041

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

@ princessdaisy ⛔

---------------- Feb 14, 2022 ----------------

Luigi calling...

ahoyluigi
"Hello, Daisy?"

princessdaisy
*sobs*

ahoyluigi
"Daisy? Dai- bakit ka umiiyak? May problema ka ba?"

princessdaisy
"Wala. Ayos lang ako. Huwag mo na akong intindihin."

ahoyluigi
"I know you're not. Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?"

princessdaisy
"Paano mo nalaman?"

ahoyluigi
"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak mo. Hindi naman sa pagiging stalker ko pero pwede mo bang malaman kung bakit?"

princessdaisy
"Maliit lang naman 'yung pinag-awayan namin. Iyon lang."

ahoyluigi
"Iyon lang?"

princessdaisy
"Kakasabi ko lang, hindi ba?"

ahoyluigi
"Okay, okay, chill! Huwag mo akong pagalitan! Siya nga pala, may sasabihin sana ako sa'yo."

princessdaisy
"Tungkol saan?"

ahoyluigi
"Uhm... P-para sa Valentine's Ball. Uh, Daisy..."

princessdaisy
"Bakit, Luigi?"

ahoyluigi
"Pwede bang..."

princessdaisy
"Ano nga?"

ahoyluigi
"Pwede ba kitang maging ka-partner mo?"

princessdaisy
"..."

ahoyluigi
"Daisy? Nandyan ka ba?"

princessdaisy
"Nandito pa ako. Sadyang prinoproseso ko pa ang tungkol sa sinasabi mo. Well, pwede naman sana kaya lang... alam natin ang limitations, hindi ba?"

ahoyluigi
"Alam ko. Pero gusto ko sana na as a friend, e..."

princessdaisy
"Ayos lang sa'kin na as a friend lang ang magiging mantra natin sa ball bukas ng gabi. Pero mangako ka sa'kin na hindi ka pwedeng mahulog sa patibong ko, okay? If you know what I mean."

ahoyluigi
"Okay... O siya, pahinga muna ako. Good night!"

princessdaisy
"Ikaw din."

Call ended.

*****

DAISY

Malamlam na ngiti ang sumalubong sa'kin pagkatapos kong patayin ang tawag sa pagitan namin ni Luigi sa kabila ng mga luhang umaagos papunta sa'king pisngi. Masakit sa'kin lalo pa't kinailangan kong magsinungaling sa tainga niya sapagkat hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya na sinasaktan na naman ako ni Waldo dahil lamang sa selos na dinaramdam niya sa'kin.

Nakakapagod.

Dahil kahit paulit-ulit kong ipaliwanag sa kanya na magkaibigan lang ang turing namin ni Luigi ay hindi niya ako pwedeng paniwalaan, bagkus ay sasabihan niya ako ng mga masasakit na salita bago sabihin na dapat layuan ko na lang siya dahil sa fanboy lang siya.

LANG?!

Tangina, gusto ko sanang sabihin sa kanya na mahalaga sa'kin si Luigi higit pa sa isang fanboy kaya lang mas pinili ko noon na kimkimin ang lahat sa loob ko at maging sunud-sunuran sa lahat ng pinapagawa ni Waldo sa'kin. Alam kong mali, pero itataya ko ang relasyon namin at hangga't kaya kong magtiis, gagawin ko.

Ganyan talaga kapag nagmamahal, hindi ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro