CHAPTER 71

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 71

@KayptainRB

"UNA pa lang duda na ako dun sa dalawa. Nakita ko silang palihim na nag-uusap, at kung ikaw ang makakakita ay masasabi mo talagang meron silang relasyon. Iba ang ngiti niya at ang ngiti niya din. May ibig sabihin kung iintindihin ng maigi. Ikaw sa ayaw mong maniwala sa'kin bahala ka basta binabalaan na kita meron nga sila. Obvious naman diba kita mo mismo sa mga mata mo na hinila niya si By at itinakbo para ilayo sa babaeng yun. Anong ibig sabihin ba nun? Sa halip na ikaw ang magligtas sa kanya dahil ikaw ang boyfriend, iba pa ang gumawa. Ikaw ba pano mo ba iintindihin yun?"

Ang mga salitang yun ay hindi mawala-wala sa isip ko. Ano nga ba talagang meron sa kanilang dalawa? Pano ko nga ba iintindihin yun?

Sa halip na ako ang magligtas sa kanya nung panahong yun iba ang nakagawa dahil mabagal ako at walang kwentang boyfriend. Kasalanan ko din ang lahat kung bakit siya napunta dun. Pumayag akong ituloy ang kasal kahit alam kong hindi yun maganda. Kasalanan ko ang lahat kung bakit mas lalo siyang nanlamig sa'kin at iba na ang pakikitungo. Mas lalong nang napalayo ang loob niya at hindi ko yun kayang isipin.

Mahal ko ang babaeng yun kaya makikipagbati na ako sa kanya at aayusin ko na ang gusot na nagawa ko. Gagawin kong maging masaya na ngayon ang relasyon namin. Huli na toh di na ako makikipag-away sa kanya. Di ko na hahayaang magkaproblema pa kami. Mahal na mahal ko siya!

Sa lahat ng minahal ko siya lang ang sumobra dito sa puso ko at bumuo ng buong pagkatao ko.

Mahal na mahal ko siya kahit alien pa siya dyan o ano.

"Magandang umaga po, T-Tita, T-Tito. Pwede ko po bang makausap ang anak niyo?" Nakayuko kong sabi.

"Hmmm...andito ka na naman ba para saktan ang By namin?" Tito.

"H-Hindi po. Ang totoo niyan andito ako para ayusin na po ang relasyon ko kay By, Tito." nanatili pa rin sa mababa ang boses ko.

"Pano ba yan wala siya dito?"

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabing yun ni Tita.

"P-Po?"

"Nakaalis na siya kanina pa," kita ko sa mukha niya ang pagkalungkot.

"Po?!" mas lalo akong nagulat.

"San po ba?!"

Kasi kung san man siya magpunta susundan ko siya. Kahit sang panig pa basta makasama ko lang siya at wag lang akong layuan dahil hindi ko kaya.

"Sorry, di namin pwedeng sabihin."

"Please, please po sabihin niyo na po sa'kin." Pakiusap ko habang nakaluhod at magkasalop ang dalawang kamay,"..gusto ko pong malaman para masundan ko siya nakakahiya man pong a-aminin gusto ko po siyang makita at m-makasama. M-Mahal ko po ang anak niyo...mahal na mahal po. Pasensya na po kung nasaktan ko siya nung una, patawad po at pangakong di ko na uulitin yun. K-Kailangan ko po ang anak niyo please p-po sabihin n-niyo. T-Tito, T-Tita h-hindi ko po k-kaya kapag...kapag tuluyan na siyang m-mawala sa'kin," umiiyak ko nang dagdag.

"OMG! Hugh, aysshhh tumayo ka dyan. Stand up," pinatayo ako ni Tita ng oulit.

"Di bagay sa'yo ang umiyak. Lalaki ka kaya dapat di ka umiiyak, dapat malakas ka. Sa gwapo mong yan anak lang namin ang dahilan ng pag-iyak mo?" She wiped out my tears.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Fine, ipapahatid ka namin kay Manong dun. Alam niya kung nasan ang By namin na sabi mo kailangan mo ayieeee," asar niya.

Nakita kong tumayo si Tito at lumapit din sa'kin di ko inaasahan na tatapikin niya ang balikat ko.

"Panghahawakan ko ang sinabi mo, Hugh. Aasahan kong hindi mo na ulit sasaktan ang unica hija namin," aniya.

"O-Opo."

"Ayan na si Manong. Go on ayusin niyo na yan," pahabol pa ni Tita.

Nagpasalamat ako ng marami sa kanila at patakbong sumunod kay Manong.

"Manong karapat-dapat ba ako kay By? Bagay bang maging kami?" Inalis ko na ang hiya ko sa loob at itinanong na talaga yun.

"A-Ah eh sir, ano oo naman po. Bagay na bagay. Kahit ako nga po gustong-gusto ko kayo para kay Ma'am bagay po kayo. Boto ako dito," nag-thumbs up pa siya.

Napangiti na naman ako na parang bata,"..salamat po!"

"Welkam po."

"Ah, Manong may cellphone po ba kayo? Naiwan ko kasi akin? Pahiram sana."

"Meron po," dumukot muna siya sa bulsa niya at inabot na sa'kin.

Dinial ko na ang number na dapat kong tawagan.

"Hello, Dad?"

"Oh, yes Gh²?"

"I have something to tell you..." at dun ko na sinabi ang lahat.

Pati si Manong nakita kong nanlaki ang mata sa narinig. Sinadya kong iparinig sa kanya at gaya ng inaasahan ko natutuwa ako sa reaksyon niya.

"S-Seryoso po kayo, sir?"

"Opo."

Ilang minuto na akong nakatayo dito ngayon sa likuran niya. Alam kong di niya ako napansin pa dahil naka-focus siya dun sa harap niya.

"S-Sorry na t-talaga Thud. Sorry sa l-lahat patawarin mo ako, p-please? Mami-miss kita sana okay ka lang dyan. P-Patawarin mo ako..."

Umiiyak ba siya? Bakit ganyan siya makaasta?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro