CHAPTER 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 28

@KayptainRB

His P.O.V

NAKO-KONSENSYA pa rin ako. Bakit ko kasi siya pinilit na samahan pa ako kung saan ibibigay 'tong mga papers na 'to. Kailangang maibigay 'to sa coach para makasali kami sa Soccer. Medyo favorite kong sports.

'Di ko naman din kasi siya matanong kung malayo pa ba yun? Nahihiya talaga ko sa kanya. Hayyyy! Pano ba?

"Ang init!" Biglang reklamo niya nagpapagpag pa.

+1 guilty na naman.

"This is all your fault!" Sabi pa niya. Di man lang ako tiningnan o kahit binigyan lang ng isang sulyap wala,"..masisira na balat ko nito..." Bulong niya munit dinig na dinig ko.

Nagpaparinig?

+1 pa talaga. Guilty na naman.

Hay! Pano ba to? Baka masira nga balat niya. Alam kong alagang-alaga nga ito. Kasing puti pa ng harina. Maputi talaga. Kutis mayaman kung titingnan. Nakadagdag ganda sa kanya. Attract ako sa maputi.

Maganda siya. May mga magagandang mga mata na nakakahipnotismo. Nakakainlab! May cute na matangos na ilong. Na sa tingin ko ang sarap pisilin! May magagandang hugis ng labi. Na-feel kong tikman ulit. At hugis ng mukha na sobrang perpekto na nga. Wala nang mas maganda pa sa kanya. Sa tingin ko hulog talaga siya ng langit sa'kin. Gusto ko siya! Gusto ko siyang maging akin!

Gusto kong alagaan siya habam-buhay. Parang siyang isang dyamante na hindi maaring di alagaan kasi masisira at mawawala ito sayo. Hindi bagay sa kanya ang lalaking walang silbi. Ang bagay sa kanya 'AKO' wala nang iba pa.

Ipinaling ko ang ulo ko sa bandang kanan. Nasa kanan kasi ako si crush naman nasa bandang kaliwa. Bali nakatalikod kami sa silangan. At sakto! Sakto kasi may nakita akong babaeng nagpapaypay sa ilalim ng puno. Mag-isa lang siya. Kaya nilapitan ko iyon para tanungin kong pwede bang manligaw? Joke lang hahaha. Kung may paypay ba siya. Oo!

Lumakad ako papunta kung saan ang babaeng yun. 'Di na ako nagpaalam sa kasama ko. Maldita pa naman yun at baka iwan ako ng biglaan kasi ang hassle ko.

"Ah Miss! Can I borrow your fan in a minute? Promise. I'll give it back to you. Hahanapin kita kahit san ka pa para maisauli yan mamaya. Basta pahiramin mo lang ako ngayon," sabi ko.

Tulala lang siyang nakatingin sa'kin. Nerd? Nagwapohan siguro sa'kin. Walang kakurap-kurap niya naman itong iniabot sa'kin. It means pinahihiram niya ako. Tinanggap ko kaagad.

"Uhmmm..I hope you don't mind if I ask ahhhh...Do you have an umbrella? Can I borrow it too?" Tanong ko pa ulit.

Tumango lang siya at kinilkil bag niya na nasa tabi niya. Mukhang mayaman din 'tong nerd na 'to eh. Yayamanin si Ate. Nakita ko kasi brand ng bag niya 'Gucci' at alam kong original yun. Marunong akong tumingin ng original.

Nagkakalkal pa rin siya pero mata niya 'di maalis-alis sa'kin. Bakit kaya? Na-love at fisrt sight ka talaga sa'kin, Miss? If oo then I'm sorry. Please forgive me. I can't love you back. May nagmamay-ari na kasi nitong puso ko. At yun ay yung babaeng kasabay kong maglakad kanina. Siya din ang dahilan kung bakit ako nandito sa harapan mo ngayon. Nakikiusap na makahiram ng kakailanganin ko para sa aking 'mahal'.

Nakatitig pa rin siya sa'kin. Kailang hihihihi...

Nang sa wakas nung sa tingin ko natagpuan na ng kamay niya. Alam ko kung bakit kasi patingin-tingin ako sa kamay niya at lipat naman sa kanya kaya nakakailang titig niya. Binigay niya agad ito sa'kin. 'Gucci' pa rin ang brand. Branded talaga! Yayamanin talaga 'to si Miss Nerd eh.

"Sige...." Paalam ko.

Malayo-layo na crush ko kaya binilisan ko lakad ko para maabutan siya. Ibinuka ko na ang payong at itinapat ito sa kanya. Nakita kong tiningala niya ito at pagkatapos tumingin siya sa'kin. Nagsalubong kilay niya hula ko nagtaka yan kung san ko 'to nakuha. Wais 'to crush. Initiative!

Kinikilig ako nung nagsalubong kilay niya at nakita ko ang buong reaksyon niya. Cute niya no she's beautiful!

"San galing yan?" Tanong niya. Curios ka?

Sa halip na sumagot pinaypayan ko na lang siya. Manipis kasi yung paypay na nahiram ko kay Miss nerd kaya isinali ko yung mga papers na dala ko yung requirements para makasali sa soccer team ng school na 'to. Kumapal ito. Diba galing ko. Ang mas lalo pang nagpatuwa sa'kin ay mas nadagdagan gulat niya. Hihihi.... Kinikilig na naman ako.

Bakit kaya kinikilig ako sa tuwing nagugulat siya?

"Hiniram ko dun sa babae." Panimula ko ayaw kong ma-curios forever crush ko,"..a-alam ko kasing ako ang may kasalanan nitong lahat. Pinilit kitang samahan ako!" Tumigil ako sa pagsasalita,"..ayaw ko ring mainitan ka. Ayaw kong masira ang n-natural mong...k-kagandahan," mahinang sabi ko parang bulong yung huli kong sinabi.

Pero deep inside nahihiya na kinakabahan na. Ang lakas ng tambol ng puso ko parang may nagco-concert sa loob at tanging drum na instrument lang ang gamit. Huhuhu...

'Di ko alam kung anong reaksyon niya? 'Di ko din kasi kita mukha niya. Ayaw ko silipin. Kakahiya.

Ewan ko parang ayaw kong gawan ng masama 'tong babaeng 'to. Ewan ko 'di ko alam kung bakit?

Kahit ex niya pa lahat ng mga lalaking estudyante dito at naging ka-flirt-flirtan? Wala akong PAKE! Kahit na lahat pa ng lalaki sa mundo maging ex niya. Ok lang. Wala pa rin akong PAKE.

Maraming bulong-bulongan akong narinig at sa tingin ko totoo iyon base sa opinyon ko. Kahit mukhang mga SCAMMER yung mga nagsabi.

Haha..

Basta ang importante..
Katabi ko siya ngayon at nakasama ko siya kahit ilang oras lang.
Ang mas importante naranasan kong makasama nga siya. May experience na ako kahit konti. I'm very happy na!

"Dito na! Tigilan mo na yang pagi-imagine mo!" Biglang sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya at napapakamot sa batok.

Kakahiya...

@KayptainRB

01-15-21—isinulat ko.



ULAN PA RIN MGA BITCH!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro