Kabanata 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 23

Investigation


After I accepted him. I put my phone down and tried to sleep.

Ayaw ko nang mag-isip pa ng kung ano ano tungkol sa amin. Iyon ang nagpahamak sa bata kong puso. He treated me fine but he wasn't romantic or whatever. It was my daydreams who made me believe. I'm too old for that, I shouldn't daydream anymore.

Doon nga ako sa mansiyon nagtrabaho sa ilang araw sa azucarera. Patuloy pa rin ang imbestigasyon at medyo nabagot na ako sa kahihintay.

I want to go to my office. Gusto ko na rin pumunta sa shelter. Miss ko na si Garfield at ang mga rescue cats namin.

Nasa labas talaga ako ng mansiyon nang dumating na si Aria at Romulo. Ganoon ako kabagot na hinintay ko na talaga sila.

Aria hugged and kissed Ria for long. Nagmano naman si Romulo kay Tita at Tito.

"Baka dito muna kami dahil sa nangyari kay Yohan."

Tumayo agad si Aria. Hinarap ako ni Romulo.

"Kumusta? Pumapasok ka pa ba?"

Sinabihan daw nina Tita at Tito si Aria at Romulo kagabi. Last day na ng trip nila. Niyakap ako ni Aria. Ngumiti ako.

"Hindi na."

"Hindi na dahil pinagalitan ko!"

Aria sighed and looked at me.

"Kumusta naman ang imbestigasyon?"

"Si Captain Santander daw ang humahawak sa ilang detalye," si Tito. "Miyembro nga raw ng rebelde ang sakay. Ang naka motor ay nahuli na at sibilyan lang."

Kahapon lang ay iyon na ang progress ng investigation. Medyo nagulat ako sa bilis. I didn't expect it to be figured out in just a week.

Kaya ko rin iniisip na umalis na sana ngayon. Kahit bumisita na lang muna sa shelter dahil doon.

"Ah. Si Alvaro..."

Nagtagal ang tingin ni Aria sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil parang may kakaibang kahulugan ang tingin niya.

Pumasok na kami sa loob. Kahit malaki na, nagpakarga pa rin si Ria kay Romulo. Si Tita at Tito naman, nagbabalak na pumunta ng Azucarera ngayong nariyan na ang mag-asawa. Akala ko aakyat si Aria kasama ang mag-ama niya pero nagpaiwan siya sa sala at hinila pa ang buhok ko.

"Aria!" saway ko.

"Si Captain Santander pala talaga ang humawak sa kaso mo, ah?!" may malisya sa pagbanggit niya kay Alvaro.

I rolled my eyes. "S'yempre, under AFP iyon... lalo na ngayon kasi may nahuli na sila at nalaman na miyembro nga ng rebelde ang may gawa."

"Talaga?"

I looked at her. I know she's insinuating something but I know now that she's wrong.

"Gusto mo pa?"

"Hindi na nga, Aria."

"Eh, buti kasi... matinik pa naman 'yon sa babae."

Hindi ako nagsalita. Abala ako sa pag-aayos ng kape ko. Humilig siya sa lamesa kung nasaan ang tasa.

"At... may nakita akong post."

Sumimsim ako sa kape ko at agad ipinutol para unahan si Aria.

"Sila ni Margaux. Oo, alam ko."

Umirap siya. "'Tsaka ang dami nang naging babae noon, high school pa lang. College at ngayong army na siya, tingin mo wala? Kaya ipamigay mo na 'yon kay Margaux."

"Ipamigay? Hindi naman akin 'yon. At isa pa... wala na akong pakialam, Aria."

The day after his friend request, I stalked his profile. Wala namang kaiba roon. May mga group picture at may kasamang babae pero bukod doon, wala na.

At dahil kuryoso ako sa kay Margaux sa mga Santander, siya ang tiningnan ko. Nakita ko nga na halos lahat ng post niya ay kasama ang mga Santander. There was a post with Alvaro and it gained so many comments and likes from her friends.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung may katotohanan ba iyon. Mas madali at mas safe na paniwalaan ko na lang agad.

Sumimsim ako sa kape ko. Nagtitigan kami ni Aria habang ginagawa ko iyon. Sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Wala ka nang gusto sa kanya, hindi ba?"

"Wala na nga," sagot ko at binaba ang kape.

"I've got an idea."

"Ano?"

"Gantihan mo kaya? Kaya mo na 'yan. Ang dami mo nang karanasan sa mga lalaki!"

Napakurapkurap ako. "Gantihan? Paano ko gagantihan iyon, e, wala naman siyang gusto sa akin?"

"Wala? E, nanghingi siya ng numero mo kay Romulo, ah!"

"Huh?"

Sa totoo lang, nagulat ako.

"Para lang siguro sa investigation."

"Ang lalaking iyon, sa'yo pa matotorpe? Hindi makahingi sa'yo!"

"Uh... Nanghingi naman siya noong nagkita kami pero nakaligtaan ko. Para lang 'yon sa investigation."

"Nagkita kayo? Kailan? At nanghingi?!"

"Oo. Sa shelter. Bumisita ako the day after noong nangyari. Hindi pa kasi nag sink in sa akin ang nangyari. Pumunta siya kasi mag a-adopt siya ng pusa-"

"Oh my God! You really think that that guy likes cats, Yohan?"

"O-Oo. Hindi lang marunong mag-alaga pero... oo naman."

"Ang laking tao no'n at sundalo pa, nasa itsura ba no'n ang mahilig sa kuting? Ibang pussy siguro, oo!"

Uminit ang pisngi ko sa walang prenong sinabi ni Aria.

"Aria..."

"Let's be real, okay. Duda ko may gusto 'yon sa'yo. Baka magsabayin niya pa kayo ni Margaux, ah?"

"Hindi naman siguro. At... wala na akong gusto sa kanya."

"Kaya gantihan mo na!" she smirked.

"Ayaw ko sa ganti-ganting 'yan."

"Sus! Kapag po-pormahan ka niyan, baka magkukumahog ka pabalik, ah? Baka pa hayaan mo siyang mag two time."

"Huh? Hindi ah!" iritado kong sinabi kay Aria.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Her teeth zoomed in on my eyes. I frowned at her.

"Talaga?"

"Oo."

"Kapag liligawan ka, babastedin mo?" ang mata niya naman ang nag zoom in sa akin ngayon, sinamahan pa ng paggalaw ng kilay.

Is that a serious question?

"Hindi ako liligawan no'n-"

"Kapag liligawan ka nga, babastedin mo ba?!" iritado niyang ulit.

"Oo. Ba't ko sasagutin, e hindi ko na naman siya gusto..."

Aria chuckled. "Really.

"Really, Aria."

Umiwas ako sa kanya at humarap sa kabila para tigilan niya na ako pero lumipat siya sa kabila para maharap naman ako.

"Hindi yata nanliligaw si Alvaro. Alam mo bang siya pa ang nililigawan ng mga nagiging girlfriend niya noon?"

Nagkibit ako nang balikat kasi wala naman din akong alam sa kanya noon.

"Yes. Iyong hilerang napakagandang mga ex niya? Nagconfess lang sa kanya iyon at g-in-irlfriend niya. Galing nga, e."

"Hindi ko naman alam 'yan. Tsaka wala na akong pakialam."

"Ako nga noon, 'di ba? Nag confess ako no'n. Ayaw sa akin. Marami na rin siyang mga natanggihan, magaganda rin. Sina... Ciara..."

Kinagat ko ang labi ko kasi naaalala ko ang tsismis nga na mga ganyan noon. Pati ang mga mayayaman sa Altagracia, madaling natatanggihan ni Alvaro.

"Hindi pa 'yan nakalasap ng pagkabasted."

"Hindi naman kasi pala siya nanliligaw... sabi mo."

"Tapos ikaw, noon? Sangkatauhan ang nakarinig sa pambabasted niya sa'yo, 'di ba?"

Hindi na ako nagsalita dahil naaalala ko na naman. I'm not his type. I was ugly. He only pitied me because I was bullied.

"If you will say yes to him, you will be just another of his collection, Yohan."

Medyo pumangit ang naramdaman ko sa sinabi ni Aria. Hindi na ako nagsalita.

"Lalo na dahil alam ng lahat na mahal mo siya. Soren even called me yesterday and ask about you. Or do you still love Alvaro. Ganoon din si Juan, kaibigan na nga iyon ni Alvaro, ah."

Ngumuso ako at iniwas ang tingin kay Aria.

"Everyone here knows you're madly in love with him. At ang akala mo siguro tahimik ang pagkakabangga mo sa checkpoint? May ilang nakakita, Yohan. Si Soren din kaya nagtanong dahil sa nangyari sa checkpoint."

Humalukipkip siya.

"I wonder if you still look like a kitten everytime you see Alvaro. You're very obvious to everyone. Kaya nga irita ako sa'yo noon, e. Halatang halata ka lagi! Nakakairita!"

"Aria... dati 'yon."

"O 'yon nga. Sana."

Kinabahan ako bigla at inalala ang mga huling pagkikita namin ni Alvaro.

"Kasi ang dali mong mabasa, kaya madali kang ligawan. At isa pa... kung kunwari magbreak na sila ni Margaux at ikaw ipalit niya..."

"Hindi mangyayari 'yan. Ayaw ko nga sa kanya."

"E 'di ano? Pinagdadamot mo sa mga ex mo 'yong sarili mo tapos sa kanya, ano?" she insinuated something nasty.

"Aria naman..."

"Hindi, let's be real! Patay na patay ka sa kanya."

"Hindi nga!"

"Kapag naging kayo, tingin mo ba talaga maghihintay 'yon ng isang linggo para makuha ka?"

Pumikit ako ng mariin, nasisira ang ano mang nasa utak ko na tira-tirang daydream kay Alvaro.

"Babaero siya! Sa oras na sagutin mo 'yon, ikakama ka no'n. Baka nga hindi na kailangang gawing girlfriend ang ibang babae no'n, e. Bibigay agad sa kanya."

I groaned.

"Iningatan mo sa iba, tapos ibabalandra mo kay Alvaro?"

"Hindi nga sabi mangyayari 'yan!"

"Sus! Alam ko pa naman ang track record no'n. Magaling 'yon, usap usapan ng mga naging ex. Kaya hindi maka move on ang mga naging ex no'n sa bayan. Umalis na nga si Therese, 'di ba? Iyong ex niya noon nasa States na dahil hindi maka move on sa kanya."

I sighed. I know what to do. No need to let me recall things.

"I know, Aria. Don't worry about me."

"Don't worry about you ka diyan, e, sa lahat ako ang nakakakilala sa'yo!"

Nagkatinginan kami.

"Guwapo si Alvaro, oo. Achiever at sundalo. Ikaw naman, panget ka noon pa. Gumanda lang ng kaunti dahil marunong ng mag-ayos at hindi na naka zoom in ng mata. Kahit ganyan ka, ayaw ko naman na maloko ka! Baka sisihin ko pa ang sarili ko sa huli."

That was a heavy pep talk from her. Buti na lang at tinantanan niya na ako. Tinanong niya na ako tungkol sa susuotin ko bukas sa kasal ni Chayo at Leandro.

Aria's wedding was very light and fine. Tomorrow's wedding will be very tensed knowing that Tito Luis del Real hates the Castaniers. Iyon ang pinag-uusapan ni Romulo at Aria habang tinitingnan ko ang pagsusukat ni Aria sa damit.

Inayos niya rin si Ria. Nakaupo lang ako at iniisip ang tungkol sa anak ni Chantal. Sigurado akong dala niya iyon bukas. Kasal na ni Leandro iyon. Hindi niya kasi dinala ang anak sa kasal ni Aria at Romulo.

I wonder if I should be tensed about that, too? She will be the maid of honor, and Levi, the Best man.

I looked forward to that tomorrow. Kaya lang, unang bumungad sa akin nang dumating kami sa simbahan ay si Margaux na kasama ang mga magulang ni Alvaro.

Nilingon agad ako ni Aria. Nagkibit ako nang balikat. Nakisakay lang ako sa kanila dahil tinatamad ako na magdrive sa Mazda. At pinipilit in ako ni Margaux dahil ayaw niyang nagsasasakyan ako.

"Sabi na, e..." si Aria nang nakita na tumingin ako sa mga Santander.

Wala naman si Alvaro roon pero bakit nga ba sasam si Margaux sa mag-asawang Santander kung hindi nito boyfriend si Alvaro? Baka nga ikakasal na sila, malay ko.

Wala si Alvaro sa simbahan. O baka nahuli lang at hindi ko na nakita.

Chantal's son was the center of it all. Siya ang ring bearer.

I glanced at the Altar to watch Leandro and Levi. Tinatanaw nila ngayon ang palapit na ring bearer. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ni Levi habang tinatanaw ang paglalakad ng bata papuntang altar.

There was a commotion after the mass outside. Kaya mas lalong naging tensiyonado. Hindi ko alam kung ano iyon pero iyon ang usap-usapan.

"Baka nagwala si Tito Luis," si Aria nang nasa sasakyan na kami para lumipat naman sa reception sa mg del Real.

Mas naging weird sa reception. Tahimik at nagbubulungan ang mga tao. Kung wala lang loud and jolly music, akala mo anong nangyayari. Hindi ko nahanap si Chantal at Levi. Pero naroon na si Tito Luis na panay ang bati sa mga bisita, parang walang nangyaring komosyon kanina. Unless it wasn't him who caused it.

Nakabawi rin naman ang ere. Naroon na sina Margaux at ang mga Santander sa lamesang nasa malayo. Wala pa si Alvaro. Soren went to our table. Angelo was already on the table of some of our classmates. Inimbitahan nila ako roon pero dahil lumapit si Soren sa akin, hindi pa ako makakaalis.

"How are you?"

"I'm fine, Soren. Thank you."

Pumasok ang grupo nina Juan at Daniel. Kasunod nila si Alonzo Salvaterra at Sancha Alcazar. Alvaro was behind them and more of their friends. Sa malapit na lamesa sila pumunta, isang bagay na hindi ko inasahan.

I thought Alvaro would sit with his parents. Or that Sancha will be with Margaux.

Pero siguro dahil kailangan nila ng malaking lamesa dahil sa dami nila kaya mas pinili nilang bumukod. Alvaro's eyes were on me, then. Kahit na nagkakatuwaan ang mga kaibigan niya.

"Pasensiya ka na. Nadamay ka talaga. Para sa akin talaga dapat iyon. Ayos na ba ang sugat  mo?"

I am wearing an off shoulder dress to hide the wound. Maayos na naman pero may kaunting bakas pa rin.

"Oo. Ayos na. Daplis lang naman iyon."

"Buti na lang talaga. Tinutugis na ngayon ang mismong namaril. Rebelde nga raw ang maygawa dahil sa pagtakbo ko. They know that I hate my father's illegal works so they are trying to sabotage me."

Tumango ako dahil iyon nga ang nasa report na hindi naman nilabas sa publiko.

"Kahapon, nagpaalam na ako na hindi tatakbo. Wala naman talaga iyon sa isip ko. Pinipilit lang ako ni Lolo. So I guess it will be safe from then on."

"Oh! Well, that's sad. Pero ikaw ang bahala. Ayos lang ba sa'yo?"

"Of course. It's also too early to announce things like that. Sa susunod na taon pa naman ang eleksiyon."

"If that's what you want, Soren."

He smirked. "Puwede na ba tayong magpatuloy sa pagdate?"

Natawa ako ng kaunti.

Nahagip ng mga mata ko ang banda ni Alvaro. Nakikitawa siya sa mga kaibigan niya pero panay ang balik ng mga mata niya sa akin. At tuwing nagkakatinginan kami, napapawi ang ngiti niya. He would just grin a bit and look at me.

"Uhm... Oo ba?"

"I'll drive a new car and pick you up in your house. What do you think?"

"Sige... Ikaw ang bahala."

Napunta ulit ang mga mata ko sa banda nina Alvaro at nakitang nilapitan na siya ni Margaux. Tumango siya at tumayo. Sumama siya rito at lumapit na sa mga magulang.

"Oo ba," sagot ko kay Soren.

He celebrated a bit. Pagkatapos ay nagpaalam na para pumunta sa mga kaibigan. Ako naman, nagpaalam na rin para lumapit kina Angelo.

Mabilis na nagkatuwaan pagkalapit sa kanila. Pero kinumusta nila ako tungkol sa pagkakabaril. I assure them that I was fine. Angelo was cold to me but I remember him asking if I was with Soren. Siguro dahil nakita niyang magkausap kami ni Soren ay nairita na sa akin ngayon.

"Uy, Angelo. Ang tahimik mo?"

Napatingin ang iilang kaibigan sa akin. I cleared my throat. Wanting to escape the awkward subject, I decided to just go to the snack bar.

Mukhang wala pa ang bagong kasal. Siguro ay gaya noon kay Aria, maghihintay pa kami ng kaunti bago sila dumating dahil sa photoshoot at sa retouch. Gumala nga lang ang isipan ko sa kumosyon kanina at inisip na sana hindi naman dahil doon.

I put on some finger food on my plate. Nagulat ako nang sa tapat ko, may kumuha rin noon. Nag-angat ako ng tingin. Alvaro was standing in front of me, in his white button down long sleeve, and gray pants. He looked breathtaking in uniform, and gorgeous in formal.

I reminded myself that the Grade seven Yohan is peeking again, wanting to dominate. Nagpatuloy ako sa pagpulot ng makakain kahit na napadami na dahil ayaw kong mahalatang nagpapanic ng kaunti.

"Kumusta? Naayos na ba ang sugat mo?"

"Ah, oo," sabi ko halos hindi siya tiningnan.

"Hmm. Tinutukan ko nga pala iyong kaso nitong nakaraan." He chuckled.

I lifted my eyes on him. He looked a bit awkward now as he laugh about it.

"'Tsaka... nalimutan ko 'yong number mo... Masyado akong nalibang sa pakikipag usap sa Tita at Tito mo. At sa panonood din sa'yo kasama kay Kuring."

Tumango ako at naisip ang numero ko. I shouldn't think too much.

"Para sa imbestigasyon ba? Kaya mo kukunin ang numero ko? Kasi kung... mag a-adopt ka lang ng pusa, puwede na ang business number ng shelter, Alvaro."

He looked at me intensely. A ghost of a smile touched his lips but it was shortlived. I tore my eyes off him. Kaunti na lang at bibigay na ako at kung tititig pa, hindi ko na alam kung magtatagal pa nga ako.

"For... the investigation, then," he answered.

Tumango ako at kinuha ang cellphone.

Napatingin ako kay Aria na kanina pa pala nakatanaw. Kumunot ang noo niya nang nakitang naglalahad ako kay Alvaro ng cellphone. Alam ko ang iniisip niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro