X. Vayne Racosa

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

This is a flashback story of Vayne, let say, it's her past. Para madama naman natin ang talagang nararamdaman ng ating characters ;)

~*~

"Oh, my dear Vayne! Look at you! Kasing ganda mo ang nanay mo", tuwang-tuwa sa akin si mommy dahil suot ko ang dati niyang dress noong bata pa siya, sobrang paborito niya ito kaya tinago ito at ibinigay sa akin. Kulay itim ito at mukha siyang damit para sa mga manika, ang tawag dito ni mommy ay 'Gothi-c-Lolita' style, dahil nag-uso ito sa kapanahunan niya. 

"Bagay ba sa akin, mommy?", tanong ko sakanya habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, "Oo! Bagay na bagay anak! Mas babagay kung ikulot natin ang buhok mo at itali sa pulang ribbon!", masayang sabi ni mommy. Napapangiti ako nang makita ko ang nanay ko na masaya rin, mabuti naman at kasya pa sa akin ang dress niya kahit dose anyos na ako. 

"Ayan, diba? Ang ganda mo na?", inabot sa akin ni mommy ang salamin, nag-iba ang anyo ko! Mas lalo akong gumanda!

"Your Mistress, andito na po si Sir", bungad ng isang katulong namin na ang pangalan nito ay Aurora, ang head ng mga maids, siya lang ang puwedeng kumausap sa royal family, which is us, tuwing madaling araw lang umuuwi si daddy dahil marami kaming kaaway pagdating sa business, gusto nila patayin ang Racosa family para hindi malugi ang ibang corporations, kaya tuwing 2 am lang siya dumarating para hindi kami madamay sa gulo ni mommy.

"Hi to my beautiful darlings!", pagbungad ni daddy sa aming dalawa ni mommy, kung sinu-sino nalang ang pumapasok sa kwarto na hindi lamang kumatok. As usual, may dala siyang golden briefcase sa magkabilaang kamay at alam ko na pera ang laman nito.

Nanalo ulit si daddy sa casino! As always!

Hinalikan ako ni papa sa noo habang si mama naman ay sa pisngi, "I just want to visit my precious darling!", nang sabihin 'yan  ni daddy, nag-group hug kaming tatlo. "Daddy! Daddy! Do you like my new dress? It was from mommy!", sabi ko sakanya sabay ikot, "Wow, baby! Naalala ko ang nanay mo noong nagkakilala kami! You look very beautiful, Vayne, just like your mom", at napangiti ako sa compliment na sinabi niya. 

"Sorry honey, but I need to go now. I have business to finish first", sabi ni daddy habang inaayos niya ang kanyang neck tie. Oh, aalis nanaman siya? Dapat masanay na ako na ganito kami araw-araw, mga ilang minuto ko lang makikita ang tatay ko. 

"Honey, please stay", napatigil si daddy sa pag-aayos niya ng neck tie at tumingin kay mommy, "Kahit ngayong araw lang? Pagbigyan mo naman kami ng anak mo", malungkot na sabi ni mommy. Hindi ako makapagsalita, hindi 'yan papayag si daddy matulog dito, kailangan niya na bumalik sa Corporation. 

Pero, 

"Sige, just this day, okay?", napa'yehey!' ako sa saya nang sabihin 'yan ni daddy! At last makakatulog na rin kami ng mahimbing. 4:30 am, at doon palang kami matutulog, para kaming mga bampira na nakatira sa malaking palasyo. 

My parents gave me their goodnight kisses and left. 


Pinikit ko na ang aking mata, at nakatulog ng mahimbing, nakalimutan kong tanggalin ang dress na pinasuot sa akin ni mommy, pero nevermind. 

Ang mahalaga ngayon ay nakasama rin namin si daddy buong gabi!



Can this day get any better?  


-*-

"SUNOG! MAY SUNOG!", nagising ako sa malakas na sigaw ni Aurora. Teka! Bakit nasusunog ang kwarto ko? Nasaan sina mommy? 

"Vayne!", pumasok si Aurora sa kwarto ko at binuhat niya ako. "A-aurora, anong na-nangyayari?", napalibutan kami ng itim na usok at malalakas na apoy. "May nakapasok na impostorang katulong sa palasyo! Na-track ang location ng tatay mo! Nakapasok ang mga kaaway!", at napaubo si Aurora which cause us to fall sana, ang bigat ko ata kaya napapaubo si Aurora. Hindi ko alam kung saan man ako idadala ni Aurora, basta ligtas kami. 

Sana nga maliligtas kami, dahil nasa third story castle kami ngayon.

"Nasaan sina m-mommy?", nauutal kong sabi. "Pinuntahan sila ngayon ng mga butlers kaya huwag ka na mag-alala. You;re my top priority, as for now. Tsaka takpan mo ang bibig at ilong mo, hindi maganda sa kalusugan mo ang ganitong klaseng usok", napapahanga ako sa pagsilbi ng mga butler at maids dito sa palasyo, hindi nila kinakalimutan ang kanilang role sa bahay. 

"Miss Aurora!", lumapit ang mga nagsisitakbuhan na butlers sa amin ni Aurora, kaso, nasaan sina mommy? 


"Natagpuan namin patay ang mag-asawa!", halos mabitawan ako ni Aurora nang sabihin nila 'yan. 


Patay? Sina mommy? Paano sila mamamatay, eh nasa loob lang sila ng kwarto nila!

"Hindi! Hindi puwede! May pag-asa pa! Maliligtas natin sila!", bumitaw ako sa hawak ni Aurora at sinubukan kong tumakbo papunta sa kwarto nina mommy, kaso pinigilan ako ng mga butlers. "Young Mistress! Huwag maging matigas ang ulo! Ikaw nalang natitira sa royal family, hindi puwedeng mawala ka! We can't afford to lose another member!", paiyak na sabi ni Aurora, "Kahit ako, hindi ko rin tanggap mawala ang magulang mo, sa loob ng 20 taon na pagtatrabaho ko dito, naging parte rin ako sa pamilya niyo", napaupo ako sa sahig at umiyak. 

Umiyak lang ako ng umiyak. 

Gusto ko magpaiwan dito, kung nasaan sina mommy andoon rin dapat ako. 

Ayoko silang iwan. 


Binuhat ako ng mga butlers, at nagmadali kaming bumaba sa hagdan hanggan sa nakaabot rin kami sa palapag ng palasyo, malapit na kami sa main door, malapit na kami makaalis sa bahay. 


Hanggan sa . .


Nabitawan ako ng mga butlers at kinuha ni Aurora ang kamay ko, hinila niya ako. Tumingin ako na kung saan ang mga butlers. 

Ayun, patay, nasa loob pa rin ng palasyo ang mga kalaban. Binaril lahat ng butlers at maids ko, tanging si Aurora nalang ang natitira.

Andito na kami sa main door, nang bitawan ni Aurora ang kamay ko.

"Aurora..", tinawag ko siya sa mahinahong boses. Ano nanaman ang binabalak niya?

"Listen, young mistress, hindi na kita masasamahan pa, you shall live! Walang makakapigil sa mga kalaban natin kundi ako lang, kung sumama naman ako sa'yo, tiyak masusundan, mahahanap at mapapatay ka nila!", ano ang pinapahiwatig ni Aurora sa akin?

"Kailangan mong palaguin ang royal blood, ikaw nalang ang natitirang descendant ng Racosa. So please, do this favor of mine. Tumakbo ka as far as you can, huwag na huwag ka magpapakita sakanila, okay?", iiwan ako ni Aurora? Now my tears are starting to fall again. Nawala na nga sina mama, si Aurora pa? 

"Kaya, Vayne, tumakbo ka na!", hindi ako nakinig sa sinabi niya, nakatulala pa rina ko sakanya habang umiiyak. "Vayne! TAKBO!", tinulak niya ako which cause me to run, tumakbo ako as fast as I could. 

Iniwan ko si Aurora. 

Tumingin ako sa direksiyon niya habang tumatakbo, hinubad niya ang suot niyang blazer, at may nakaimplantang bomba pala sa katawan niya. 

3. .2 . .1. .

"I'm going to miss you, Vayne", ang huling salita na narinig ko sakanya, kahit sobrang layo niya sa akin. 

At biglang sumabog ang buong palasyo. 



Umiiyak ako habang tumatakbo, hindi pa ako nakakarating sa main gate namin, dahil sobrang layo nito kung lakarin, hanggan sa nadapa ako dahil sa pisteng bato sumalubong sa akin. 


"Ikaw ang anak ng Racosa?! Halika at sumama ka sakin!", isang lalaki hinila ako at kinaladkad ako sa damo, may hawak ito na rifle at maramin siyang suot na bala, sinubukan kong pumiglas sa hawak niya, kaso wala na akong lakas pa.

Bahala na. Bahala na kung saan ako idadala nitong lalaki, tutal wala naman talagang pag-asa, diba?


Sorry Aurora, kung hindi ko matutupad ang pabor mo, nagsisi na ako kung bakit naging Racosa pa ako.


"Bitawan mo siya", isang lalake na nakaputing lab coat ang humarang sa aming dalawa ni mamang lalaki. 

"Sino ka naman? Nagtatrabaho sa palasyong ito?", tanong ni mamang lalake sakanya. 

"You don't need to know my name", at binaril ni kuya na nakalab coat si mamang lalake, hindi ko alam kung mabait ba ito o kasabwat siya. 

"Don't be afraid, sweetheart, I'm not one of them, because I'm you protector and your family from now on", nakahinga rin ako ng maluwag, nase-sense ko na mabuti siyang tao at talagang iniligtas niya ako sa mamang iyon! 

"Puwede ko ba malaman ang pangalan mo, mister?", tanong ko sakanya, habang naglalakad kami palabas ng gate. 

"It's Luigi, and please, wag ka muna mag salita, I'm trying to focus here", focus? Para naman saan?

"For the meantime, ipagdasal mo muna ang magulang mo na sana mag-ingat sila papuntang langit, habang tinatandaan ko kung paano ako nakapasok dito, okay?", at ngumiti siya akin at tinapik ang ulo ko. 

"Okay, mister", humarap ako sa nasusunog kong bahay at taimtim nag-dasal. 

"Thank you ma for everything, pinaparamdam mo sa akin na buo ang pagmamahal mo kahit wala si daddy minsan. Thank you daddy for buying me gifts that I didn't ask for, at alam ko ginagawa mo ang lahat para maprotektahan mo kami ni mama at mabuhay ang pamilya natin. Huwag na po kayo magaalala sa akin, dahil nakilala ko si mister Luigi, siya na ata ang magsisilbing protector sa akin, ang pumalit kay Aurora. Tsaka Aurora, you didn't died in vain, what you did was right, don't regret it. For all the butlers, maids, hitmans, and workers, thank you for serving your lives to my family at it's finest . . .


. . . May all of you, rest in peace"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro