#HL31 Part 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

#HL31 Part 2


◇◆◇

VENGE


ISANG LARAWAN na nakaipit sa kamay ko ang sumalubong sa aking pagdilat. Nagtataka ako kung bakit may hawak akong gano'n. Nilapit ko ito sa mukha ko para matitigan nang maigi. Namukhaan ko ang binatang Vien na kasama ang mga kaibigan niyang professor at engineer.

Sa gitna nila, may isang maliit na babaeng nakakapit maigi kay Vien. Napataas ang kilay ko. This little girl looks familiar. Where have I seen her? Hmm. . .

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang maalala ko kung sino ito.

It's the little girl from my memory!

Nagmadali agad ako papunta sa likod na parte ko ng mansyon. Tinungo ko ang mga nagkalat na canvas sa kuwarto kung saan nakapinta ang iba't ibang abstract paintings ko noon. Tinapat ko ang larawan sa ibabaw ng isa sa mga ito. Unti-unti, nabibigyan ng linaw ang malabong larawan na nakapinta sa canvas.

No fucking way. It really is her!

Hinatak ko agad ang isa sa mga stool doon at umupo sa tapat ng isang canvas. Hinubad ko ang jacket ng aking suit at niluwagan lalo ang necktie ko. Kumuha ako ng palette at paintbrush para ipinta ang alaala kong dahan-dahang lumilinaw.

I painted the little girl wearing a lavender flower crown from my memories, gathering a bouquet of flowers from the vast field of purple lavenders. Her pretty face was so calming to look at, the curls of her lashes are emphasized in her warm, comforting smile.





May kaunting pintura pa ako sa mukha, ngunit natagpuan ko ang sarili kong naiiyak sa tuwa.

Finally, I found you. . .

Ngunit bakit kasama mo ang mga Vouganville?

Napatingin ako bigla sa comm-button na nakakabit sa suot kong polo. There was a subtle blinking light under its rim, something that only the person wearing it can see. It means that a message was left there.

Did Vien leave a message? That would be fucking weird. He never kept touch with me ever since the reporter lost her memory.

Not like he really reached out to me before. Although, I'm not one to talk.

Ilang taon na kaming nakatira sa ilalim ng iisang bubong, pero iilang beses pa lamang kaming nag-iwan ng mensahe para sa isa't isa.

I twisted the edge of the comm-button to play the recording.

"Hello, Venge. It's me, Vien. . ."

Hinanda ko ang aking sarili sa maririnig ko. This must be important, if Vien made an effort to communicate.

"The girl in the photo is Fleur Vouganville, she lived with us in the mansion fourteen years ago," salaysay ng boses ng doktor mula sa device. "And Fleur. . . is Miss Fiorisce."

Nang sabihin niya iyon ay nahulog ko bigla ang hawak kong paint brush sa sahig. Bumaba agad ang aking paningin sa larawang nakaipit pa rin sa kamay ko.

The little girl beside Vien looks sad and scared. I blinked my eyes twice and rubbed them three times just to make sure. Holy fuck, si Fiorisce nga ito!

"What the hell's happening, Vien?!" sigaw ko kahit alam kong hindi niya 'ko maririnig.

Nagpatuloy ang pagsalaysay ng kaniyang boses mula sa device. "Go to the professor. I already told him to explain everything to you."

"Ako, pupunta ulit doon sa Villa Vouganville na 'yon? No fucking way!" reklamo ko na may mataas na boses.

"Venge, Miss Fiorisce's notebook is inside my drawer. She wrote there all the things that she wants to happen," patuloy ng boses ng doktor. "And all those were about us, Venge! Wala siyang ibang hiling kung 'di ang magkasundo tayo. Siya na lang lagi ang gumagawa ng paraan para sa'tin. Oras na para tayo naman ang tumupad sa gusto niya!"

I gulped and I straightened my posture. Vien is right, I know that it's what the reporter wants, ang magkaayos na kaming dalawa ni Vien.

If it comes to the reporter, I always have no choice. What she wants is always my priority.

"Alright. If it's for the reporter, then I'll go."

***

I DROVE fast and reached the Professor's villa within thirty minutes. Kahit hindi ko gusto ang lugar na ito, nakapamulsang hinarap ko ang malaking pintuan.

Pagka-doorbell, ang asawa ng propesor ang sumalubong sa akin.

"Venge!" agad niyang sigaw na halos maiyak-iyak. "K-Kumusta na si Fior? Miss na miss ko na siya!"

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Hindi ba't malapit kayo sa isa't isa?"

Yumuko si Fifteen at napakapit sa dulo ng kaniyang damit. "Fiorisce. . . hasn't met us yet in her current memory. She doesn't know we exist, at least not yet. . ."

Nakaramdam ako ng lungkot mula sa kaniyang mga nanlulumong mata. I was able to relate to what she said somehow.

Hinawakan ko ang balikat niya para magbahagi ng mabuting balita.

"Don't worry, the reporter's doing fine," aking pag-ulat. "She's energetic as usual. Maganda, sexy, Fiorisce na Fiorisce."

Namilog ang mga mata ni Fifteen sa kaniyang narinig. "N-Nasasabi mo na rin sa wakas ang pangalan niya?"

Hindi ko rin alam kung paano o kung bakit. Pero hindi na sumasakit ang ulo ko tuwing sinusubukan kong banggitin ang pangalan ni Fiorisce.

Napakamot na lamang ang daliri ko sa 'king pisngi. "Yeah. . . and her name is as beautiful as her."

Pagpunta ko sa sala, nakita kong nagkakape ang propesor na nakadekwatro sa kaniyang sofa. Umupo ako sa tapat niya at nakapamulsang dumekwatro rin sa kaniyang harapan.

I remember our last argument that happened in this very room, and it didn't have a particularly nice ending.

"You finally came to your senses, huh?" kaniyang maangas na pagkakasabi. "Took you long enough."

Tsk. I knew that I shouldn't have come here. I really hate every Vouganville's gut.

Wait. . . Vouganville din pala si Fleur.

Bigla kong naalala ang aking pinunta rito. "Why the hell is the reporter doing in a photo with the three of you?! Nakatira siya rito noon?"

"Venge. Do you know that you're that one crucial puzzle piece that has been missing for a very long time? Dahil ayaw mong makisama, hindi natin magawang mahanap ang kinaroroonan ng asylum," nakakapagtakang sabi ng propesor.

"What the fuck are you talking about and what the fuck does that have to do with Fiorisce?!"

Napabuntonghininga si Xildius. "It has everything to do with your reporter, Xalvenge!"

Hindi agad ako nakasagot. Ang alam ko lang ay magkasalubong lamang ang mga kilay ko mula kanina. Gulong-gulo na ako't walang maintindihan.

"You see, when I adopted Xalvien into this house. . . he wasn't alone," kalmadong pahayag ni Xildius. "He was with a little girl, a little girl who clings to him like he's her personal teddy bear, when they came into this mansion with nowhere to go."

Sa gilid namin ay nakahawak lamang sa may pintuan si Fifteen, nakikinig sa malayo. Ang kanilang anak ay mahimbing sigurong natutulog sa kuwarto, o 'di kaya'y wala sa bahay ngayon.

"They both didn't have names back then, but they have code names that they use to call each other," pagpapatuloy ng propesor. "Something that has to do with numbers. He called her Four, and she called him Ven. The two of them were really inseperable."

Nagtagis ang aking panga. The two of them are inseperable? Then where do I come in?

I can't keep on relying on my pride anymore. I placed my forehead on top of my clasped hands. "Professor, please. . . Tell me, what do you know about me? B-Bakit hindi ako kilala ni Vien? Bakit. . . Bakit walang nakakakilala sa akin?"

"That's what we would like to know as well," usal ng propesor. "I've talked to Vien countless of times, but he really can't remember any of the past that you said in your recording. But actually, Vien's memory isn't that reliable either. Nagpakabaliw kasi ang gago."

Lumunok ako't tumingin sa kaniya. "What do I have to do so we can solve everything?"

May ngising gumuhit sa bibig ni Xildius. Sumandal siya sa sofa't nagsabing, "You just have to trust a Vouganville."

The professor explained the process of hypnotherapy, what will happen, and that I have the right to stop it at any given time that I feel uncomfortable to continue.

"The method will put you into a heightened state of awareness, a trance. It allows yourself to access memories that are deeply hidden within your subconscious," paliwanag ng propesor. "Some of those memories might be painful, so you have every right to decline."

Humiga ako roon sa pahabang sofa at maiging tumitig sa kisame. I have always placed barriers around myself, not permitting anyone to enter. But if this is the only way for me to remember everything, if this would help give me answers, then I would rather break these tightly-built walls.

I nodded with a pair of serious eyes. "Do it."

"Close your eyes, and focus on my voice. Now, I want you to think of the earliest memory that you could remember," the professor's voice instructed. "Tell me, what do you see?"

Pumikit ako't nagpadala sa mabagal na boses ng propesor. Dahan-dahan kong nararamdaman na gumagaan ang aking pakiramdam. I was in a state of half-dreaming and half-conscious.

"I. . . am playing with a little girl in a field of lavenders. The girl looks like Fleur. It's her," I answered with closed eyes as past memories started to play in my head.

***

Slowly, the blurred images from the past started to get clearer. I found myself in a field of purple and green.

In front of me is the small face of a smiling little girl wearing a lavender flower crown.

"Ven-ven! Salamat sa gawa mong crown!" pahayag ng batang babae na sa tingin ko ay si Fleur. "Dahil dito, mukha na akong maganda!"

Sa sobrang likot ng babae ay nasira ang korona sa kaniyang ulo. Kinuha ko ito at inayos muli.

Why am I using my right hand when twisting the stems? I. . . I have always been left-handed.

"Ito na, huwag ka kasing masiyadong malikot," sabi ko habang isinusuot muli ang korona sa kaniya. "Saka, kahit naman wala kang suot na ganito ay maganda ka na, Four."

What's this? I have a different manner of talking as well! My voice sounded. . . calmer.

It sounded more like Vien's voice than mine.

Nakarinig kami ng malakas na tunog ng siren. Iyon ang naging hudyat para matakot kaming muli.

"V-Ven. . . natatakot ako. A-Ayoko nang bumalik ulit sa loob. . ." naiiyak na usal ng batang babae. Yumakap siya sa'kin nang mahigpit.

"Four, h-huwag kang mag-alala. Makakatakas din tayo sa tamang pagkakataon," tugon ko habang pinapakalma siya. "May plano ako. Kaya huwag ka nang umiyak."

Pagbalik namin sa loob ng ospital ay pinasuot na kami ng mga puting damit. Nilagyan ng name tag si Four kung saan nakasulat ang mga letra't numerong 47R7C. Ako rin ay nilagyan ng name tag kung saan ang nakasulat naman ay 7A.

Mula sa malayo ay narinig kong nag-uusap ang dalawang doktor. Balak daw nilang lumipat sa bagong lugar dahil marami na raw ang nakakaamoy na may mga kababalaghang nagaganap sa asylum na ito.

Pagpasok ko sa madilim na kuwartong mukhang presinto, kumuha ako ng papel at lapis. Doon ay nagsimula akong magsulat.

Huh? Even when writing, my memories show that I'm using my right hand. . . What's going on?

"Venge, ano'ng tingin mo rito?" sabi ng batang ako sa'king sarili. "Ito ang balak kong gawing pangalan ni Four kapag nakatakas na tayo sa asylum na 'to. Sa tingin mo, alin sa dalawang ito ang mas maganda't mas bagay sa kaniya?"

The names 'Fleur' and 'Fiorisce' were both written on the notebook.

"Hindi ako makapili! Pero iisa lang ang ibig sabihin nilang dalawa. Fleur is French for flower. Fiorisce is Italian for bloom. Parehas bagay sa kaniya, 'di ba? Ganoon kasi ang hitsura niya tuwing nasa hardin tayo. She looks like a beautiful blooming flower. And she deserves to bloom even more," I explained to myself while gushing.

Napatingin ako sa maliit na salamin na naroon sa kuwarto. Doon ay nakita ko ang repleksyon ng batang lalaking may maamong mukha.

That's when it hit me. The young boy I am seeing right now isn't me.

It's Vien.

Ang sunod kong naalala ay ang mga panahong umiiyak ang batang si Ven sa loob ng madilim na kuwartong iyon. "V-Venge. . . natatakot ako. Pagod na pagod na ang katawan ko. Pasong-paso na ang utak ko. . . Ayoko na rito. Diring-diri na ako sa s-sarili ko. . ."

Ah, so these are the times that I clearly remember. Vien's endless cries. I hear them so often that they sounded like crying wind chimes, calling for me. Calling for my help.

It's the sound that I know so well. The sound of the scared little Vien.

Pagkatapos ng ilang mga araw ay nakipagkitang muli si Ven kay Four. Gumawa sila ng malaking sunog upang mag-panic ang mga doktor at nurse sa asylum. Habang nagkakagulo ay nagawa nilang makatakas sa mala-impyernong lugar na iyon.

Tumira ang dalawang bata sa kalsada nang ilang linggo. Natutulog sa malamig na sahig at nanlilimos ng pagkain.

"F-Four, pasensya ka na, ha? W-Wala tayong matirahan. . ."

Nakangiting umiling ang batang babae. "Ano ka ba, Ven! Heaven na 'to para sa'kin! Malayo tayo mula sa masasamang kamay ng mga doktor. Itong maruming sahig, itong pagtira sa tabi ng kalsada? Langit ito kumpara roon!"

"F-Four. . ."

"Siguro, nami-miss ko lang ang paborito nating hardin. I miss the pretty lavenders there. . ." kaniyang pagmumuni.

Mula sa bulsa ng butas-butas niyang jacket ay naglabas si Ven ng isang pirasong lavender. "Nakakuha ako bago tayo tumakas. Pasensya ka na kung isang piraso lang, ha?"

Nagliwanag ang mga mata ni Fleur at napayakap siya kay Ven sa sobrang tuwa. "Salamat, Ven-ven!"

Dahil matalino si Ven ay nagawa niyang mag-aral sa pamamagitan ng paghihiram ng mga libro mula sa pampublikong silid-aklatan. Kumukuha lamang siya ng liwanag mula sa mga tabing restaurant upang siya ay makapagbasa.

Nalaman niya ang tungkol sa batang si Xildius Vouganville na humahawak ng mga iba't ibang misteryosong kaso.

"Four. . . buong buhay natin ay lumaki na tayo sa loob ng asylum na iyon. Hindi natin nalaman kung sino ang mga tunay nating magulang. Gusto mo bang malaman kung sino sila?" tanong ni Ven sa batang babae.

Dahil doon ay napadpad sila sa Villa Vouganville.

Nalaman ng henyong binatang nagngangalang Xildius na ang mga magulang ni Four at mga magulang ni Ven ay dati ring mga pasyente sa asylum na iyon. Parehas hindi kinaya ang pang-aabuso't namatay sa sobrang depresyon.

Dahil wala nang ibang mapuntahan, nagpasya si Xildius na ampunin silang parehas kasama ang isa pang binata na magaling sa pagmemekaniko.

Binigyan ni Xildius ang mga ito ng mga bagong pangalan, at doon nagsimula ang pagtawag nila sa isa't isa na Xalvien at Fleur Vouganville. Ang isa pang batang henyo ay pinangalanan namang Xantiel.

Nang makakuha ng sariling kuwarto, nagsimula ulit magsulat sa isang notebook ang binatang si Xalvien na ngayon.

"Venge, may bago na kaming pangalan! Ikaw rin, kailangan din kitang bigyan ng bagong pangalan. Hmmm. . ." Kausap niyang muli ang sarili. "Kung ako ay si Xalvien, puwes, Xalvenge na rin dapat ang pangalan mo!" Gabi-gabi ay lagi akong kinakausap ni Vien.

I remember these. I knew that we were inseparable back then.

Sa dami ng mga alaalang pinakita sa akin, kahit kailan ay hindi ko nakita ang aking sarili na gumagamit sa katawan namin ni Vien.

D-Did I really. . . not exist?

The next memory was too painful for me to witness. Vien drowned himself in different toxic potions so he could find a cure for Fleur's severe depression.

He placed the names of the other Vouganvilles and descriptions about them so he could remember them whenever he wakes up with an amnesia.

But sadly, he forgot to write about me.

Hindi ko naman siya masisisi.

I am not. . . an actual living person like the rest of them.

I am not someone who is worthy enough to be remembered, or worthy enough to take note of.

After all, I didn't really exist.

I just existed inside Vien's mind.

I thought that would be the last image that my past has to offer, but something took me by surprise. The next scene was inside the hospital room, where Fleur—who is now named as Fiorisce—is staying.

Inangat ko ang aking kanang kamay at nagulat dahil sa wakas ay nagalaw ko na iyon. Ganoon din ang ginawa ko sa kaliwa. I closed my fists just to open them again, examining my movements.

I looked into the hospital mirror, and the image that I saw shocked me to the core.

It's me, Venge. Standing there. Living. Existing. Able to move around in the doctor's body. The right side of my hair is brushed up, and my top buttons were loose. It's definitely me that I am seeing right now.

Nasaksihan ko ang mga ginawa ni Vien para kay Fleur, para kay Fiorisce. I know that there was little to no chance of saving the little girl who wanted to end her life, but I felt very conflicted about erasing her memories.

Somehow, I wanted her to still remember a piece of the past. Gusto kong malaman niya na hindi lang ito puro sakit at paghihirap. Naroon din ang mga masasayang alaala kung saan ay naglalaro kami sa hardin at pinalilibutan ng mga kulay lilang bulaklak.

I took a marker and wrote the code, 47R7C on her arm.

Mahanap niya man ang kahulugan nito o hindi, hahayaan ko na lamang ang tadhanang magdesisyon kung ano ang makakabuti para sa kaniya.

***

"NOW, you may open your eyes."

Pagdilat ko ay natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa sofa. Sa tapat ko ay nakaupo ang propesor na si Xildius. I am back at the present, and the hypnotherapy has ended.

Basa ang gilid ng sofa dahil kanina pa pala ako lumuluha habang inaalala ang nakaraan.

Sinalaysay ko kay Xildius ang lahat ng aking mga nakita. Nag-abot ng papel si Fifteen at doon ay may ginuhit na chart ang propesor.

"This is my theory, Venge. Xalvien is already suffering from dissociation when he was still in the asylum. You already existed back then, but only as a Fragment."

I've read about what a Fragment is. I did some research about my condition while Vien and I were growing up. A fragment is a kind of alter that was not able to fully develop into an actual identity.

"But because of Xalvien's various repetitive amnesias, his condition worsened. His mind dissociated further and it resulted to you having an actual identity. Perhaps, his conflicted mindset of wanting to erase or save Fleur's memories manifested into being," patuloy ni Xildius. "The doctor was still a young teenager back then. Kahit katorse na ay bata pa rin siyang puno ng balisa't pag-aalala."

Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Everything is still taking some time to sink in.

"May DID na si Doc noong nasa asylum pa siya, kaya nakikita mo ang mga alaala niya. You were co-conscious as a Fragment back then, Venge. That's why the memories you saw, and the memories you remember, were Xalvien's memories," the professor stated as he continued explaining by drawing charts and graphs. "But like what I said, the countless self-experiments of the doctor caused his mind to further dissociate. Xalvien's memories, along with your memories, were both affected. You both remember some things, but forgot a great deal as well."

Kaya pala magkaiba kami ng mga naaalala't nalalaman.

"Xalvien remembers Fleur, and the trauma from the past," pahayag ng propesor. "While you forgot them both, but remembered Xalvien so well."




"Dahil sa dissociation, naghati ang mga memorya niyo ng nakaraan. Magkahiwalay kayo ng mga naaalala at hindi. That's why you are the missing puzzle piece, Venge." Professor Xildius explained his chart. "And now that you both remember everything now, we need to know the new location of the asylum—"

"Professor!"

Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Vien. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil hindi ito mula sa comm-button.

Vien is speaking in his actual voice, using our mouth, while I am still conscious and fronting.

"Professor, hayaan mo munang magpahinga si Venge. Siguradong napagod siya!" sigaw ni Vien gamit ang kaniyang boses. "U-Uuwi na muna kami. . . Maraming salamat sa iyong tulong."

Habang nagmamaneho ng sasakyan, pakiramdam ko ay katabi ko si Vien. Nararamdaman ko ang kaniyang presensya. It's a whole new experience that I couldn't properly describe.

It's like we're both steering the wheel.

For the first time ever, we are both co-conscious. We are both in front—controlling our body at the same time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro