I. Festival of Germanic Tribe

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

14th day of August

Pinapakita saamin ang isang video, showing from the laptop through projector,  tungkol sa history noon ng English period, ang Middle Ages. 

"Black Death was one of the most devastating pandemics in human history,  during the period of Middle Ages . . ."  

Nagtatakutan ang mga kaklase ko na baka daw mangyari ulit ang Black Death, natatakot sila kasi madilim ang classroom, ni isang ilaw hindi nakabukas.


Black Death.


Now, I remembered last night. 

Hindi ko sinabi sa iba, kahit sa kaibigan ko sa nakita ko kagabi sa Janitor's room, pinipilit ko na hindi ko iyon nakita. 

"Realizing what a deadly disaster had come to them, the people quickly drove the Italians from their city."  

Until now, tumataas pa rin ang mga balahibo ko, these goosebumps though, it just won't stop.


Why?

"But the disease remained, . ."

Bakit ayaw pa rin tumigil itong lakas ng pagtibok ng puso ko, simulang pumasok ako sa classroom na ito, mas lalo siyang lumalakas. 

". . And soon . ." 

Mas lumalakas pa lalo, hindi ko alam kung puputok na ba itong puso ko palabas mula sa dibdib ko. Sobrang lakas, bigla ako napahawak sa dibdib ko hanggan sa wala na akong naririnig sa sinasabi mula sa speaker o sa paligid ko. And the last phrase I heard was


". . death was everywhere"


"Lalaine!" My friend, Shaylin, called my name "What?"

"I have something to tell you," she said as she come near me, gasping. I can see it through her eyes, she seems to be frightened. "Galing ako sa second floor, Girl's C.R, and as I passed the ja---" 

"Ha? I can't hear you."  

Ano daw? Hindi ko siya marinig na klaro, dahil sa pagbiglang tunog na nagmumula sa prinicipal's office.


<A random tune of a school to make an announcement>

Siguro imagination ko lang iyon kagabi, tinatakot ko lang sarili ko, na kunwari may magpapakita sa'kin na multo. Hahahaha, yea'right.

"All junior student please proceed at the Social Hall immediately,"  bigla nawala ang kutob ko. So relieved.

"Mamaya mo nalang sa akin sabihin," as I smiled at her to make her calm. Our door was left open, kaya nakita ko may tumatakbo na teachers sa corridor namin papunta sa faculty. Katabi lang kasi ng classroom namin ang faculty room nila.


"I repeat all students of 9th Grade please proceed at the Social Hall immediately."

In-off na ni madam yung laptop niya and told us to make two lines outside. Bakit Grade 9 lang ang pinapapunta sa Social Hall? May seminar ba? O baka may film showing ulit? Our corridor is pretty crowded right now, kaya ang hirap bumaba sa ramp papuntang second floor, nasa first floor kasi ang Social Hall and ang classroom namin naka-locate naman sa third floor. 

Okay ganito yun, sa first floor, doon mo makikita ang classroom ng mga freshmen, sa second floor, classroom naman ng mga sophomore, then saamin sa third floor, and last, nasa kabilang building ang classroom ng mga seniors. Sa fourth floor ng building na ito, doon mo mahahanap ang library, storage room, chapel at ang pintuan papuntang rooftop which is been closed for years.


"Hey Lalaine  Neferet~" sabay akbay sa kanan kong balikat. Mahilig ito magakbay sa kanan ko, dahil sabi niya mas kumportable siya saakin kung sa kanan ng balikat ko ang inaakbayan niya.

"Yeah?" and that person is Zoe Redbird.

"Hindi umuwi si babaknit kagabi, I was wondering kung nakita mo siya," ani nito.

Babaknit? Si Sylvia? 

Si Sylvia ang kapatid niya, they're twins, talagang magkakamukha, hindi sila yung twin na madaling hulaan ng ibang tao, kahit magulang nila nalilito pa rin kung sino sakanila si Zoe at Sylvia. 

At nasabi ko na si Zoe ito dahil blue ang mata nito, kaklase ko siya at laging nakasuot ng earphones, minsan nag-iipit ng buhok niya, well, ngayon nakaipit ang buhok ni Zoe.

Si Sylvia naman nasa third section, violet ang mata at siya naman yung taong ayaw mag-ipit ng buhok kahit ilang pilit mo pa, may times rin na makikita mo si Sylvia na nakabraid yung isang parte ng buhok niya. Syempre, si Zoe ang pinakaclose ko sa dalawa.


"Wala siya sa dorm niyo?" tanong ko sakanya habang tumitingin ako sa paligid ko. Wala talaga akong alam sa pangyayari ngayon, meron bang mangyayari?

"Ewan, nakitulog ako kagabi kina Vayne." Kaklase ko rin si Vayne, kinikilala siya bilang the coolest person in our class, she's really that popular pero hindi mo alam kung totoong kaibigan siya sayo.

"Bakit ka naman andoon? Akala ko mag-kaaway sila ni Sylvia?"

"Sila ni Sylvia, pero kami hindi. Birthday niya kahapon, so she just threw a party last night and I was invited.

Ang iniimbita lang kasi ni Vayne ay yung mga taong 'cool' para sakanya. I never been invited once.

"Care ko kung inimbita ka," then she just laughed at me.

"How was the party went?" I asked.

"Hindi naman siya ganun ka-enjoy, pero I had fun." Now, she's confusing.

"Hindi ka na-enjoy pero you had fun? Really nigga?"

"Masaya lang uminom, then we played a game--"

"Game?" sumingit ako agad para malaman kung anong klase 'game' na sinabi ni Zoe.


"Truth or Dare", she said calmly. 


Hindi siguro delikado ang laro na 'yon. 


"Oh," I was kind surprised that they played 'Truth or Dare' last night. Pagkakaalam ko, more on actions ang lahat ng laro ni Vayne. Like ghost hunting, playing pranks on someone, etc.

"Then after that I passed out, maybe I drank too much"

"Maybe . . . Alcoholic kuno man siya. Doesn't make you cool though" 

Wala naman akong paki kung uminom siya, my point is baka nainpluwensiya siya ni Vayne. Vayne can be sometimes mysterious and I don't know if she has a kind of 'Dere' attitude. 

"Porket popular si Vayne, so dapat ako ganun rin?" Why did I said that out of a sudden? Why am I comparing myself to Vayne? Geez.

"Uh, well, yeah, of course"

"The hell"


As we all reached to the first floor and entered the Social Hall. We, the First section-Apollo, sat at the first row, Zoe is at my left while Shaylin is seating at my right side. By section kasi ang seating arrangement. 

Habang hinihintay namin mag umpisa ang program na ito? Program ba? I have no idea. 

Kinukuwento naman sa akin ni Zoey yung nangyari kagabi sa birthday party ni Vayne.


"Sino naman yung mga pumunta?" kasi malay mo may dumagdag.

"Walo kaming pumunta. Ako, si Erin--"

"Erin? Erin Bates?" Familiar kasi yung pangalan saakin, Grade 10 siguro itong Bates. Hindi ko na maalala kung saan ko narinig ang pangalan niya. 

"Oo, tapos si Stark, Blake, Shaureen, Johnford, Heath--" bigla napalingon si Shaylin saaming dalawa, hindi ito nakikinig pagkatapos niya marinig ang pangalan ni Heath. 


Hay, si Heath.


Lalaki na sinayang niya.


"Si Heath?" Aba, nagulat ang gaga.

"Upu, si ex mo," said Zoe.

"Slash first love, care mo girl? Kala ko move on ka na dun," sabi ko.  Tumahimik nalang si Shaylin.


Heath and Shay were the best yet the sweetest couple here in Hermanitch Academy. They've been together for one and a half years hanggan sa nakipaghiwalay si Heath sakanya. 

We don't know the reason pero ang sabi niya pagod na daw siya which is hindi naman totoo. Kasi makikita mo naman sakanila na parang magkaibigan kung magusap, parang magkapatid tuwing sila'y magkasama at para namang magasawa tuwing nag-aaway.  5 months ago bago nangyari yun. 

Heath is Shay's first love and her first heartbreak, legal sila kaya ang swerte nila. They were so perfect for each other, maybe may reason lang siguro kung bakit nakipaghiwalay siya kay Shay. 


"I was just asking, Lalaine," Shay said. At halata naman sakanya na mahal niya pa rin si Heath.

"And lastly, Vayne's boyfriend, Damien Maslin" So . . . may bagong boyfriend nanaman si Vayne, akala ko si Christian? Chris? Kurt? Charles? Kris? Charlie ata yun? Ewan, hindi ko alam ang pangalan. Papalit-palit kasi ng boyfriend, pabago-bago. 

What a hoe.


"Uhh . . . Goodmoring Junior Hermans" Yes, they call us the Junior Hermans (HUR-mən (English), HER-mahn (Dutch) ) "I apologized for disturbing your class today just for this urgent meeting. This coming September, I want you all to be prepared for this coming . . ."

"Sa tingin ko, Festival for the Ancient Germanic tribes ito," sabi ng kaklase ko sa likod. Si, ewan, hindi ko alam ang pangalan nito pero kaklase ko siya.

"Paano mo naman nasabi?" tanong naman ng isa.

"Because this is the 21st Century" 21st?

"I don't get you." Me either. Ha!

"Hindi mo talaga ako magegets. It's history bro."


". . . FESTIVAL of Ancient German!" and everyone shouted with joy and pleasure. Bihira lang kasi ito mangyayari at ito rin ang hinihintay ng lahat. "And it is up to you what kind of Festival you wanted to be, kung paano niyo ito magagawa, concept and everything" 


Festival of Ancient German.

Kung saan ipinapakita ang history ng Europe's development. They worked hard, and create their own group who treated as comrades who were considered less civilized, and more physically hardenedTribes referred to as Germanic in that period. 

Dito ipapakita lahat ng kanilang pinagdaanan, the origins, pytheas, economy and the periods. 

Celebrating this kind of festival is a great pleasure for us. Bihira talaga kasi ito, kadalasan kasi tungkol sa school, pero eto, we're talking about Europe! History of Europe, men!

Itong Academy, nag-iisa lang dito sa Pilipinas, kumbaga isang branch from Europe. The main Academy will be found at Germany, meron rin naman sa Greece, France, o kahit saan pang dako ng Europe. Pero nakakapagtaka, kung bakit meron dito sa Pilipinas, eh halata naman na wala tayo sa bansa na iyon. 

Kaya pala ang mahal ng tuition fee at may matatanggap ka pang allowance every year, pagkatapos ng festival, siguro yung tubo or yung mga nakita noon. Last year kasi, ang natanggap ko nasa 10,000 euros. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pera na iyon, but I feel lucky tho. Parang nanalo na rin ako sa lottery hahaha. 10,000 euros is A LOT. 

Present ang mga 3rd year adviser and our other subject teachers, mostly kasi uma-attend si Madam Prinicipal dito, lalo na kung Festival of the Ancient Germans. 


May nahahalata ako sa mga teachers na nasa stage habang nakaform ng isang linya sa harapan.

WAIT.


Bakit si Prof. Luigi naka white bandanna ang right hand niya? Halatang tumutulo sa sahig  ang dugo niya mula sa kanyang kamay. 

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko kaso hinila ako ni Zoey pabalik, "Sit down, you bstard," she murmured. 

"Pero---" 

"Hindi pa tapos ang announcement. Hintayin mo nalang matapos, ano ba," sabi niya. 

Muli ko tiningnan ang kamay ni Prof. pero nahalata niya na nakatigtig ako sakanya kaya niya ito tinago sa likod at tingnan ako ng masama.

May something dito kay Prof., pawis na pawis at nanginginig, parang wala siya sa kanyang sarili.


"Lalaine, yung sasabihin ko pala sayo," nabigla nalang ako nang magsalita si Shaylin.

"Yeah? Oo nga pala, ano ba yun?" hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Prof. 

"There is something going on about sir Luigi" AHA! I KNEW IT! I'M NOT THE ONLY ONE. 

"My dear Hermans, I have a riddle for you to answer"

"Now look who's speaking" said Shaylin. It's Prof. Luigi

"A murderer is condemned to death. He has to choose between three rooms" Murder? "The first is full of innocent murderers; the second, assassins with deep secrets; and the third, who are ready to solve and show their true identity" Oh, okay. This is weird. 

Ano nanaman ang pinagsasabi ni Professor Luigi? Nagmumukha na siyang tanga, ah. 

"Riddles. Mahilig talaga si Sir Luigi sa mga riddles," sabi ng kaklase ko sa likod, yung hindi ko alam ang pangalan. 


"And murder riddles are his favorite," dugtong niya. 


Dapat ba ako kabahan? Pero kinakabahan na ako ngayon, eh. 

"Which room is the safest?" is his last words. Bigla tumaas ang mga balahibo ko.

"It's Sylvia, I think she's being killed by sir Luigi, because I saw her pulled out from the Janitor's room"

JANITOR'S ROOM?! "Yung sa second floor?!" napatayo ako bigla sa sinabi niya. 

"Oo. . . The hell, you don't need to shout, sit down" pinipilit niya akong paupuin, "I'm not shouting---" 

Kaso,


*BANG!* napalingon kami lahat kung saan iyon nanggaling. *BANG!* there it goes again.


"The answer is . . . the Third Room" he said.


 Everyone panicked and stampeded for the doors, dahil sa mayroong namatay na estudyante mula sa first group (third section) at isa rin na estudynte sa pangalawang group (second section) pero sa group  namin, wala. (I dunno what is called, pero lima ang column bawat group at pito naman ang row, and the counting of the group starts from right to left, anim ang section, sana nagets niyo)

Bakit hindi kumikilos ang mga teachers?  They just stare us like hell. 


"We need to go," Zoe said calmly. Ang relax mo ngayon, ha? 

Tumakbo kaming tatlo sa unahan ng stage at mabuti nalang nakalabas kami agad sa Social Hall, the Junior Hermans are still panicking outside which bothers the other freshmen students here on the first floor. 

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, sa classroom lang naman kami mapapadpad eh, pero bago dyan, gusto ko muna tingnan kung wala na talaga si Sylvia sa Janitor's room. Instead sumama ako sakanila papuntang third floor, humiwalay na ako sa hawak ni Zoe saakin. 

"LALAINE! SAAN KA PUPUNTA?" all the noise from the crowd, si Zoe pa ang narinig ko nagsalita. Hindi puwedeng malaman niya ito, alam niyo naman kung bakit, diba? 

"BABALIK AKO, I PROMISE!" sabi ko at nagsimula na akong tumakbo palayo sa kanila. 

Medyo malayo ang Girl's C.R eh, nasa dulo pa ng corridor, "Hey, no running through the corridors!" may nagsalubong saakin na teacher palabas sa classroom, hindi naman ako maingay tumakbo, eh paano niya nalaman? 

"Sorry madam, but I need to take a wazz," at nag kunwari ako naiihi talaga.

"Wazz?" "It's other term for pee, well, excuse me," at tumakbo nanaman ako. Geez. Im not sure kung nakatingin pa rin siya sa akin, kaya dumiretsyo nalang ako sa C.R para maniwala ang gaga. 


Sa riddle ni Prof. 

Ano ba ang ibig niyang sabihin? Na yung third section mga innocent murderers? At yung second section naman yung maraming tinatagong sikreto? Aling sikreto ba? Tungkol saan?


At yung sa huli.

Kami ba yung third group na tinutukoy niya? Ipapakita ang totoong kami? Ang totoong Apollo? Parang wala naman kaguluhan na nangyayari sa amin eh, kapatid ang turing namin sa isa't isa, pantay-pantay lang kami. Kilala ko ang pagkatao nila, inside and out, at alam rin nila ang pagkatao ko. 


Ata?


Kung ganun lang ang tinutukoy ni Prof., bakit yung fourth, fifth, and sixth section ay hindi binganggit? Tsaka bakit niya pa kailangan pang magpatay ng tao para sa riddle na iyon.


Jusko, nakakalito na. 

Tumambay muna ako, dito, sa loob ng rest room ng limang minuto o anim, bigla ako nagulat na may sumigaw mula sa third floor, sa pagkalabas ko, from this view, makikita mo talaga ang classroom ko, pati ng second to fourth section (ang corridor kasi ng Hermanich ay open, kaya makikita mo ang labas), nakita ko si Zoe, kasama si Shaylin, lumabas sa classroom namin at pumunta sa classroom nina Slyvia. 


Sinundan ko sila ng tingin, hanggan sa binuksan ni Slyvia ang pintuan ng third section.

At makikita mo talaga dito 

Na si . .


Si Sylvia na . . .


. . nakabitay sa ceiling. 

Dahil sa pangyayari na iyon, hindi ko alam na nasa harap na pala ako ng Janitor's room, dahan dahan ko itong binuksan.

Fuck, no trace of blood. Oh, the irony. Kailan pa naging malinis ang Janitor's room? Hindi ito ang nakita ko kagabi, ang nakita ko ay itong kwarto, puno ng dugo . . .


. . . at patalikod nakahiga si Sylvia.


Parang hindi imagination ang nakita ko kagabi.


Si Slyvia pala ang bangkay na nakita ko kagabi?!


 Well Shay said it was Sylvia. 

<another random tune for a coming announcement from the principal>

"My dear Hermans, I would like to inform you that the unexpected mishaps will be solve right away." That voice, madam principal.

 "So please, don't panic my dear students, the staff will take on action immediately. We'll make sure that all of you will be safe." Oh, thank God, she's aware of this. 


Kaso nakakapagtaka.

Paano nalaman ni Shaylin na si Slyvia pala iyon? Kasi nung nakita ko ang bangkay ni Sylvia kagabi ay nakahiga. Eh, hindi ko naman alam na si Sylvia pala iyon. 


Ano ang ginagawa niya dito kanina? 

At bakit hindi niya ito agad nasabi sa akin nung nagmamadali pa siyang lumapit? 


"So everyone, please stay clam and be prepared . . ." 


". . .because the Festival has began."


Hindi ko alam ang balak niya o ang balak ng iba pang teachers, pero sana maayos ito agad.  


 
Sana hindi ikaw ang nakapatay.   

~*~

A/N:  Let me explain to you the 'Dere' types/attitude.

The Tsundere, Yandere Kuudere and Dandere. Kagaya sa mga anime, if you watch animes, maiintindihan mo:

*Tsundere - Acts mean and violent on the outside but is sweet n the inside.

*Yandere - Acts sweet and cute on the outside but as soon as she/he loves someone a lot they are willing to kill other just to keep him/her.

*Kuudere - Acts cool and emotional but shows sweetness later on.

*Dandere - Acts anti-social and doesn't talk to anyone until the right person come along. 

As you can see, anime-lover pala si Lalaine. Hihi, okay yun lang naman po. If you have questions or naguguluhan kaya, just comment below. Thank you~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro