Chapter 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 21



Kanina habang kausap at sinasabi ni Cita ang mga nagawa namin nung gabing iyon ay hiyang hiya na ako. Hindi ko na alam ang iiispin ko, gusto ko na lang mag melt. Tapos ngayon.. nakaupo na sa harap ko yung pinag uusapan namin.


Hindi ko alam kung ano irereact ko. Gusto ko ng umalis, kaso baka isipin niya na, bastos naman ako.


Jusko po..


Ilang beses ko ng ipinikit ang mata ko at ilang beses na akong nag inhale exhale, pero hindi pa rin naman nababawasan ang kaba ko.

"May gagawin ka pa, after mo dito?" tanong niya habang itinatabi yung mga pinagkainan ni Cita. Kalat kalat kasi.


Imbes na tumingin sa kanya ay sa likod niya napunta yung atensyon ko. Sa mga students na kumakain.


Hindi ko ata kinakaya na tignan siya sa ngayon. Masyadong nakakabigla at nakakahiya ang mga nagawa ko sa kanya. Walang tyansa.


Bakit naman kasi kailangan pa niyang pumunta dito ngayon? Okay naman na hindi ba? Naka kulong na ang Adik na ginulpi niya noon.

Bakit kailangan pa niyang dadagan ang kaba ko?


"Oo. Marami akong g-agawin ngayon. Huwag mo na akong ihatid." sinabi ko na lang iyon para mauna na siya. Ayaw ko talaga na makasalamuha siya ngayon. Kailangan ko munang ibangon yung sarili ko.


Mabilis akong tumayo at lumabas ng canteen. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hindi naman kasi kailangan.




Halos lakad at takbo na yung ginagawa ko para lang mabilis na makalabas ng school. Mabilis kong sinilip ang suot kong relos.


Mag a-alasingko na ng hapon. Kailangan ko pang mag madali dahil pahirapan ang pag sakay dito ng Jeep pag nag 5 na ng hapon.



Halos maihinga ko na yung baga ko ng makalabas ako ng school. Hingal na hingal na ako.


Mabilis kong pinara ang jeep na may karatula sa harap kung saan nakasulat ang street namin. 'Simbahan baba.' dun kasi ang babaan ng jeep at pagkatapos nun sasakay na lang ako ng trisikel tapos baba na yun sa bahay. Pero hindi ito tumigil at nag tuloy tuloy lang. Mabilis kong sinundan iyon ng tingin at nakitang hindi ito tumigil dahil puno na pala. Napailing ako at mabilis na pinunasan ang pawis sa aking noo gamit ang aking braso.



Kung kailan ka naman nag mamadali, tsaka ka pa punuan!



Nakailang para na ako ng jeep ngunit wala pa rin akong masakyan. Lahat na lang puno. Anong oras pa ako makaka-uwi nito.



Nahagip ng mga mata ko yung mag jowa sa tabi ko na mag kaakbay at nag hihintay din ng jeep.


Napalundag ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko.


Si Ate.

"Diyos ko naman.." napahawak ako sa dibdib ko.



"Hello po.." sagot ko at mabilis na naglakad ng makita kong may paparating na naman na jeep na 'Simbahan baba.'


May sinasabi si Ate pero hindi ko na iyon naintindihan dahil mabilis akong lumapit doon sa jeep. Nang makitang sumenyas ang driver ng 2 pa ang bakante ay nabuhayan ako ng loob! Sa wakas makakauwi na ako.


Sasakay na sana ako harapan sa tabi ng driver ngunit pinigilan niya ako.


"Mamaya ka na Miss, sila po ang nauna." ani nito at tinuro ang nasa likod ko.


Yung mag jowa!


"Ano?" hindi ko mapigilan sagot don sa driver. Nakakaasar! Kalmado ako pero hindi ko kayang kumalma!

"Ako po ang naunang lumapit Kuya."


"Sila muna.. Alangan naman na paghiwalayin natin sila? Magkasama sila e." tukoy niya don sa mag jowa.



"Kuya, kailangan po ba ako ang mag aadjust? Kanina pa po ako nag hihintay!" di mapigilan na hiyaw. Napayuko ako agad ng makitang tumingin sa akin yung mga sakay ng jeep.


"Miss.." tawag sa akin nung jowang lalaki. Nakasimangot na tinignan ko siya. Kaakbay pa rin niya yung jowa niya. "Paunahin mo na kami. Marami pa naman na dadating na jeep. Pagod na kasi itong girlfriend ko."


"Bakit ako? Dahon ba ako? Hindi napapagod?"


"Sige na sumakay na kayong dalawa hayaan niyo na yan." ani nung driver at binuksan yung maliit na pinto ng jeep. Mabilis naman sumakay doon yung dalawa at kinindatan pa ako nung lalaki.


"Tabi ka konti Miss, baka mahagip ka ng gulong."


Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa pwesto ko.

Ano ba yon?



Nangangawit na yung binti ko. Kanina pa ako nakatayo dito. Tumingala ako sa langit saglit at nakita na ang naghahalong kulay orange at dilim. Ano ba! Uulan pa ata.



Baka naghihintay na si Ate sa akin sa bahay. Nakauwi na yun ng mga ganitong oras e. Hindi pa ako nakakapag saing.


Nanlaki ang mata ko ng maalala si Ate.


Jusko po! Tumawag nga pala siya. Mabilis kong tinignan ang cellphone ko. Nakalimang missed calls na si Ate. Hindi ko naman napansin dahil na busy ako dun sa pakikipag usap sa driver.


Tatawagan ko sana si Ate ngunit nauna na siya. Mabilis ko iyon sinagot.


"Ate.."


"Oh? Nasaan ka ba?"


"Naghihintay po ng jeep." sagot ko at patuloy na binabasa ang mga karatula ng jeep.


"Oo. Narinig ko nga kanina na nakikipag agawan ka ng jeep. Asan ka ba? Susunduin kita."

Parang biglang nag liwanag ang buong paligid ko sa narinig ko. "Talaga po? Nandito po ako sa harap ng Shakeys Ate sa harap ng school."

"Okay sige. Malapit na ako. Natatanaw na kita. Bye."


Mabilis na akong tumabi at umalis sa mga kumpulan ng studyanteng naghihintay din ng jeep. Pumunta ako sa gilid ng parking lot. Marahan ko pang pinunasan ng pawis sa aking noo. Na haggard ako doon jusko!


"Abi!" mabilis na hinanap ng mata ko kung sino ang tumawag. Sigurado akong si Ate na iyon. Pero hindi ko siya makita lumingon na ako kaliwa't kanan. Pero ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Rogerr ay doon, ko rin nakitang nakangiting kumakaway si Ate.


Nalaglag naman ang balikat ko. Ano ba naman itong nangyayari?


Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o hindi. Bakit naman kasi.. Umiiwas nga ako diba? Tinakasan ko na nga siya.. Tapos.. Akala ko mag isa lang siya..


Nang sumenyas si Ate na pinapalapit ako ay wala na akong magawa.

"Sakay ka na.. Uulan na oh!" sabi ni Ate pagkalapit ko. Nahagip naman ng mata ko yung driver.


Si Rogerr. Hindi siya nakatingin sa amin. Diretso lang ang mata niya sa harap.


Kagat ang itaas na labi kong binuksan ng kotse niya at tahimik na umupo doon.


"Bakit kasi ngayon ka lang? Alam mo naman na pahirapan ang jeep dito pag ganitong oras diba?" ani ni Ate ng nakaalis na kami sa school.

"Sorry po.." sagot ko na lang. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. Kasalanan ko naman talaga. At isa pa..


"Hindi ka rin nasundo ni Dylan dahil nagkaroon daw sila ng biglaang meeting, at ako kaka out ko lang."



Parang may mali.. Tinignan ko si Rogerr. Wala naman siyang reaksyon at focus lang sa pag dadrive. Hindi man lang inaalis ang tingin sa daan.


Pero pinuntahan niya ako kanina..


Nanahimik na lang ako buong biyahe namin dahil wala naman na akong sasabihin.


Bakit hindi niya sinabi kay Ate na pumunta na siya sa akin kanina? Na, iniwan ko siya doon sa canteen. Bakit?


"Uy! Salamat Dylan ha? I know you're busy pero sumama ka pa rin sa pag sundo kay Abi." ani Ate nung pagdating namin sa bahay. Ako ang naunang bumaba sa kanila pero hindi pa muna hinintay ko sila sa tapat ng gate at hindi muna pumasok.


"Welcome." simpleng sagot ni Dylan pero nung tinignan niya ako saglit ay parang gusto ko na lang uminom ng tubig dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa init ng titig niya. Nandoon siya malapit sa kotse pero hanggang dito sa pwesto ko ay nararamdaman ko ang pagtitimpi niya.

"Gusto mo ba munang kumain?"


Mapayuko naman ako sa narinig ko. Jusko! Gusto kong hilahin si Ate papasok ng bahay. Hindi ko na lang hinintay ang sagot niya at mabilis kong binuksan yung gate para makapasok.



Pagod ako. Masakit ang binti. Tingin ko nga naka-quota na ako ngayon araw na ito.


Pag akyat ko sa kwarto ko ay agad akong humilata.

Habang nakatingin sa kisame ay naaalala ko yung mukha ni Rogerr. Yung mukha niya nung nasa canteen kami at nung nasa kotse siya ay magka-iba. Pero hindi naman siya yung mukang galit. Kakaiba e. Hindi ko alam, hindi ko ma explain pero nakaka kaba. Hindi ako komportable sa tingin niya. Dahil siguro kasi may kasalanan ako kaya ganon.


Ilang minuto pa akong tumunganga bago magpasiyang magbihis. Chinarge ko muna ang cellphone ko bago bumaba.



Naririnig ang mga kulansing ng mga kutsara kaya dumiretso ako sa kusina. Nakita ko doon si Ate na nag sasalin ng ininit niyang ulam namin. Siya lang mag isa.. Buti naman..


Baka tumanggi si Rogerr.


Niyakap ko si Ate sa likod. Medyo nagulat pa nga siya sa ginawa ko kaya nangiti ako. "Thank you po sa pag sundo sa akin." hinalikan ko pa siya sa pisngi pagkaharap niya sa akin. Nilagay niya muna yung ulam sa ibabaw ng lamesa bago ako harapin.


"You're such a sweet girl Abi, kaya mahal na mahal kita e. Basta huwag mong iiwan si Ate ha? Mamamatay ako pag nawala ka."


"Ate ang morbid naman ng sinasabi mo.."

Natawa si Ate sa sinabi ko. Kunot naman ang noo ko.


"Naalala ko lang kasi yung nangyari dati na hinabol ka ng Adik. Hindi maalis sa isip ko yun, lalo pa at ginabi ka ngayon at mag isa ka lang."



"Ate naman.. Ngayon lang naman ako ginabi e. Tsaka nag iingat naman.." umupo ako sa pwesto ko sa lamesa at gabun din si Ate.



"Haay nako Abigail, iba yang sinasabi mo sa aksyon mo." aniya habang nilalagyan ng kanin yung plato ko. "Salamat po.." ako na ang kumuha ng mangko na may ulam pero napatigil ako ng makita kong nilalagyan din ni Ate ang isang plato sa tabi ko.



"Para kanino po yan Ate?" tanong ko dahil nakita ko naman na may laman na ang plato sa harap niya.



"Ah! Kay Dylan iyan.."

"Ano po? Bakit?" nandito siya? Mabilis akong lumingon sa paligid pero..


"Anong bakit? Syempre kakain iyon! Pasalamat na lang din, dahil naistorbo na naman natin siya."


"Nasaan po siya?"


"Sa labas. Kanina kasi sabi ko bibili akong sisig para sayo, eh sabi niya siya na lang daw.."



"Bakit po?"


"Ano ba? Bakit ka ba bakit ng bakit? Sye-"


Biglang tumunog yung chimes na naaksabit sa pinto namin.


"Oh, ayan na pala.. Tamang tama." ani Ate. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.


Nakatayo si Rogerr sa may kurtina sa kusina namin. May dala siyang brown paper bag. Dun ata nakalagay yung sisig.


Sinalubong siya ni Ate at kinuha yung dala dala niya. "Umupo ka na Dylan.. Sa tabi ni Abigail.. Aayusin ko lang itong dala mo."


Binigay ko na lang ang buong atensyon ko sa pagkain ko. Hindi ko nga alam kung anong ikikilos ko.


Nalanghap ko na yung pabango niya pagkalapit niya sa akin. Saglit ko siyang tinignan. Nag magkasalubong ang mga tingin namin ay pilit akong ngumiti.. Awkward.. Dahan dahan siyang umupo sa tabi ko.


Humugot naman ako ng malalim na hininga. Jusko!


"Let's talk later."

Napatingin ako sa kanya. Siya ba yung nag salita?

"Huh?"

"You heard me." mahina ngunit matiim na sabi niya.


Nanlaki ang mga mata ko. Jusko!


"Sisig for Abigail! Kain na tayo.." ani Ate.


Tahimik silang kumakain. Paminsan minsan ay nag uusap sila. At ito ako, hirap na hirap na lunukin ang paborito kong pagkain.


We'll talk daw later? Bakit pa? Ano naman ang pag uusapan namin? Tsaka tungkol saan? Tungkol ba 'to sa nagawa ko kagabi? Nanlaki ang mata ko.. Tama!


Sa isipin na kokomprontahin niya ako tungkol don ay mabilis kong kinain ang pagkain ko.. Kahit umiinom pa ng tubig ay tumayo na ako.


"Ate.. Aakyat na po ako sa-"



"Cha, can i talk to Abigail?" biglang sabi ni Rogerr.

"Ha? Bakit ka ba nagmamadali Abigail?"


"Oh sige.. Tapos naman na siya kumain." aniya tsaka tinignan ako ng nagtataka. Napalunok ulit ako.


Napatingin ako kay Rogerr ng tumayo rin siya. Ang tangkad niya.. Hanggang balikat lang niya ata ako. Nililigpit niya yung pinagkainan niya. Sinuway naman siya ni Ate.



"Ako na diyan! Sige na.. Dun na kayo.."


"Salamat." aniya at nauna ng lumabas ng kusina


Sinundan ko siya ng tingin nang nawala na siya ay tsaka ako lumapit kay Ate.



"Ate.. Napagod kasi ako ngayong araw. Paki.. paki sabi na lang sa kanya na.. na ano.. na next time na lang kami mag usap.." tinignan ako ni Ate ng buong pagtataka. tingin ko tuloy para akong kriminal na umiiwas sa pulis.



"Bakit ako pa ang mag sasabi? Sa pag kakaalala ko naman tinuruan ka namin ni Mama mag salita, nakalimutan mo na?"

"Ate naman e.."



"Bakit ba kasi? Kanina ka pa. Napapansin ko iniiwasan mo si Dylan. May problema ka ba sa kanya?"



Laglag ang balikat na umiling ako. Wala akong problema sa kanya. Baka siya ang may problema sa akin. Nakakaramdam lang talaga ako ng kahihiyan tuwing nakikita ko siya. Lalo pa at alam ko na lahat yung mga pinag gagagawa ko sa kanya.




"Ah! Alam ko na.." si Ate na nangingiti pa. "Sinabi sayo ni Cita lahat ano?"



Tumango naman ako. Humagalpak naman si Ate na lalong nag pasimangot sa akin.


"May first kiss na yung baby ko.."



Nanlaki ang mata ko. "Ate naman.." napayuko na lang ako sa kahihiyan. Nanghalik ako ng hindi ko naman boyfriend.

Nakakahiya!

So, tama nga. Alam ni Ate ang lahat ng nagawa ko. Sinubukan niya lang akong iligtas sa sarili kong kahihiyan kaya hindi niya sinabi. Pero dahil sa sarili ko din kaya ayun.. Jusko!


"Sige na.. Harapin mo na, nang makauwi na rin yung tao. Pagod rin yan dahil sa work niya."


"Ate.."


"Ano ba? Huwag kang matakot no! Nandito naman ako, pag may ginawa sayo, pagtulungan natin bugbugin hindi natin papalabasin ng bahay." natatawa niyang sabi.

Paano niya nakukuhang mag biro ngayon?


"Ate naman.."


"Sige na." tinulak niya ako ng mahina para makalabas sa kusina.


"Kausapin mo na, ng matapos na yan. Para wala ka ng isipin bukas."



Ayun na nga.. Wala naman akong magawa.. No choice..inisip ko rin yung sinabi ni Ate. Kausapin ko na ngayon para wala na akong bitbit sa utak ko bukas.


Natanaw ko na nakaupo sa sofa nakayuko at nakacross ang mga mga daliri sa bawat isa. Bigla naman pumasok sa isip ko yung sinabi ni cita kanina na tignan ko yung kamay niya. Bakit kaya? Well.. Mukhang malinis naman yung kamay ni Rogerr. Medyo mahahaba rin. Ay ano ba yan?! Umiling ako para maialis sa isip yung boses ni Cita.


Sa ayos niyang ganiyan parang may iniisip din siyang malalim.


Huminga muna ako bago lumapit sa kanya.



Malayo pa lang ako ay nag angat agad siya ng tingin sa akin.


"Rogerr.." tawag ko nang makalapit na. "A-anong pag uusapan natin?"



"Gus--"



"Aakyat lang ako saglit ha?" sabay kaming napalingon ng mag salita si Ate. Paakyat ng hagdan.


"Okay po.." sagot ko. Hanggang sa mawala sa hagdanan si Ate ay nanatili pa rin doon ang tingin ko. Hindi ko na alam kung paano ko ibabalik ang tingin sa kanya.



"Charlene.." tawag niya. Napapikit muna ako bago humarap.

Umupo ako sa pinaka malayong parte ng sofa.


Dapat ba ako muna ang mag salita?

"I-if tungkol to doon sa-"


"Iniiwasan mo ba ako?" nagulat ako sa sinabi niya.


"Ha?"


"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko at hindi ka rin nag rereply. Kanina naman sa school, tinakbuhan mo ako. May nagawa ba akong mali sayo?"


Napalunok ako. Ano daw?


"Tell me kung anong nagawa ko sayo. Hindi ko kasi alam." yung kaninang mga mata niya na mainit, ngayon ay nagbago na. Nakikita ko na lang sa mga mata niya ang pagod. Parang hindi niya alam ang gagawin niya.


"W-wala nagmamadali lang talaga ako kanin-na.."

"Bakit hindi mo sinasagot mga calls ko? Nakakaistorbo ba ako?"



"Ha? Hindi naman sa g-ganon.."


Habang nakatitig siya sa akin ay bigla siyang umiwas.

"Jesus! I sound desperate." mahina niya lang na sinabi iyon pero narinig ko pa rin. Napakagat labi ako.



Nang tignan niyang muli ako ay nakangiti na siya. "Pasensya ka na. Kalimutan mo na yung mga sinabi ko." aniya at tumayo. Napatayo rin ako.


"Aalis na ako." sabi niya at naglakad na papuntang pinto ngunit tinawag ko siya. Gusto ko na kasing maging okay na talaga. Mag sosorry na ako. Yun naman ang gusto kong gawin umpisa pa lang.


"Wait lang po.." huminto naman siya at lumingon sa akin. Lumapit ako sa kanya ng konti para marinig niya ang sasabihin ko.


"G-gusto ko lang po na mag sorry dun sa nagawa ko sayo last sunday." kahit na mahirap ay tinignan ko siya eye to eye. there! Nasabi ko na!


"You remember?" gulat na tanong niya.



Umiling naman ako. "Hindi po. Sinabi lang sa akin ni Ate at Cita."


"Was that the reason kung bakit ka tumakbo kanina?"

Dahan dahan akong tumango.


"Wala ng ibang rason?"


Nag isip ako saglit. Iba? May nagawa pa ba ako sa kanya na hindi ko alam?


"May..nagawa pa ba akong iba sa yo?"



Nakita kong napapikit siya saglit. Para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.


"Jesus.." daing niya. "Wala naman. Aalis na ako. You need to rest. Naluluha na ang mata mo sa antok."


Ha? Paano naman niya..


"Okay po.." sagot ko na lang.

"Ha?" aniya.

sabi ko nga dapat wala ng 'Po'


"Sabi ko, Okay.."


"Alright."


Hinatid ko siya sa may gate namin. Nakakahinga na ako ng maayos. Wala ng laman na stress yung utak ko.

Nakakatuwa..


Nagulat ako sa kanya ng bigla siyang humarap. Baka may nakalimutan siya.


"May nakalimutan ka?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin.


"Pwede ba kitang sunduin bukas?"



"Wala ka bang work bukas?"



"After work."


"Okay. Pwede mo akong sunduin bukas.."


Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako. Yung pogi'ng ngiti. Jusko!


"Okay.."


"Goodnight,"


"Goodnight."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro