THREE

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

3.

Call.

"Hey," bati sa akin ni Rio.

I was barely living. Kahit mahirap, pumasok na uli ako dahil marami nang gawain.Tapos na ang binigay na oras sa akin ng mga prof ko para sa mga kailangang ipasa.

Hindi ako nagsalita. I just continued walking like a zombie. Aware ako na halatang-halata na ang eyebags ko. Nabawasan rin ang timbang ko dahil kahit anong gawin, wala talaga akong gana kumain.

"Ayos ka na ba?" Sumunod pa rin siya hanggang sa maka upo ako.

I kept telling myself to be nice, since wala namang siyang ginawa sakin pero hindi ko talaga mapigilang samaan siya ng tingin.

He just won't shut up, it's pissing me off.

"May dala akong sandwich, gusto mo?" Alok niya.

I watched him take the food out from his bag. Nasa loob 'yon ng baunan at may sticky note pang nakadikit. Inabot niya 'yon sa akin pero nanatili akong nakatingin.

"You told me you like chicken sandwich, so I made-" I cut him off.

"Ano tayo? Elementary students?"

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Maybe I'll go to the clinic and skip classes.... I don't know. Gusto ko lang mapag-isa.

He was stunned by my answer. Binalik niya sa loob ang inalok na pagkain, halatang napahiya.

Earlier, I woke up feeling empty. Ni katiting na emosyon wala akong naramdaman.Hindi ko magawang ngumiti, my face remained blank.

"Sorry," he said.

Doon na ako natauhan. Pati ako, nagulat sa sinagot ko. I was never rude to him, or to any of my friends. Maybe I was really stressed and pained. Hindi ko dapat siya dinadamay sa mga problema ko.

I went back to my seat, confusing him.

" Sorry," ulit niya.

Nakaramdam ako ng guilt. Naalala ko lang, hindi siya pumalya sa pag message sa akin gabi-gabi para kamustahin ako. Even though I did not reply, he was so persistent.

Tipid akong ngumiti bago nilabas ang laptop ko mula sa bag. Hindi na siya nagsalita pa at nagfocus nalang sa hawak na rubics cube.

I feel sorry but I don't want to talk. Maybe later.

Inabala ko na lang ang sarili ko at stinalk ang Facebook account ni ate.

I  felt my chest hurting but I continued scrolling through her account. Binuksan ko ang album na ginawa niya para sa akin. It was filled with my pictures, mula baby pics at stolen ay nandoon.

Naalala ko pa na nakipagtalo ako sakaniya dahil dito. I was ashamed that time, pinost niya kasi 'yung picture ko noong bata pa ako habang naka suot ng two piece. Masyado akong mataba dati kaya napaka laswa tingnan.

She said it's cute, though. Hindi ko naman makita.

I bit my lip and stopped scrolling when I saw my most recent pic with her. It was taken last month, nung nag punta kami sa boracay. Kaming dalawa lang. Indeed, I had  a lot of fun spending time with her there. Kung alam ko lang na huli na 'yon, sana sinulit ko pa.

Nasa buhangin kami, parehas na nakaupo pero dikit na dikit sa isa't isa. Naka akbay siya sa akin ay todo ngiti habang naka simangot naman ako.

I was pissed that time because she wouldn't let me drink. Sabi niya ay minor pa ako.Sinagot ko naman na magiging 18 na ako in a few weeks pero tumawa lang siya at nanghatak ng lalaki para kuhanan kami ng litrato.

Our prof arrived so I needed to close my laptop. Binalik ko na 'yon sa bag at sinubukan nalang na makinig.

I've been gone for 5 days. It wasn't even a week, pero ang dami ko nang dapat habulin. Wala akong balak pumasok, pero naisip ko na hindi gugustuhin ni ate Kira na pabayaan ko na lang ang studies ko.

It was really hard for me to accept her death. Nanatili ako sa kwarto ko ng ilang araw,walang kain at tulog. My memory of her lifeless body bathed with blood flashes on my mind every time I try to sleep.

Afternoon came, natapos na ang huling subject ko kaya nagmamadali akong umuwi. My sister's wake isn't finished yet.

Dumating ako sa bahay at nadatnan ang mga pulis. Mukhang hindi pa rin sila tapos sa pag ininspect sa bahay namin. Narinig ko sa kwarto nila daddy na kinuhanan ng statement ang iba naming kalapit-bahay na pumunta dito ng gabing 'yon.

I was wondering why it's taking so long for them to know who the culprit was. Nauubusan na ako ng pasensya. Hindi naman pwedeng malibing na lang si ate ng walang nakukulong.

Kung sino man ang gumawa non sa kapatid ko, kailangan niyang mag bayad.
Hindi lang buhay ng kapatid ko ang nawala kundi pati ang anak niya. Magiging tita na sana ako, but they took my chance to be one.

The bald police with a huge ass stomach eyed me from top to bottom. I felt uncomfortable.

"Bakit?" Lakas loob kong tanong.

"Baby, pumasok ka na sa loob." She's holding a paper which I assume was a report given to her.

I glared at him before going in, hiding my clenched fists behind me.

Ayoko rin naman dito sa labas, medyo maraming bisita dahil sa burol ni ate. I'd rather spend time inside my
room than be fake with them.

Mabuti at sa may garahe lang sila pwede dahil nandoon si ate. Visitors are strictly prohibited to go in our house, unless na lang kung relative. Hanggang 12 lang pati pwede. We automatically close our gates pagpatak ng oras na yon.

Naabutan ko si kuya Cian at Lola na magkausap sa kusina. They were both looking serious kaya hindi nila ako napansin sa likod.

I opened the fridge and got a glass of milk, hoping it would help me doze to sleep. Ramdam ko ang mga mata nila sa likod ko. They seem to realize that I just arrived. Nanatili akong tahimik hanggang sa makalayo sa kanila.

Kuya became busy after what happened to her wife.Just like anyone else in this house, wala rin siyang tulog. Pinapagod niya ang sarili  para makalimutan kahit papano si ate, but I guess it wasn't successful.

He goes here every afternoon and stays until dinner, pero doon siya umuuwi sa bahay nila.

We haven't talked for days.

"Ma'am, sayo po ba ito?" One of our helpers, ate Gina, took something out from her pocket.

Nagtataka kong pinagmasdan 'yon. Sigurado akong hindi 'yon sa' kin o kay mommy. Diamond and silver was her thing, hindi siya mahilig sa gold. Besides, I've never seen her wear this.

Hindi rin naman 'to sa akin at mas lalo namang hindi kay ate. Wala siyang hilig sa mga jewellery o kahit anong accessories. She invests on bags and clothes only. Minsan, manghihiram siya kung kailan talaga para sa events kaya naman laking pagtataka ko kung paano nagkaroon ng ganito dito?

"Saan niyo po nakuha?"

It was a gold anchor necklace. Halatang mamahalin lalo na at kumikinamg kinang pa. This might cost lots of thousands.

" Sorry ma'am, ilang araw na ito sa akin. Nakita ko po noong gabi na nag paparty kayo, " sagot niya.

Nalukot ang mukha ko. Tahimik kong sinara ang pinto ng kwarto ko.

"Where did you find it?"

This might be something related to the suspect. Lumawak ang ngiti ko habang hawak ang necklace. Baka clue na 'to!

Baka nga tama ang hinala ko kung sino ang may gawa nito. It may be Jianah, or maybe tita Suenna!I've been eyeing them for a couple of days now, ilang beses kong sinubukan sabihin kay mommy pero hindi niya pinapansin. Mas lalo akong nag-init nang maalala ko ang dalawa. Mahilig sila pareho sa alahas.

"Sa labas po ng kwarto nila ma'am Kira," she said quietly, I couldn't almost hear her.

It was a sensitive topic for me, kaya siguro nag alinlangan siyang sagutin.They saw me isolate myself,days without eating made me look thinner but that isn't the case now.

I was hoping for a different answer. Paano naman kaya mapupunta 'yon sa taas? At sa tapat pa talaga ng kwarto nila.

Nasapo ko ang noo ko. Oo nga naman, kahit bawal, malamang aakyat ang pumatay sa kapatid ko. Paano niya ma pupuntahan si ate kung sa baba lang siya, diba?

Naguguluhan ako, sobra. Ano na kayang gagawin ko ngayon?

"Salamat po."

Pinalabas ko na siya bago ako pumasok sa cr para magbabad sa bath tub. I am now soaked in bubbles. It somehow made me feel relaxed,I haven't done this for weeks.

Pinag-iisipan ko kung itatanong ko si Kuya kung kay ate  ba 'yung necklace o hindi. Halos dalawang oras akong nagbabad sa loob kaya nanginginig akong bumalik sa kwarto.

I put on a pair of pink silk pajamas before going down. Kakausapin ko na si Kuya.

The lights were barely lit up. Napakatahimik at wala masyadong liwanag.

Sumilip ako sa garahe para tingnan kung nandito ba sila mommy, and I was right. They're not here.

I heard noices coming from the garden so I came to check only to find  kuya on his phone. Parang may kausap. Nakatalikod siya sa akin habang nakaharap sa malaking puno. Tahimik akong lumapit.

"Okay! Just dispose that shit if needed-"

"Kuya," I called him.

Hinarap niya ako agad nang may ngiti sa labi. Nag paalam na siya sa kausap niya tsaka ako sinenyasan na sumunod sa kanya.

We sat on the wooden chair, it was a perfect spot for us to view the whole garden filled with flowers and plants. Madalas rin dito dati si ate, kaya nakaramdam ako bigla ng lungkot.

When we were still young and she wasn't married yet, we used to play here a lot, kahit highschool na ako ay nag babahay-bahayan pa rin kami.

"How are you?" tanong ko.

Malungkot siyang ngumiti. "I'm... doing fine.."

I played with my fingers, not knowing what to say.

Naaalala ko nung gabing natagpuan ko sila sa kwarto. I cursed and blamed him.Nadala ako ng emosyon. Gusto kong humingi ng tawad pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"I miss her so much, Adi." he said with so much pain.

I moved beside him and desperately held his hand. Nagkakatitigan kami sandali bago ako nakapag-salita.

"Please help me," I pleaded.

Wala na akong ibang maisip. I have been trying to help them but they won't let me. I'm desperate already,gusto kong makulong ang gumawa non sa kapatid ko. He or she may not know how painful it was for us, but I want them fo suffer and pay for the sin they did.

"You have connections, right? Please use it properly," I meaningfully said  with tears in my eyes.

Inis kong pinahid ang mata ko. Heto nanaman, tutulo uli. After that night, hindi na muli akong umiyak pero ngayon, nagbabadya nang tumulo.

Tutulungan ako ni kuya. Alam kong mahal na mahal niya si ate at parehas kami ng gustong mangyare.

He opened his arms for a hug so I gave in. Tuluyan na akong napahagulgol dahil doon.

"Kahit hindi mo sabihin," hinaplos niya ang buhok ko. "Gagawin ko."

Our conversation turned out well. Inabot kami ng oras sa pag-uusap. Lahat 'yon ay kasama si ate. She was our topic, we kept on reminiscing every thing she did, and the memories we shared together somehow made me feel better.

Panandalian kong nakalimutan ang sakit,pero hindi ang kagustuhan ko para makuha ang hustisya. Kuya Cian and I have the same desire. He told me he was working on it already. Nagulat ako dahil parehas pa kami ng pinag-sususpetyahan.

I came back para tumulog pero naudlot 'yon dahil biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag.

Hindi nakaregister sa contacts ko kaya unknown number.

"Hello?"

[...] It was dead silent.

"Who's this?"

[Althea....] The voice was too quiet and distorted for me to identify who it was. Para namang nanghihina ang nasa kabilang linya.

"Pakiulit? Sino po ito?"

[...] Wala na akong narinig pa.

I heard faint noices before the caller ended the call. Gumapang ang kaba at takot sa akin dahil don. It sounded so.... weird.

Parang may mabilis na humihinga sa kabilang linya, pilit na pinipigilan ang sariling mag-salita.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro