Chapter 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter 26


"Ang una mo dapat gawin ay kumalma ka," yun ang unang sinabi sa akin, nang sabihin ko sa kanya ang lahat at makita niya akong umiiyak. Pagkatapos nun ay pinapasok na niya ako sa bahay niya.

At ngayon nga nandito kami sa kwarto niya, nakaupo ako sa ibabaw ng kama niya at siya naman ay nakatingala sa akin, dahil nasa lapag lang siya at hinahaplos ang tuhod ko.

Ang gulo ng utak ko, parang hindi pa handa ang utak ko na mag mahal tapos, yung puso ko kumerengkeng na agad. First time ko ito, at wala talaga akong ideya kung anong dapat gawin.

Iba ito sa pagka crush ko kay Amor dati, hindi naman ako naging ganito kataranta, dahil alam ko na crush lang iyon, na kaya kong hindi siya makita ng isang araw kahit pa nga taon ay kinaya ko. Pero ngayon, kay Rogerr, sa tingin ko ay hindi ko kaya. Palagi ko siyang hinahanap hanap. Kahit hindi pa tapos ang klase palagi ko ng naiimagine na nasa gate siya at hinihintay ako.


Hiniling ko nga na sana maalala ko lahat nung nangyari nung gabing iyon na uminom kami sa bar. Totoong wala akong naaalala sa mga ginawa ko nun, pero ilang beses ko bang hiniling na maalala lahat 'yon?

At ilang beses kong iniimagine na siya naman ang mag kikiss sa akin. Yung tipong magtatagal 'yon.

Pero nasa isip ko rin yung, paano kung yung pinapakita niya sa akin ngayon ay dahil lang kay Ate Cha? Mabait siya at gentleman dahil lang kay Ate Cha, at kapatid lang ang turing sa akin?

"Para kang tanga Abigail," ani Cita at natatawa pa siya. Tinignan ko naman siya ng matalim. "Hindi ka namatayan, na inlove ka lang! Makaiyak ka diyan, daig mo pa yung nabyuda!"

May point naman siya pero, ewan ko. Oo nga, masaya ako, as in masaya ako ngayon, tears of joy itong lumalabas sa akin ngayon. Excited dahil first time ko itong maramdaman, pero natatakot din ako..

Paano kung..

Paano kung hindi niya ako gusto?

Anong mangyayari sa feeling's ko?

"Alam ko naman yun," sabi ko habang pinupunasan ang mukha. "Ewan ko din kung bakit ako ganito, siguro na eexcite ako? Bago lang to sa akin at hindi ko alam ang gagawin. Kaya nga ako pumunta dito sayo, dahil alam kong napakarami mo ng karanasan-"

"Maghinay hinay ka naman sa napakarami, Abigail." sabat niya pero hindi ko na pinansin at nag patuloy pa.

"-tungkol dito, paano kung hindi niya ako magustuhan, Cita?"

"Abigail," aniya at huminga ng napakalalim at tinaas pa ang kilay. Umupo na siya sa tabi ko at pinihit ako paharap sa kanya. "Ganito kasi yan, hindi.. dahil gusto mo siya, ibig sabihin nun, ay magugustuhan ka na din niya. Walang ganon Abigail,"


"Pag nag mahal ka kasi.. Oo syempre sino ba namang hipokrita ang ayaw gustuhin ng gusto niya diba? Pero kasi, hindi ito shoppee na may guarantee cashback, ito ay totoong buhay, yung feeling na may 10 piso ka, tapos bumili ka sa tindahan ng max candy tapos hindi ka na sinuklian. Pwedeng mangyari sa'yo ang isa doon, at kailangan mong tanggapin alin man doon."

"Ako rin ay naranasan na yan. Yung gusto ko iba yung gusto. Pero keri lang no! Ang ganda ko kaya, kawalan niya ako."

Napalunok ako at napatitig sa kanya. Minsan pala may sense din kausap itong kaibigan ko.

"Ku.. kung.. hindi niya ako magustuhan masakit yun, Cita."

"Oo naman. Pag nagmahal ka talaga may chance na masasaktan ka, kambal kasi sila. e kung ayaw mo palang masaktan edi sana nag tetris ka na lang."

Naisip ko ngang tama siya. Hindi ko pwedeng pilitin ang isang taong magustuhan ako dahil lang sa gusto ko siya.

"Mahalin mo na lang siya. Pwede naman yun, gawin mo na lang siyang inspiration sa buhay.."

Napatango tango ako sa sinabi niya at sang ayon ako don. Tama naman siya, ewan ko nga lang kung bakit pa ako pumunta dito.


"Okay ka na ba? Nag text na si Ate Cha sa akin. Nakauwi na ata siya."

Napatayo ako sa sinabi niya.


Oo nga pala si Ate!

"Uuwi na ako Cita," sabi ko pero pinigilan niya ako.

"Sabi ni Ate, dito ka na lang daw muna matulog. Tutal nandito ka naman daw na. Pero, wait.. Tawagan daw natin siya." aniya at dinial na si Ate.

Nung una kinakabahan ako. Pero ayun nga nakausap ko si Ate at sinermonan pa nga ako, dahil hindi ako nag paalam ng maayos na pupunta kay Cita. Pero kalaunan ay naging okay na rin. At dito na niya ako pinatulog dahil gabi na daw. Pinadala na lang niya sa dito yung uniform ko. Mag tatawag pa nga siya dapat ng pulis, kwento niya sa akin pero buti na lang daw ay sinabi sa kanya ni Matias na kay sina Cita ako.

Nagtaka nga ako dahil paano nalaman ni Kuya Matias na kila Cita ako pupunta? Samantalang tinakasan ko nga siya kanina.


"Ay oo nga pala Cita," sabi ko sa kanya pag ka abot ko ng cp niya. Umupo ako sa kama niya habang siya naman ay nag susuklay sa harap ng salamin niya.

"Nakita ko kasi si Kuya Matias," umpisa ko.


"Oh, eh ano naman?" sagot niya. Medyo nagulat ako sa sagot niyang 'yon pero siguro kasi naistorbo siya sa tulog kaya medyo masungit.


"Nakapang sundalo siya kanina, sundalo ba siya? Naka camouflage kasi siya."

Napatigil siya sa pag susuklay at napatingin sa akin saglit bago nag salita. "Ano ka ba, hindi. Pulis siya. Ang alam ko kasi, may camouflage uniform din ang mga pulis, hindi ko lang sure ah? Pero, anyways.. Parehas lang naman silang lumalaban at nag lilingkod para sa bayan diba? Same lang silang sundalo ng bayan, parang brothers ganyan."

"Okay.." sagot ko na lang at humiga na. Tinititigan ko lang siya habang ginagawa ang ritwal niya sa gabi. Nakita kong umilaw din ang cell phone niya at binasa niya yon.


Napahinga ako ng malalim. Kahit papaano ay okay na ang pakiramdam ko. Hindi na ganoon kabigat, may dumamay at napag sabihan na kasi ako.


"Abi.." tawag niya sa akin at bahagyang lumapit pa.

"hmm?"

"May pupuntahan kasi ako ngayon,"

Nanliit naman mata ko. Mukhang may kung ano sa nabasa niya kanina.

"Tapos?" ani ko at umupo.

"Okay lang ba na dito ka muna? Saglit lang naman ako,"

"Iiwan mo ako?" tanong ko. "Saan ka ba pupunta?"

"Birthday kasi ng kababata ko at na invite niya ako-"

"Edi sasama na lang ako," mabilis na sabi ko.


Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Seryoso ka?"

Tumango naman agad ako. "Hmm! Kaysa naman maiwan ako dito. Kaya nga ako pumunta sayo para may kasama ako, tas aalis ka rin. Edi sasama na lang ako." sabi ko. "Yun nga lang, wala akong damit."

Mabilis siyang tumayo at excited siyang pumunta sa walk im closet niya.

"Ako ng bahala Abi!" aniya.


"Matagal na kitang gustong bihisan no! kaya lang palaging nagagalit si Ate cha," excited niyang sabi at hinila ako papasok doon.

Siya ang unang nag bihis. Sinuot niya ang kanyang kulay pulang bandage dress at tinernuhan niya iyon ng kulay itim na stilletos.


"Hindi kaya masyadong mababa yung neckline natin Cita?" sabi ko sa kanya habang pilit na inaangat yung sa akin.

Ngayon ay minimake upan na niya ako.

Habang tinitignan ko kasi siya ay parang wala lang sa kanya yung litaw na yung unan sa dibdib niya. Sa akin ay hindi ako komportable.

Pinasuot niya sa akin ay ang off shoulder dress niyang puti na may ruffles sa may sa ibaba nito. Maganda siya at flowy nag suot din ako ng sandals na puti na may 3 inch heels. Yun nga lang,

"Ha? Ano ka ba style yan." aniya at nilagyan ako ng blush on. "Smile ka konti para umangat yung cheek mo.." ginawa ko naman ang sinabi niya.

"Hindi ako sanay sa ganitong damit.."

"Alam ko, kaya nga sinuotan kita niyan! Ngayong gabi lang naman, tsaka ang ganda mo kaya. Muka kang anghel na hindi pwede sa langit." aniya. "Tska ang sexy tignan nang nunal mo sa dibdib.." may nunal kasi ako sa kanang bahagi ng dibdib ko.


"Hindi ako komportable.."

Tumigil sa pag make up sa akin at pinameywangan ako. "Ano bang gusto mo? Mag pajama tayo while clubbing? Ano? Magrereklamo ka ba diyan o maiwan ka na lang?"

Napanguso naman ako. Hindi ko kasi talaga kaya ang mag suot ng ganito, pero wala naman akong choice.. Sinulyapan ko si Cita, tinaasan niya lang ako ng kilay niya.

Tumango na lang ako..

"Good," aniya at nilalagyan na ako ng lipstick. Matte Lipstick iyon. Hindi ko na inalam kung anong shade iyon basta napaka pula niya. Kulay dugo. "Ganda mo talaga bestfriend! Bagay din sayo 'tong pula ko na lipstick."

Tinignan ko 'yon sa salamin na may eyeshadow. Nalukot naman ang mukha ko, "Parang sobrang pula naman nito Cita, yung orange na lang.." sabi ko at dinampot yung paborito kong shade ng lipstick.

Tinampal naman niya ang kamay ko. "Ano ka ba? Mas okay na yang nasa labi mo, masyado kasing malambot ang features mo na nagmumuka ka ng bata. Mas okay ang pula para matured ka konti tignan."

"Pero 21 naman na ako.."

"Hindi. Muka ka lang 20 and a half." napailing pa siya. "Ganda mo talaga. Naging kaakit akit ka tignan dahil sa rep lipstick mo na 'yan."

Pagkatapos ng make up session namin mabilis kaming umalis. Nasilip ko pa nga sa cellphone niya na 11:01 na ng gabi.


Siya ang nag drive ata ko naman sa passenger seat. Nang tinanong ko siya kung saan kami pupunta ay sabi niya sa Ayala heights lang daw.

Mabilis kaming nakarating don sa club na sinabi niya.

Iba ito sa pinuntahan namin ni Ate. Nag park lang si Cita at pag ka baba namin ay nakita ko ang haba ng pila. At may dalawang bouncer na naka kulay itim sa unahan ng pila.


Nakita ko ang suot ng iba sa pila. Kung ikukumpara ito sa suot ko ay parang underware na lang ang suot suot nila.

Nilingon ko si Cita at nakita kong may kausap siya sa telepono. Nilapitan ko siya.

"Nandito na kami, Pin." rinig kong sabi niya. "Sa parking lot. Ang haba ng pila, wala akong card sa club na to.. Okay.. Bilisan mo."

Nginitian ko siya ng tumingin siya sa akin. "Wait lang daw Abi," aniya at kinagat pa ang labi.


"Okay.." tango ko. Sinilip ko naman saglit ang sandals ko at ginalaw galaw iyon. Ang ganda nun. Kay Cita to, pinadala daw ng tita niya galing new zealand. Pero hindi naman daw kasi bagay sa paa niya. May L pa nga ito kanina nang kunin niya sa box.


"Oh shit!" napaangat ako ng tingin kay Cita. Nakita kong nanlaki ang mata niya habang nkatingin sa kung saan. Sinundan ng mata ko kung saan siya nakatingin ngunit wala naman akong kakaibang nakita.


"Bakit?" tanong ko na sa kanya.


Pero hindi niya ako sinagot at mabilis niya lang akong hinila paalis don. Pinunta niya ako sa likod ng kotse niya at doon nagtago. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito.

"Anong meron Cita?" tanong ko pero nag sshhhh lang siya.

Nanliit ang mata ko at sinilip lang ang sinisilip niya. Pero hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari sa kanya. Pero alam kong may pinagtataguan siya, ang hindi ko lang alam ay kung sino.


"Bwisit talaga. Ang lakas ng pang amoy.." si Cita na may ginagawa sa cellphone niya.

"Ano bang problema mo Cita? Baka hindi tayo makita ng kaibigan mo, kung nagtago lang tayo rito."


"Sandali lang naman, lalabas din tayo pag ka alis nila.."

"Huh? Sinong nila?"


"Abigail." ani ng boses sa likod ko. Napatili ako at muntik pa nga akong mapatalon sa gulat kung hindi lang ako hawak ni Cita.


"Shit!" si Cita.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat.

Si Rogerr, kasama si Kuya Matias. Nakatayo pala sila sa likod ko.


Hindi na naka uniform si Kuya at si Rogerr naman ay naka white t shirt at slacks.

"Bakit kayo nandito?" ani Kuya Matias. "At ikaw.." kay Cita na siya nakatingin ngayon.


Ramdam ko kasi ang titig ni Rogerr kaya umiwas ako at tinignan na lang din si Cita na hindi mapakali ang mata.


"Ano?" sagot naman niya kay Kuya Matias.

"Ang sabi mo sa akin kanina matutulog ka na. May kama ka ba dito sa club?"

"Ano bang pake mo?" ani Cita at nag martsa paalis. Sumunod naman si Kuya sa kanya.

At napapikit na lang ako dahil naisip ko na kung sinong naiwan na kasama ko ngayon.


Si Rogerr.

"Alam ba ng Ate na nandito ka?" tanong niya. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. At parang ayokong humarap.


"Hinahanap ka niya kanina," sabi pa niya.

Huminga muna ako ng napaka lalim bago humarap sa kanya.

"Ahm.. Opo. Natawagan ko na siya kanina.."


Nakita kong kumunot ang noo niya pero, hindi ko na pinansin 'yon.


"Susundan ko lang po si Cita," sabi ko at aalis na sana pero hinawakan niya ang braso ko.


"Sandali," aniya.

"Bakit?" tanong ko.


Ilang sandali pa siyang tumingin sa akin. Hindi ko nga alam kung dapat bang mag salita pa ako. Nakikita ko kasi sa mata niya na ang dami niyang gustong sabihin at itanong.


Kanina lang ay natanggap ko na sa sarili ko na gusto ko siya.


Dapat bang sabihin ko na sa kanya 'yon? Oh ano? Wala naman kasing sinabi si Cita sa a-

"Mag uusap tayo, Abigail Charlene."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro