CHAPTER 42

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 42

@KayptainRB

Her P.O.V

DALAWANG minuto na ang nakalipas simula nung dumeretso ako dito sa kwarto para makapagbihis.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa'kin. Gusto kong bumaba pero parang ayaw ko din. Gusto ng puso ko pero ayaw ni paa. Kumakabog ng malakas ang hart ko at nanlalamig ako. Siguro dahil alam ko na andyan lang siya sa baba.

Wait? Andyan pa kaya sila? Napano na kaya sila noh? Ano kayang ginawa ni Dad sa kanila? Baka namatay na yun lahat? I need to go there na.

Hindi ako tumakbo kahit feel ko nang tumakbo para magmadali. Baka mahulog ako sa hagdan na patay na talaga.

Sa sala. Wala!
Sa ibang mga sulok. Wala!

Sa kusina kaya?

Kusina. Hay! Buti andun sila. Nakahinga na ako ng maluwag pero 'di pa rin ako nagpapakita sa kanila.

"So, ngayon alam ko na surname niyo. Ang next is 'SINONG JOWA NG MAGANDA KONG ANAK? BABARILIN KO.'" 'Di ko akalian na biglang mangugulat si Dad ng ganun at hanudaw? Babarilin niya kung may jowa ako dyan? No way!

"Aa...ahhh...sir..sir..w-wala p-po," nadutdot sila sa kaniya-kaniya nilang mga upuan. Takot!

"Dad!" Pigil ko sa kanya. Akma na naman kasi siyang magsasalita.

Napatingin naman silang lahat sa'kin ang mga boys parang umaliwalas ang mga mukha. Parang nakakita ba ng kakampi o tagapagtanggol tapos itatanggol ko sila.

'Di ko inaasahan na sa paghawak ko sa isang upuan namin ay magtatayuan sila at nagsipuntahan sa likod ko. Nagsiksikan silang lahat. Takot na takot!

"A-anong..."

"Ano ba?!!! Umalis kayo dyan sa likod ng anak ko. Bibilang ako, ISA, DALAWA... pag kayo di pa umalis dya—"

"B-by..." may nagsabi nun sa likuran ko. Nanginginig hahaha..

"Dad!" Tapos tumawa ako ng malakas. Ang seryosong mukha ni Dad napalitan ng sobrangggg lakas na tawa din. Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa magsawa.

"Ako!" nabigla ako sa nakita ko si..si Clow kasi nasa isa sa mga upuan. Nakayuko siya dun ng seryoso at parang matagal na siyang nakaupo dun.

Napanganga ako habang pasenyas-senyas sa likod ko. Hindi makapaniwala. Why is he there? Akala ko ba kasali siyang pumunta sa likuran ko. Bakit hindi ko siya napansin kanina?

"Ako po Sir! Liligawan ko po anak niyo. Promise, wala akong gagawing masama sa kanya. I will take care of her," nakayuko niya pa ring ani. Seryoso? Ang seryoso din ng boses niya siguro kapag ikaw nakarinig manlalamig ka at hindi makagalaw sa kinatatayuan mo. Ganyan ang nangyayari sa'kin ngayon.

No! Gosh! Anong ibig sabihin nito?

Pati si Dad kakikitaan ng pagka-gulat kagaya ng reaksyon ko 'di din siya makapaniwala. I'm very sure na nagtataka din siya kung bakit siya andyan.

Kanina pa ba siya dyan?

"What did you sayyyyyyyy?!" Umalingawngaw ang boses ni Dad sa buong lugar matapos nun naging tahimik na ang lahat. Walang may balak na magsalita kahit ni isa.

"Seryoso niyo ah? Pasali naman kung ano yun?!!!" biglang humirit si Mom. Kalalabas niya lang galing sa Main Kitchen.

Ganito kasi yan Dinig Table tapos may isa pang kwarto na papasukan at dun ang tinatawag naming 'Main Kitchen' lumalabas lang ang mga taga-luto para i-serve ang mga pagkain. Sosyal noh? Malaki nga bahay namin. Oo, kaya ngang mag-launch ang space ship dito o kaya mag-take off ang airplane sa laki ng area. Marami din naman kasi kami kaya ganun. Hindi kami mabo-bored tapos walang multo. Pero may mga ipis. Kidding!

"Anyare sa mga mukha niyo???" Palipat-lipat si Mom panay ang silip sa mga mukha ng mga lalaki. Ganyan yan si Mom 'jolly' kung tawagin ko pero kapag siya nagseryoso dapat na kayong matakot. Basta! Basta!
Mana din ako dyan!

Nang walang pumansin sa kanya. Tumayo siya sa harapan at na-mewang. Humihinga siya at ang sama na ng mukha niya. Masama na 'to.

"Sagutin niyo siya. You guys don't know her." I said.

"H-huh? Ehhhh...kung ganun mas malala pa Mommy mo By kesa sa D-Dad mo?" Nanginginig na tanong ni Blake sa likod ko.

"Yes. Mas malala kaya ayusin niyo habang nasa mood pa siya..hah!"

"Ahh...maam hihihi. Wala pong proble—"

"Just call me Tita!" Putol niya kay Wendell.

Bumalik sa pagka-jolly ang mukha niya. Sarap mailing.

"May I know you all? Sino kayo at kaanu-ano niyo ang anak ko?" Tanong niya sa mga nasa likuran ko.

"Kaibigan lang po namin si By maam...ayt Tita pala hihihi," pa-cute talaga 'tong si David.

"And, who is this boy?" Nilapitan niya si Clow at pinasadahan ito ng hintuturo sa likod. Kagaya kanina nakayuko pa rin ito at parang nababalutan ng itim na awra.

Katakot! Yung parang nasa ANIME ba. Kapag ang bida dun nainis o nagalit nababalutan sila ng black na usok or should I say black aura. Gets? Okay dipa!

Sa tagal kong nakatayo nangawit na paa ko kaya humila ako ng upuan para makaupo na,"..mom! Stop na I'm hungry na oh," yamot kong sabi.

Napatingin naman siya sa'kin at dali-daling bumalik sa Main Kitchen. I know she'll get some food they cooked awhile ago. Umupo na rin si Dad at,"..you may take your sit para kayong napalo ng nanay niyo, ah? Upo. Upo na." nakangiti na namang yaya ni Dad. It's over.

Binalingan ko naman sila at parang hinintay nga ako...hay I just rolled my eyes,"..upo na kayo!" Nagsiupuan nga sila.

So, ako lang ang hinihintay niyong magsabi? Kapag 'di ko ba sinabi kanina wala nga silang balak umupo? WOW!

Pasimple kong tiningnan ang Clow na yun ayt Flower pala noh? Muntik ko nang makalimuhmtan. Hoo!

Ganun pa rin siya nakayuko pero wala na ang black aura siguro nahiya kanina dahil hindi na siya napansin pa. Haha kakatuwa! Yan mahiya ka dapat! Sobrahan mo pa sarap sa pakiramdam eh.

Kawawang binata.

'Di nagtagal nagsilabasan na sila Mom and the others para i-serve ang mga pagkain. Kumakalam na sikmura ko. Favorite ko 'ata 'to lahat. Sheesh! Sunod-sunod ang paglagay ng iba't ibang mga pagkain hanggang sa napuno ang lamesa. Tiningnan ko reaksyon nila at ayun natuwa na naman ako. Gulat na gulat sila.

Finally, umupo na din si Mom sa may side ni Dad,"..m-may fiesta po ba?" curious na tanong ni Uwian. Nahihiya din.

"Wala," sagot ko.

Kumain na kami ang iba nung una pahiya-hiya pa pero ng matikman nagpabalik-balik na sila at kanya kanyang sandok na ang ginawa. Grabe sila makanguya parang wala ng bukas. Ang totoo wala bang ganito sa kanila?

"Masarap ba?" Nakangiti ng matamis na tanong ni Mom.

Tumango-tango naman sila,"..ayieeeee!" Napapayakap na sa sarili si Mom. Kinikilig.

Matapos naming kumain kinausap pa nila saglit ang mga lalaking yun at inutusan ako ni Dad na ihatid daw sila palabas. I said 'NO WAY' but they insisted so I don't have any choice na sumama na nga sa kanila para ihatid. Sobrang sama ng loob ko grabe! Ayaw kong ihatid sila eh. Andyan kasi ang Clow na yan. Kainis! Kinakabahan na naman ako.

Humarap sila sa'kin matapos nilang makalabas sa mismong gate,"..kahit nakakatakot kanina ang Dad mo pakisabi By na nagagalak kaming makilala siya. Mom mo din pakisabi ang galing niyang magluto at sobrang nabusog kami!" Sa bawat pagsasalita ni David tatango-tango at oo ng oo ang mga kasama niya.

"Sige ba," tango ko.

"Sa'yo na din. Thanks for today By. Swerte namin dahil nakapasok kami ng maaga sa bahay mo kahit di ka pa namin ganun ka-close at nalibre pa kami ng hapunan. Salamat talaga! Thank you very much much!" Si Cape naman ngayon.

"Wala yun. Sige na uwi na kayo," bugaw ko.

"Salamat By!" Eren at naging sunod-sunod na ang pagpapasalamat nila. Si Gas nagpasalamat na rin di ko inaasahan yun pero masaya ako kahit ganun siya. Na mukha siyang masungit nagpasalamat pa rin siya kahit sobrang hina ng boses niya. Halos di ko na marinig.

"Uh-hummm..." may nag-fake cough.

"Ano pang hinihintay mo? Uwi na. Alis!" Pagmamaldita ko kay Flower.

"Salamat."

Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago ako nag-iwas ng tingin,"..alis ka na. Baka iwan ka nila, oh?" Tinuro ko ang kotse ini-start ni kasi ni David.

"Alis na!"

Ngumiti lang siya ng matamis ramdam ko na may gusto pa siyang sabihin pero wala nang magawa dahil binubugaw ko na siya paalis.

"Sige. Bukas ulit," sabi niya.

Bukas ulit?😨 Ano naman meron bukas? Hah! Na-gets ko kaya 'ASA' siya. Umasa ka hanggang sa mamuti na yang buhok mo.

Hindi ko na siya tiningnan at tumingin na lang sa kotse kung saan sila sasakay. May kumakaway kasing mga sira dun na nakadungaw. Ang ingay daig pa 'ata nagra-rally. Para silang beauty queen na papasada at kakaway-kaway habang nakadungaw. Kakaiba!

Tumalikod na siya para umalis syempre 'di din ako magpapatalo. Tumalikod na din ako para pumasok sa gate. Hanggang aa makapasok pa nga ako naririnig ko pa rin mga boses ng mga sirang kasama niya. Bago maglapat ang lock ng gate narinig ko nang pinaandar na nila ang sasakyan at umalis.

Parang ambilis nun ah?

Dinungaw ko ulit tama nga. Grabe ang bilis nilang magpatakbo? Bakit kanina parang hindi naman ganun magpatakbo sila. Pakitang ano lang ba nila yun? Hay!

At sa isang iglap nawala na parang bula ang kotse. Sa bilis ba naman na yun?

Kumusta kaya ang mga nasa loob? Okay lang kaya sila? haha. Baka nasuka na yun sa sobrang hilo.

Hay! Hayaan na nga lang. Gosh!



@KayptainRB

02-05-21—isinulat ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro