CHAPTER 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"HI, VIEN. . ." said the voice from the recording. "It's me, Venge."

Dr. Xalvien immediately retreated upon hearing the voice of his alter. Napasandal siya sa sofa, ang mga kamay niya'y napakapit nang mahigpit sa magkabilang gilid nito. His fingers curled in fear, digging down on the sofa's fabric. Fear was reflected in his bloodshot eyes.

Bago pa magpatuloy ang recording ay hininto ko muna ito nang makitang hindi komportable ang doktor.

"Doc, hindi mo kailangang ipilit makinig ngayon," malumanay kong saad. "You can continue listening to it some other time."

He closed his eyes firmly, a frown forming between his brows. "It's okay. . . Go on, play it."

Marahan akong tumango bago muling pinindot ang play.

Dr. Xalvien is taking a brave step forward and I want to support him, I know it's not easy to hear another side of yourself talking—same voice, but different manner of speaking—it can be pretty scary especially for the first time.

"Kumusta ang paboritong doktor ng bayan?" sarkastikong usal ni Venge mula sa recording. "It's been a while since we last talked. Ten years?"

Kahit ako ay napakunot ng noo nang marinig iyon. Ibig sabihin, hindi pala ito ang unang beses na mag-uusap sila.

"Since then, you've been ignoring my attempts to communicate, Doc." Pabiro ang tono ni Xalvenge, ngunit halatang may malalim itong pinanghuhugutan. "I had been writing to you, pero lagi mong tinatapon ang lahat ng mga sulat ko sa'yo. I even had to tattoo my name on our body to make sure you still know I exist!"

Pagtingin ko kay Dr. Xalvien, napansin kong pinagpapawisan siya nang malamig, ngunit sinusubukan niyang huminahon sa pamamagitan ng paghinga nang malalim habang nakikinig.

"We used to be inseperable when we were young! Ano'ng nangyari, Vien?" The attorney then scoffed. "Oh, wait! Tinatanong ko pa, alam ko naman. Simula nang makilala mo ang mga Vouganville. . . Simula nang magkaroon ka ng mga tunay na kaibigan, kinalimutan mo na ako." May diin ang pagkakabigkas ni Venge sa salitang 'tunay.'

Kahit ako ay napaigtad nang biglang magtaas ng boses ang abogado.

"Tell me, who's the real bad guy here? Huh, Vien? Why don't you tell your pretty reporter what you did—"

Nagulat ako sa biglaang pagputol ng mensahe ni Venge. Pagtingala ko ay si Dr. Xalvien na mismo ang pumindot ng stop sa recording. Hinihingal siya't medyo nanginginig.

"D-Doc? Are you okay?" my dry voice choked out.

He closed his eyes and exhaled sharply. "He clearly doesn't sound like someone who wants to cooperate," may punto niyang sabi.

Nalulungkot ako, akala ko pa naman ay simula na ito ng kanilang muling pagkakilala sa isa't isa. Kaso lamang ay mas matimbang pa rin ang kanilang galit.

Mula sa bulsa ko ay naglabas ako ng isang maliit na butones, nilapag ko ito sa lamesa at tinulak palapit sa doktor. "This is a communication device in the form of a button, isa sa mga imbensyon ni Xantiel. Ginamit daw ito nina Professor at Fifteen noon para makapagkomunika."

Nakita kong may pagtataka sa mukha ng doktor kaya ipinaliwanag ko kung para saan ito. "Comm-button ang tawag nila rito. Maliit lamang ito at maaari mong ikabit sa damit mo na parang butones. Nakaka-record din ito kaya maaari kang mag-iwan ng mga mensahe. Mga mensahe. . . para kay Venge, at mga mensahe niya para sa'yo."

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "Para sa tuwing magpapalit kayo ay madali kayong makakapagkomunika. Malaki ang maitutulong nito sa inyo. Just in case you guys switch suddenly, you can update each other on what happened. Para hindi kayo nagtataka, at may idea kayo kung ano ang mga huling pangyayari."

I took the doctor's hand and placed the comm-button on his palm before carefully closing his fist. "Take your time. . . Nais ko sanang magkaayos kayo ni Venge."

Matagal na nakatulala ang doktor habang nakatikom ang kamay roon sa butones. Kahit nang magpaalam na ako ay ganoon pa rin siya, malalim ang iniisip. I took one last glance before leaving his clinic.

Bigla akong may naisip at nagmadaling bumalik sa puwesto ng doktor. Naglabas ako ng notebook, isang kuwadernong hindi ko pa nagagamit, at tinupi ang pinakagitnang pahina nito.

"I know that talking might be too hard at first, so. . ." Sinulatan ko ng 'Vien' ang harap na pahina at sinulatan naman ng 'Venge' ang likod na pahina. "Here, Doc. Hindi ako magaling sa psychology, pero sabi nila ay mas nakakapaglabas daw tayo ng damdamin kapag sinusulat natin ito."

"Miss Fiorisce. . ." Muling bumalik ang ningning sa kaniyang mga mata nang ngitian ko siya bago iabot ang notebook.

"Isulat mo sa bungad ang mga gusto mong sabihin kay Venge, at sasabihan ko siyang isulat ang mga gusto niyang sabihin sa'yo mula sa likod ng notebook," I told him with a warm reassuring smile. "And when the two of you reach the middle, hopefully ay tuluyan niyo nang natanggap ang isa't isa."

Dr. Xalvien parted his lips in awe before finally smiling back.

"Thank you, Miss Fiorisce."

***

I WAS brushing my teeth on a Sunday morning when I heard a beep from my phone, I remember placing it on top of the medicine table. Inaantok na inabot ko ito, at talagang nagising ang diwa ko nang mabasa ang mensaheng nakabungad dito.

Dr. Xalvien loml 🥰:
Good morning, Miss. Hmm, you free later?

Talaga namang napadura ako bigla sa lababo! Tumutulo pa ang mga bula mula sa bibig ko habang kinukusot ko ang mga mata ko gamit ang braso. Totoo ba ito? Is the doctor asking me out?!

Tumunog ulit ang cellphone ko at nakita kong may kasunod na mensahe ang doktor.

Dr. Xalvien loml 🥰:
I'll be visiting a retirement home for the elderly, one of the places where I volunteered as a psychiatrist. Naisip kong magandang magawan mo ito ng report sa dyaryo mo, but only if you're free. Only if you want to, Miss Fiorisce.

Napanguso ako nang mabasa ang pangalawang message. Hindi ko tuloy matukoy kung niyayaya niya ba ako sa date o purely for business purposes lang ba.

Anyway, sino ba naman ako para tumanggi? Nag-reply na ako sa kaniya, pero siyempre hindi ko pinahalata na kinikilig ako.

Me:
Hmm okay, I think I'm free naman.

Pagkapindot ng send ay kinagat ko ang daliri ko para pigilan ang pagtili.

Yes, another day with the doctor! Napasayaw tuloy ako sa harap ng salamin ng banyo habang napapakanta't ginagawang mikropono ang toothbrush ko.

***

HUMINTO ang sasakyan ng doktor sa tapat ng Javiera's Home for the Elderly. Mukha itong malaking mansyon, na ayon kay Dr. Xalvien ay dinesenyo raw ito na parang bahay upang maging komportable ang mga matatanda at hindi isiping nasa ospital sila.

"Good morning, Dr. Xalvien!" malugod na pagbati ng babaeng receptionist pagpasok namin. Hindi nakakapagtaka na kilala na ang doktor dahil nabanggit niyang nagboboluntaryo rin siya rito.

"Good morning, Dr. Xalvien!" sunod naman ng mga nars na napadaan. Lahat sila ay mukhang kinikilig kapag nginingitian sila ng doktor. "Ang guwapo niyo po talaga forever, Doc!"

Naningkit ang mga mata ko't nagpanting ang aking tainga. Tila gusto kong manakit today.

I saw the doctor smirking a bit when I caught him looking at me. Suddenly, he placed his arm around my waist as he introduced me to the girls. "I'm with her."

Those words made me blush up to my ears. Hindi ko alam kung ano tuloy ang ibig niyang sabihin! Sa unang dinig ay parang sinasabi niyang kami na, pero kung iisiping maigi ay sinasabi niya lang naman na kasama niya ako. Hay, mind games talaga!

***

SINAMAHAN ko si Dr. Xalvien patungo sa isang silid. Habang naglalakad ay pinapakilala na sa'kin ng doktor ang aming bibisitahin. "Lolo Abelardo is already showing signs of dementia, hindi madali ang kalagayan niyang iyon. The nurses and doctors need lots of patience and understanding when taking care of him."

Hindi pa kami nakakapasok ay nakarinig na agad ako ng boses ng isang nagrereklamo. "Nasa'n na ang almusal ko? Nasa'n na ang sopas ko?! Gutom na 'ko!"

Pagsilip sa silid ay may nakita akong isang matandang lalaki sa kama, nasa bandang otsenta na ang edad, sa paligid niya ay mga nars na napapakamot. "Lolo Abelardo, kaka-almusal niyo lang ho. Naubos niyo na po ang sopas niyo," paliwanag ng isa sa kanila.

"Mga sinungaling! Ako pa ang ginagawa niyong sinungaling!" balik sa kanila ng matanda.

"Magandang umaga, Lolo Abelardo!" maligayang pagbati sa kaniya ni Dr. Xalvien sabay angat ng kamay upang kumaway. "May dala po akong bisita ngayong araw."

"Abel! Abel, Hijo!" natutuwang pagsigaw ng matanda sabay baba mula sa kama. Lumapit siya kay Dr. Xalvien at malugod na kinamayan ang doktor. "Sa wakas ay nakadalaw ka ulit! Ikaw lang ang kakampi ko rito, lahat sila ay inaaway ako!"

Nagtaka ako kung bakit 'Abel' ang tawag niya sa doktor, ngunit lalo akong nagtaka nang bigla rin niya 'kong tinawag.

"Sylvia! Ikaw pala ang kasama ni Abel!" Kinuha niya ang kamay ko't nagulat na kinamayan niya rin ako. "Kumusta, Hija? Nagtalik na ba kayo? Ilang beses na kayong nagtalik? May apo na ba ako?"

Namula ako sa mga diretsahang tanong ng matanda. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya, pero hindi ako si Sylvia! At hindi pa kami nagtatalik ni Doc!

Bumulong bigla sa'kin si Dr. Xalvien at hindi iyon nakatulong dahil lalo lang akong namula. "Abel ang pangalan ng anak ni Lolo Abelardo, at si Sylvia naman ang asawa ni Abel."

Kumindat siya sa'kin sabay sabing, "Pasensya ka na, Miss Fior. Hindi ko nabanggit kanina. . . Mukhang magiging mag-asawa tayo for today."

***

HABANG naroon kami sa retirement home ay inaalagaan namin si Lolo Abelardo. Kami ni Dr. Xalvien ang naglipat sa kaniya sa wheelchair at iginagala namin siya sa hardin na nakapuwesto paikot sa ospital. Nakakalakad naman ang lolo, ngunit madaling mapagod kaya mas mainam na sumakay na lamang.

"Abel, kailan mo ba balak pakasalan itong si Sylvia? Matagal na kayong nagsasama, pero wala pa sa papel!" mapangahas na banggit ni Lolo habang ginagala namin siya. Nagkatinginan tuloy kami ng doktor. "Sige ka, baka maunahan at masingitan ka pa ng iba!"

Bumaling sa'kin si Dr, Xalvien at nagsabing, "Hmm. . . What do you think, Love? Kailan mo gustong maging asawa ko?"

Mapanuksong ngumiti ang doktor sa dulo ng kaniyang pangungusap, tila ba natutuwa sa'ming pagpapanggap at inaasar ako para malaman ang aking isasagot.

My heart skipped a beat when he called me 'Love.' His voice was so endearing that it sounded true for a second.

"B-Bakit ako ang tinatanong mo, Love?" nauutal na pagganti ko sa kaniya na may namumulang mga tainga. "Eh, kailan mo ba balak mag-propose?"

Tumawa ang doktor, hindi ko na alam kung kasama pa ba iyon sa ginagawa naming pagpapanggap. "Bakit? Kapag ba nag-propose ako, will I get a yes from you?"

I pursed and bit my lower lip. "Why don't you try and see?"

Tila ako pinana ng kupido nang ngumiti ang doktor at napakagat-labi. He was so handsome that his simple lip bite with a smile made my heart panic. Lalo na't dahil alam kong natutuwa siya sa aming pasimpleng landian kaya siya napagano'n.

"Maybe I just might," he seductively said, making me melt right on the spot.

Our eyes never left each other while we were sweet-talking. Sa sobrang pagkawili ay nakalimutan ko nang may matanda pala sa gitna namin.

***

HINDI naging madali ang pag-aalaga kay Lolo Abelardo. Madalas itong sinusumpong, nagtatampo, at nagwawala na parang bata. Ngunit kahit kailan ay hindi napagod ang doktor, palagi pa ring nakangiti at umuunawa sa kaniyang kalagayan.

Habang pinapanood si Dr. Xalvien na tsine-check-up si Lolo ay napapatitig na lamang ako. Xalvien really is so kind. Para talaga siyang anghel sa lupa. Hindi na ako magtataka na nagugustuhan siya ng lahat ng mga taong nakakasama niya.

Nang maisip iyon ay bigla kong naalala ang sinabi ni Venge mula sa recording. "Who's the real bad guy here? Huh, Vien? Why don't you tell your pretty reporter what you did—"

Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi ni Attorney na iyon? Hindi ko ma-imagine na ang isang kasingbait ni Dr. Xalvien ay makakagawa ng masamang bagay.

"Miss Fiorisce?"

Napakurap ako nang mapansing nasa harap ko na pala ang doktor. Kanina niya pa pala ako tinatawag. "Y-Yes, Doc?"

"Kailangan ko lang kausapin ang chief physician para magbigay ng update sa findings ko kay Lolo Abelardo, ayos lang ba kung maiwan muna kitang magbantay sa kaniya?" pakiusap niya na aking tinanguan.

"Sure, Doc. Ako na muna ang bahala kay Lolo."

***

NAKATULOG pala ako sa upuan habang nagbabantay kay Lolo Abelardo. Paggising ko ay nakakunot ang noo niya sa akin.

"S-Sino ka?" kaniyang tanong.

"Ay, Lolo! Ako po si Fior—este, si Sylvia po."

Nagulat ako dahil natawa ang matanda. "Hindi ka si Sylvia! Kasi mas maganda ka sa kaniya. Bagong nars ka ba rito?"

Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Kalahating araw pa lamang kaming magkasama, ngunit nagkaroon na ako ng attachment kay Lolo Abelardo.

Nasaktan ako nang kaunti dahil hindi niya na ako makilala, ngunit naiintindihan ko namang dahil ito sa kaniyang kundisyon at katandaan.

"Pero kamukha mo si Sylvia, ang aking manugang." Tinuro niya ang isang painting na nakasabit sa kaniyang kuwarto. "Nakikita mo ba iyan? Siya si Sylvia. Ito ay larawang pininta ng nag-iisang anak ko na si Abel."

Isang lumang oil painting ng babaeng nakaupo sa silya ang nakasabit sa itaas ng dingding. Aba, medyo hawig ko nga siya.

Napangiti ang matanda, ngunit sinundan agad ito ng ilang pag-ubo. "Alam mo, paborito ko ang painting na iyan dahil tuwing pinagmamasdan ko ito, nararamdaman ko kung gaano kamahal ng anak ko ang kaniyang asawa."

"Mukha nga po," aking segunda. "Napakadetalyado po nito, halatang pininta mula sa puso."

Humina ang boses ni Lolo Abelardo habang nagkukuwento. "Ilang taon na rin akong hindi binibisita ng anak ko at ng asawa niya. . . Noong una ay nagtatampo pa ako, ngunit nang lumaon ay naintindihan ko naman. May bago na siyang pamilya. . ."

May malulungkot na matang nagpatuloy ang lolo.

"Kaya napakahalaga sa akin ng larawang ito, dahil ipinapaalala nito sa akin na kahit wala man ako sa tabi ng anak ko, alam kong kasama siya ng mga mahal niya sa buhay."

Kumirot ang puso ko sa mga salita ni Lolo Abelardo. Lalo na nang sabihin niyang 'kasama siya ng mga mahal niya sa buhay.' Tila ba hindi na niya isinasama ang kaniyang sarili sa bilang.

"Lolo, sigurado po akong isa rin kayo sa mga mahal sa buhay ni Abel!" aking saad na may namumugtong nang mga mata. "Kaya niya po kayo dinala rito, alam niyang maaalagaan kayo nang mabuti rito."

Nauubong tumawa ang matanda. "Alam mo ba? Dati ay binibisita niya ako tuwing kaarawan ko. Kaya naman tuwing ikaapat ng Hulyo ay nakaabang na agad ako sa mga pintuan ng ospital, hinihintay siyang dumating."

Lumabo na ang kaniyang mga mata dahil sa namumuong mga luha.

"Hanggang ngayon. . . palagi pa rin akong nakaabang taon-taon. Kahit napagod na ako sa kakatayo, kahit nakaupo na ako sa wheelchair. . . k-kahit walong taon na siyang hindi nagpaparamdam. . . palagi pa rin akong nag-aabang tuwing kaarawan ko, baka sakaling m-maalala niya ako."

Kumuha ako ng tissue para pahiran ang mga tumutulong luha ni Lolo Abelardo, ang ilan sa mga tissue ay ginagamit ko na rin dahil ako mismo ay naiiyak na.

"K-Kaya naman natutuwa ako kapag bumibisita si Doc, dahil naaalala ko sa kaniya ang anak ko. Sa kaniyang katauhan, para na rin akong binibisita ng anak ko."

"Lolo Abelardo. . ." Niyakap ko ang matanda habang humahagulgol siya sa balikat ko.

Akala ko noong una, laro-laro lang ang aming pagpapanggap ni Dr. Xalvien. Iyon pala, ginagawa iyon ng doktor upang tuparin ang kahilingan ni Lolo Abelardo. I can't fathom how much heart the doctor has put out in order to take care of these people.

No, Dr. Xalvien doesn't just take care of them—he deeply understands his patients and creates a meaningful connection with each and every one of them.

***

PAGLIPAS ng isang linggo ay pumunta kaming muli ni Dr. Xalvien sa retirement home upang bisitahin si Lolo Abelardo, ngunit parehas kaming nagulat sa sumalubong sa amin.

The old man was on his knees, throwing pillows on the nurses and wailing out loud.

"Sino'ng nagnakaw ng painting ko?! Sino? Sino? Sino sa inyo?!" namamaos niyang pagsigaw.

Pagtingin ko, nawawala na nga ang nakasabit na larawan sa kaniyang dingding. Napalitan na lamang ito ng isa na namang kakaibang marka.

Isang tatsulok sa ibabaw, at maliit na bilog sa ilalim.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro