CHAPTER 58

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 58

@KayptainRB

His P.O.V

BINAWI niya bigla ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Bakit?

"Ano ba talaga to? Date ba toh o ano?!"

"By." Pagtawag ko sa kanya.

"Clow! Naiinis na ako sa'yo kanina pa!" Napailing siya na animo naiinis,"..ayaw ko na. Siguro sa susunod mo na lang ako yayaing mag-date. Ayoko na! Iuwi mo na muna ako sa ngayon."

"By."

"Walang hiya ka kasi. Binad-trip mo ako!" Matapos sabihin yun. Tumalikod na siya sa'kin paalis.

Sinundan ko siya at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

By naman. Bakit ka ganyan ngayon?

Gusto lang naman kitamg makasama bilang girlfriend ko na. Pero bakit parang pinagkakaitan mo ako?

Sumakay na siya ng una. Bumuntong-hininga ako bago pumasok.

Walang salitang namagitan.

Ganito ba talaga? Di ko na alam kung pano siya dalhin? Bago pa lang kami, ganito na siya ka-topak!

Seryoso lang din akong nagmaneho.

Iniwan ko muna siya dun kung saan walang masyadong tao. Di ko na siya sinama pa sa pagbayad ng Entrance fee at para makakuha ng ticket dahil madaming tao. Opening kasi at may mga promo sabi ng kapatid ko. Kampante naman akong andun siya, babalikan ko din naman siya agad.

Sa dami ng taong nakikipag-unahan sa'kin at para makakuha ng ticket na may promo ay pinagbabangga na ako. Ang sakit ng mga siko nila, tinatamaan ako palagi pero di ko ininda yun kahit masakit.

Kailangan kong makakuha nang ticket at makapasok na kasama siya. Para sa mahal ko(napangiti ako) gagawin ko ang lahat. Kahit na masaktan ako basta...basta makakabalik ako ng mabilisan kung san ka.

Ayaw kong may mangyari sa'yo at ayaw kong paghintayin ka ng matagal. Siya ang pinakama-MAHAL ko.

Marami pa ang napagdadaanan ko. Nasaktan na nga ako, naubusan pa ako. Pero buti at may nakita akong babae na may ticket. Nakiusap ako sa kanya na bilhin na lang yun. 2 din ayaw pang pumayag, pinilit ko at sa wakas pumayag na rin siya pero may kondisyon daw.

Sa susunod na pagkikita na lang niya daw sasabihin. Mukha namang mabait at friendly kaya sige.

Masaya ako pabalik kaso pagkakita ko, may lalaking kumakausap sa kanya. Ang lapit nito sa girlfriend ko na parang namimilit. Gago!

"~Uptown Girl~
~She's been living in her upto—"

Tumunog cellphone niya at sinagot naman kaagad niya ito.

Yun pala ang ringtone niya? Nagulat pa ako sa intro.

"Yes!" Sagot niya.

"What the fuck, Rabe?!"

Bastos talaga ng bibig ng babaeng to. Rabe? Sino si Rabe?

"Stop! I'm not in the mood."

"Tigilan mo ako dyan sa kaka-I live you mo!"

Nakiramdam lang ako kahit kating-kati na akong tanungin kung sino yan. Nag-I love you? Sino yan? Di niya ba alam na taken ko na ang babaeng ina-I love you-han niya?

"I love you mo mukha mo!" Tapos binabaan na niya.

Pinahupa ko muna ang emosyon niya.

"Sino yun?" Seryoso kong tanong. Nakatingin pa rin sa daan.

"Fuckyy mo!" A-aba?

"Sino yun?" ulit ko. Pinipigilan ko sa sarili kong pagtaasan siya ng boses.

"Wala ka ngang fuckyy!"

"SINO SABI YUN?!!!!" Nanlaki mata niya.

Simple ng tanong ko di niya masagot ng diretso?

Sakto din pagkahinto ng kotse sa labas ng bahay nila.

Nakita kong hindi siya makapaniwala.

"Sa simple ng tanong ko di masagot-sagot? May karapatan na naman ako ngayon diba? Girlfriend na kita, may karapatan na ako sa'yo, By."

Di siya sumagot.

"Napagtaasan kita ng boses at di ko yun sadya. Di ko lang talaga matanggap na matapos kitang tanungin ng maayos, sasagutin mo ako ng ganun na may BAD words. By naman..."

Wala pa rin akong nakuhang sagot. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Imbis na magsaya tayo ngayon dahil magdi-date 'sana' tayo pero umandar topak mo! Di ko pa kabisado ang ugal—"

*PACKkkkk*

Biglang may dumapong kamay sa pisngi ko. Di ako makaramdam ng sakit, pero manhid oo meron. Galing yun sa kanya. Sinampal niya ako.

"Ang kapal mong sabihin ang lahat ng yun. Matapos mong gawin yun ng una lahat sa'kin! Matapos mong magtagal ng hindi ko alam kong ilang oras kung san ka man napunta, ha? Ang kapal kapal mo Clow sino ka para pagsabihan ako ng ganyan. Yes, you're my boyfriend but you don't have the rights to say 'umandar ang topak ko?'. Dahil yun sa'yo kung may topak man ako. Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ako nagkakaganito...CLOW!"

"Ngayon...ngayon may alam ka na sabi mo may topak ako. Di ko yun alam Clow na may topak pala ako. Ikaw ang naka-discover kaya congrats...I'm breaking up with you!"

Matapos niyang sabihin yun. Hindi ako makagalaw, makahinga para aking nanigas sa kinauupuan ko.

Anong sabi niya?

I'm breaking up with you?

Sa dami ng sinabi niya yun lang ang tumatak sa utak ko.

Ano? Totoo?

Pagtingin ko ulit sa banda niya huli na, nakapasok na siya sa gate nila at nasarado na ito.

By.

H-hindi. Hindi pwede yun!

Kailangan niyang mabawi yun. Hindi ako uuwi kung hindi niya babawiin yun.

Nagmamadañi akong bumaba at nag-doorbell. Pinagbuksan ako ng guard at pinapasok din agad ako.

"Maam, pwede po bang matanong. San po ang Daddy at Mommy ni By?" Tanong ko sa isang babae. Nakasuot siya ng kagaya ng uniform ng kasambahay.

"Ah, sir di niyo po dapat ako tinawag na Ma'am."

"San po sila, please!" Pakiusap ko kulang na lang na lumuhod ako sa harapan niya.

"Ah...ah sir sumunod po kayo sa'kin. Ihahatid po kita," alam kong iniisip na nito ay nabaliw na ako pero hindi.

Kailangan...kailangan ko siyang makausap.

Kumatok muna ang kasama ko bago sumagot ang nasa loob.

"Yes, come in!" Binuksan niya at,"..sir may bisita po. Boyfriend po ni Maam By." Magalang na tugon ng kasama ko.

Sana nga boyfriend pa, kakasabi niya lang kasi na wala na kami.

Tumayo si Tita at inakay ako papaloob.

"What happen, Hugh?" Tita asked.

"Sit down," Tito.

"Tita, Tito...si By po." Huminga-hinga pa ako,"..hiniwalayan niya na po ako." Napayuko ako at dun na umiyak.

"What?"

"Agad-agad?"

"Tahan na Hugh okay. Kakausapin ko siya promise. I will tell her na...mag-usap kayo ng maayos. Yung batang yun talaga naman oh! Papaluin ko yun," sabi ni Tita.

Umiling-iling lang ako ang bilis ng pagtulo ng luha ko.

"What's the date, sweetheart?" Rinig kong tanong ni Tito.

"Hmmm...wait! Aha! 16 of February. OMG!!!!" Napaangat ako ng tingin kung bakit.

"Wala pang 3 days hiwalay na kayo? Pag-two days sana nila ngayon right, sweetheart?"

"Mmm..."

"Kakaiba yung anak mo, sweetheart." Tito to Tita.

"I will palo her talaga. Don't worry Hugh pagsasabihan ko siya."

"Tita. Tito." Pagtawag ko sa kanila nagsisimula ng mangilid ang luha ko.

"Wag kang mag-alala, hijo. Sasabihan namin si By na 'good job' at hiwalayan ka na ng tuluyan."

"Po?" Di ko maintindihan.

"Biro lang hahahahaha," tawa nila.

Akakain mo nga naman oh nagawa pa talaga nilang tumawa habang ganito ang sitwasyon ngayon?

"Come with me!" Napaangat ulit ako ng tingin sa sinabi ni Tito.

Tumayo siya,"..sweetheart prepare some snack, ok?" bilin niya pa kay Tita.

Sumunod ako sa kanya,"..wipe your tears. I don't want to see a guy cried just because of my daughter. My beloved daughter is really mean!"

Sinunod ko ng sinabi niya. Di ko alam pero dumiretso kami sa taas nila. Second floor kung saan di ko pa naaakyat.

"Prepare, you'll see her soon."

Kung ganun pupunta kami sa kwarto niya?

Sumunod lang ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto. Siguro kwarto niya.

"My By? It's me your handsome, Dad! Come out my By I want to talk to you," sabi pa nito.

"By!"

"Dad! Not now, please?" Di ko siya masyadong rinig.

"By, I have something to tell you. Come here my By!"

"Hey?" Ukit in Tito.

"No!"

"Come out or else...you'll se—"

Bumukas ng biglaan ang pintuan at dun ko siya nakita. Gulo-gulo ang buhok at namamaga ang mata niya.

"You two have the same—" di ulit natapos ni Tito ang sasabihin niya dahil sinarado ng malakas ulit ni By ang pinto na nasa harapan namin.

"Aww!" Inda ni Tito. Natamaan ata ilong niya malapit kasi mukha niya sa pintuan.

"Come and check it, hijo. Did my nose bleed?" Tiningnan ko at umiling.

"Muntik na yun ah...muntik na mabali ang ilong ko." Napailing siya at tumawa ng malakas.

Di ko magawang makisabay sa kanya. Dahil ang isip ko at nasa iba ang atensyon, nasa kanya.

Wala ako sa mood. Tatawa sana ako sa joke niyang di naman nakakatawa.

Oo joke niya yun. By told me.

"Pano ba yan? Wala tayong magawa. I have keys but I don't want to use it." Paliwanag niya.

"Ayokong may pumasok na lalaki sa kwarto ng anak ko. Lalaki ka din, sana maintindihan mo."

Napangiti ako ng mapakla,"..okay lang po. Naiintindihan ko."

"Sana...sana lang hindi yun totoo ang sinabi niya. Sa-Sana di siya seryoso sa sinabi niya kasi...kasi mahal na mahal ko po ang anak niyo, Sir!"

Napatango siya na animo naiintindihan.

"Sana bawiin niya yung sinabi niya kanina...na na wala na kami. Hindi po pwede yun. Mahal ko siya, okay lang na hindi niya ako mahal basta ako mahal ko po siya." Pagtatapos ko.

"Wag kang mag-alala babawiin niya yun. Not now but soon," bulong niya at tinapik muna ang balikat ko bago ako niyayang umalis na kami.

Pinagmasdan ko pa ng ilang saglit ang pintuan nya bago sumunod kay Tito.



Her P.O.V

"Sana bawiin niya yung sinabi niya kanina...na na wala na kami. Hindi po pwede yun. Mahal ko siya!" Napahinto saglit sa pagtibok ang puso ko dahil sa sinabi niya,"..okay lang na hindi niya ako mahal basta ako mahal ko po siya."

Totoo?

Mahal niya ako?

Hindi ko ba siya mahal?

Hindi nga ba—?

Napadausdos na lang ako sa likod ng pintuan ko kung san ako ngayon. At kung bakit din rinig ko ang mga sinabi niya kay Dad. Sinadya kong mag-stay dito para pakinggan siya...at yun nga ang sinabi niya.

"Haaaaayyyy..." Mas lalo ko pang ginulo ang buhok ko.

Alam ko na mukha na akong mumu ngayon na nasabit sa wire!



@KayptainRB

02-17-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro