#HL32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


#HL32

This is a special interactive chapter! If you see the play symbol: in the chapter below, it means you should open the comments section on that line and follow the simple instructions. Thank you! :)

***

DING-DONG!

I was reading the instructions on the side of a cardboard box on how to microwave some instant mac 'n cheese when I heard the sound of the doorbell. Nakasuot lamang ako ng manipis na puting spaghetti strap at maiksing gym shorts dahil tatambay lang naman sana ako sa bahay ngayong araw.

Para hindi nakakahiya, kinuha ko na lamang ang navy blue trench jacket ko at sinuot ito bago pagbuksan ng pintuan ang aking hindi inaasahang bisita.

Napanganga ako nang makita si Xalvenge na parang kinakabahan doon sa doorsteps, panay tapik ng paa sa sahig at panay kagat sa kaniyang mapulang labi.

"Venge?" Umarko ang aking kilay kasabay ng pagsandal ko sa gilid ng pinto. "What does an attorney want with me on an early Sunday morning? Mayroon ba 'kong kaso?"

"Fiorisce, listen. . ." panimula niya nang may seryosong pares ng mga mata. Lumabi muna siya bago magsalita. "There's someone who wants to talk to you."

I blinked my eyes, confused at why he's acting weird. When I tilted my head to think, that's when I realized who he was referring to.

Xalvenge brushed the right side of his hair downwards, and placed his fingers on the loose buttons of his suit, closing them one by one, up to the collar. I saw his Adam's apple going up and down, as if he was preparing his voice. His left hand held the length of his necktie as he pushed the knot upwards using his right hand, adjusting it to a tight fix. He then tilted his head from side to side, like he's stretching his neck. And when he finally opened his eyes, I knew he wasn't the attorney anymore.

He's the doctor. The mysterious and elusive Dr. Xalvien Vouganville.

"D-Doc?" I stammered. It was only the second time that I met him in my current memory, yet why did my heart race automatically upon meeting his lustrous silver eyes?

"Good morning, Miss Fiorisce," pagbati ng kaniyang mapupulang labi na gumuhit ng malambing na ngiti. Ang kaniyang boses ay parang mga anghel na humuhuni, malumanay ngunit nakakaakit. "Can I take you out for a date?"

Nang mapansing hindi ako makasagot agad ay sinundan niya ito. "Don't worry, I have the attorney's permission."

***

DAHIL biglaan ang kaniyang pag-anyaya, mabilis na lamang akong nagsuot ng pantalon na pinalit ko sa pambahay na shorts. Ang pang-ibabaw ko pa rin ay ang puting spaghetti strap na pinatungan ng pahabang trench jacket. Kaya naman nang dalhin ako ng doktor sa isang mamahaling restaurant ay tila ako binuhusan ng isang baldeng kahihiyan. I wasn't prepared!

"T-Teka, puwede bang umuwi ulit ako para magbihis ng mas maayos?" pakiusap ko sa doktor habang napapakamot sa leeg. "Nakakahiya ang hitsura ko!"

The tall doctor inserted his hands in the pockets of his pants and leaned forward towards me, his sharp nose almost touching the tip of my nose. He looked at my eyes, to my lips, then back to my eyes again.

"Hindi nakakahiya ang ganda mo, Miss Fiorisce," he said with lips that play between a smile and a smirk.

W-What the hell?! Mas malandi pa pala 'tong si Vien kaysa kay Venge! Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko dahil pinalambot niya nang husto ang mga tuhod ko.

Sa loob ay sinalubong kami ng magandang tugtugin ng biyolin, kakaiba sa pakiramdam dahil parang naranasan ko na ito noon. Uupo na sana ako sa isang bakanteng silya nang bigla kong naramdaman ang nakakapasong kamay ni Doc sa aking likuran.

It's not that his hand was scorching, but the mere contact of his skin on my lower back was enough to startle my bones. Napa-react tuloy ako bigla. "Huwag diyan—"

"Huwag diyan," sabay naming sabi kaya parehas kaming nagulat. Ang tinutukoy ko ay ang kaniyang paghawak, pero iba yata ang kaniyang ibig sabihin.

His eyes curved along with his lips into an inviting smile. "Miss Fior, doon tayo sa second floor. I reserved a specific table for us."

Ano ang binabalak ng doktor? At bakit kasabwat niya rito si Venge?

Mamimili pa lang sana ako sa menu pero nagulat ako nag banggitin ni Dr. Xalvien na may naka-ready na ring order para sa amin. Maya-maya lamang ay nagdatingan na ang mga makukulay na pagkain na isa-isang nilalapag sa aming mesa.

The waiter mentioned the dishes one by one, "Ma'am, Sir, here's your pair of braised lamb shank, caprese salad with citrus vinaigrette, and—"

"P-Prawn scotch eggs. . ." pagtuloy ko sa sasabihin ng waiter. Nakapakong maigi ang mga mata ko sa mga pagkain, tila ba hindi ito ang unang beses na makita ko ang mga iyon.

Pagtingala ko sa nag-serve sa 'min ng pagkain ay namukhaan ko rin siya. Inagaw ng mabagal na tunog ng biyolin ang aking atensyon, pati ang musikang umaalingawngaw sa buong restaurant ay pamilyar.

I held my fork over the salad. "Hindi ko pa ito natitikman, pero bakit parang alam ko nang lasa itong dishwashing liquid?" Mahina lamang ang bulong ko pero napansin pala ito ng doktor dahil narinig ko ang kaniyang marahang pagtawa.

"Sorry, Miss Fiorisce," he said while shaking his head, his hand on his temple, trying to hide his chuckle. "I didn't know that what I said back then would affect you that much."

Slowly, my eyes roamed around the place. The location of our table, the guests chattering on their seats, everything is giving me a strange sense of deja vu.

I pursed my lips and gulped. "N-Nanggaling na tayo rito dati, ano?"

Seryoso ang kaniyang pagtango. "Yes, this is where we had our first interview. I. . . purposely reserved the same table, asked for the same waiter, and requested for the same music."

"Wine. May darating na wine. . ." mahina kong bulong. Paglingon ko ay nakita kong paparating nga ang waiter na may dalang bote ng red wine at dalawang pares ng wine glass.

Hindi nawala ang kunot sa 'king noo, ganoon din ang ngiti ng doktor na halatang medyo naaaliw sa 'king bawat reaksyon.

I licked my lip and asked with a dry throat. "What happened after this?"

He held the edge of his suit and took something from his inside pocket. What he handed to me was a familiar yellow notebook that triggered goosebumps in my body.

Binuksan ko iyon at nakilala agad ang aking sariling sulat-kamay. Nabasa ko roon ang mga panahon na naglalarawan ng mga nawawala kong alaala.

Sa bawat paglipat ko ng pahina, may patak ng luha galing sa 'king mga mata na nag-iiwan ng marka sa papel. Humahalo ito sa itim na tintang nag-uulat ng aking mga nakaraang karanasan. Para bang kinakausap ako ng aking sarili habang binabasa ang mga kuwentong nakasulat sa kuwadernong iyon.

"N-Naleona. . . L-Lolo Abelardo. . ." I whispered their names within sobs as I read about their stories. Slowly, I started remembering how they look like, how they sound, how they cry when in pain, and how they smile while saying thanks.

Naging malamlam ang mga mata ng doktor nang makita akong umiiyak. "They're waiting for you, Miss Fiorisce."

Pagkatapos sa restaurant ay dinala ako ni Dr. Xalvien sa isang paaralang pambata. Nang makita pa lamang ang bungad ng eskuwelahan ay nakaramdam na agad ako ng magkahalong pait at saya sa dibdib. Pagkababa ng sasakyan ay kusang naglakad ang aking mga nanghihinang binti papunta sa unang silid-aralan.

Ang maamong mukha ng isang batang babaeng nakaabang sa pintuan ang humudyat upang mamuo ang mga luha ko. "M-Miss. . . Fior?" mabagal at hirap niyang bigkas nang mapansin ako.

"N-Naleona!" I immediately rushed towards the little girl to give her a hug. "I missed you so much! I missed you so much, baby."

"I-I missed. . . y-you too, M-Miss. . . Fior." Halata sa kaniyang boses na hindi pa rin siya sanay magsalita.

Hugging her felt so warm and comforting. There's a weird mix of loneliness and happiness overflowing inside my heart. When I looked up, I saw that Dr. Xalvien was biting his lip hard as he tried to hold back his tears.

I spent an hour playing with Naleona, I listened as she tells me wonderful stories about her new parents.

As I spent time with the little girl, I noticed that the doctor is always standing far away from us. Napansin kong lalo pa siyang naging tahimik at halos hindi rin makatingin sa akin.

He drove me next to a home for the elderly. Nang makaparada ang kotse ay dali-dali akong lumabas at tumakbo papunta sa loob.

"Lolo Abelardo!" sigaw ko habang tumatakbo patungo sa naaalala kong lokasyon ng dating pinupuntahang silid. Nang makapasok doon ay bumungad sa akin ang payat na payat at nanghihinang katawan ng matanda. "L-Lolo?"

"Sylvia. . ." halos hangin na lamang sa hina ang kaniyang pag-usal. "Ikaw ba 'yan?"

Magkakaibang tubo ang nakapasok sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Lolo Abelardo. Malalim na rin ang kaniyang mga pisngi, at halos hindi na mabuksan ang kaniyang mga mata.

"L-Lolo. . ." Tinakpan kong maigi ang aking bibig habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Sylvia. . . Sa wakas, bumisita ka na. . ." Dinig ang paos sa kaniyang paghinga. "Ilang taon din kitang hinintay, mahal ko."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang magaspang at nangangayayat na kamay. "O-Opo, narito na po ako. Hindi niyo na po kailangang maghintay."

"S-Si Abel? Kasama mo ba?" Napalingon kami kay Dr. Xalvien na nakayuko't nakasandal sa gilid ng pintuan. "Abel, halika. . ."

Dahan-dahang naglakad palapit ang doktor. Ang mga mata niya ay pulang-pula na at namumugto. Tumabi siya sa 'kin at hinawakan ang isa pang kamay ni Lolo Abelardo. "'Lo. . ."

"N-Napakasaya ko. . . sa wakas, nakikita ko na ulit kayo na magkasama. . ." pasinghap niyang banggit. "Sa wakas ay natupad din ang aking matagal nang hinihintay. . ."

Parehas kaming panay iyak at singhap ni Xalvien habang pinapakinggan ang mga mahihinang usal ni Lolo Abelardo.

"Mga anak. . . mahalin niyo nang mabuti ang isa't isa, kahit masakit, kahit may kasamang pait. . ." isa-isa niyang pagbikas, bawat salita ay mabagal at mahina. "Ang pagmamahal pa rin ang pinakamasarap at pinakamasayang bagay sa mundo. Ingatan niyo itong maigi habang nabubuhay pa kayo, habang magkasama pa kayo. . ."

"L-Lolo Abelardo. . ." I cried through trembling lips.

Narinig ko ang tahimik na pagtatangis ni Xalvien habang nakadikit sa kaniyang noo ang kamay ni Lolo Abelardo na mariin niyang hawak. Nagngangalit ang kaniyang mga ngipin, para bang may kasamang inis ang lungkot na nararamdaman ng doktor. Inis na may bahid ng panghihinayang at konsensya.

Pumikit na muli si Lolo Abelardo at sinabihan kami ng mga doktor doon na kailangan na muling magpahinga ng matanda. Nagpasalamat kami sa kanila, at nagpasalamat din sila pabalik dahil sa aming pagbisita.

Habang naglalakad patungo sa parking ay naramdaman ko ang bumibigat na pagyabag ng mga paa ni Dr. Xalvien. Pagkarating sa kotse ay mahigpit niyang kinuyom ang kaniyang palad at sinuntok nang malakas ang pintuan ng sasakyan.

"Tsk!" he scorned through gritted teeth.

"Doc?"

Pagpasok namin sa loob ng sasakyan ay sinubsob niya ang kaniyang noo sa manibela. "M-Miss Fiorisce, kung bibigyan ka ng tiyansang makalimutan ang lahat ng mga pait sa mundo, kukunin mo ba ang pagkakataong 'yon? Will you grab the chance of forgetting all the painful memories so you can continue living happily?"

"Hmmm. . ." Ngumuso ako't pinag-isipan nang maigi ang kaniyang tanong. "I think. . . I'll pass."

Dr. Xalvien clenched his teeth as guilt-ridden tears rolled down his cheeks, running across the outline of his jaw, until they finally fall from the tip of his chin.

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi para punasan ang mga luha niyang walang tigil sa pagdaloy. Ngumiti ako sa kaniya upang ipaliwanag ang aking sagot.

"Sa tingin ko, kahit mapapait o masasakit man ang mga alaalang iyon, kailangan ko pa rin ang mga iyon upang maging buo. Upang maging ako. Pain is part of life, and overcoming that pain is an important part of growth. Kaya rin ako naging reporter, kahit masasakit man ang mga balita sa dyaryo, gusto ko pa rin itong ipaalam sa taong-bayan. Upang matuto, upang magbago, upang bumangon muli."

Ang nanginginig niyang kamay ay nakarating sa gilid ng aking mukha. Sumuklay ang kaniyang mga daliri sa pagitan ng mga hibla ng nakalugay kong buhok. He then slid down his fingers, caressing my hair, until his warm hand settled on my left cheek, cupping my small face.

"Dahil sa matinding takot sa maaaring mangyari, hindi ko namalayang napagkaitan kita ng mga mahahalagang damdamin. . ." mabagal niyang pag-usal. "Sorry sa pag-agaw sa 'yo ng karapatan mong maging malungkot. . . sa karapatan mong makaramdam ng sakit, sa karapatan mong magalit."

Sa kaniyang taos-pusong pag-amin ay unti-unti kong naalala ang nangyari sa basement ng kaniyang mansyon, kung saan nahimatay ako sa pag-amoy ng kakaibang pabango at bumangon nang walang maalala sa mga nangyari.

"You can hurt me, Miss Fior. Get mad at me, get very mad. Slap me. Yell at me. Scratch my face, I don't care." Mariin niyang kinagat ang ilalim na labi't naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa matinding damdamin. "Hurt me. Hate me. That's what I deserve."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi. Pumikit ako't ninamnam nang maigi ang kaniyang mga salita. Pagdilat ko ay ngumiti ako para ipaalam sa kaniya ang gusto kong sabihin.

"Hmm. . . hinanap ko ang galit sa puso ko. . . Pero wala, eh. Wala akong nararamdamang galit o inis." Marahan kong pinisil ang kaniyang kamay. "Bago pa man bumalik ang mga alaala ko ay binasa ko ang mga artikulong isinulat ko noon tungkol sa 'yo. I always write what my heart believes, and after reading my articles about you. . . I know that you are a good person. Kaya alam kong ginawa mo iyon nang may mabuting dahilan. What you deserve is forgiveness, Doc. Forgiveness from your own heart."

Sa aking pagngiti ay may luhang gumuhit sa 'king pisngi. "Masiyado na tayong nasaktan at napagod. . . hindi na natin kailangang dagdagan pa ang sakit sa mga puso natin. So please, Dr. Xalvien, what I want is for you to forgive yourself."

"Miss Fiorisce. . ." Humagod ang kaniyang lalagukan kasabay ng paglunok. "There's still one more place that I want to take you to."

***

THE ROAD was long and winding, so the doctor was kind enough to bring some snacks during the trip. Lumubog na ang araw at lumitaw na ang bilog na buwan. Sa haba ng biyahe ay tila dalawang beses yata akong nakatulog.

Ang gumising na lamang sa akin ay ang mahalimuyak at mabangong simoy ng mga bulaklak. Huminto ang kotse sa tapat ng isang malawak na hardin.

And the moment I stepped on the grass, what welcomed me was a painting-like scenery that graced my wonder-stricken eyes.

Rows and rows of bright purples and subtle hints of greens fill the vast floral fields. Tiny blossoms of blue-violet flowers pointing upwards swayed along with the wind, as if they're waving hello upon our arrival.

"Fiorisce Lavandula. . ." Sumingit bigla ang malambing na boses ni Xalvien mula sa aking likuran. "Blooming lavenders. That's what your name means, Miss Fior."

Paglingon ko kay Doc ay may dala-dala siyang bag na nakasabit sa kaniyang likuran. He smiled at me gently, while my mouth was agape in amazement the whole time. "Pretty. . ." he voiced out softly while looking at me.

Tumalikod ako't napatingin sa magandang hardin na nasa likuran ko kanina. "Ah, yes. Super pretty!"

Nilahad ni Dr. Xalvien ang kaniyang kamay paharap at bahagyang yumuko, tila ba nagyayaya ng sayaw. Inabot ko ang kaniyang kamay at nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa loob ng kulay lilang hardin.

"D-Doc!"

Tumatakbo kami nang mabilis sa pagitan ng mga hilera ng bulaklak. Kahit gabi na, ang ilaw mula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa buong hardin.

Noong una ay nag-aalala ako sa bilis ng aming pagtakbo, pero unti-unti itong napalitan ng namumuong ligaya mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang gusto kong sumigaw sa saya, gusto kong tumawa nang malakas, at gusto kong sumayaw sa tuwa.

We stopped at the middle of the lavender fields, right beneath the huge glowing moon. Dr. Xalvien grabbed the bag from his shoulder and took out an intricately beautiful Stradivarius violin.

He placed the violin over his shoulder and held its neck with his left hand. He picked up the bow which he settled on top of the strings.

Slowly, his smile faded into a mellow expression, his long lashes very prominent when he closed his eyes. His long fingers curled around the violin's neck and positioned themselves as he pulled the bow over the strings.

The melody started at a low note, slowly picking up my heart as it starts picking up its pace.

It felt as if the doctor was plucking and playing with my own heartstrings instead of the violin. Each note lifting the heaviness off my chest, one by one, piece by piece.

My toes started to get lighter, and before I knew it, my head was floating along with the notes.

The wind blew gently, carrying lavender petals into the air, swirling around the doctor like tiny purple confettis.

The moon illuminated Dr. Xalvien's perfect silhouette, highlighting his elegant movements and enchanting expression.

I found myself humming along to the tune, as if my own voice know the melody by heart. "Hmm-hmm. . . hmm-hmm. . ."

I swung my arm upwards in a graceful manner and twirled my whole body around, my long trench coat swaying along the air as I waltzed and danced mindlessly on the grass.

Images of my young self dancing and frolicking in this very same lavender fields flashed across my mind. I was around seven years old, and was humming the exact melody with my tiny little voice.

The image of the young Vien joined along, holding my little hands as our small bodies danced between the purple rows of flowers. "Ven-ven!" tuwang-tuwang hiyaw ng batang ako habang sinasayaw ng batang Xalvien.

Habang nakangiting inaalala ang nakaraan ay saglit na kumunot ang aking noo, dumaan din bigla sa aking isipan ang mga pang-aabusong tiniis ko sa loob ng ospital sa murang edad.

I shook away the bad thoughts as I immersed my ears instead to the beautiful melody produced by the doctor's violin.

Sa sobrang pagkaaliw ay hindi ko namalayang ilang beses na pala akong umiikot, nawalan ako ng balanse at muntikan nang mabuwal. Buti na lamang ay nasalo ng braso ni Doc ang aking likuran.

My childishness took over as I grabbed the doctor's necktie, pulling him downwards. Petals bounced in the air as both our bodies fell on the soft flower bed. "I missed you, Ven-ven!"

Dr. Xalvien traced the length of my nose with his finger. "I missed you too, Four. . . Fleur. . . Miss Fiorisce."

Napansin namin kung gaano kalapit ang aming mga mukha. Bigla kaming nahiya't humiga na lamang sa damuhan para pagmasdan ang puting buwan sa itim na langit.

"That song was beautiful," aking pagpuri sa kaniyang tinugtog kanina.

"That song was made for you," nakangiti niyang tugon. "Every time we play here in the lavender fields when we were young, you would always hum this certain melody. Hanggang sa pagtanda ay hindi ko iyon nalimutan. I turned it into a song that I could play using my violin."

"Ganda."

"I agree. Ganda. . ." pabulong na sinambit ni Vien habang nakatitig sa akin. Hindi ko sigurado kung ang kanta pa rin ba ang kaniyang tinutukoy. "Miss Fiorisce, now that you know the truth. . ."

Inangat niya ang aming katawan at parehas kaming naupo sa pagitan ng mga bulaklak. Hinawakan niya ang kamay ko't nilagay ito sa kaniyang malambot na pisngi.

"I thought I was protecting you, but it was selfish of me to think that you deserve only happiness. I was a coward for thinking that you might try to take your life again. . ." Suminghap siya nang malakas habang nanginginig ang mga labing nagsabing, "I forgot that you're no longer the little girl from before, you have grown into a strong woman with a stronger heart."

"And I became a strong woman thanks to you," sagot ng aking mangiyak-ngiyak na boses. "Thank you, Vien. Amidst all the heartaches, the headaches, the confusion, and every bit of misunderstanding. . . I-I'm still thankful for everything you did to me. For protecting me, for taking care of me. And for. . ."

He knew what I was about to say, my blushing cheeks gave it away. He lifted up my chin and softly caressed it with his thumb. "And for?" ulit niya nang may ngisi sa mga labi. "Are you wondering if I love you, Miss Fior?"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gusto kong marinig. Sariwa pa sa akin ang bagong nararamdaman ko para kay Venge, ngunit nang bumalik ang mga alaala ko ay muli kong naramdaman kung gaano ko kamahal na mahal si Vien noon.

"Just in case you're wondering, just in case it isn't obvious, and just in case my words are needed to assure your heart. . ."

Xalvien plucked a lavender flower from a nearby bush and tied it around my finger like a ring. "I do. I love you, Miss Fiorisce. From the strands of your hair down to the toes of your feet, I love every bit of you. I can shout my lungs out to tell the whole world that I love you, and if you prefer it be, I can also love you quietly—in tiny whispers and sweet nothings."

Nang hindi binibitawan ang kamay ko, nilapat niya ang kaniyang noo sa 'king noo at sabay kaming pumikit. "Miss Fiorisce Lavandula. . . mahal na mahal kita."

"Vien. . ."

Nalasahan ko ang alat mula sa luha kong kusang pumatak dahil sa aking mariing pagpikit. Kasunod nito ay ang matamis na halik mula sa mga labi ni Vien. Nagulat ako't napasinghap, ngunit hindi siya tinulak palayo ng mga kamay ko. A surge of loneliness and longing took over my heart as I let my lips taste his soft, gentle, and careful kiss.

"You're crying, Miss Fiorisce."

"I. . . I think I need more time to process my feelings," kagat-labi kong pakiusap. "Mahalaga kayong dalawa ni Venge para sa akin. P-Pero kailangan ko munang pag-isipang maigi ang aking nararamdaman."

"We understand." He patted my head and lightly ruffled my hair. "Huwag mo na muna kaming problemahin. We can wait for your answer. What we need now is a smile from you."

Ngumiti ako nang sobrang laki, kita ang lahat ng ngipin, at halos hindi na maaninag ang mga mata.

The doctor laughed at my silliness before helping me get up from the ground. "By the way, we still have one more stop."

"Huh?"

***

"FIORISCE!" bungad ng humahagulgol na Fifteen, tumatakbo papunta sa akin nang makarating kami sa Villa Vouganville. "Na-miss kita nang sobra-sobra! Walang araw ang lumipas na hindi ako nag-aalala sa 'yo!"

"Fifteen!" Mahigpit na yakap ang aking sinalubong sa kaniya. May maliit na batang lumitaw mula sa kaniyang likuran at nakilala ko agad ito. "Ikaw rin, batang mumu! I missed you so much, Baby Vougan!"

Magkausap nang matagal sina Xalvien at Xildius. Sumunod kami ni Fifteen sa kanila, at nang lumingon sa akin ang propesor ay agad niyang dinaganan ng palad ang aking ulo. "You did a good job, our gamechanger grapefruit."

Napanguso ako't naluluhang tumango. "Thank you, Professor!"

Maya-maya lamang ay nakarinig kami ng pagdating ng kotse. May matangkad na lalaking dire-diretsong pumasok sa loob ng villa at nagmamadali para yakapin ako. "Baby Fleur! Naaalala mo na ba 'ko? Si Kuya Xanti mo?"

Nilayo agad siya ni Xalvien mula sa 'kin. "Puwedeng mag-usap nang walang kasamang pagyakap."

Nagtipon kami sa sala, naghanda si Fifteen ng mga grilled cheese sandwich na makakain ng kanilang mga biglaang bisita.

"Are we all present to discuss our plan?" tanong ni Xildius.

"Wait, Professor."

Nagkumpas ng kamay si Xalvien. Gamit ang kaniyang mga daliri ay sinuklay niya pataas ang kanang bahagi ng kaniyang buhok. He loosened his neck tie and rolled his shoulders backwards.

"Now, we're all present," bigkas niya sabay dilat ng mga mata.

Lahat kami roon ay napatingin sa kaniya, manghang-mangha habang pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Hello, Vouganvilles." The next voice that we heard from his mouth wasn't from the doctor anymore—it was the attorney.

"Venge is here."




*****
Hush Louder is now a published book!

Enjoy special chapters and bonus content when you buy the book version, published under LIB and Precious Pages. Available at National Book Store, Fully Booked, and Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro