CHAPTER 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 38

😶Domo! Sa nagbasa at nakaabot dito. Aishiteru!!!😍😘❤:-)

@KayptainRB

Her P.O.V

"Eh? Ako talaga?!" 'Di makapaniwalang turo niya sa sarili.

"Yes!" I just nodded.

"Hihihi...B-By naman," napapakamot niyang ani.

"Ano ayaw mo? Eh di wag!"

"No.no.no.no...fine okay na magpapakilala na po ako," tapos bumuntong hininga siya.

Nasa gitna pa rin kami kung saan kami nahinto wala akong balak umalis dito hangga't 'di pa nila sinasabi mga pangalan nila. Unfair masyado sa'kin alam nila, sa kanila 'di ko alam. Hah!

May mga estudyanteng napapahinto sa paglalakad yung mga bagong labas lang sa kaniya-kaniya nilang classroom.
Mga chismosa't chismoso. Hayaan na lang!

Tinanggal niya muna kinakain niya bago nagsalita,"..my name is Eren. Meet me!" Inilahad niya kamay niya makikipag-shake hands.

"Nex—" 'di na ako nakatapos dahil pinilit ako ng Eren na yun na makipag-shake hands talaga. Sa gulat 'di ko na nabawi kamay ko. Aba!

"Wag mo naman akong ipahiya. Look, maraming nakatingin sa'tin," tapos inilibot ang mata niya.

I know!

"Blake." Tsek.

"David." Tsek.

"Julian!" Ang cute. Tsek.

"Cape hahaha." Tawa yung isa. Tsek.

Anong klaseng kape? Kopiko o Blanca?

"Wendell." Tsek.

"Gas," malaki pero masungit na pagkakasabi niya. Tsek.

Kakaiba mga pangalan nila ah? Gas? Pwede na ba kitang sindihan para sumiklab ka na? Gas eh! Hahaha.

O

Pwede na kitang ipang-gasolina sa sasakyan ko?

May Cape din? May nagwe-welding? May Sky Flakes. May uwian pa. Joke!

Minemorya ko muna mga mukha nila bago,"..ikaw? Anong pangalan mo?!"

"Ah?" Turo niya sa sarili niya,"..yes!" Sagot ko.

"You already know my name. I know it!"

"Ulitin mo."

Bumaba yung dibdib niya animo bumubwelo,"..MY NAME IS HUGH CLOUGH CHAUCER YOUR HANDSOME SUITOR! SOON TO BE YOUR BOYFRIEND THEN SOON TO BE YOUR GOOD HUSBAND..EVER!" Napatulala na lang ako sa sinabi niya at napanganga.

I gritted my teeth. Sasampalin ko siya. Promise!

Lalapitan ko na sana kaya lang nahinto ulit ako pa'no ba naman nag-wink pa ang bwisit tapos...nag-flying kissssss?!!!!! Wth?

Nag-ingayan ang paligid kasali na mga kaibigan niya. May kanya-kanyang sinabi pero 'di ko pinagtuunan ng pansin. Inis na inis akong nakatingin sa kanya. What I mean is MAD NA MAD AKOOOOO!

Dinuro ko siya,"..k-kapal mo ah? May pa-handsome handsome ka pa dyan. Tapos anoooo?!!! Soon to be HUSBAND koo?! Hah! Asa ka hanggang sa pumuti na yang buhok mo! Bobo! Gosh!"

Nakita kong naglapat ang mga labi niya at......at ngumiti ng matindeee?!

"Ganun talaga....ADVANCE AKO EH!" Hambog niyang sabi,"..would you believe if I tell you that.....I can see the future?"

"STOP! YOU CRAZY!!!!"

"Hugh, tama na yan. Punta na tayo dun," agaw ni Sky Flakes.

Ang name niya ay Blake. Sky Flakes na lang para madali. Walang connect pero magka-tunog. Just let me call him SKY FLAKES!

"Ah! Oo nga pala."

"Tara! Sama ka sa'min, By. Kakain kami libre naman namin tutal wala kang kasama kaya...sama na! Woi?" Kalabit ni cute.

What I mean is si Julian. U-WI-AN. Wala pa ring connect pero magka-tunog nga! Pake niyo ba? Basta si UWIAN na siya.

"Oh? Ayaw!" Iling ko.

"Sama ka na, By. Andito naman kami. Promise, wala kang babayaran dahil libre naman ni pareng......Hugh!"

"Hoy! Bakit ako?"

"Alangan namang si Gai?"

"Naririnig ko pangalan ko," nakasimangot na sabi nung nagpakilalang Gas kanina pero tinawag nilang Gai.

Hay! Ano ba talaga ang totoo? Gas o Gai ng masapak ko na ang simangoterong yan. 'Di ko man lang nakitang ngumiti sa 'kin. Buti pa ang iba kahit minamalditahan ko na ngiti pa rin ng ngiti. Kita na esophagus.

"Bubusugin ka namin, Ms. Beautiful na maldita masyado."

"Anon—" tinakmolan ko si Welding.

Ang Wendell magka-tunog pa ring sa welding. Okay na? Just let me...just let me okay?!

"No, 'di ako sumasama sa mga strangers!" I said.

"Hala! Eh napa-kilala na namin sarili namin. Strangers pa rin ba yun?" Si Sky Flakes.

"Uhmmmm..." And I nodded.

"Naman eh!" Reklamo ni David,"..nagsayang lang pala ako ng saliva?"

"Wag pilitin ang matigas baka lumambot." Ani Gas o Gai?

Lumambot? Ga'no kalambot ba? Like parang poop? Sheesh.

"Hoy!" Bumaling naman ako sa Clow na yun. Kapal niyang hoy-in ako?

Itinaas ko kilay ko,"..ibalik mo daw saliva ni David. Tingnan mo," tapos inginuso niya ang taong nanlupasay sa lupa.

Parang sira na na parang nabaliw. Parang may hinahanap na hindi makita. Yung laway niya ba hinahanap niya dyan? Sayang na sayang yung nakapaskil sa mukha niya. E-Eh?

"Sira ba kayo?" Napupuno kong tanong.

"Sama ka na kasi sa'min. Kakain lang naman, 'di ka naman namin imo-motel. Mamamiya...." Kumindat-kindat pa si E..Eden?

"Eren cute ka ba?" Tanong ni Uwian.

Ayt! Eren pala. Sheesh!

"Ha?"

"Habol."

Tapos nagbatukan sila ng walang humpay. May balak pa nga 'atang makisali sa pagbabatukan ang mga panget na ka-schoolmates namin na mga chismosa't chismoso kung di lang sila sinaway ng Clow na 'to.

Clow? A Flow? Ohwayyyy a FLOWERRRRR! Ahaha now I know. May bago na naman ako. Hmmm...

"Tigilan niyo na yan. Tara na!" Yaya ni Flower tapos hinawakan pa wrist ko.

Binawi ko ito ng malakas. I raised my eyebrows.

"Sama ka na sa'min," mahinahon niyang sabi.

"If I said no. It's still a no in the end. So, sto—"

"Para ma-solve na 'to. I have a suggestion."

"Anoooo?" Sabay-sabay naming baling kay Eren.

"Bro, Hugh mauna ka na dun. Kami na bahala sa kanya," nakangiting sabi niya,"..kakargahin namin siya para siguradong maisasama natin siya kung saan tayo kakain." Dagdag niya.

Napailing-iling ako at napaatras ng konti. Nagsimula na silang pitong humakbang papunta sa'kin habang naka-grin. A-ah.......

"Kakargahin ka namin kasi ayaw mong sumama ng kusa kaya patawarin mo kami sa gaga—"

"Tumigil nga kayo. Walang kakarga sa kanya...okay?" Humarang si Clow.

'Di ko na lang siya tatawaging Flower mabait na siya eh. He saved me. Hoo!

Likod niya lang ang tangi kong kita. Hahawak na sana ako sa damit niya para maligtas ako sa mga kaibigan niyang gusto akong kargahin at para magpalaban na rin. Isa pa parang sumasang-ayon ako sa sinabi niya. Nagustuhan ko.

"Walang may karapatang kumarga sa kanya kahit na sino pa siya!" Aaahhh kaka-touch naman. Hinawakan ko na nga yung damit niya animo nagpapalaban ako. Yieee buti mabait ka ganyan nga wag mo silang hayaan,"..except me. Ako na bahala ako na kakarga sa kanya!" Dali-dali ko siyang naitulak at..

...plakda sa lupa. Nasubsob ang Flower niyo.

"Awww!"

"Buti nga sa'yo. Kapal mo!" Singhal ko. Nagtawanan naman ang paligid.

Unti-unti siyang bumangon ako unti-unti ding umatras then takbo naaaaaa...... Kahit na masira ang beauty ko okay lang basta 'di niya ko maabutan o kahit nino man. Kahit na ma-haggard ako wala na akong fuckyy. Bahala na si Wolverine ayaw ko kay batman naiinis ako, tanggalin niya kasi maskara niya sa mata. Pa-feeling gwapo pa. Paniki naman.

Mga wala pa 'atang isang minuto may bumihag ng mga braso sa'kin. Niyakap ako ng mahigpit kinulong nga sa braso. Of course ako naman si maganda nanlaki ang mata at grabe maka-dugdugdug si heart. OA siya huhuhu.

Mangingisay na ba ako sa kilig? o Pipilitin kong makawala? o Mananatili na lang ako dito habang-buhay? Anooo? Please help me.

Nakatalikod ako sa yumakap sa'kin kaya naramdaman ko ang pagdantay ng chin niya sa right shoulder ko. Parang naglalambing jowa ko. Aaaaahhhhh!

Noooooooooooooo!

I don't have JOWA!

"Kahit na sobrang sakit ng pagkakatulak mo sa'kin...kahit na napahiya ako sa maraming tao. Kahit na panget ako kanina. Kahit na ano pa ang nangyari, pipilitin at pipilitin ko itong balewalain para sa'yo. Kaya kong tiisin ang sakit na naidulot mo wala akong pake. Basta ba wag ka lang tumakbo papalayo sa'kin...nasasaktan ako, By." Bulong niya.

Ang tanging nagawa ko lang ay kumurap. Kahit paghinga napipigilan ko. 'Di halos maka-beat si heart sa mga naririnig ni ears. Ano yun mouth? Pumatol ka at magsalita na, please.

'Di ko na alam kung anong gagawin.

Ano bang gagawin ko? Para akong nasa teleserye ngayon. Para akong may jowa na nasaktan ko at parang may malaking meaning ang mga binulong niya. Parang magiging totoo. Parang gusto ko na 'ata siyang......


...masapak ngayon din at sampalin ng back-to-back. Kapal niyang mag-drama habang nakayakap sa'kin, ah!

@KayptainRB

02-02-21—isinulat ko.

A/N.
Ang weather ay maulan. Mina-massacre na naman roof namin. Chas!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro