FIVE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

5.

Remedy.

"Veka!" I shouted when I saw them outside the cafe. We haven't seen each other for ages. It's a good thing to spend  some time with my friends again so I called them one by one. Lahat naman sila ay free lalo na si Jaida kapag pagkain ang usapan.

"Ang ganda mo parin ah?" Nakangising bati ni Simon sa'kin.Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso na naging dahilan naman ng pang-aasar ng iba.

Simon, Jaida, Veka, and I were friends since highschool. Even though we go to different Universities we make sure to find time para makapag get together. Ngayon lang kami nawalan ng oras sa isa't isa. I think umabot na ata ng dalawang buwan bago kami nakapag kita uli. You know, we had to deal with our own problems first.

"How's your vacation?" Tanong ko dahil kakauwi lang ni Jaida last week galing sa US para mag OJT. She recently finished the remaining hours kaya ngayon, makakahinga na siya ng maluwag.

Umismid siya. "Excuse me? Anong vacation? I lose weight dahil doon kaya naman I'll make sure na mababawi lahat ng kilo ko ngayon!"

We were looking for a good place to eat and Jai happen to know someone who owns a restaurant. Sabi niya ay kaibigan niya 'yon na grumaduate 3 years ago. Nakakagulat lang dahil may restau na agad siya, she must be so successful already.

"Order na kayo," Halos minu-minuto ay may mga taong tumitingin sa gawi namin dahil sa ingay nila. Sobra silang nagkakagulo sa mga pagkain na naka display sa menu, akala mo mga bata. "It's on me.Just make sure na mauubos niyo."

And that made them go wild. "Ayun naman pala. Go na guys, uubusin natin laman ng card ni Adi!" walang hiyang saad ni Simon. Natawa na lang ako dahil naguunahan sila tawagin ang waiter. Akala mo naman matagal nang hindi nakakain.

"Pucha, gutom na 'ko. " reklamo ni Simon. Agad naman siyang binatukan ni Jaida.

"Shut your mouth, ha! Bastos ng bibig eh, kitang kakain na tayo."

"Nyenyenye," pang-aasar pa ni Si.

"Putangina naman-" napatakip ng bibig si Jaida matapos marealize na siya na mismo ang nagmura. Mas malutong pa kay Si. Nagtawanan kami dahil nagsimulang mamula ang mukha niya sa inis.

"Ayan, kunware banal."

"Mama mo kunware! Ikaw nga hindi alam pagkakasunod-sunod ng New Testament!"

"Alam ko na kaya. Matthew, Mark, Luke, John! Ano, ano, ano?Palag!"

Nanlaki ang mata ko matapos marinig ang pangalan na 'yon. Pinaghalong inis at hiya ang naramdaman ko bigla. That day, after asking him why he was sorry, he just plastered a smile on his face. Dahil sa inis, iniwan ko siyang nakatayo doon habang pumasok naman ako uli. I even waited for him to call me sa gate pero hindi niya ginawa. My god.

I didn't see him even in our village. Kahit maaga o late ang uwi ko, our paths never crossed again. Minsan ay pasimple kong sinisilip ang tirahan niya pero laging sarado. Kahit gabi ay iisang ilaw lang ang nakabukas.

I don't even know why I'm eager to see him again when in fact I should be avoiding Matthew. Siguro ang dahilan ay gusto ko siyang tanungin uli para mapunan niya ang gumugulo sa isip ko. Siguro nga, ganon 'yon. I want him to clear his name to me, ayoko nang mambintang ng mambintang.

Speaking of pagbibintang, I never saw ate Jianah too. Parehas sila ni Matthew na nawala na parang bula. I went to her house but to my dismay, her mom told me that she wasn't home for days.

"Sige, lutang nanaman siya oh!" I retrieved my senses back when a hand hit my shoulder. Hinampas pala ako ni Veka dahil inaantay nilang lahat ang order ko. Puro reklamo ang narinig ko kesyo gutom na raw sila at tanghali na.

"Kung ano na lang kay Simon,"sagot ko. Agad naman silang nagtawanan kaya nangunot ang noo ko.

Nang bumaling ako sakanya, nagmukha siyang defensive agad."Gutom kasi ako, pwede? Hindi naman ganon karami!" Bayolente siyang nagkamot ng batok kaya umiwas ako ng tingin para pigilan ang tawa ko.

Turns out, he ordered a lot of platter.Take note, para sakanya lang 'yon lahat . Mali pala na gayahin ang order niya,baka pumutok ang tyan ko kapag kinain ko rin ang kakainin niya.

"Nabusog ako, shet," sabay-sabay kaming sumigaw nang dumighay si Jaida sa harap mismo namin. Wala manlang pasabi, hindi pa nagtakip ng bibig.

"Sorry aken," Napailing na lang ako. My god, akala mo hindi twenty. She's the oldest in our group yet she's the most 'mature'.

Nagpaalam na kami sa isa't isa. We should call it a day already. Halos dalawang oras din kaming nagstay sa restau kaya puro kain ang ginawa namin.I was about to hail a cab when Veka called me.

"Hey, later ha? Sasama ka sakin. I'll be waiting!"

Oh, that.

She invited me to come with her later tonight. Ang sabi niya kailangan ko na daw ma-experience mag punta sa bar since I am now eighteen. Masyado siyang atat na madala ako sa lugar na lagi niyang pinupuntahan.

I am torn between going or just staying inside my room. Wala naman akong damit na pang party, e. Isa pa, marami pa akong pwedeng gawin imbes na gumala sa gabi.

Nakarating ako sa house ng around 5 pm dahil dumaan pa ako sa bookstore. I had to buy something dahil birthday daw ng kaibigan niya ang nagpaparty. Even though I don't have any idea kung sino siya, bumili pa rin ako ng books na sabi ni Veka magugustuhan niya.

I just find it weird, though. Akala ko hindi napupunta ang mga bookworm sa mga bar. Nagkamali lang pala ako. I guess they can balance their time like partying and studying.

"Gina, kailangan mo ba talagang umalis?" I heard my mom's voice from the living room kaya tinahak ko ang daan papunta roon. Naabutan ko siyang hawak ang kamay ni ate Gina. My eyes widened when I saw her bag on the floor.

"Sorry po ma'am... Kailangan ko na talaga pong umalis.." She was avoiding my mom's gaze. Para siyang kinakabahan na ewan,but guni guni ko lang siguro.

Three years na rin namin siya naging maid, and sa mga taon na yon, wala siyang nagawang pagkakamali para paalisin namin siya. She was excellent on her job. Sinuswelduhan naman ata siya ng tama kaya nakakagulat na gusto niyang umalis.

I stopped eavesdropping.Hindi ko na pinakinggan pa ang lahat ng pinag-usapan nila. Umakyat na lang ako sa kwarto para makapaghanda ng susuotin. I think I'll go.

"You're here, thank goodness!"

Masaya akong binati ni Veka sa labas ng bar na tinutukoy niya. Nag grab lang ako papunta rito dahil ayoko nang bulabugin pa ang driver namin. I know na kapag sinama ko pa ay for sure pag-aantayin siya ni daddy. He can't stay up all night, may trabaho pa siya bukas.

I ended up wearing a cami cropped top and a pair of ripped jeans. Muntik pa akong matapilok habang naglalakad papalapit sakanya. I wore black stilletos, this was the first time na magagamit ko ito. It's too precious dahil regalo ito ni Veka nung debut ko.

"Wow,ang ganda," puri niya. Hinagod ko naman siya ng tingin at talagang nanliit ako nang magtabi kami. She has the body of a Goddess!Hapit na hapit sa katawan niyang mala hourglass ang suot na pulang bodycon. Halos lumuwa pa nga ang hinaharap niya, nagpupumilit na makalabas.

Pinagmasdan ko ang itsura ko sa bintana ng nakapark na car sa tabi namin. I look like a different person! My hair was curled and tied into a high pony tail. I also left a few strands on both sides to make my face look smaller. I rarely dress up and put on makeup, kaya naman nakakapanibago tuwing napapatingin ako sa salamin.

"ID?" Agad akong umatras nang may humarang sa amin na lalaki. Sobrang tangkad at laki niya kaya nakaramdam ako ng takot. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa paraan ng pagtitig niya sa amin. Wala manlang ako makitang emosyon sa mata niya.

This is what I'm talking about a while ago. Baka mamaya hindi ako papasukin sa loob tapos maka cause pa ng scene. Ewan ko ba pero masyado akong napaparanoid, kaya siguro naiimbyerna na si Veka.

"Dala mo sayo?" siniko ako ni Veka kaya binuksan ko ang wallet ko. Mabuti at pinaalala niya sa akin na dalhin 'to kanina.

I was sweating bullets when he returned my ID.Muntik na akong bumagsak sa panginginig!Gosh, pinasadahan niya pa uli kaming dalawa ng tingin bago pinapasok sa loob.

Oh my god, akala ko aatakihin ako sa puso. Nakakatakot ang mga bouncer dito, ang lalaki ng katawan at puno ng tattoo. Though Veka assured me that this place is safe, I couldn't just stand still and keep calm.

"See? You're good! Eighteen ka na, there's no need to worry."saad niya.

My grip tightened on her arms when we entered the place. It reeked of alcohol and cigar and the party music was really loud. Halos hindi na nga kami magkarinigang dalawa.

Nataranta ako nang may group ng mga lalaki na lumapit sa amin. They didn't look like creepers but I couldn't keep my shit together when I'm breathing the same air with strangers - specially boys.

"Yo,Veka!" bati ng lalaking may ear piercing.May blue highlights ang malago niyang itim na buhok pero nakakagulat dahil nababagay 'yon sakanya. When he smoothly pushed his hair back, his chiseled jaw was emphasized.

"Kevin! Long time no see!" Umawang ang labi ko nang yakapin niya ang tumawag sa kanya. Mukhang sobra silang close kaya nanatili na lang akong nakatayo sa tabi nila. I just eyed the crowd.

It turns out na blocmates niya pala si Kevin at Gian while kaibigan naman nila si Levi and Elo kaya naging kaibigan narin niya ang dalawa. Ang gulo pero that explains it.

Naka-adjust na ako sa kanila. Mukha naman silang mababait. Besides, Veka wouldn't befriend assholes so I kinda let the walls between us melt.

"Gusto mo ba 'to?" Gian was making me choose between the two clear bottles of liquor he was holding. Wala naman akong masyadong alam kaya nagkibit-balikat nalang ako. He can decide for himself.

"Wag maging wild agad, okay?! Pavirgin ka muna sa hard liquor, I'll be back!" I rolled my eyes when Veka walked away with some girls. Mukhang pupunta ata sila sa dance floor para magsaya. Kami nalang tuloy naiwan ng mga kaibigan niya sa couch namin.

I curiously eyed the shot glass in front of me. Gian was pouring a Jose Cuervo in it.Binase ko lang sa label ng bote. I'm a bit nervous because I still don't know what's my alcohol tolerance. What if bumagsak agad ako pagtapos ng isang lagukan? I don't know.

Nakainom na ako dati, kaso wine lang naman 'yon. I haven't tried drinking beer and the likes. Ibang-iba naman ata ito sa flavored wine namin sa bahay.

"Try it!" The boys cheered for me.

Umawang ang labi ko nang dumikit sa akin si Gian at bumulong. I can feel his breath on my ear."Drink it slowly, baka mabigla ka." he then smiled after. Napansin ko lang na siya ang pinaka gentleman sa kanilang apat. Though, lahat naman sila ay mabait. Naiilang lang ako sa pagtitig sa akin ni Kevin,parang anytime ay mangangagat na siya. Wag naman sana.

I ended my curiosity and chugged on the shot glass. Hindi ko sinunod ang sinabi niya at marahas na binaba ang baso matapos kong ubusin ang laman ng isang lagukan.

I held my throat when I felt something weird.Napapikit ako dahil sa naramdamang init sa lalamunan, parang may gumuguhit. Umubo ako kaya agad akong inabutan ng tubig ni Gian.I drank it all before facing him.

"Diba dapat chaser binigay mo? Tama ba ako?" Takang tanong ko. Actually I was just guessing. Naririnig ko lang naman 'yon sa iba.

He just shrugged and smiled. Pinuno na niya uli ang shot gloss namin kaya naghanda na uli ako para makaramdam ng kakaiba sa lalamunan ko.

Even though there's a bitter taste, parang gusto ko pa rin tumuloy. May kakaiba akong nalalasahan, e. Parang may matamis din. Maybe I'll be able to  point it out kung susubukan ko uli.

I drank another glass, and then it was followed by another one... hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang na ang nalagok ko.Basta tuwing nainom ko na, awtomatikong lalagyan agad nila ang shot glass ko na agad ko namang tinatanggap.

My eyes were fixed on the girls dancing wildly. Hinahanap ko si Veka pero hindi ko siya makita sa dagat ng tao. I was feeling hot, pinaypay ko ang kamay ko sa mukha dahil tagaktak na ang pawis ko sa noo.

"Saan ka?" Kevin wrapped his arms around my waist when I stood up. Nakaupo pa rin siya habang nakatayo ako kaya ang weird ng posisyon namin. I pushed him away from me, making him lose his grip.

"Dansh flour?" I laughed when I heard myself. Ang silly ko pakinggan!

I didn't ask for approval, hindi rin naman ako nagpapaalam. I went to the dance floor but it seems like I was glued on my spot. Pinanood ko lang sila kung paano nila sinasabayan ang ritmo ng malakas na tugtog.

"Hey!" Napasigaw ako nang may babaeng humila sa akin palapit sa dance floor. She was having the best time of her life, I think. Tuloy lang siya sa pagsayaw habang ineengganyo akong sumama. "Join us!"

Hindi ko siya kilala pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakikisabay sa galaw niya. I mimicked her moves, making her grin. Unti-unti na akong nakakasabay sa mga tao sa paligid ko kaya umabot na ako sa gitna.

Sobrang saya! May iilan pang babae na nagtetwerk at nag bobody roll kaya naisipan kong gayahin. I just laughed when I failed.Hindi nga talaga ganon kalambot ang katawan ko.

I swayed my hips from left to right. My body was already one with the whole crowd. The more I dance, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. The heat that was building inside me was slowly fading.

For some reason, I kept on laughing. Kahit walang nakakatawa ay tawa ako ng tawa habang tumatalon. Maybe it's because of the party music? Or baka dahil sa moves ng katapat kong lalaki. Mukha siyang baliw pero tumawa na lang ako. He's having fun, I think that's what matters.

Nakakatuwa, all my pain and worries were washed away! Kasiyahan lang ang nararamdaman ko ngayon. Kung dati ko pa sana alam ang ganto, edi sana matagal na akong sumama kay Veka kahit underage pa ako. Magagawan naman 'yon ng way!

"Yaaay!" Ngumanga agad ako nang may nagtapat ng bote sa bibig ko. It was just a random person but  I didn't bother looking at her face. Basta kontento na akong nakainom. It tastes good as hell! Gusto ko pa.

"Okay, that's enough little girl," It was Levi. He was smirking while resting both of his hands on my shoulders. Hinatak niya ako mula sa dagat ng mga tao pero nanlaban ako.

"No! Danshing ish fun!" Can't he see that I'm enjoying? He must be blind!

"Pahinga ka lang sandali, balik  ka mamaya." pang-uuto niya.

"Fine! I want to drink, ha..."

I kept on blabbering while we were on our way back. Tango lang ang sinasagot niya kaya hinampas ko siya sa braso. Hindi rin naman ata siya nasaktan kasi hindi nagbago ang itsura niya. Unfair!

"You're not interested naman sa stories ko, e..." I said, forcing myself to shed a tear.

How dare he! I thought magkaibigan na kami pero wala pala siyang pake sa pet kong ahas.

"Nakikinig ako. Diba sabi mo Oggy pangalan ng ahas mong alaga?" Tumawa siya bago ako inalalayaan pabalik sa upuan ko.

The boys were still drinking. Parang tubig lang sakanila ang alcohol ang galing! I leaned closer to Gian when I saw him pouring another glass.

"Penge."

Nagtagal ang mata ko sa mukha niya. His breathing hitched when I went closer.Nang makabawi ay isang napaka cute na ngiti ang pinakita niya sa akin.

I watched how he brushed his curly, brown hair. Habang tumatagal, napapansin ko na may iba siyang lahi. Ang sabi niya kanina ay half Filipino and half Afghanistan siya. I didn't know na pwede pala makapag produce ang ganoong mixed na lahi ng ganito ka cute na nilalang. His facial features were soft, kapag makikipagtitigan ka sa mga mata niya, parang kahit nagwawala ka ay agad kang titigil dahil sa sobrang amo ng mga 'yon. He looks appealing and friendly, I can say.

"Lasing ka na nga, hahaha!" Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niya kaya mabilis ko siyang tinulak.Napahawak naman ako sa ulo ko dahil parang nakaramdam ako ng hilo.It's okay though. I'm a strong woman!

"I worked hard for this!"

"Nag trabaho ka para sa buhok? Cool."

I was about to answer him when I saw a familiar built on my peripheral view.

"Andito na pala si Theo."

I'm seeing doubles! Bumaling ako sa gilid at nakitang may dalawang Matthew na naglalakad palapit sa amin. Oh my god!

[] [] [] [] []

Took me a while to update kasi andami kong drafts sa chapter na'to.

Anyway, stay safe everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro