Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 5

Sanctuary

Hindi ko mawari kung bakit siya umiiyak. Hindi niya rin naman ito ipinahahalata sa akin kaya minabuti ko nang huwag magtanong.

Perhaps he wanted to cry in peace, and maybe I'm invading his privacy?

I tried to shrug off my thoughts.

Siya naman ang kusang lumabas dito sa garden nila at piniling humiga sa damuhan para umiyak. Hindi ko naman sinabing samahan niya ako rito. Pero bakit ba kasi siya umiiyak?

It's not like I'm dying to know the reason behind his tears. Yes, maybe a part of me is a bit curious. Pero may parte rin naman sa aking ayaw kong malaman ang dahilan.

Ayaw ko naman siyang tanungin tungkol doon. Gusto kong kusa niyang sabihin sa akin kung ano ba ang mali sa kaniya ngayon. I don't want to touch something I'm not supposed to. I respect his privacy.

Ilang minuto na rin siguro ang lumipas mula nang malaman kong umiiyak siya. Still, nobody's uttering any word.

Tanging ang mga kuliglig lamang ang nag-iingay sa paligid at ang himig ng hangin.

I turned to him once again. The little stubbles on his chin were gone. Umuungot ang aking mga labi dahil sa pagkadismaya. I wanted to run my fingers along his growing beard. But they were already gone.

Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na patubuin niya uli. That would be really weird for me to ask for Pete's sake!

Huminga ako nang malalim. Gusto kong haplusin ang mukha niya, gusto ko siyang suyuin. Sana 'wag siyang magalit sa akin kung sakaling ginawa ko nga.

His tears were glistening. Namilog ang aking mga mata nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Hindi nakatakas sa akin kung paano siya nagpakawala ng isang buntonghininga na sinundan ng isang ngiting hindi man lang umabot sa mga mata niya.

"Wala na si Mint," sabi ni Rhys sa isang napapaos na boses. Napatiim ako. I couldn't handle the breaking in his voice, I'm sure about that.

Pero hindi ako sigurado kung bakit nararamdaman ko ang pagburo ng titig niya sa sistema ko. It was getting into me. His tears, his hoarse voice, and the gleaming of his eyes...

They were all effective.

"He died this morning."

Nahihirapan na akong huminga dahil sa tinging ibinibigay niya. Gustuhin ko mang lumihis ng tingin ay mas nabababagabag ako sa luha niyang patuloy na bumabagsak.

I know how much he loves Mint. He was his buddy ever since we were kids. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya umiiyak. Kahit hindi naman ako mahilig mag-alaga ng hayop, nasanay din naman ako sa presensiya ni Mint sa bahay nila. His sister loves their dog, too.

Mint made sure that he belonged to every corner of their house. And he really did.

I remember the last time Kuya Dale lost Storm when he was in eighth grade. He didn't come out of his room for a week.

Gagawin din kaya iyon ni Rhys?

"I remember that day Eira named him Mint," he said. Bumalik ang kanyang tingin sa langit, samantalang nanatili akong nakatingin kay Rhys. Pinanonood ang mga luha niyang lumandas pababa sa kaniyang pisngi.

It was an old story. I've heard it a thousand times from Eira. His sister named their siberian husky Mint because his eyes were green instead of brown or blue. It wasn't even mint to begin with; they were olive.

I sighed. He went on telling his favorite tale while I was so occupied watching his lips move as words escaped them.

For some reasons, I had enough courage to extend my hand—barely touching his cheek, my heart was at the edge of my throat, until I finally did.

I felt a jolt of electricity running through my fingertips as my thumb gently brush his tears away. Isang nanunuyang ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi habang nakatitig sa kawalan. At habang hindi niya pinapansin ang ginagawa ko, patuloy lang ako sa paghaplos sa pisngi niya. Patuloy lang sa pagsuyo.

Maluwag ang paghinga ko dahil sa pag-alintana ni Rhys sa ginawa ko. I wanted to cup his face, to gently run my thumb on his cheek, but I know I am not allowed to do that. Hanggang dito lang ang puwede kong gawin. Para na rin sa sarili ko, hanggang dito lang.

He's mourning, and I can't take his pain for granted. Kaya minabuti ko na ring bawiin ang kamay ko.

Nagpakawala ako ng isang hininga at piniling umupo. Nalingat ang tingin niya papunta sa akin.

"I'm thirsty," I said. But not with water.

Umupo rin si Rhys gaya ko. "May tubig sa bahay, pasok ka lang," aniya. Bumuga siya ng isang hininga't muling napunta ang paningin sa madilim na langit. Lihim akong napangisi sa sarili ko. Tumayo ako't hinila ko rin siya.

"Halika, samahan mo ako." Pahirapan bago siya tumayo para samahan ako papasok sa loob ng bahay nila.

"Iinom ka lang naman, kailangan talaga kasama pa ako?" pagrereklamo niya. Natawa na lang ako. Right, because I can drink liquor in their house without his consent.

"Umupo ka r'yan." Binitawan ko ang kamay niya. I made him sit on a stool. Tumayo ako sa tapat ng glass cabinet nila kung saan nakalagay ang koleksyon ng mga alak ng papa niya.

Tito Lucio loves collecting liquors kahit bihira lang naman siyang uminom. Display niya lang daw talaga ang mga alak niya sabi ni Tita Iris. She would be the one drinking them; Châteu Latour 1995 is her favorite if I'm not mistaken. Tita Iris has a separate Eurocave cellar for her wine collection.

"What the fuck are you doing?" ani Rhys sa isang mahinang boses. Luminga pa siya sa paligid ng bahay nila. I think he's scared we might wake someone up.

"Kumukuha ng inumin." Irap ko.

"Akala ko ba tubig ang iinumin mo? Bakit whiskey 'yang kinukuha mo?" tanong niya pa uli at maya't maya siyang lumilinga sa paligid. Hindi ko na napigilang ngumisi.

"Sabi ko lang nauuhaw ako, hindi ko sinabing gusto ko ng tubig. Magkaiba 'yon." Kumuha ako ng yelo sa freezer nila nang dumapo ang mata ko sa isang canned soft drink na nakatabi sa isang gilid, wala pa itong bawas. I took it out as well.

Saglit kong tinimpla ang kanyang inumin saka iyon inabot sa kanya.

"I don't want to drink," he said. But I insisted.

I also poured myself a glass of champagne.

He was being hesitant, and it's written all over his face. I took a sip from my flute before he could even have a drink of his.

"Baka pagalitan tayo ng papa mo kapag nalaman niyang uminom ka," aniya. Ngumiti lang naman ako't umiling.

"'Wag kang mag-alala, hindi naman tayo maglalasing. I just wanted a glass, and it looks like you needed one too," I said.

"My dog just died, that doesn't mean I need to drink," singhal niya. Mariin akong lumunok at umupo sa tabi ni Rhys.

His index finger was running around the rim of his glass. Nahaharangan din ng buhok niya ang kanyang mukha.

"No. A loved one died, it's alright for you to feel sad. Ayos lang na uminom ka o magkulong sa kuwarto mo. Ayos lang umiyak. Wala namang mali kung gagawin mo 'yong mga 'yon."

Huminga ako nang malalim at mariing kinagat ang loob ng aking labi. I sounded like Kuya Drew. He was always like that when I'm sad, telling me that it's alright to sulk and feel my pain. That there's nothing to be embarrassed about it.

It's alright to feel. That was what he said.

I held Rhys' hand and squeezed it.

I let out a breath. "I'm always here you know," I told him.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pero dahil nahaharangan ng buhok ang kanyang mukha, hindi ko gaanong nakita ang ngiti niya. All I saw was the slight twitching at the corner of his lips.

"Alam ko," aniya.

Hinugasan ko ang mga basong ginamit namin bago niya ako ihatid pauwi. It's already past midnight. I'm sure Papa's already mad.

But it's okay. I'll take it. Rhys needed my company.

"Do you wanna bet how many steps it would take to reach our house from here?" I asked. Pareho kaming huminto sa paglalakad at umayos ng tindig.

Hindi naman na kalayuan ang bahay namin.

"Six," aniya.

Oh, I'm going to win this. I smiled triumphantly.

"Seven."

***

I woke up early for my morning run. Nadatnan ko si Kuya Dale sa dining area kasama si Papa. Abala silang dalawa sa pag-uusap habang kumakain ng umagahan nang makita ako ni Papa.

"Anong oras ka umuwi kagabi? Nakatulog na ako't wala ka pa," tanong niya sa akin.

"Kina Rhys lang po, hinatid niya rin naman ako kagabi." Lumapit ako kay Papa para magmano at humalik sa kaniyang pisngi.

"Bakit sobrang gabi naman? Ano bang ginawa ninyo?" he said in a firm voice filled with authority.

Automatic na umaakyat ang takot sa akin kapag ginagamit na ni Papa ang tono niyang iyon. Pero hindi sa pagkakataong ito.

I have done nothing wrong.

Tumayo ako nang maayos at lihim na tumikhim.

"Mint died yesterday, Papa," saad ko. Iyon lamang ang sinabi ko dahil alam kong maiintindihan niya naman. Kuya Dale also had that phase. Sigurado naman akong hindi niya malilimutan iyon.

Papa cleared his throat.

"Kung gagabihin ka, 'wag mong kalilimutang magsabi sa susunod," bilin niya.

Hindi ko napigilang ngumiti at huminga nang maluwag.

"Opo, Pa."

Sinamahan akong tumakbo ni Kuya Dale. Four laps lang ang nagawa ko bago kami bumalik ng bahay dahil may band practice pa raw sila sa mini studio na pinagawa niya sa basement ng bahay namin.

I can run for three more laps, but the idea of running alone seems tiring than running itself.

"Ano? Bakit dito uuwi si Kuya Dean? Ano pang silbi ng condo niya kung dito rin naman tutuloy?" Napahinto ako sa tapat ng kuwarto ni Kuya Drew dahil sa baritonong boses ni Kuya Dale. Akala ko ba may band practice sila? Why is he up here?

Hindi ko napigilang buksan ang pinto.

"Farah, lumabas ka muna," ani Kuya Drew nang makapasok ako sa loob ng kuwarto niya. Sa halip naman na sundin ang sinabi ni Kuya ay sinarado ko ang pinto sa aking likuran.

"What's happening?" pag-uusisa ko sa kanila. Kahit ang totoo niyan, may kutob na talaga ako sa kung ano ang pinagtatalunan nilang dalawa. Kuya Dean will be staying with us till Sunday.

"Dito uuwi si Kuya Dean mamaya, Bunso." Nagtagis ang panga ni Kuya Dale. Huminga siya nang malalim at umiling.

"Diko, dito ka lang mamaya at 'wag kang lalabas ng kuwarto mo. Kami ang bahala sa iyo ni Farah." Lumingon sa akin si Kuya Dale. He was eyeing me, asking to agree with him. Tumango na lang naman ako.

Hindi nakatakas sa akin ang muling pagtawag ni Kuya Dale ng diko kay Kuya Drew. Iyon ang parating tawag niya kay Kuya Drew noong mga bata pa kami. Sinubukan ko ring tawaging diko si Kuya Drew ng isang beses pero sinita ako ni Kuya Dale.

Siya lang daw ang may karapatan doon. I didn't argue. At that time, I felt so left out.

It has always been the three of them. They even call themselves El Sastre until Kuya Dean branched out.

Everything changed since then. Kuya Dean grew apart, and El Sastre ceased to exist without him.

Umupo ako sa kama ni Kuya Drew. I was only looking at him, trying really hard to read his expression.

His eyes never falter; they always speak the truth. After a second of seeing him being confused and doubtful, he smiled. Bahagyang nangunot ang noo ko. Did he think he could easily ease us away with that lie?

His eyes knew how to pretend. Ang hindi niya alam ay parati siyang binibigo ng mga ito.

"Kami na ni Papa ang susundo sa kaniya sa airport. Mamasyal na lang muna kayo ni Farah. Kahit madaling araw na kayo umuwi," ani Kuya Dale. Ayaw ko mang umabot sa akin ang pag-aalala niya, hindi ko naman maiwasang hindi mahawa.

I wanted to balance everything that's going on. I don't want to feel anxious, but it's slowly creeping its way to my chest.

Huminga ako nang malalim at tumayo.

I held Kuya Drew's hand. "Punta na lang tayo sa factory," sabi ko sa kaniya.

I don't have any other place in mind. Our factory was my haven; it could easily wash away my worries.

Hindi naman umalma si Kuya Drew sa pag-aaya kong pumunta sa factory. Ala una nang ihatid kami nina Papa roon bago sila dumeretso sa airport.

Nadatnan pa namin silang lahat na kumakain ng tanghalian sa ilalim ng puno ng mangga. Sinalubong kami ni Kuya Kaleb at inanyayahan sa salo-salo nila.

"Dinuguan ba 'yan? May puto?" tanong ni Kuya Drew.

Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi. This is the reason why I like it here. Everybody belongs.

"Ma'am, gusto mo? Favorite mo 'tong palabok, 'di ba?" ani Siah. Inabot niya sa akin ang paper plate na may lamang palabok at inihaw na manok.

Kung p'wede ko lang batukan ang sarili ko ngayon, ginawa ko na. Tumakbo pa ako kaninang umaga, kakain din naman pala ako nang marami ngayon? Napaiiling na lang din ako sa sarili ko.

"Salamat. Nag-abala ka pa, ako na lang sana kumuha ng pagkain ko," sabi ko sa kaniya.

Umupo ako sa tabi ni Siah. Matapos niya akong asikasuhin ay si Kuya Drew naman ang nilapitan niya.

"Birthday kasi nitong si Rene kaya kami may handaan. Buti at napadaan kayo, the best 'tong dinuguan niya," sabi ni Kuya Kaleb.

"Talaga? Turuan mo naman akong magluto nito Kuya Rene," saad ni Kuya Drew.

"Ma'am, okay lang bang maaga akong umalis ngayon?" Napalingon ako kay Siah.

"Oo naman, pero bakit sa akin ka nagpapaalam? Hindi ba dapat kay Kuya Kaleb?" kunot noong tugon ko.

Siah let out a deep breath as he shook his head.

"Para deretso na sa'yo, ma'am. Natatakot kasi ako kay Kuya Kaleb saka si Katja kasi..." he sighed.

Kusa akong napairap sa kawalan nang marinig ko ang pangalan ni Katja. Really, I don't know what's with this kid. Pangalan pa lang niya ay naiirita na agad ako.

"Katja again? What is it this time?" I asked. Parang ayaw ko tuloy siyang payagang umalis para lang inisin si Katja katulad ng pang-iinis niya sa akin kaso ayaw ko namang ipahamak si Siah. Still, she's his employer.

"Nagpapasama sa ballet class niya mamayang hapon. Hindi raw kasi siya maihahatid nina Ma'am Cathy sa studio kaya ako ang pinapupunta ni Katja."

"Bakit hindi siya magpasama kay Fatima? Nasaan ang ate niya?" naiiling na tanong ko. Isang kibit-balikat ang sinagot sa akin ni Siah.

"You can go then, once you finish everything," saad ko. Ngunit natabunan ang aking boses ng isang busina. Napalingon kaming lahat kay Kuya Kaleb na naglalakad papunta sa gate.

I watched him talk to the driver of the vehicle. Unti-unting tumataas ang boses nito kay Kuya Kaleb kaya napatayo na rin ako upang puntahan sila. Kuya Drew followed me as well.

"Ano'ng nangyayari? What's wrong, Kuya Kaleb?" tanong ko. Suminghal muna siya bago ako lingunin.

"Nagpupumilit kasi silang pumasok kahit walang gate pass. Security protocol kasi natin dito na hindi magpapasok ng walang gate pass at kung hindi naman manggagawa," pangangatwiran niya.

"E, may contact nga kami r'yan sa loob! Hindi mo ba maintindihan—"

"Excuse me," I cut him off. Mula sa kaniyang bintana ay natatanaw ko si Katja sa backseat ng sasakyan.

Not in my territory, little girl.

"Sumusunod po kami sa policy namin, Kuya, kahit pa may koneksyon kayo sa loob. You need to at least have a scheduled appointment to enter our vicinity," I said sternly.

"Ineng, sino ka ba? Bakit ikaw ang kumakausap sa akin? Sino ba ang manager dito?" sarkastiko niyang saad. Dumadagdag pa sa inis ko ang kanyang ngisi.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Hinawakan pa ako ni Kuya Drew pero tinanggal ko rin ang kanyang kamay sa aking braso.

"Kuya, with all due respect you are already talking to the owner. You have disrespected our manager and you still have the guts to ask for him?" My brow snapped. Daig pa niya ang isang sanitary inspector kung umasta.

Huminga siya nang malalim at nag-uumpisa na uli bumuka ang kanyang bibig nang lingunin ko si Kuya Kaleb.

"Ask for his ID and license. Kuhain ninyo ang plate number ng sasakyan bago papasukin," saad ko. Tumango lang naman sa akin si Kuya Kaleb saka ako naglakad pabalik sa puno ng mangga.

Kuya Drew placed his arm around my shoulder while we were walking to ease me up. Umupo rin ako sa kaniyang tabi.

I like squeezing his hand when I am mad. Hindi ko naman ito dinidiinan para hindi masaktan si Kuya Drew.

"Kalma ka lang, Bunso. Hingang malalim," aniya sa isang mahinang boses. Napansin yata ni Kuya Rene na may mali sa akin kaya niya ako inabutan ng isang baso ng iced tea. Punong-puno pa ito ng yelo.

"Siah!" Mariin akong napapikit. Oh my god, she's so loud.

Nagsilingunan silang lahat kay Katja dahil sa pagsigaw niya sa pangalan ni Siah.

She was wearing a dress. Nang umupo siya ay bahagya pa itong nakitaan kaya kinuha ni Siah ang isang kumot sa tabi niya para itapal sa hita ni Katja.

Seriously, she's already sixteen for goodness' sake! Ang laki-laki na, hindi pa rin niya alam kung paano umupo nang maayos kapag nakasuot ng bestida?

Hindi ko napigilan ang pagtagis ng aking panga dala ng inis.

"So, Katja," I called out her attention. Lumingon ako sa kaniya't sinikap na ikubli ang init ng ulo ko.

"Nagpapaalam lang sa akin si Siah kanina para samahan ka sa ballet class mo kasi wala raw maghahatid sa'yo," saad ko.

Tumango lang naman siya sa akin at ngumiti. No, it wasn't an innocent smile. It was an aggravating one.

"Then why would you ask for Siah if you have your driver with you?" I asked calmly in utter sarcasm.

Nakatingin silang lahat sa akin kaya ibinaling ko ang aking pansin sa baso ng iced tea na binigay ni Kuya Rene saka ako uminom doon.

"I'm not going. Dito na lang ako. I don't wanna stay at home," aniya.

"Siah said it's okay. Right?" lumingon pa siya kay Siah. Batid ko ang gulat sa mga mata nito.

Hindi niya magawang tumingin sa akin at hindi rin siya nakasagot kay Katja.

Nag-umpisa nang tumayo ang ilang manggagawa. Nililigpit na rin ng iba ang mga kalat matapos nilang kumain. Kuya Rene took my plate and Kuya Drew's.

Pumasok na silang lahat sa loob at apat na lang kaming natira dito sa ilalim ng puno.

"Alam mo naman sigurong oras ng trabaho ni Siah. Why would you come here? Bakit hindi ka na lang sumama sa lakad ni Tita Cathy?" I asked her. For all I know, her mom's out with her friends. She loves going to the spa with them. Minsan na niya kaming sinama ni Katja sa spa.

I wanted to like it if not for Katja.

Bago ako sagutin ay kumagat muna siya sa hawak niyang puto.

"Tito Fausto referred Tita Iris to my mom. They have a meeting today," aniya. Pumilantik naman ang aking kilay dala ng gulat. Why would Papa do that? Tita Iris has a lawyer.

"Bakit naman? The De Quintos' has a lawyer," sagot ko.

"Only a lawyer mainly employed by Tito Lucio," aniya. Binalot niya sa tissue ang kalahati ng puto na hindi niya inubos saka ito inabot kay Siah.

This girl, really! Siah is her tutor, not her errand boy.

"Why? What's wrong with that?" I said.

"Haven't you heard? Didn't Rhys tell you? It's for an annulment case," saad niya na para bang hindi makapaniwalang hindi ko alam. I can already hear her mocking me.

But I couldn't care less. Tita Iris is up for an annulment case? Hindi ito nabanggit sa akin ni Rhys.

"And you call yourself his friend," ngisi niya.

"Well, it's not my business to meddle with his family affairs. There are things we can't touch, Katja. It's called respecting one's personal matters and privacy," saad ko sa isang malumanay na boses.

Tumalikod na ako't naglakad papunta sa loob ng factory.

'Wag na 'wag niya akong babastusin at ipahihiya sa teritoryo ko. Not in my sanctuary.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro