CHAPTER 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 47

@KayptainRB

Her P.O.V

UMANDAR ng umandar ang December at papalapit na ng papalapit ang pasko at new year. Excited na ako, okay?

Wala pa ring mintis ang panliligaw ng Clow na yun sa'kin. Mapa-araw ay may mga binibigay o sinasabi. Wala pa naman akong balak sagutin siya kahit na November siya nag-start at December na ngayon so magto-two months na rin. Naiinins din ako sa kanya dahil gabi-gabi nalang dinadalaw niya ako at ang palaging sabi 'sana isang araw ngiti mo naman ang bubungad sa'kin' yun! Yun!!!!! Kainis diba tapos si Demi pa ang taga-tawag na babain ko daw si Clow. Grrr!

Ano ba siya ng Clow na yun?

Caller? Messenger? Employee?

Wala akong ginagawa ngayon nakatunganga lang habang nakatingin sa mga puno, nandito ako ngayon sa veranda ko. Ano bang gagawin ko? Inaantok ako. Maybe, I need to sleep muna.

Pumasok na ulit ako sa loob at humiga na sa kama para makatulog. Agad naman akong nakatulog.

(Tanging pag-tiktak lang ng orasan ang maririnig mo)

Nagising ako at '11:18 am' na ang nakatatak na oras sa orasan. Hmmm? Bakit parang hapon na. Tumayo ako at pumunta sa veranda. Nagkukusot-kusot pa ako ng mata.

Binuksan ko ang sliding door at umihip ang pinakamalamig na hangin sa'kin.

Bakit ang cloudy 'ata ngayon?

Teka—? Baka mali yung time na nasa orasan ko? Na-set ko ba yun? Mukha kasing hapon na talaga. Paulan na.

Mukhang uulan na nga. Panay na ang ihip ng hangin at nakita ko ang mga maliliit na butil ng ulan hanggang sa nagbagsakan ang mga malalaki nito at para nang mina-massacre ang roof namin. Pumasok ako dahil baka mabasa ako at ang ginaw na grabe!

In-off ko ang aircon at nagtalukbong ng kumot.

Lalagnatin 'ata ako?

Joke lang hahaha...

Ano kayang gagawin ko? Wala...

Pinagmasdan ko ang labas ang ulan pa rin. Bumangon ako at inabot ang remote at in-on ang TV. May nagfe-fencing, mga chinese ata nakapalda sila eh at panay ang liparan. Nag-aaway pfft kakatawa may mga saya nga sila tapos long hair pa. Sarap dalhin sa barber shop ng magupitan dun ni Uncle Budot haha.

Nilipat ko ito sa may mga cooking show at sarap na sarap na naman ako. Kainis! Lipat ko ulit bahala kayo riyan pagkain kayo. 

Natapos ang araw na yun na ulan lang ang naglagi. Walang mga taong lumabas, panigurado. Sino bang lalabas? Ulan? Lalabas ka pa?

Sa sumunod na araw pa ay nagpatuloy ang ulan. Nag-declare ng walang pasok muna ang school. Ibinalita na bagyong Mary daw at Signal #3.

Sa mga araw ring yun ay sa kwarto lang ako naglagi. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Parang...parang giniginaw ako ng sobra. Parang lalagnatin na 'ata ako.

Sa mga nagdaang araw din na yun nagpapasalamat ako dahil maulan at hindi na siya nakakadalaw sa'kin. Hindi na siya nakakagawi dito simula nung magsimula ang ulan.

Minsan nang napatawag ang mga bitches. Kinukumusta ako at sabing di na muna daw sila makakagala.

Huminga muna ako ng malalim matapos pindutin ang pangalan na 'DemiBitch'.

"Yes? Hello By?"

"Mmm. Pwe—de bang pahingi ng number niya?"

"Huh? Number niya? Who?" Taka pa siya sa kabila.

"Number niya?"

"Nino nga? Sabihin mo kasi ang pangalan." Alam kong nanga-aasar na yan at mas lalong alam ko na alam niya kung sino ang ibig sabihin ko!

"Basta siya! Akin na," nilayo ko na ang cellphone sa tenga ko.

"Ayieeeeeeeeee...sabihin mo muna pangalan niya?" asar niya sa kabila.

"Tumigil ka! Akin na nga agad."

"Pangalan?" Parang nanghihingi siya sa kabila.

"Bahala ka nga kung ayaw mong ibigay edi wag!" Tapos inunahan ko na siya sa pagpatay.

Kainis! Pinapatagal pa niya. Asar ng asar nakakainis.

Nag-brizk ang cellphone it means may message. Kinuha ko yun at binasa galing sa bitch...hayst! I opened it then I saw an eleven digit.

From: DemiBitch

Here>> 09674311890 number ng Clow mo ayieeeeee...

2 minutes ago

Buang! Kinuha ko 'to at phinonebook nilagyan ng 'FLOWER'. Tama ba ang pangalan? Okay lang?

Pinagmasdan ko muna 'to bago idinial.

~Kring~Kring~Kring~

San na ba? Bakit ang tagal?

~Kring~Krin—

"Oo? Sino to?" Biglang dumagundong ng sobrang lakas ang dibdib ko nung magsalita siya. Parang bagong gising siya.

Teka—? Ano bang gagawin ko? Papatayin ko ba? Patay na!!!

Nanginginig kong inalis sa tenga ito pero di ko pa nga talaga nailalayo ayan na...

"Hello? Sino 'to?" Inis na siya sa kabila.

"Hello!!" Ulit niya.

Hinga. Hinga. Hinga.

"Uh-humm..." I faked my cough.
Tahimik lang siya sa kabila siguro naghihintay sa next na sasabihin ko,"..it's m—"

"Kung prank man 'to please lang maam itigil niyo na 'to. Naistorbo niyo po ako please lang po. Pasensya na po," at namatay na ang tawag.

Nabigla man at balak ko sanang magalit pero mas nangibabaw ang sinabi niya na kahit parang inis o galit na ba yun mababa pa rin ang pananalita niya na hindi nakakasakit pakinggan. Isa pa ang galang niya may 'pasensya pasensya pa siya'.

Pero galit pa rin ako! May sakit akong na-feel but I need to balewala this.

Humiga ako at hayyyy...kainis siya. Di ka na ulit makakalapit sa'kin buang kang lalaki ka!

Nagbihis ako at nagpaalam sa mga kasama ko sa bahay. Medyo tumila na ang ulan kaya kampante na rin nila akong pinayagan na lumabas. Magko-commute ako di ako pinayagan ni Manong Bert na ipadala ang kotse baka daw mapano ako...

Nag-commute nga ako. Pumara ng taxi at nagpahatid sa sinabi kong lugar. Inabot ko na ang bayad matapos huminto ng taxi at lumabas na di ko na hinintay ang sukli. Sinabihan ko na lang siya ng 'keep the change, manong'. Mahirap din kaya ngayon ang sitwasyon. Maulan at wala masyadong taong pwedeng sumakay sa mga taxi.

'Raky's Cafe'

Nabasa niyo yan? Hmmm...gusto ko lang magpainit saglit. Ang lamig pa rin okay lang din may jacket naman akong nasuot. Pumasok na ako at binati ako una ng guard bumati din ako pabalik. May guard dito dahil medyo malaki-laki din 'tong Cafe na 'to. Nice din ang service nila ang approachable ng mga crew.

Iginiya pa nila ako sa table na uukupahin ko. Nagustuhan ko naman ito dahil sa gilid ako ng glass. Makikita ko ang nasa labas habang ini-enjoy ko ang kapeng 'to.

Naubos ang isa.
Order pa ng isa.
Naubos pa ang isa.
Order pa ng isa.
Naubos na rin.
Maybe, enough na 'to baka mapano na ako.

Bali 3 coffee ang na-order ko. Geez! Hmmm...wala lang naman yun. Tatlong kape naman talaga ang kadalasan kong nauubos. Di ako magsu-survive sa umaga if walang 3 cups ng coffee.

San na ba yun? Kinapa ko pa ang mga bulsa ko pero wala akong matagpuang cellphone. Nakalimutan ko ba? Aish! Oo nga pala iniwan ko sa kwarto dahil nainis ako sa lalaking yun. Sarap sampalin ba!

Naglagi pa ako dun ng ilang oras ng may biglang nagsabi na,"..pwedeng patabi?" napatingin ako dun at...

"Gas?" Naibulalas ko. Tumango lang siya at dali-dali ko siyang pinayagan,"..oo naman." ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Obvious?" Sabi niya sabay taas sa kape niya.

"Aaahhh...oo nga!"

"Ikaw gawa mo dito?" Siya.

Inginuso ko lang ang 3 lalagyan ng kape na ngayon wala ng laman.

Naibuga niya ang iniinom niya matapos tingnan yun,"..ikaw? Ikaw lang uminom niyan?" Gulat na gulat niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin kasi parang di man lang niya pinansin ang ginawa niya. Bugahan daw ba ako, pinunasan ko bandang pisngi ko. Gosh 'tong Gas na 'to!

"Kainis ka, ah!"

"Ah eh sorry..." tapos binigyan niya ako ng panyo.

Nilagay niya iniinom niya sa lamesa,"..pero totoo? Nainom mo yan lahat?" Tumango lang ako.

"Ano naman?" Tanong ko.

"Wala di lang talaga ako makapaniwala!" Bulalas niya.

"Hahaha." I just laughed.

"Wait—! Comfort room muna ako." Paalam niya.

"Sige."

Napangiti ako ng mawala siya. Hah! Grabe ngayon ko lang nalaman na nice pala siyang kausap. Minsan rin pala nagiging ganun siya? Hahaha. Di pa rin ako makapaniwala. Isa pa nainis lang talaga ako dahil binugahan niya ako dahil sa gulat. Hmm infairness di siya nakasimangot maybe good mood.

Pagbalik niya tumayo na rin ako,"..kailangan ko nang mauna Gas. May pupuntahan pa ako," paalam ko.

"A-ah...eh...sige sige!" Umuna na ako sa kanya mukhang wala pa siyang balak umalis dun. Ako okay na eh nakainom na ng tatlong kape grabe. Ayos din!

Nilingon ko pa siya at kumaway pero...pagharap ko bigla akong nanlamig. An—andito siya? Bakit? Paano? Sino? Joke haha...

Seryoso siyang nakatayo ilang dangkal lang ang layo sa'kin at nakatitig ito. Nakasuot siya ng black jacket na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya. I just rolled my eyes then nilampasan siya. Pero I stopped...nakaharap pa rin sa nilalakaran ko pero nakalampas na ako ng konti sa kanya. Buti hindi humarap ang bwisit!

"What a coincidence noh?" Sarcastic kong tanong.

"Sa laki ng lugar na 'to nagkataon pa na andito ka rin. Ayoko ding sabihin na andito ka dahil andito ako ayaw kong maging assuming no—"

"Maging assuming ka!" sabi niya at humarap na sa'kin,"..dahil ikaw talaga ang ipinunta ko dito. Sorry di ko alam na ikaw yun," nangunot ang noo ko.

Don't tell m—?

Tinalikuran ko na siya at naglakad na. Ayokong marinig ulit yun. Naiinis ako...di nagagalit sa kanya ng sobra.

"By!" Tawag niya.

"Sorry! Sorry! Sorry! Please samahan mo ako saglit," napahinto ako.

Lumakad ulit ako papunta sa kanya,"..sige papayag ako basta sa isang kondisyon!"

"Ano yun?"

"Sasampalin kita mamaya...sa walang tao. Hindi naman ako kasin-sama mo para ipahiya ka dito!" Tapos naglakad ako patungo sa kotse niya. Naispatan ko na yun kanina pa!

"Sige..." 'di ko alam kung pa'no mag-react. Di ko akalain na sasagot siya at papayag pa.

Dinala niya ako sa Mall. Akala ko ba sa walang tao niya ako dadalhin? Baka sinadya niya 'to ha? Para di ko siya masampal aba mautak din siya noh?

Baka librehin niya ako kaya binawasan ko ang pagkaka-salubong ng kilay ko.

"Bago tayo mag-usap bilhan mo ko nun, yun, yun pa, yun pa!" Tinuro ko na lahat ng pagkaing nagustuhan ko. Bahala siya magbayad dyan.

"Kapag ikaw nagreklamo sisipain talaga kita. Ikaw ang may kasalanan...dinala mo ako dito eh!" Naka-cross arm kong sabi. Nagmamaldita!

"San ulit?" Napapakamot niyang ani.

Tinuruan ko siya ulit. Binilhan niya ako at naglakad-lakad pa ako. Iniwan ko siya dun bahala siya.

"How much?" Tanong ko sa tindera dun sa cotton candy.

"20 po maam!"

"Give me 3."

Binigyan naman niya ako. Sakto naman papalapit si Clow sa'kin,"..bayad ka dyan!"

Kinuha ko ang ibang pinamili niya at dinala. Umupo ako sa isa sa mga bakanteng bench dun na pwedeng tambayan ng mga tao. Nasa loob kami ng Mall pero may pabilog na bench at ang gitna nun ay ang fountain. Sobrang ganda at maraming barya sa tubig. Hilingan? Marami pang mga benches. Andami nga namin dito kaya lang kakahiya puro mag-jowa ang nandito. Grrr! Kumain na lang ako di nagtagal may tumabi sa'kin tiningnan ko siya at inilapag sa lamesa ang iba niya pang napamili.

Akma na siyang magsasalita ng,"..mamaya ka na magsalita. Bawal magsalita kapag kumakain pa ako, okay?" Tinakpan ko yung bibig niya ng kamay ko.

"So-sorry kanina di ko lang kasi talaga alam na ikaw yun. Sana nagpakilala ka agad..." mata lang ang ipinagalaw ko para matingnan siya. I just rolled my eyes. Sabing wag muna magsalita eh!

"Sorry? Haha buang ka ba? Alam mo bang nagalit ako sa'yo!"

"Sorry talaga. Di ko din inaasahan na tatawag ka at...at—"

"At?!"

"...at bago yun sa'kin," umiwas siya ng tingin matapos ko siyang harapin.

"Teka—? Bakit ka namumula, ha?" Iniharap ko mukha niya sa'kin.

Pinilit niya pa ring iniwas,"..bakit ka sabi namumula?!!!"

"Na-Nahihiya a-ako..." Pag-amin niya.

Di naman ako nabigla daw,"..at bakit?"

"Ka-Kasi...kinikilig akow," pahina ng pahina sa pandinig ko ang mga huling katagang yun pero di pa rin naka-miss sa pandinig ko.

"At bakit ka naman kinikilig?" Nakataas kilay kong tanong.

"Please, tigilan mo muna ako sa mga tanong. Nahihiya na ako, By."

"FINE!"

Napansin ko na panay ang sulyap niya sa'kin habang kain ng kain ako.

"Papatawarin kita sa isang kondisyon!" I snapped.

"Huh? Ano naman yun?"

"Kantahan mo ako." I said.

"Dito?" Nanlaking mata niyang tanong.

"Mmm..."

"P-Pero..."

"Wala ng pero...pero. Diba gusto mong patawarin kita?" Tumango lang siya na parang bata.

"Sige na kantahan mo na ako!"

"Ano bang kanta?" Namumutla niyang tanong.

"Kahit ano basta kaya mo."

"Si-Sige."

Tapos huminga siya ng malalim parang magsisimula na pero bago pa makabwelo,"..hep! Hep! No! Wag ka dito...doon ka!" Turo ko sa gitnang bahagi ng lugar na ito kung saan kapag kumanta siya kaagaw-agaw pansin talaga.

"P-Pero?"

"Dun na!" Tinulak ko na siya. Lumakad na siya papunta dun at...

[TO BE CONTINUED]

@KayptainRB

02-10-21—isinulat ko.

Ps. Sorry medyo napataas na naman. Si kamay kasi grabe kung makasunod kay utak. Mga tumatakbong eksena ang dami. Di ko ma-carry!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro