CHAPTER 52

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 52

@KayptainRB

Her P.O.V

KINUHA ko sa bulsa ang cellphone ko at chineck kung may text nga ba siya na hindi ko nabasa.

(1 new message) In-open ko at...

Flower:

On our way😊

7 hours ago

Eh—? Pe-pero?

"Ayan na siya. Oh? Ngayon naniwala ka na ba sa'kin na manghuhula ako? And, wag ka nang ma-sad ayan na bebelabs mo hahah," asar na bulong ni Demi.

Hindi ko na lang siya sinagot ayaw kong marinig nila kami.

Bebelabs niya mukha niya.

Humakbang ako papunta sa kanila.

"Uiii, si Ms. Beautiful mas lalong naging beautiful!" Sabi ni Sky Flakes,"..happy birthday pala!"

"Happy birthday, By!" David.

"Happy happy birthday maldita," Uwian.

Tapos nagsunod-sunod na sila sa pagbati sa'kin.

Tumaas pa muna ang kilay ni Gas na animo bumabati bago,"..happy birthday."

"Thanks!" Ngumiti ako ng matamis sa kanila.

Tumingin ako sa kanya,"..happy birthday!" bati niya.

"Yeah. Thanks."

"Oh? Nagdala ba kayo ng pamalit? May 2 araw pa para ma-enjoy ang kagandahan ng beach, guys!" Demi.

"Ah. Oo nagdala kami," nahihiya pa si Cape.

"Tara pasok na tayo dun," sabi ko.

"Teka—? Pano ang bag nila?" Dj.

Napatingin naman ako sa bag nila. Oo nga pala. Wait—

"Oh? Andito na pala ang mga boys. Kyahhhh," pinagyayakap at pinaghahalikan sila ni Mom sa pisngi kalalabas niya lang galing sa cottage.

Binati nila si Mom at mas lalong silang haha pinagloloko ni Mom.

"Mom. Bag nila san ba ilalagay?" Agaw ko.

"Ah. Oo nga pala kararating niyo lang din. Hatid niyo na lang muna sila girls sa magiging room nila. Don't worry naka-reserve na ako kahapon," saad niya.

Kahapon? So, alam niyang pupunta sila?

"Pero Tita!" Reklamo ni Gc, S at ng iba pang bitch.

"Sige na samahan niyo muna saglit then before that you can go back here. Let's open the celebration!" Anunsiyo niya.

"Okay."

Umalis na kami at tumabi ako sa kanya. Ewan bakit ako tumabi? Panay ang usap ng mga kasama namin. Mukhang okay naman sila, nagkakasundo ah?

"Happy birthday ulit sa'yo," sabi niya sa tabi ko.

"Paulit-ulit?" Sarcastic kong tanong.

"Di naman gusto lang talaga kitang batiin."

"Okay."

"Sorry di agad ako naka-reply kahapon. Busy ako at sa gabi ko na nakita ang text mo," aniya.

Ano naman kayang pinagkaka-busyhan niya?

"It's okay."

Nang makarating sa harapan ng kwarto na ni-reserve ni Mom sila na lang ang pinapasok namin. Alangan namang pumasok kami sa loob. Gosh! Babae kami malay ba namin na baka bigla silang magbihis dun at gosh topless na sila. No! Di kami manyak. Panigurado naman talaga nagbibihis sila need kaya nilang magsuot ng pang-beach. Maiiba sila kung magkataon.

"Tagal naman!" Reklamo ni S.

Tagal kasi talaga nila. Ano bang ginawa nila sa loob? Baka naga-apply din ng sunblock?

"Maybe, they're applying some sunblock baka maitim din sila." Ken.

Nagtawanan naman sila sa narinig.

Bumukas ang pinto nila at nagsilabasan na sila. Unang lumabas si Cape then sunod-sunod na ang pinakahuli ay si Sky Flakes.

Grabe! Wait secret lang 'to ah? Gwapo naman nila tingnan lahat plus nangangalingasaw pa sa bango. Pero ang mas pumasok sa ilong ko ay ang pamilyar na amoy. Pamilyar na bango, at alam kong sa kanya yun.

Naka-beach shorts sila then ang ganda talaga ng damit nila. May naka-sando at may naka-shirt din na open ang harap. Bagay na bagay talaga. Pang-beach nga ang outfit nila.

"Hayyy..." Parining ni S.

"Tara?" Yaya ni Clow. Umalis ako sa pagkakasandig sa dingding at tumabi ulit sa kanya.

Habang naglalakad kami di talaga maiwasan na may napapatingin pa rin sa'min, sa'kin. Uyy, di ako feeling ah di din assuming. Promise, tumitingin talaga sila sa'kin.

"Pansin mo. Inaagaw mo mata nila?" Sabi ni Wendell sa'kin.

"Ah— hindi naman."

"Anong hindi? Oh! Tingnan mo tinitingnan ka nga nila sa sobrang ganda mo nga naman isa pa ang suot mo bumagay talaga sa'yo. Mas lalo kang pumuti witwew!" Sinipolan niya pa ako ng pabiro.

"Sira! Di yan."

Tahimik lang siya sa tabi ko. Problema niya?

Nangyari nga ang opening ng celebration muna ang naganap. Maraming tao mga kakilala lang naman namin. Ang mga gurang kanya-kanyang business na. Kami namang mga millenial may business din na inatupag. Marami pa ang nangyari hanggang sa gumabi na. Dito na gaganapin ang totoong celebration. Grabe sobrang bibo kahit 7:00 palang.

"Dun lang ako sa puno," paalam ni Clow.

"Sama ako."

"Sige."

Lumakad kami papunta dun.

"Sandali..." pigil niya sa pag-upo ko at may inilapag siyang panyo? Para upuan ko daw?

"E—"

"Baka madumihan ka. Sige na," umupo na siya. Nagalinlangan man umupo na lang din ako.

Magkatabi kami ngayon. Malamig na hangin ang dumaan kaya wala sa sariling napayakap ako mag-isa sa sarili ko pa rin. Alangan namang sa kanya. Nah! No way!

"Malamig bakit di ka nag-jacket?" Tanong niya.

"Ayos lang." Kampante ako dahil wala naman siyang jacket na maibigay ngayon. Wala siyang suot o dala.

Nadala ang buhok ko kaya inayos ko din ito. Wala na akong hat ngayon kasi hinubad ko na yun kanina. Pang-sun wala ng silbi ngayon dahil moon na ang meron. Pagabi na rin kaya wala na yung use sa ngayon. Wala ng magpo-protect sa buhok kong nakalugay.

May umagaw sa buhok ko at inayos iyon. Naramdaman ko na lang na itinali niya ito.

"Alam mo kung pano?" Naninigas kong tanong.

"Oo. Sanay na din ako sa ganito palagi ko kasing iniipitan kapatid ko," saad niya.

"May kapatid ka?"

"Oo."

Tapos na kaya dahan-dahan niya itong binitawan. Alam niya pala kung pano? Di ko matatawag na bakla ang lalaking marunong umipit ng buhok kasi sa tingin ko ang cute at ang sweet nun. Akalain mong naipitan niya ako kahit wala naman akong pang-ipit para sa buhok ko?

"Pano?"

"Basta. Ginamit ko pa rin ang buhok mo para maipit. Ganun kasi ang ginagawa ko sa kapatid ko sa tuwing wala siyang pang-ipit na dala kasi nakalimutan."

Tumingin ulit siya sa malayo.

"Lapit ka dito konti."

"Huh?" Di ko gets.

"Lapit ka maginaw na masyado. Ibibigay ko sana tong suot ko kaso giniginaw din ako kaya lapit ka na lang sa'kin. Diba sabi nila mainit ang isang tao? Siguro naman okay na din kung lumapit ka kahit konti para mabawasan ang lamig."

"Wag na. Okay lang," umirap ako sa hangin.

Landi!

"Kung ayaw mo edi ako nalang," sabi niya.

Di na ako gumalaw kasi di naman talaga ako makagalaw. Sino bang makakagalaw kung nanigas ka na sa kinauupuan mo?

Bakit kasi siya lumapit? Yan tuloy para akong na-freeze hindi dahil sa hangin kundi dahil sa kanya.

"Hoy! Lovebirds punta na daw kayo dito," kinamay kami ni Sky Flakes.

Umuna na akong tumayo sumunod siya at kinuha ang panyo na inupuan ko. Nagpagpag muna siya bago kami naglakad patungo dun.

"Happy birthday..." Napatingin ako sa kanya.

"Paulit-ulit?"

Tumawa lang siya at pumasok na kami sa loob.

Naabutan namin silang lahat na nakaharap sa malaking cake. Sobrang laki, may apoy na ang candle kulang na lang ang birthday celebrants.

"Dito na pwesto." Hinila nila ako at pinatabi kay Ken na ngayon ay panay ang kamay sa icing. Kain siya ng kain. Kadiri! Kidding.

Kumanta silang lahat ng happy birthday sabay palakpak.

"HAPPY BIRTHDAY TO THE BOTH OF YOU!!!" Bati ng mga gurang and mga boys.

"HAPPY BIRTHDAY, BITCHES!!!" Bati ng mga bitches.

Then,
"Ready get set BLOW!!!!!"

Inihipan namin ang mga candles then we're all settle.

"Yuhoooooooo!!!!"

Kainan na syempre di mawawalaang usapan. Napakaingay nila super. Kumuha lang ako ng cake at konting spag. busog pa ako kanina pa. Bago lang kami kumain ng ibang snack eh.

Tinapos ko ang nasa plate ko at gusto ko na muna sanang lumabas kaya lang mamaya na daw. Bigayan na daw ng gift. OMG!

Nagbigayan sila at I don't know kung kaya ko bang dalhin yun pauwi. Sa dami ba naman nilang nagbigay? Pwede na akong ilibing dun ng buhay kami ni Ken.

Matapos ng lahat. Nagpaiwan ang ilan including Mom and Dad and the other parents ng mga bitches para mag-inuman at mag-videoke.

Pinaalis na nila kami para matulog na daw. Bawal daw kaming uminom pero di nila alam na nakainom kami ng konti kanina ng alak dun. Naisahan namin sila kasama ko ang mga bitches na uminom kaya ngayon nakululangan pa kami.

"Tumigil na kayo. Baka bukas patay kayo nila Tita kapag nalaman nila na naka-inom tayo," saway ni J.

"Hahaha di nila alam."

"Tulog na tayo mga bitches!" Yaya ni V.

"No. Wait hanap muna ako boys." Paalam ni Demi. Nagsunuran naman ang iba maliban sa'kin at kay Dj.

"Matino pa naman sila, noh?" Dj asked.

"Oo naman. Isang patak lang ng alak ang nainom na'tin sa tingin mo malalasing sila dun?"

"Hindi."

"Ikaw di ka ba susunod?" Tanong ko sa kanya.

"Naaa. Di na. Inaantok na ako tara tulog na tayo?"

"Maya na. Una ka na lang," Sabi ko.

"May date ka pa?"

"Wala ah."

"Sige," tapos umalis na siya. Mukhang seryoso nga siya. Kita naman sa mukha niya na antok na talaga siya.

Nakita kong lumabas sila Clow galing sa loob ng cottage. Nakita din nila ako agad at binati ulit. Nagpaalam na rin sila na inaantok na at matutulog na daw sila.

"Sandali..." Pigil ko sa kanya.

Pinauna na niya kaibigan niya.

"Antok ka na?" I asked.

"Di pa. Bakit?"

"Samahan mo muna ako kukuha lang ako saglit ng jacket. Gusto kong maglakad muna dun." Inginuso ko ang tabing-dagat,"..samahan mo muna ako saglit."

"Di ka pa inaantok?" He asked.

"Di pa."

"Sigurado ka? Baka inaantok ka na?"

"Di pa nga!" Inis na ako.

"Sige.

Kumuha lang ako ng jacket at nakita ko dun si Dj na himbing na himbing na sa pagtulog. Wala pa dito ang iba siguradong sineryoso kila ang sinabi nila.

Lumabas ako kung nasan siya at sinamahan nga niya akong maglakad sa tabing dagat gaya ng gusto ko.

"Sorry kung naistorbo kita. Sinama pa kita. Gusto ko lang talaga maglakad ngayong gabi."

"..." no reply.

"Ang totoo takot ako na baka may biglang humila sa'kin na shokoy or sirena." Totoo yang sinasabi ko.

"Naniniwala ka sa kanila?" Tumango lang ako.

"Pansin mo kaya ako nandito banda kasi yun nga takot ako sa kanila," siya kasi ang nasa bandang dagat.

"Kung ganun bakit gusto mo pang maglakad sa mga oras na ito kung takot ka naman pala sa kanila?"

"Wala. Siguro dahil alam kong kasama kita at safe ako?" Kibit-balikat kong sabi.

"Pahawak," napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yun.

"Ganun ba?" Ngumiti siya sa'kin at pumunta sa harap ko.

Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang mag-kabilang balikat ko. Nakaharap kami sa isa't isa.

"What?" I nerviously asked.

"Yung sinabi mo...parang sinasabi mo na rin na okay na ako sa'yo? Na may tiwala ka na sa'kin?" Tumango lang ako at umiwas ng tingin.

Sinundan niya ang mukha ko at pinaharap ulit.

"Thanks."

Huh? Bakit siya nagte-thanks?

"Hu—"

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa'kin,"..saglit lang 'to."

Lumapat nga yung labi niya sa labi ko. Di ako makagalaw sa nangyari. Di din ako makahinga ng maayos. Anong—?

Gumalaw ang labi niya. Hanggang ngayon parang di pa rin ako sanay na hinahalikan niya ako.

Teka ba—? Di ko pa siya sinagot ah? Bakit siya humalik ngayon? Noooo!

Kahit anong utos ko sa utak ko iba pa rin ang bulong ni heart.

Ipagpatuloy. Ipagpatuloy. Ipagpatuloy.

Namalayan ko na lang na gumalaw na din ang labi ko. Tumutugon na ako sa halik niya.

Ewan, dala siguro 'to ng isang patak ng alak na nainom namin kanina ng mga bitches. Yes, isang patak di nakaabot sa lalamunan hanggang dila lang.

Ansarap pala talaga ng halik niya parang...

..parang gusto kong ayaw na niyang itigil.

Let's stay this forever...please?

@KayptainRB


02-13-21—isinulat ko.


Ps. Valentines na bukas. Ayieeeee...feb-ibig nga naman.

Sanaol may ka-date. Sanaol may jowa. Sanaol may kachug-chugan hahaaha😂

Ito pa sanaol may kalandian. Sanaol may kabroom-brooman hahaha. Ayan na I think that's enough. Pfft.

Sumosobra na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro