074

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

tw: cheating, physical and verbal violence

***

Raigh
active 30 minutes ago

4:58PM

Raigh:
Edie
Miss na kita
Uy, sinong kasama mo?
Si Yuri na naman?

Edie:
Oo

Raigh:
Akala ko ba ako lang? Bakit kasama mo na naman siya?

Edie:
As usual, date na naman
Mamaya pagkatapos nito balik ako sa'yo

Raigh:
Sure ka?

Edie:
Oo naman
Para may schedule haha

Raigh:
Wdym

Edie:
Everyday, ikaw lagi
Tapos pagdating ng ibang araw si Yuri naman

Raigh:
E di kawawa siya niyan?

Edie:
Well ganun talaga

Raigh:
Hay naku...
O siya, meet nalang tayo sa sunod

Edie:
Okay
I love you
💕 1

5:17PM

Raigh:
Edie
Edie bear
Uy miss na kita
Kailan mo ba bibitawan iyan?
Alam kong masama pero kung gusto mong sumama sa'kin, then go

*****

Kailan mo ba bibitawan iyan?

Sa tanong pa lang ni Raigh ay halos binagsakan ako ng langit sa lupa sa mga nakita ko. Habang ang mga luha ko'y unti-unting nagtutubig at tumutulo papunta sa screen ng cellphone, halos hindi ako makagawa ng ingay dahil natutulog si Edie kaya ang ginawa ko na lang ay tamang bulong na lang sa kanya at sinasabihan ng bakit mo ginagawa ito sa'kin? at sabi mo mahal mo ako?

Alam kong gasgas na iyon pero totoo naman kasi. Ha, naalala ko pa naman ang sinabi niya na magbabago na raw siya. Pero anong nangyari?

Hindi naman niya ginawa!

Itinaas ko naman ang pag-scroll sa mga messages nila, at habang binabasa ko ang mga messages ay lalong tumaas ang emosyon ko. May mga palitan ng kiss emojis, litrato nilang dalawa, at ang mas masakit, nagpapalitan pa ng "I love you" sa isa't isa!

Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Agad akong kinuha ang cellphone ko at picturan lahat ng mga ebidensya nang sa gayon at maipakita kapag nagsinungaling sa harapan ko. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto at pumunta sa terrace para ibato ang cellphone niya at nang mamatay na iyon nang kusa tulad ng nararamdaman ko na unti-unti niyang sinasaksak dahil sa mga nakita ko.

Lahat ng hinanakit ay nagawa ko sa pagsisigaw. Hinayaan ang lalamunan ko na magpakawala ng boses, na kahit marinig iyon ni Ike, ni Papa o ng ibang tao ay wala akong pakialam. Basta ang importante, kahit hindi ko kayang magsalita, alam kong mailalabas ko iyon hanggang sa may may bumalot sa likod ko - si Papa, na patuloy niya akong pinipigilan pero wala na akong magagawa.

Sa tatay ko na lang ilalabas lahat ng pait kasabay ng mga pag-iyak na kahit hindi umiimik ay nagawang magsabi ng: "Sa lahat ng pwedeng traydurin, bakit siya pa? Oo, ginawa ko naman ang lahat para mahalin siya, pero bakit ganito? Gustuhin ko man na hiwalayan siya, paalisin, sigawan, hindi ko na halos kaya dahil mahal ko siya. Siya lang naman gusto kong makasama hanggang pagtanda pero..."

Pagkatapos kong magwala at maglabas ng sama ng loob kay Papa ay biglang lumabas si Edelynn at tinanong kung bakit. Hindi ko na malaman ang mga sumunod na mangyayari basta ang alam ko lang, dumilim ang paningin ko at agad kong hinawakan ang kwelyo ng damit niya sabay sambit ng: "Bakit mo na naman ako nagawang lokohin, ha? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yung gaguhin niyo ako behind my back?"

Mayroon akong narinig na "Yuri itigil mo na nasasaktan na ang tao!" pero wala akong narinig dahil gusto ko nang ilabas lahat itong nararamdaman ng damdamin ko pagkatapos kong makita ang mga conversations sa pagitan ng girlfriend ko at ni Raigh. Samu't saring masasakit na salita ang sumulpot sa'king bibig tulad ng pokpok, malandi, cheater, at ang mas masakit - ang masabihan ko siya ng walking red flag nang harap-harapan. Hindi pa ako nakuntento: sinabunutan ko siya habang mahigpit kong hinihila ang buhok niya papunta sa sala, at habang naghuhumiyaw siya ay kinuha ko ang sling bag at binato sa kanyang mukha bago ko siya taasan ng boses, "Tingin niyo ba masaya na kayo sa pinanggagagawa niyo, ha? Na habang kayo'y nagsasaya at panay sabi ng 'I love you' sa mga messages niyo, ako namang si Gago, heto! Umiiyak at nawawasak nang dahil sa mga kalokohan niyo! I gave my life on anything just to make you happy, kasi Edelynn, mahal kita! Mahal kita, alam mo iyan!"

"Minahal naman kita Yuri, a?" lumuluhang banggit niya sa'kin pero panay pagsisinungaling niya ang laman ng utak ko. "Pero huwag naman sa puntong sasaktan mo pa ako nang pisikal!"

"Talagang masasaktan kita nang pisikal dahil grabe na ang ginawa mo sa'kin!"

Tumigil ako bago ikumpas ang mga sasabihin ko sa kanya, "Gaano na ba kayo katagal?"

"Yuri-"

"Putangina sagutin mo tanong ko!"

"Magdadalawang buwan pa lang!"

Two months... in a span of two months, she continued to cheat on me? Kung kaya ko lang pahupain itong nararamdaman ko, malamang ginawa ko na. Sa huli, buong tapang akong nagsalita kay Edelynn sabay turo sa pintuan ng bahay namin, senyales na pwede na siyang umalis sa paningin ko.

"Pero-"

"GET THE FUCK OUT OF MY HOUSE! AND DON'T YOU DARE EVER COME BACK TO MY LIFE AGAIN YOU TWO-TIME LOSER!"

Kahit ayaw man niyang umalis, sa huli, pinili niyang maglakad nang dahan-dahan dala ang sling bag at patuloy na nagtutubig ang kanyang mga mata habang pinipihit ang siradura bago siya lumabas sa pamamahay namin.

And that's when I realized: our relationship with her has ended for two years. Was it a victory? Somehow, yes. Nevertheless, the moment my emotions controlled me is something that I cannot believe I did.

Sa dalawang taon na iyon, masyado na akong naging mabait sa pagmamahal na mayroon ako pagdating sa kanya. Sa no label relationship nila noon, malamang red flag na agad sa'kin. At kung nakinig lang ako sa payo ni Ike, 'di sana payapa pa rin ang buhay na mayroon ako.

And then, what comes next?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro