#HL29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


#HL29

◇◆◇

VENGE


"GOOD morning, Attorney!"

The reporter grinned her teeth out like it's the cure for fucking cancer. I'm not complaining, though. But I just find it hard to stop myself from smiling back, I had to bite my knuckles.

"Good morning, miss reporter," I greeted and reached for the car door on the other side, opening it for her without leaving my seat. "Aren't you gonna use our code? What if I'm the doctor?"

"You're not the doctor." She confidently shrugged me off as she settled herself on the passenger's seat. "I'm sure. Kabisado na kita, eh."

"Wow, someone's acting too mayabang." Kusang tumaas ang sulok ng labi ko. Someone's acting too cute.

"Bakit naman sure ka na?" Hindi ko napigilan ang kamay ko na pisilin ang pisngi niya sa sobrang panggigigil. "Kakakilala mo pa lang sa'kin, ha?"

Gumanti siya sa'kin, pinisil naman ang pisngi ko pabalik. "Kakilala na kita noon, 'di ba? Duh! Pero fine, I'll play with you."

She removed her hand from my cheek and daintily placed her finger over my lips. "Hush, Attorney."

Napanganga na lang ako sa sinabi't ginawa niya. What the actual hot damn!?

Manhid ba talaga 'tong babaeng 'to?
Wala ba talaga siyang ideya sa ginagawa niya? O talagang sinusubukan niya lang ang hangganan ko?

"Hala, hindi ka sumagot!" Sarkastikong namilog ang mga mata niya ngunit halatang nagbibiro lang. "Doc, is that you?"

Hindi ko tuloy napigilang kurutin ulit ang pisngi niya. Ginagawa ko iyon para hindi niya mahalata ang pamumula ng mukha ko. "Louder. Happy? Tara na, saan ba tayo?"

"Basta sundan mo 'yong binigay kong pinned location," sagot niya sabay kabit ng seat belt.

Wala akong alam kung ano ang balak ni Reporter ngayong araw o kung saan kami pupunta. Niyaya niya lang ako bigla na lumabas.

Alam kong may mga bagay na kailangan kaming asikasuhin, tulad ng impormasyon sa nakaraan at kung bakit nawala ang kaniyang memorya, ngunit hindi na rin siguro masama kung paminsan ay may mga araw ring ganito kung kailan gusto lang naming gumala.

Sinilip ko ang phone na nakakabit sa tabi ng manibela't nakitang malapit na kami sa destinasyon.

Nagtaka ako nang makitang ang lugar na kaniyang nilagay sa pin ay isang park, ngunit lalo akong nagulat nang makita ang mga kaibigan niya sa The Street Sentinel na nakaupo sa isang picnic blanket doon sa may damuhan.

"H-Hey, why are they here?" I asked, panicking. Ililiko ko na sana ang sasakyan pabalik nang pigilan niya ako.

"Venge! Ano ka ba, gusto kitang ipakilala sa kanila!" kaniyang rason habang nakahawak sa kamay ko na mahigpit na nakahawak sa manibela.

"T-They don't know me, reporter." I sighed and shifted my body towards her. "They only know the doctor. Kaya lagi lang akong nag-aabang sa'yo sa labas ng opisina niyo."

"Iyon na nga, Venge. Kaya kita gustong ipakilala," pagpilit niya, mas kunot pa ang noo kaysa sa akin. "It's time that people get to know you, for them to acknowledge you, to know that you exist!"

"I. . ." Nawalan ako ng rason para tumanggi. Hindi ko rin alam kung bakit ba ayaw ko.

Siguro, masiyado lang kasi akong nasanay. Nasanay na tinatago. Nasanay na hindi kilala ng tao.

The reporter caressed my hair gently and tilted her head to show me a warm smile. "Don't be afraid, Venge. I'm here with you. Mababait din ang mga kaibigan ko at tiyak na maiintindihan nila. I want them to be friends with you, too."

I leaned the back of my head on the seat's head rest and blew out some air. Nakaparada na ang sasakyan ngunit nagdadalawang-isip pa rin ako kung lalabas ba 'ko.

"Venge. . ." I felt the reporter's soft hand over mine. "I trusted you. So please trust me too, okay?"

I did what she said and followed her towards the park. Nagulat ang mga kaibigan niya nang makita kaming magkasama.

"Doc Xalvien!" pagbati sa akin ng isa sa kanila. Napatigil ako nang marinig iyon.

I knew this was a bad idea.

"Renhur, hindi siya si Doc," biglang dugtong ng reporter na siyang ikinagulat ko. "He is the doctor's other identity, siya si Xalvenge. He's the attorney."

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Gusto ko na sanang umalis ngunit hinatak ako ng reporter pababa para maupo kami roon sa picnic blanket.

Napataas ang kilay ko nang makitang naglabas siya ng libro mula sa kaniyang bag. Base sa title, ito ay libro tungkol sa iba't ibang mental disorders.

"Hindi ako expert, pero. . ." Binuklat ng reporter ang pahina at pinakita sa kaniyang mga kaibigan ang tungkol sa dissociative identity disorder. "Alam niyo ba ang DID? Mga totoong identity sila sa iisang katawan. Attorney Venge and Doctor Xalvien are two identities in one body."

Tila gusto ko nang maglaho sa kinauupuan ko. Kanina pa 'ko siguro nakalayas sa lugar na 'to kung hindi lang nakahawak nang mahigpit ang reporter sa kamay ko. Her fingers are locked tightly between mine, not letting me go.

That was the only saving grace from this nightmare: her soft, warm, delicate hand, holding me as if she wants to keep me by her side. Holding me as if telling me I shouldn't be worried. I swallowed hard, and had to look far away to stop myself from blushing.

Literal na mahigpit ang kapit niya sa'kin.

Pagkatapos niyang ipaliwanag ang kundisyon namin ni Vien, namangha ako dahil hindi nanghusga ang mga kaibigan niya. Naintindihan nila ang sitwasyon at isa-isa silang nagpakilala.

"Venge! Ako si Maya, taga-research ng mga puwede naming maibalita," pakilala ng pinakamaliit at mahiyaing babae.

"Hi, Venge! Etsy nga pala." Nakipagkamay naman ang isa pang babae na may maiksing buhok. "Wow, ikaw pala ang abogadong laging nasa articles namin! Isa akong tagahanga!"

"Xalvenge, ako si Renhur. Huwag kang magselos sa'kin kasi hindi ko bet 'tong si Fiorisce," pabirong usal ng kaisa-isang lalaki sa grupo.

Hinampas naman agad ng reporter ang braso niya. "Baliw ka, Ren! Bakit naman magseselos 'yang si Venge, w-wala naman 'yang gusto sa'kin. . ."

"Ikaw yata ang baliw." Siningkitan siya ng mata ni Renhur, tila ba mas may nalalaman pa kaysa sa reporter.

Marami silang mga tinatanong tungkol sa'kin, madalas ay tungkol sa mga kasong hinawakan ko. Nagtatanong din sila tungkol sa ibang mga hilig ko. They asked about my hobbies and interests.

I thought they would judge me for my mental condition. I thought they would be asking me questions all about my disorder.

And yet. . . they were treating me just like any other person.

Napatingin ako sa reporter na siyang ngumiti naman sa akin. Ang ngiti niya ay tila ba nagsasabing, 'See? I told you. You can trust them.'

Hindi ko na napigilan ang aking ngiti pabalik.

Habang busy na nagkukuwentuhan ang tatlo niyang kaibigan ay sumimple ako ng bulong sa kaniyang tainga.

"You always. . . find a way to help me. Whether you have an amnesia or not," I whispered gently. I was so tempted to kiss her ear that's slowly turning red. "It's always you, no matter what you do."

Nang tumingala siya sa'kin ay nagulat kaming parehas sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Masaya akong nakilala ang mga kaibigan niya, pero ngayon ay hinihiling ko na sana ay kaming dalawa lang ang narito ngayon.

Dahil kung kaming dalawa lang ngayon, baka. . .

Baka nagkaroon ako ng lakas ng loob upang halikan ang nakaawang niyang mga labi.

***

"VENGE, puwede ba tayong dumaan sa office?"

Pauwi na kami ng reporter mula sa park. Mga apat na oras din kaming nag-picnic kasama ang mga kaibigan niya. Nang magdilim ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Alas-siyete na ng gabi at ihahatid ko na sana ang reporter pabalik sa kaniyang unit.

"Naiwan ko kasi 'yong importante kong notebook doon, eh. Hahanapin ko lang sana?" kaniyang pakiusap. "Mas okay maghanap ngayon kasi walang tao. Puwedeng magkalat."

"Alrighty." Umakbay ako sa upuan niya habang ang isang kamay ko ay nire-reverse ang kotse.

24/7 ang underground parking sa building nila kaya naiparada ko ang sasakyan. Tahimik ang buong lugar at walang masiyadong tao, gabi na rin kasi saka Sabado pa.

Pagkalabas mula sa kotse ay sinalubong kami ng nakakakabang kadiliman. Sa sobrang tahimik at dilim ay nagulat kaming parehas sa tunog ng pag-lock ng kotse.

Damn it, our little moment earlier during the picnic is giving us some tension right now. Hindi nakakatulong itong nakakabinging katahimikan sa building. Dinig na dinig tuloy ang bawat kaluskos ng mga paa namin.

"Ah!" Natapilok ang reporter dahil sa dilim, buti na lamang ay nasalo ko siya agad.

Kaso lamang. . . medyo napahigpit ang hawak ko't napisil ko ang kaniyang baywang. May kung anong kuryente tuloy na dumaan sa pagitan ng nagtamang init namin.

There was a dim light coming from the single ceiling bulb of the underground parking. It was flickering above us, reflecting over the reporter's pretty face. Gaano man kadilim ang lugar, hindi pa rin nito kayang itago ang kaniyang kagandahan.

The reporter has a tiny heart-shaped face that makes her look very fragile, like a doll. Her lashes are naturally long which extend in an upward curve, sitting perfectly above her auburn eyes.

Oh those auburn eyes.

Her curvy lips curled up due to the nervous tension between us, and seeing the small movements of those soft-looking lips took away my breath.

I was still holding her waist—and damn do I want to just pull her body and kiss her right here, right now.

But I don't want those auburn eyes to cry.

"V-Venge, tara?"

"Tara ano?" tanong ko, medyo paos pa nang kaunti. Umiling agad ako nang mapagtantong ang pag-akyat sa office nila ang kaniyang tinutukoy.

Nang sumakay kami sa loob ng elevator ay mas lalo pa itong nakabuo ng tensyon. Bawat alog ng aming sinasakyan ay nagdadala ng kabog sa dibdib ko.

Wala na raw tao sa kanilang opisina. . .

Pagpasok sa office ng The Street Sentinel ay nakahinga na kami nang maluwag dahil maliwanag na rin sa wakas. Nagsimula na siyang hanapin ang tinutukoy niyang kuwaderno habang nakapamulsang nag-iikot-ikot ako sa paligid.

I saw all the cute little post-its on her bulletin board. They're all drawings of her mood for that day, accompanied by encouraging words like kaya mo 'yan, kaunting push na lang, and you did a good job.

She really never changes no matter what, huh? Always cute and brave. Always attractive.

And what the fuck, Venge? Are you seriously falling in love over these simple post-its?!

"Venge!"

Nagulat ako nang bigla niya 'kong tawagin. Damn it, why is my heart extra sensitive tonight?

"Wala 'yong notebook! Paborito ko iyon, eh. Saka lagi ko talaga 'yong dala-dala," kaniyang sunod-sunod na usal. "Doon ko laging sinusulat ang notes ko. Ilang araw ko na 'yong hindi nakikita. . ."

Marahan kong hinaplos ang nakayuko niyang ulo. "Don't fuss, miss."

I said that, but I honestly find her fussing amusing. She's pretty even when she's petty.

"Here, I'll look for it with you, okay?" I suggested and started browsing the cabinets.

Truth is, I just kind of wanted to spend more time with her. I was just coming up with a reason so we could stay here longer.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay tila ba may mangyayari bukas. Pakiramdam ko ay baka ito na ang huling panahon na makakasama ko siya nang ganito.

Paano kung bukas ay bumalik na ang mga alaala niya? Paano kung bukas ay bumalik na ang nararamdaman niya para sa doktor? Just the thought alone made my heart ache.

But I can't be selfish. I can't only think of myself. After all, she's not mine.

After all, all of this is just borrowed time.

"Venge? Ayos na. Kahit huwag mo nang hanapin, siguro ay sa ibang lugar ko ito naiwan."

I purposely acted as if I didn't hear her words. I kept on opening the drawers to search for the notebook. But am I really looking for it? Or am I just looking for excuses to stay? I was delaying and it was becoming obvious.

Narinig ko ulit ang boses niya, mas malapit na siya sa'kin ngayon. "Ano ka ba, Venge? Imposibleng nariyan 'yan sa lamesa ni Renhur! Hahaha. Baliw ka!"

"Ha-ha. I'm crazy, right?" kibit-balikat kong palusot habang umiiling. Nakatalikod ako sa kaniya dahil ayaw kong ipakita ang nakakahiyang hitsura ko.

Please don't make this night end.
Please don't make this moment fall short.
Please don't take this away from me.

Just give me this one night.
Just this goddamn night.

"V-Venge? Umiiyak ka ba?" Her voice softened. "Is something wrong. . ."

Tumayo ako't nagpamulsa, ngunit nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Hindi ko siya kayang harapin.

"Me. I'm the something that's wrong," I said while chuckling away my desperate feelings. "I'm all kinds of wrong. My existence itself is wrong."

Biglang hinawakan ng reporter ang manggas ko at hinila ako para harapin siya. Hindi ko na naitago ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Kanina lang ay masaya tayo, ah?" nakasimangot niyang sabi. "Masiyado mong nililiit ang sarili mo! Ikaw mismo ang nagkakait ng kaligayahan mo! Here I am, trying to find ways so that more people can get to know you. Tapos ikaw—"

"Because I fucking love you!" I screamed my lungs out and gritted my teeth. "I love you helplessly, reporter. And you're making me fall more and more in love with you with every fucking thing you do, it's fucking crazy."

Nabitawan niya ang manggas ko sa sobrang gulat. Hindi siya nakapagsalita't naiwan lamang na nakanganga.

"You know what else is crazy?" I pointed to my brain and tapped my head furiously. "My fucking foolish self for being fucking selfish. I'm selfish for thinking that maybe I have a chance on you. I'm selfish for assuming that maybe this is an opportunity for you to love me this time. Gago, 'di ba? Tanga, 'di ba?"

She placed her hand over her chest. I can see the tiny little movements of her scared expression. Damn it, I'm a fucking monster for making her cry.

Imbes na lumayo sa'kin ay kinuha niya ang kamay ko't inipit ito sa pagitan ng kaniyang mga mala-kandilang daliri. "You're not. . . being selfish, Venge."

"I am, reporter!" pagtataas ko ng boses. "What if I tell you that I was tempted to keep you away from your memories, huh? Hindi ako santo, Fior!"

Sa sobrang galit ay hindi ko namalayang nabanggit ko na pala ang pangalan niya.

"P-Paminsan ay naiisip ko rin ang mga makasariling bagay na iyon. . . Natutukso rin akong ipagkait sa'yo ang katotohanan." I took her hand and placed it over my aching chest. "Dahil s-sabi mo sa akin noon. . ."

Dahan-dahan ay inalala ko ang mga salitang nanggaling mismo sa bibig niya noon. Ang mga salitang mariin niyang ibinaon sa puso ko.

'Venge. . . mabait ka. Matalino rin. Siguro. . . kung nauna kitang nakilala, baka nagustuhan kita. But I met the doctor first—and I already fell in love with him before I even met you.'

Ang mga salitang pinanghawakan ko kung sakaling maisipan ng tadhana na mag-alburuto't bumalik sa umpisa. Akala ko ay para akong tangang umaasa sa imposibleng mangyari noon.

But here we are, what I thought was impossible happened before my eyes. The universe did fuck up to give me another chance.

Biruin mo nga naman, hindi lang pala mapagbiro ang tadhana—gago rin pala ito.

"A-Ano ang sinabi ko sa'yo noon?" her innocent voice asked. Her doe eyes blinking in confusion.

My lips struggled to form a weak smile as I patted her head. "Forget it. It's the doctor you like, reporter. Before you had amnesia, you told me that you have already fallen in love with him."

"But I don't. . . love him now," she said with a bit of hesitation.

"Ang doktor ang gusto mo, Fiorisce!" Bumigat ang dibdib ko't mariing ipinilit sa kaniya ang katotohanan. "Gusto kita, putangina, mahal na mahal kita! Pero ayokong ipagdamot sa'yo ang nararamdaman mo! Si Vien ang gusto mo. . . Si Vien ang dapat mong gustuhin. . ."

It pained me how shocked her pretty face looks like now. I wanted to touch her, but I don't have any right. Yumuko ako't muntikan nang sumuko nang bigla kong narinig ang sumisigaw niyang boses.

"Puwes, huwag mo ring ipagdamot ang nararamdaman ko ngayon!" She grabbed my neck tie and pulled me towards her, my face just a strand apart from her quivering lips. "Because you're the one my heart is screaming for right now. You're the one that gives me a reason to smile like crazy during work. The one that I stay up for hours thinking about at night. That one is you, Venge!"

Hindi makapaniwala ang buong katawan ko nang maramdaman ang malalambot niyang labi na lumapat sa nakaawang kong bibig.

"I love you helplessly too, Attorney. . ."

***

The final arc begins.
Less than ten chapters remaining.

(Pero sobrang dami pang mangyayari! Tulad ng KKP, nasa mga huling pahina pa ang mga pinakaimportanteng rebelasyon.)

#HL29 #HLHuLingYugto

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro