi sa kama, sa kahit saan... meron pa pala. And it's hearing that we have a new Elizalde coming... and from the love of my life.

Hinalikan ko pa lalo siya. Tumindig ang bawat balahibo sa balat ko. Ibang klaseng sensasyon at pag iinit ang naramdaman ko sa katawan ko. Ito. Siya lang ang kayang gumawa sakin nito. Siya lang. Only Coreen Samantha A. Elizalde can do this to me. Hinawakan ko ang gitna ng hita niya. Huminga ako nang malalim lalo na nang binahagi niya agad ang binti niya. Instinct, Coreen. Ngumisi ako habang pinapaulanan siya ng halik sa leeg.

"B-But I'm pregnant, Rozen."

Kinagat ko ang leeg niya ng marahan sa sobrang gigil ko.

"Exactly why I'm so turned on right now."

Ngumisi ako nang nakitang papalapit na siya sa akin. Ang daming tao pero siya lang ang nakikita ko. Nakaputi ang lahat pero siya lang ang nakikita ko. The love of my life is finally going to be mine. The chase is finally over. This is her dead end. Ang altar. Ako.

"And I miss the still of your silence

As you breathe out and I breathe in..."

Hinalikan siya ng kanyang umiiyak na mga magulang. Pero diretso ang titig niya sa akin. Diretso din ang titig niya sa akin kahit panay ang bulong ni Noah, daddy, mommy at Reina sa akin.

"Finally, Rozen." Utas ni Reina. "Your dreams are coming true."

Kinagat ko ang labi ko.

"If I could walk on water

If I could tell you what's next

I'd make you believe

I'd make you forget..."

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Tinanggap ko at buong pusong hinalikan. Narinig ko ang marahang tili ng mga relatives naming nanonood.

"I can do more corny things just for you." Kumindat ako.

Pumula ang kanyang pisngi.

"So come on, get higher, loosen my lips

Faith and desire and the swing of your hips

Just pull me down hard

And drown me in love..."

Sabay kaming tumungtong sa altar.

"I miss the sound of your voice

The loudest thing in my head

And I ache to remember

All the violent, sweet, perfect words that you said

If I could walk on water

If I could tell you what's next

I'd make you believe

I'd make you forget..."

"I love you so much, Rozen. Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko sayo. I love you just isn't enough."

Ngumisi siya, "Paano ako? Kung hindi iyon enough sayo, mas lalo na sakin. I did everything just to make you mine."

Ngumisi siya, "I know."

Umiling ako at ngumisi din, "You heartless love of my life."

"I'm heartless because my heart isn't with me. It's with you, Rozen." Ngumisi siya.

Finally, I got her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro