CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


USING the tip of my ring finger, I smudged some tinted lip gloss across my bottom lip to complete my light makeup. Bilang journalist na palaging may biglaang interview, kailangan ay lagi kaming nakaayos at presentable tingnan.

I prefer to wear light makeup—a few strokes of mascara, a dab of lip gloss, and some quick traces on my brows. I tucked my curtain bangs behind my ears and loosened my bun.

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Marami naman na akong na-interview, pero ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba. Hinipan ko pataas ang ilang hibla ng bangs ko habang kinukumpas ang dalawang kamay para magpatanggal ng kaba.

Huwag mo kasing isipin na doctor at attorney siya. Isipin mo na normal lang siyang lalaki. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Pero walang normal sa kaniyang karisma't kaguwapuhan!

Hinawakan ko ang door knob at huminga muna nang malalim bago lumabas ng banyo. Narito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant upang kitain si Dr. Xalvien para sa unang araw ng aming interview.

Siya ang pumili rito, kaya naman nagtataka ako dahil may pagkaromantiko ang dating ng lugar na ito. Lahat ng mga nasa paligid ay tila nakikipag-date sa isa't isa. Rinig sa buong restaurant ang magandang pagtugtog ng biyolin.

Kinakabahan din ang aking bulsa dahil hindi ko alam kung afford ko ba ang mga pagkain dito. Bahala na, i-reimburse ko na lang.

Pagkarating sa sulok kung saan naka-reserve ang aming upuan ay nakita kong wala pa siya roon. Umupo na muna ako at nilagay sa kandungan ang aking bag. Napatingin ako sa relos at napansing labindalawang minuto na ang nakalipas mula sa usapan naming lunch time, ngunit wala pa rin siya.

I folded my arms on the table and tapped my fingers while waiting. Buti na lang ay may magandang musika ng biyolin para magpakalma sa'kin. Habang nakikinig ay napapapikit ako't napapakiling ng ulo.

Nilabas ko ang aking maliit na kuwaderno at sinulat doon ang aking unang negatibong obserbasyon sa doktor: Late dumarating sa usapan.

Tumigil ang pagtugtog ng musika at nagpalakpakan ang mga tao. Humarap ako sa gawi ng entablado para magbigay-pugay sa magaling na biyolinista—ngunit ang aking ngiti'y nabitin nang makitang ang doktor kong hinahanap ang siyang may hawak ng biyolin at yumuyuko sa mga panauhin.

"Thank you for letting me play," wika ni Xalvien sa isa sa mga manananghal doon bago naglakad papunta sa'king direksyon. Inayos niya ang kaniyang vest saka umupo sa tapat ko. "Narito ka na pala, Miss Fior. Kanina pa kita hinihintay. Late ka ng five minutes sa usapan."

Kinuha ko agad ang notebook at nilagyan ng ekis ang sinulat kong komento kanina. Ako pala 'yong late!

"K-Kanina ka pa? Teka, marunong kang tumugtog ng violin?" namamanghang tanong ko ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Yes, I own a Stradivarius at my villa," he said in his nonchalant voice. "Did you like my performance?"

Tumingin ako sa gilid at nagsabing, "S-Sakto lang."

Ngumiti na naman ang lalaki. Ewan ko ba kung nananadya siya o natural lang talagang nakakaakit ang kaniyang pagngiti. His silver eyes smile together with his seductive lips—and it was very enchanting.

"Looking to the side is an indication of lying," the doctor-attorney remarked. "So thank you, Miss Fiorisce. I'm glad you liked my performance."

Aba, mas marunong pa sa nagsalita? Bigla ko tuloy naalala ang kaniyang tinanong sa'kin kahapon.

"Doc, ibig sabihin ba ay tama ang sagot ko?" paalala ko sa kaniya. "Floor button nga ang unang pinipindot sa elevator?"

"Bakit? Napuyat ka ba sa kakaisip kung tama ka?" he said as he sipped on the cup of complimentary tea. Pasagot pa lang sana ako ay dinugtungan na niya agad. "No need to answer, I already know based on the faint circles under your eyes."

Nagtanong ka pa, alam mo na pala.

Napasandal tuloy ako sa upuan. Kinuha ko rin ang tsaa sa'king harapan at tinungga ito para takpan ang aking pagkabalisa.

"It's actually a trick question. Walang tama o maling sagot, gusto ko lang malaman ang sagot mo," paliwanag niya. "It's a psych question that reveals a person's type of personality based on their answer."

"A-And, what kind of personality do I have?"

Uminom ulit siya mula sa tasa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kada galaw niya. Mukha siyang prinsipe kung umupo at kumilos. Tila ba bawat gagawin niya ay kalkulado.

"Pressing the close button first means that you are most likely an anxious person, you do not want other people to join you inside. Having the doors closed gives you security. It's like a defense mechanism per se."

Naalala ko na ang sinagot ko ay floor button. "At kapag numero ng palapag ang pinindot?" I asked with a tiny bit of nervousness.

"It means that you are a decisive person. You rush ahead and pursue your goal right away." Naningkit ang mga mata niya na tila ba nangungusap sa'kin. "Am I right, Miss Fiorisce? Isa ka nga bang determinadong babae?"

Sa ilalim ng lamesa ay palihim akong pumapalakpak sa kaniyang galing. What the hell, that's not even on the internet! Did he just come up with that on his own? He's a fucking psych genius. I didn't know that the buttons we press can reveal something about us.

"Sus, tsamba," pabiro kong sabi habang binubuklat ang mga pahina ng menu. Inangat ko ito sa harap ng mukha ko para takpan ang aking pagngiti.

He chuckled softly at my reaction. "Order whatever you want, Miss Fiorisce. Sagot ko ang lunch natin."

"T-Talaga?" Namilog ang mga mata ko. "Ano ka ba! Interviewer dapat ang nanlilibre sa pagkain!"

Bumaba ang mga mata ko sa menu at napansin ang mga nakakalulang presyo roon. "P-Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Kung gusto mo talaga akong ilibre, hindi kita pipigilan," biglang bawi ko.

We ordered a pair of braised lamb shank, caprese salad with citrus vinaigrette, and prawn scotch eggs. Nagulat na lamang ako dahil may dumating din na tig-isang glass of wine.

Gago, para talaga kaming nasa date! Bawal kang kiligin, Fior. Nasa interview ka. Lunukin mo 'yong kilig!

Speaking of interview ay nagsimula na ako. "Why did you decide to become a psychiatrist?"

Napansin kong naging malalim ang kaniyang pagmumuni bago ako sagutin. "Because I wanted to help a close friend of mine who was suffering from a phobia."

"Ang sweet mo namang friend." Ako naman ay napanguso sa kaniyang sagot. May kaunting pagselos akong naramdaman kaya lumabas ito sa sunod kong tanong. "Lalaki ba siya, o... female friend?"

"Objection, relevance?" the attorney in him countered while smirking and raising a brow.

Pinalitan ko tuloy ang tanong ko. Marami-rami rin akong nalaman sa kaniya at sinasagot niya naman halos lahat ng binabato kong tanong. Minsan ay may mga iniiwasan talaga siya, lalo na kapag tungkol sa kaniyang nakaraan.

Dumating na sa wakas ang pagkain kaya nagpahinga muna kami at tumigil saglit sa interview. Puno pa ng ulam ang bibig ko nang bigla siyang nagsalita.

"Ikaw, bakit mo naisip maging reporter?" tanong ni Xalvien.

Aba, ako naman ang ini-interview ngayon.

"Gusto ko talagang maging journalist, bata pa lamang ako. It started because... I guess my main motivation is that I wanted to spread good news to people who felt like giving up—and I also want to expose bad guys."

"Bad guys like your boss?" sundot niya. Napansin ng doktor ang gulat sa'king mukha kaya agad siyang nagpaliwanag. "I just based his attitude on the way he talks on the phone. Also, I read the articles he wrote on your newspaper. Mapapansin mo ang ugali ng isang tao sa mga ginagamit niyang mga salita."

Hindi ako nakaimik. Yumuko na lamang ako't umismid. Alam ko namang hindi siya mabait na tao, kaya nga kita kaharap ngayon dahil gusto ka niyang siraan.

"Binasa ko rin pala ang mga sulat mo," salita niya na siyang nagpadilat sa'kin nang malaki. "I like your words and how you write. Diretsahan, hindi paligoy-ligoy, at matapang."

Medyo nahiya ako sa kaniyang sinabi kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Sunod-sunod ang pagsubo ko para lamang hindi makatakas ang ngiti sa'king bibig.

"Mga salita lang naman ang mga 'yan," pagkontra ko pagkainom ng buong baso ng tubig. "Wala namang nagagawa. Hindi pa nga binabasa ng marami. Diretso lang sila lagi sa mga showbiz, sports, o kaya sa komiks."

"Words are more powerful than you think, Miss Fiorisce." Nakangiting nilahad niya ang kaniyang kamay para ituro ang pagkain sa harapan ko. "I'll demonstrate it to you. Can you taste this salad with citrus dressing and tell me if you like it?"

Ginawa ko ang sinabi niya. Kinuha ko ang tinidor at sumubo. Habang nginunguya ay nasarapan naman ako. "Masarap! Gustong-gusto ko itong dressing niya na maasim, lasang kalamansi."

"Lasang dishwashing liquid," singit niya.

Bigla kong nalasahan ang sinabi niya at agad ko itong niluwa sa tissue. "Puweh!"

Tahimik na tumawa ang makisig na doktor. "See? That's the power of words. It can influence a person's mind more than what you think."

Napasimangot tuloy ako. Sayang, ang mahal pa naman no'n tapos niluwa ko lang. "Wala na, hindi ko na tuloy makakain 'yan! Hindi na tuloy maalis sa isip ko 'yong dishwashing liquid na sinabi mo."

"Huwag kang mag-alala. Kung talagang nanghihinayang ka, puwede naman kitang ipagluto ng mas masarap," tila nanunudyong hirit niya.

"You can be more powerful than you think, Miss Fiorisce. Ang pinakita ko sa'yo ay sample lamang sa isang tao. Isa kang journalist at maraming nagbabasa ng dyaryo. Imagine how many minds you can influence with your words."

Napakuyom ako ng palad sa ilalim ng lamesa. His words sounded so promising...yet why do I feel like I'm so powerless?

***

ANG SETUP ng interview namin ay sasamahan ko si Dr. Xalvien buong araw para mas makilala siya't maintindihan ang kaniyang trabaho. Kaya pagkatapos ng lunch ay sumakay kami sa kotse niya para pumunta sa isang kindergarten school.

Maliban sa mga pasyenteng bumibisita sa kaniyang mansyon, may mga pro bono o volunteer psych consultations din siya sa mga institusyong nangangailangan. Ang pupuntahan namin ngayon ay isang pambatang paaralan kung saan boluntaryo siyang nagbibigay ng serbisyo.

"Children need psychiatrists too," saad ni Xalvien habang naglalakad kami papasok sa paaralan. "But some parents don't want to spend money because they think kids don't suffer from mental illness. Kaya ako nagboluntaryo para tulungan ang mga bata."

Nilabas ko ang kuwaderno at sinulat ang kaniyang sinabi. Napansin kong puro positibo ang mga nakalagay na impormasyon doon tungkol kay Dr. Xalvien. Mukhang tama nga ang mga tao na isa siyang mabuting tao. Ngunit kailangan ko pa ring gawin ang aking trabaho.

"Doc Xalvien, buti na lang ay nakarating ka na. May problema kasi tayo ngayon..." malungkot na bungad ng isa sa mga guro roon. "May isang bully na estudyante, ngunit hindi namin matukoy kung sino ito. Walang nagsasalita sa mga bata."

I saw a sign of pain flashing in Xalvien's eyes for a quick moment. "Why? What did the bully do?" seryoso niyang tanong sa guro.

"Isa kasi sa mga estudyante namin ay pipi, Naleona ang pangalan ng bata. Dahil hindi siya nakakapagsalita, siya ang nagiging target ng pambu-bully," nanlulumo niyang pagbalita. "Palibhasa pipi, kaya alam nilang hindi makakapagsumbong."

"Don't worry, we'll catch the bad guy." Nakita kong nagkuyom ng kamao ang doktor. He then stretched his arm out and offered his hand to me.

Oh, he meant the two of us when he said 'we.'

Saka ko lamang naalala ang napag-usapan namin sa lunch kanina. Kung paanong gusto kong humuli ng masasamang tao gamit ang aking trabaho.

Dr. Xalvien smiled at me and said, "Will you join me in this case, Miss Fiorisce?"


***************************
DO NOT REPRODUCE THIS STORY.
Please report to @windiespatrol any illegal uploads, distributions, selling, and posting of this story. Do not support piracy.

This story should only be available on irshwndy's wattpad account and books published by Precious Pages/LIBOfficial.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro