CHAPTER 67

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 67

@KayptainRB

SI Rabe ang pinasama ni Mom sa'kin sa Mall. Imi-make over daw ako. Para sa darating na Party matapos kaming mag-graduate. May party para sa mga Seniors para naman daw masulit ang last namin sa school na yun.

Mas excited pa nga si Mom and Dad kesa sa'kin. Tsk...sabi naman ni Rabe wala akong dapat ikabahala kasi siya daw ang tatayong partner ko kasi wala na akong jowa.

"Sabi ng ako na lang sana!" Maktol ko ulit. Andito kami ngayon sa kotse niya.

Ang ibig kong sabihin ay ako na lang sana ang pupunta sa Mall mag-isa. I don't need kasama.

Pinaandar na niya ito.

"Sus! Ngayong ginaganyan-ganyan mo na ako. Eh nung una may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Binasa mo pa ng sobra ang mamahaling damit ko sa luha mo. Broken kasi..." Parinig niya.

Yes, inaamin ko. Gosh! Kakahiya isipin na nagawa ko yun.

"Gosh! Wala ako sa sarili nun noh?!"

"Wala nga ba? Nag-smile ka pa nga sa'kin. Yieee..." Inalis niya isa niyang kamay sa manibela para sundutin ang bewang ko.

Bago pa nakaabot tinampal ko na to at binalik niya rin sa pwesto nito. Patawa-tawa pa.

"Hulaan ko...matapos mong ma-make over mamaya mas lalo ka pang gaganda," aniya.

"Kinilig ako dyan ah?"

"Ayieeee..." Ayan na naman ang kamay niya handa ng manundot pero handa din naman ang kamay kong mantampal.

Nakarating kami sa Mall at pinuntahan na naman ang sinasabi ni Mom sa'min na dapat puntahan. Friend of her daw. Suki na din kaya sulit.

"Ohw, ikaw na ba si By?" Sabi nung magandang babae.

Ka-edad lang ni Mom na nasa 30's.

"Opo."

"Grabe ang ganda pala ng anak ni Mare eh?!" Iling-iling pa siyang nakatingin sa'kin.

"...at ikaw?" Baling niya kay Rabe.

"Rabe po."

"Wait—? Familiar...oh-ohwwwww OMG ikaw na yan? Kyahhhh!" Niyakap niya pa ng mahigpit si Rabe.

"Ninang hahaha," aha! So, ninang niya pala yan.

Soka!

Matapos nun sinimulan na nila ang pag-make over daw sa'kin. To tell the truth, di na sana ako kailangan pang ayusan kasi maganda na ako. Wala ng makakapantay basta ako.

Nakatulog ako ng ilang saglit at paggising nakita kong nakatunghay si Rabe sa'kin.

"Gutom ka na?" He asked.

Pinakiramdaman ko ang tyan ko.

"Maybe," he smiled.

"Kain ka na. May binili ako kanina," umalis siya at may kinuha.

Nilibot ko pa paningin ko dun ko na kita ang iba.

"Pwede na po ba akong bumangon?" I asked them.

"Oh, sure!"

Bumangon ako at inabutan na ako ng pagkain ni Rabe. Chowking?

Hmm...mahilig talaga tong taong to sa chowking. Suki na siya hulaan ko!

"Masarap yan!"

"Alam ko," mapakla kong sabi.

Madali lang ako ng natapos sa pagkain. May konti pa silang ginawa sa buhok ko.

"You can now look at the mirror, By!" Excited na sabi ni Tita Calsi.

Inikot ni Rabe ang upuan at napaharap ako sa salamin.

'o'>>bibig ko.

Wait? Tama ba tong nakikita ko? Blonde na ako? May mga konting black pa naman pero banda na dito sa itaas ng noo ko parang sa ulo ko tapos ang the rest blonde na and I really like it. Makulot pa ito.

"See, mas lalo kang gumanda!" Sabi ni Tita Calsi.

"Ahaha, thanks po!"

Matapos ng lahat nagpaalam na kami at nagpasalamat ng marami.

Panay ang asar ni Rabe sa'kin. Naiilang pa rin ako kasi mas lalo dumami ang napapatingin sa'kin. Kakahiya at diba basta pinakauna pa ay di ka pa komportable.

"Hoy, babaeng maganda na may bronze na buhok!" Siniko ko si Rabe. Walangya!

"Sinong?"

"Joke lang. Mas lalo lang akong na-inlove sa baby ko angganda naaaaa..." Kulang na lang maglabasan ang mga heart sa mata niya.

"Buang!"

"Sama ka muna sa'kin. Kain muna tayo Ayshkrim..." Ayan na naman siya nagsisimula ng magka-isip bata.

"Ice cream mo mukha mo!" Singhal ko,"..sige ba basta treat mo!"

Tumango siya na parang aso at inakbayan na ako papunta dun.

Rabe- ang masasabi kong pinaka-close kong pinsan. Malandi palagi akong nilalandi. Isip bata na pinapagana niya lang kapag ako na ang kasama. Palaging nang-aasar pero kapag siya ang inasar patay ka na. Mayaman at paborito kong magpalibre. Mabait sa'kin pero sa ibang tao hindi minamalditahan ko kasi. Gwapo maraming nagkakagusto pero di ko gusto. Sino ba kasing sira and magkakagusto sa pinsan? Ikaw?! 1M ang allowance at nakakabilib. Talo ako! Walang jowa since birth kaya sa inyo na yan. Binibigay ko na po walang halong biro!

Pumasok kami sa 'Ice cream Hub' at dun sarap niyang batukan. Grave makalantak sa Ice cream parang di nakakain ng ganun since birth. Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya nakakahiya talaga. Dami pang naiiwang dumi sa labi. Anakng?

Next pumasok na naman siya sa 'Burger Hub' nadaanan lang namin to at di ko akalain na ipapasok na naman niya ako dito.

"Busog na ako," nakabusangot kong reklamo.

Tinampal niya bibig ko,"..wag ka nga dyan. May buy 1 take 1 kaya go tayo!"

Buy 1 take 1 pala ang pinasok ng gago dito. Geez! I can't believe him. Sa dami ng pera niya naghahabol pa siya ng buy 1 take 1? Bobo talaga nun!

Masaya siyang bumalik sa mesa namin dala ang in order.

"Parang sira! Buy 1 take 1 lang pala hinabol mo dito. Eh kung isampal ko kaya sa mukha mo ang pera mo?!"

Sumimangot muna siya bago kumagat sa burger,"..wag kang maingay. Nakaka-challenge kasi kapag nakakakita ako ng buy 1 take 1. Nakatipid na din," tumingala pa siya at papikit pikit habang kumakagat ng Burger.

Eto na naman ang pinakaayaw ko. Naagaw na naman niya ang atensyon ng mga tao dito. Kumain na lang din ako at di siya pinansin sa harap ko. Parang patay gutom kung makakain. Parang nagyon nga lang nakakain.

"Sabihin mo nga...di ka ba nakakain nito dun, Rabe?"

Napatingin siya sa'kin,"..nakakain. Bakit?" Puno na ang bibig niya kaya di ko na kinausap baka matalsikan pa ako. Geez!

Order pa siya ng order. Pa-seacut dahil buy 1 take 1 daw.
Sampalin ko na kaya ng pera yan? Nang magising sa patay gutom niyang bangungot!

Nakatingin ako sa entrance nitong Hub at nakita ko ang bago oh!

Kampante akong di niya napansin,"..oyyyyy! What a small world? Akala ko namatay ka na ng tuluyan?"

Peste talaga ang patay-patay na word niya na yan. Hulaan niyo kung sino ang taong walang ibang bukambibig kundi ang 'mamatay', 'patay', 'namatay'.

Sheesh! Naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Oy! Ganda na natin, ah? Baka naman maraming magpakamatay na girls dahil sa inggit. Maganda ka na nga mas lalo ka pang nagpaganda. Blonde na oh..." Hinawakan niya pa buhok ko.

Tinampal ko din ng malakas ang kamay niya.

"Sino ka?" Rabe asked still eating.

"Oh? Sino din to? Bago? Teka— Hindi into yung lalaking nasa hospital ah? Bago na naman...ayyy sanaol kaya pala di ka na tuluyan. Patay ka na sana ngayon," aniya. Kampante siya ng nakaupo sa bakanteng upuan dito.

May kasama siya at pinakilala niya to kanina. Dalawang lalaki friendly ang mga mukha kaya okay lang.

"Subukan mo ulit sabihan ako ng patay-patay mong word di ako magdadalwang isip na ipakain ko sayo tong straw gago!"

Tatawa-tawa lang sila. Nasanay na yan sa'kin. Si Rabe naman nakahanap ng kakampi para asarin ako at lokohin.

"Oh! Sige una na kami sa inyo. Mag-ingat ka maganda na bronze ang buhok baka mamatay ka hahaha di ka makadalo sa party!" Puno ng kalokohan niyang sabi.

Nagaya niya si Rabe pano ba naman kasi sabi ni Rabe na ang itawag daw nila sa'kin 'maganda na may bronze na buhok' ughhh. Kinwentuhan pa ng kinwentuhan hanggang sa masabi nitong pesteng Rabe to ang lahat.
Sinabi niya din na broken ako at chuvhuchu. Grrr...ako ang nanggigil.

"Baka ikaw mamatay dyan! Get lost!"

"High-blood baby ko?"

"Isa ka pa..." Sinugod ko siya at pinagsasabunutan dito sa parking lot.

Panay ang reklamo niya hanggang sa makuntento ako at inihinto ko na dahil may nabunot na akong isang hibla ng buhok niya.

"Masakit yun, ah?! Pasalamat ka broken-hearted ka!"

I just rolled my eyes.

Oo, may alam siya sa lahat. Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat para may makaalam pa din maliban sa'min ni Thud kung anong totoong nangyari. Except kila Mom and Dad ayoko munang i-share sa kanila.

"Babaeng maganda na may bronze na buhok." Pasabi-sabi pa siya pagkapasok sa kotse kaya sinalubong ko ng kamao ko ang mukha niya kaya lang madaling naka-ilag ang peste!

"Magaling to woi!"





@KayptainRB

02-22-21—isinulat ko.








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro